Chapter 26

1719 Words
[Victoria’s POV] Pabalik na sana kami sa tambayan ng may tumawag sa’kin. “Miss Victoria!” napataas kilay ako. Isang babaeng baboy ang nahihingal na tumakbo papunta sa direksyon ko. Nagulat na lang ako ng bigla na lang ako nitong hilain papunta sa open field ng university. Binitiwan ako nito at sumali sa mga estudyanteng nakatayo sa gitna nung field. Lahat ng andun ay mga low class student. Iniangat ko ang aking paningin at nakita ko sa second floor ng Z building sina Samantha, Beatrice at Allison. Naka cross arms ang tatlo at naghihintay sa gagawin ko. Whoa! Ano bang gagawin ko? Napatingin ako sa mga estudyante. Nakatingin silang lahat sa’kin at may hawak silang tig isang rosas. At ngayon ko lang napansin na nakasuot sila ng nerd na mga salamin. Hahahaha!! Ang mga estudyante sa nerd building! Tapos narinig ko ang malakas na panimula nung kanta. Nagsayawan sila. Hahahahaahahahahah!!! Natatawa ako sa kanila. May iba kasing hindi marunong sumayaw at ang titigas ng mga katawan. May ibang namang tumitingin sa katabi kung ano ang susunod na steppings...kalabasang kalabasa talaga iyong dating! Isa isang naglapitan iyong mga lalaking nerd at ibinigay sakin ang mga rosas na hawak hawak nila. Naaaliw na ako ng sobra sa kanila. Naramdaman kong may humawak sa mga kamay ko. Napalingon ako at nakita ko na nakatayo na sa may gilid ko sina Beatrice, Samantha at Allison. Nabitiwan ko iyong mga hawak kong rosas dahil sa galit na itsura ng tatlo. Shet! Ano bang nangyayari sa’kin? “Ayokong tumanda (3x)” Napalingon ako at nakita ko si Gustavo. Sumasayaw ito. At natawa ako sa ginagawa niya. Mas lalo itong walang talent sa pagsayaw! Hahahahahaha! lumapit ito samin at inilahad nito ang kanyang mga kamay. Habang patuloy sa pagsayaw iyong mga estudyante sa likuran. “Victoria no!” hinila ako ni Allison. “Ha?” “Sira ka ba! Tumingin ka sa itaas!” turo ni Samantha sa taas ng Z building. Napatingin ako at nakita ko ang lahat ng grupo ng mga naghahariang estudyante sa school. Nakatingin silang lahat sa’kin ngayon. Walang emosyon ang mukha ng mga ito. “You know the rules!” nanlalaking mga matang paalala sa’kin ni Beatrice. Wala pang upper class ang nagpakita ng pagsang-ayon sa mga lower class. Wala ring bumaba sa lupa at nakipag kaibigan sa mga ito. Maaari nila akong banggain kapag sinuway ko ang rules. Napatingin ako sa mga kamay ni Gustavo.....tapos napatingin ako ulit sa tatlo. “Yea, I know the rules!” sabay bigay ng kanang kamay ko kay Gustavo. Ngumiti ito at dinala ako sa gitna nung field kung saan nagsasayawan iyong mga lower class. “VICTORIA!!!” narinig kong tawag nung tatlo. I’m sorry but I’m breaking the rules! And I absolutely refuse to care! Inikot ako ni Gustavo tapos kinabig ako nito. “So, hmmmm? Failed or not?” nakangising tanong nito sa’kin. “Hmmmm...let me think?” sagot ko mas idinikit naman nito lalo ang katawan niya sa’kin. Mabuting na lang at nagawa kong ipangharang ang aking mga kamay sa dibdib niya. At napapangiting tumitig ito sa mga mata ko. “Failed or not?” idinikit nito ang kanyang noo sa noo ko... “Oyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!” narinig ko pang kantyaw nung mga estudyanteng nakapalibot sa’min. “You’re blushing babe.” “Ah?” Nagblush talaga ako?! Oh, no! “So?” “You’re almost there!” “Sa failed or succeed?” “Secret!” ngumiti ito at napailing. “Brat!” sabi nito sabay ang mahinang pagsundot sa ilong ko. Hindi ko parin talaga ako makapaniwala sa ginawa ko kanina. At sa pagsama ko sa kanya ngayon. Andito kami sa rooftop ng G building. Napapalibutan na ng dilim ang kapaligiran. Tanaw na tanaw ko ang napakaraming mga bituin sa langit. Ramdam ko ang malamig na simoy ng panggabing hangin. Kinakabahan ako...kinakabahan ako sa nararamdaman ko. “Victoria?” lumapit siya sa’kin. Hindi naman siya gwapo pero bakit ganito ang nararamdaman ko. He’s so ugly! Isa lamang siyang palaka pero unti unti ko ng naramdaman ang pag gaan ng loob ko sa kanya. Tama bang ibigay ko ang aking tiwala sa’yo Gustavo? Paano kung manloloko siya? Paano kung kayamanan ko lang pala ang habol niya? “G-gustavo?” shet naku! Pweding masuka? Natuturete na naman ako sa kanya. Hindi naman siya kamukha ni Edward Cullen ng Twilight Saga. Mas kamukha niya si Jacob Black...kapag nagiging werewolf na ito! Nagulat ako dahil bigla itong lumuhod sa harapan ko. Shet! Ano bang ginagawa niya? Gusto niya bang sipain ko ang pagmumukha niya? Una nitong hinawakan ang kanang paa ko. At isang nakakakilabot na sensasyon ang mabilis na dumaloy sa sistema ko. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya. Dahan dahan nitong hinubad ang suot kong stilettos. Nakatayo ako sa harapan niya ngayon ng naka paa. Naramdaman ko ang gaspang nung sementadong sahig. Tumayo ito at napatitig sa’kin ng husto. Pakiramdam ko aatakihin na’ko sa puso lalo na nung nginitian ako nito. Kinuha nito ang kanyang pack bag at isuot sa’kin ang isang headphone. “Ysa, remember this...kapag nawala ang lahat sa’yo..andito lang ako para alalayan ka. I will protect you...pro-protektahan kita sa lahat ng mananakit sa’yo.” He said and lifted me. Nakaapak na ngayon ang dalawa kong paa sa sapatos niya. Masyado kaming magkadikit. He guided my hands para humawak ako sa balikat niya. At hawak hawak niya aking beywang. Napatingin ako sa mga mata niya. Halos mabingi na’ko sa malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi na’ko makahinga! “Listen very carefully....pakinggan mo ang bawat letrang nasa kanta Ysa. This third song reveals something.” Sabi nito sabay pindot nung button nung ipod. Napatitig ako ng husto sa kanya. At parang akong hinihele ng kanta... Napataas kilay ako…madaming babae pala huh! Nagtaka naman ito sa inasal ko. Kumunot ang noo nito. Tsk! Bumilog ang mga mata ko. “Alam mo na bang minamahal kita” Ngumiti naman ito at gumalaw ng dahan dahan…sumasayaw na kami ngayon…pakiramdam ko nasa Prom Night ako…I’m the Queen and his my UGLY KING. Sino ka ba Gustavo? Paano mo nagawang iparamdam sa’kin ‘to?! I’m slowly…slowly falling…..will he catch me if I fall deeply in love with him? O baka sasaluin ako nito tapos ihuhulog lang din bigla? I’m afraid…nakakatakot ‘tong nararamdaman ko… “Gustavooooo……….” Oh my gosh………gusto ko na ba siya talaga? Sumasayaw kami ngayon sa saliw ng music na ako lang ang nakakarinig. The scene is so perfect….kahit walang candle light dinner…walang live band na kumakanta, kahit napaka plain nung paligid…and yet ang romantic ng dating sa’kin. Simula kanina ay nakatitig lang ito sa’kin. Iniiwas ko ang aking paningin sa kanya. Shet! Gumising ka Victoria! Hinawakan nito ang baba ko para mapatingin ako sa kanya. Oxygen please! I bit my lips…ano ba’tong nararamdaman ko? Gusto ko na ba ang talaga pangit na’to kaya hinahayaan ko siya? “Kay hirap na pigilan Ng puso at damdamin” Titig na titig siya sa’kin. At pakiramdam ko ay matutunaw na’ko. Pumikit ito at idinikit ang ilong niya sa ilong ko. Puputok na ata ang mga ugat ko sa sobrang init nung dugo kong dumadaloy sa buo kong katawan. Bakit? Bakit ba ako nagkakaganito? He opened his eyes and uttered those words na lalong nagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko. “I love you…” he said.. kahit malakas iyong speaker ng headset ay rinig na rinig ko parin…..ang tatlong salitang nagpalambot sa puso ko. “Ysa?” “Hmmm?” “May I know if I failed?” Pumasa nga ba siya? Damn! Napapikit ako… Then….. I uttred words na magiging dahilan ng pagbago ng buhay ko…….. “Kiss me.” Nagulat ito sa mga sinabi ko. “Kiss me so that I will know the answer.” I said while looking straight into his eyes. He grinned. And my heart stops beating when he closed his eyes……hahalikan na niya ako! Pero bakit ganun wala akong nararamdamang pandidiri……Ipinikit ko lang ang aking mga mata. And after a few seconds ay naramdaman ko na ang pag dampi ng mga labi niya sa mga labi ko. His kiss was passionate... And I couldn’t control myself. Without hesitation…without any doubts…I respond to his kisses. Nakakapit na ngayon ang mga kamay ko sa batok niya. He’s my first kiss. Iyong mga halik ko kay Marcus ay dala lang ng kalandian ko. So, I consider this as my first kiss…What is this feeling? Is this love or not? But I honestly like him. Hmmmm… Failed or not? I think I had an answer… He unlocked our kissed. “Ysa?” namumungay ang mga matang tanong nito sa’kin. “Yo-you failed.” Mahina kong sambit. Nadismaya naman ito sa mga sinabi ko. “But I think I like you.” I said. Napayuko ako. Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko! Hinawakan nito ang baba ko at iniangat ang aking paningin. Napatitig ito ng husto sa’kin...tinatantya kung hindi ako nagbibiro sa mga sinabi ko. And then he smiled... “I like you too, miss laitera.” He said tapos bigla na lang akong hinalikan nito ulit. Memories of the past visited my head again... “Ang galing niyang kumanta diba?” napatingin ako kay Marcus habang kumakanta. Birthday party na naman ni Layka. At isa iyon sa mga supresa ni Marcus sa kapatid ko noon paman ay halatang halata na ang matinding pagkagusto nito sa kapatid ko. “Sus, naglinis ka ba ng tenga Ysa?” “Bitter!” “Ang pangit naman talaga nung boses niya!” “Buti pa si Layka, kinakantahan niya.” “Hahahaahha, gusto mo kantahan din kita?” “Huwag na mas pangit iyang boses mo no!” Hindi na ito nagsalita at napayuko na lang. Na offend ba siya sa sinabi ko? “Tristan!” Niyugyog ko ang balikat niya. “Hoy!” “Ysa...” seryoso ang mukha nito. “Ei, sorry na oh!” “Hmppp!” “Heheheh ,sige kung kakantahan mo’ko...anu-ano ba iyong mga kantang kakantahin mo?” “three songs......... *first, A song that will describe how beautiful you are. (And I found it in Diwata) *second. A song that says how sincere I am. (Ayokong Tumanda) And lastly. The third song reveals my true feelings for you. (Bukod Tangi) And I admit .............he had successfully unchained my heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD