Chapter 25

1481 Words
[Victoria's POV] “Vicky are you dead serious?!” nakapameywang na tanong ni Allison. Niyaya ko kasi silang mag lunch sa cafeteria. Which is so nakakapagtaka dahil never pa talaga kaming kumain at nakisalamuha sa mga lower class na estudyante. “Para maiba naman iyong view Allison.” Sagot ko sa kanya. Mukhang hindi naman ito naniwala at tinitigan lang ako ng husto. Tapos she rolled her eyes na para bang disappointed ng husto sa mga sinabi ko. “Oh! My! Gosh! Ikaw pa ba iyan Victoria? Sure ka talaga na gusto mong dun tayo maglunch sa cafeteria?!” nakataas kilay na tanong ni Beatrice. Hayst, nasagot ko na iyong tanong kanina diba! “Yes!” naiiritang sagot ko kay Bea. “Naiisip ko pa lang na makakasalamuha ko iyong mga low class students na iyon ay parang hindi ko na kayang lunukin iyong food!” maarteng sabi ni Samantha. Napangiwi na lang ako at napatingin sa kabilang direksyon. Teka, did my action portray na parang kinampihan ko iyong mga lower class? Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papuntang cafeteria. At sympre lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa’min. Ikaw ba naman makakita ng mga anghel na bumaba mula sa langit...mga anghel na may sungay at buntot! XD “Nauntog ba ang ulo mo? O ginayuma ka talaga ng lalaking iyon?!” napahinto ako sa tanong ni Beatrice. Huminto rin iyong tatlo at naka cross arms na napatingin sa’kin. With matching taas kilay pa ang mga bruha. “Don’t tell me may gusto ka na sa kanya?!” tanong ni Allison. “Kilabutan nga kayo sa mga pinagsasabi niyo!” hindi ko naman talaga siya gusto! Eeew!!! “Eh sa hindi ko makuha ang point kung bakit dun tayo kakain sa cafeteria eh may sarili naman tayong tambayan!” medyo galit na sabi ni Samantha. Naku, bakit ko pa kasi sinama ang tatlong ‘to. Hmmm, sinabi ni Gustavo na kailangan kong umalis sa kontrabida club pero hindi ko naman kayang iwan ang tatlo kong naging kakampi simula ng mawala si Tristan. We’re bitchy sisters, right? “Sawa na’ko! Sawa nakong parating kumakain dun.” Hay, bakit ba ang hirap pakiusapan ng tatlong ‘to! Inirapan ko sila at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Sumunod naman iyong tatlo. Hahaha alam ko namang hindi ako kayang tiisin ng mga kontrabidang ito. Tsk! Kinakabahan ako. Tama ba ‘tong ginagawa ko? Napahamak na’ko dati diba? Oh, let me correct it. May napahamak na’kong tao dati dahil umapak ako sa lupa at nakipag kaibigan sa isang ordinaryong nilalang. And for a second time around....baba na naman ako. Am I doing the right thing? Oh baka ikapahamak naman ito ni Gustavo? Pero kaya ko ba siyang biguin? He said na hihintayin niya ako sa cafeteria. Wala naman sigurong masamang mangyayari diba? Mag-asawa naman kami sa paningin nila...siya ang dakilang karma ko diba? “Vicky?” kumaway kaway si Samantha sa harapan ko. Dun ko lang din napansin na nasa harap na pala kami ng cafeteria. Lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa’min. Ano pa bang bago? Mababakas ang matinding takot sa mga mata nila...Isa lang naman ang rason...kapag bumababa kasi ang mga upper class na gaya namin tiyak may mapapahamak sa kanila. Mapapahamak dahil sa pang bu-bully namin. Pero kakain lang naman kami diba? Oa rin ‘tong mga pangit na’to! “Ipapa-exclusive ko ang cafeteria for us!” sabi ni Allison. “No! Hayaan mo lang sila.” Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko. “What did you just say?!” “I said...hayaan mo lang silang kumain. Makikisabay tayo sa kanila.” “AAaaahhhhh!!!” she rolled her eyes heavenly. Tapos nauna ng naglakad papasok sa loob ng cafeteria. Napapailing na sumunod naman sina Beatrice at Allison. Narinig ko namang nagbulungan ang mga estudyanteng nakarinig sa mga sinabi ko. Tsk! Mga bubuyog nga naman! Pumasok narin ako sa loob ng cafeteria. Awtumatikong napatayo ang lahat ng mga estudyanteng andun at binati kami. “Good morning po!” magkasabay na bati nila. Ganito kami patunguhan ng mga lower class. Napabuntong hininga na lang ako. Para silang mga basang sisiw na takot na takot sa’min. Isang babaeng lampayatot na may dala dalang tray ang palabas sana ng cafeteria. Hinarangan ko siya at napansin kong nanginginig siya sa takot. Nakayuko lang ito. “Sorry po.” Paumanhin nito kahit wala naman siyang ginawang hindi ko gusto. “Stay.” Sabi ko sa kanya. Iniangat nito ang kanyang paningin at nagulat sa mga sinabi ko. Nilampasan ko na siya. Alam kong naiirita na sina Samantha, Allison at Beatrice sa mga inaasal ko. “She’s being cursed by that ugly guy!” narinig kong sabi ni Beatrice. Nag-order na kami ng makakain at naupo sa isang bakanteng mesa. Lahat ng mga andun ay palihim na sumusulyap sa’min. Hinayaan ko lang din sila. Pero ang tatlong maldita ay pinagtatapunan sila ng matalim na mga tingin. “Masarap sana ang pagkain kaso puro pangit naman iyong mga nakkita ko! Makakain kaya ako?” pinaglalaruan ni Samantha gamit ang kanyang pagkain gamit ang tinidor. “This is disgusting!” reklamo ni Allison. “Vicky! Sino ba ang hinahanap mo? Bakit humahaba ata iyang leeg mo?” tanong ni Beatrice. “Ha? Wala ah!” sagot ko sabay kunwari focus dun sa kinakain ko.. Asan na ba iyong pangit na iyon! Sabi niya hihintayin niya ako sa cafeteria pero hindi ko nakikita kahit ang anino niya! Humanda talaga sa’kin ang lalaking iyon! “Look who’s here.” Sabi ni Samantha. Napalingon ako sa aking likuran at halos malaglag na ang eyeballs ko sa aking nakita. Si Gustavo at may kasama itong anim na MIB. Isa sa mga ito ay may hawak na gitara. Wait! Pakshet! Don’t tell me na dito niya sasabihin iyong tatlong kanta? Ai, mali! Hindi niya sasabihin kundi kakantahin niya! Napahawak na lang ako sa aking noo. Shet! Bobo rin ‘tong isang ito. Balak niya talaga akong ipahiya sa lahat ng mga andito?! Pumuwesto ito sa harapan namin. Manghang mangha ang mga estudyanteng andun. Kumindat naman ito sa’kin. Grrrr. Parang gusto ko siyang sugurin tapos sakalin. Tumalikod ako sa kanya at nasalubong ko ang masasamang tingin ng tatlong bruha. “So this is the reason why we’re here.” Naka smirked na sabi ni Beatrice. “Wala akong alam!” sabi ko sa kanila. “Ituloy lang natin ang pagkain.” Mukhang hindi naman naniwala iyong tatlo. Damn! Humanda ka talaga sa’kin kapag nakauwi na tayo sa bahay Gustavo! Ilang sandali lang ay narinig ko na ang pagtunog ng gitara. Shetmemeng! Kinabahan ako sa mga susunod na eksena..........lalo na nung marinig ko ang boses ni Gustavo............muntik ko ng maduwal ang kinakain ko dahil sa pangit nitong boses. Pangit na nga ang mukha, pangit pa ang boses! Pathetic! Napalingon ako sa kanya. Ngumiti naman ito. Ambisyosong palaka! Kung maka smile akala mo kung gwapo ang mukha! Idagdag mo pa ang boses na pang professional singer sa banyo! Sabay na kanta nung anim na MIB. Natawa naman ako...ang lalaki kasi ng mga katawan..hahhahaha Hindi bagay! ulit na naman nung mga MIB. Hahahahaha!!! At dinamay pa niya sa kanyang kalokohan ang mga bodyguards ni Zander Lockwood! Kinindatan na naman ako ulit ni Gustavo at mukhang natutuwa ito dahil tumitingin ako sa kanya. Tsk! Natawa naman ako at napailing na lang. Nakakatawa talaga ‘tong mga MIB na wala rin sa tono ang pagkanta. At ang lalakas pa ng mga boses! Hahahaha! “Victoria!” narinig ko ang galit na boses ni Allison. Napalingon ako sa kanya. “Huh?” tanong ko sa kanya habang panay ang sulyap sa grupo nina Gustavo na kumakanta. “Kinikilig ka ba?!” seryosong tanong ni Samantha. Makikita mo sa mukha nito ang labis na pandidiri. “Ha? Hindi ah!” “Then patunayan mong hindi ito ang pinunta natin dito!” iniabot sakin ni Beatrice ang isang basong tubig. Tumayo ako at lumapit sa grupo ng mga kumakanta. Bakit parang napipilitan ako sa gagawin ko?! Damn! He’s smiling and looking at me...nako-konsyensya ata ako? Nginitian ko si Gustavo ng makalapit na’ko sabay buhos nung tubig sa ulo niya. Mahinang kanta nun dahil nagulat ang mga ito sa ginawa ko. Nahinto ang kanta at natahimik ang cafeteria. “Let’s go Victoria!” sabi ni Beatrice. Nakatayo na pala sila sa may likuran ko. Paalis na sana ako ng hawakan ako ni Gustavo ang kanang kamay ko. “Failed or not?” Napa smirked ako. “Failed.” Sabi ko sabay bawi ng kamay ko. Nalaglag ang balikat nito sa mga sinabi ko. Dumiretso na’ko sa paglalakad. And I smiled. “Oh my gosh!” narinig kong sabi ni Samantha nakita pala nito ang pag ngiti ko. “Victoria you know the rules!” paalala sa’kin ni Allison. Yea, I freakin know the rules. Pero mag-asawa naman kami diba? So, baka exempted ako sa bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD