Chapter 27

2267 Words
[Victoria’s POV] Sariwa parin sa alaala ko ang lahat ng mga nangyari kanina. Those three songs that unchained my heart. Sino ka ba Gustavo Mabantot? Well, aalamin ko kung sino ka. Sana nga lang hindi ka kagaya nila...sana hindi ka artista..ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong niloloko ako. At pinagmumukhang tanga! Pero sa pangit niyang ‘to may gana pa siyang gamitin ang salitang ‘LOKO’? Hahahahaha Mukha naman siyang harmless eh. Kahit na ang pangit ng pagmumukha niya. And one of the reasons why I like him ay dahil may similarities sila ni Tristan! And when he kissed me..iyong pakiramdam na iyon...teka teka! Erase! Bakit ba ini-invade ng alien na’to ang isip ko! Pababa na kami ngayon ng rooftop. Tahimik kaming naglalakad habang magkahawak ang aming kamay. Hanggang sa mga oras na'to ay mabilis parin ang pagtibok ng puso ko. Pa minsan minsan akong napapasulyap sa kanya. Seryoso ito at mukhang may malalim na iniisip. Ako kaya ang iniisip niya?! Malamang no! Sino pa ba! "Nagwa-gwapuhan ka na ba sa'kin?" awtumatiko kong binawi ang aking tingin. Shet! Nahuli ako ni UNP na nakatitig sa kanya. "Hindi ah pangit kapa rin!" "Hahahahah, aminin mo na kasi!" “Aminin ang ano?” “Na I’m handsome in your eyes darlin’!” "Hindi no! Ang dami mong pimples! Ang itim ng eyebags mo! Ang oily pa ng mukha mo!" "Hahahaha, pangit nga pero you said that you like me!" “Owwws? Sinabi ko ba iyon? Wala akong maalala eh!” “Gusto mo ipaalala ko sa’yo ulit?” bigla ako nitong hinawakan sa bewang at iniliyad ang aking katawan. Pakshet! Nasa hagdan kaya kami! Gusto niya ba akong ihulog? He stared at my lips and then smiled devilishly. Damn! “Naalala ko na! Ou na! Naalala ko na!” “Hahahahaha! Babe, nakaka offend ka naman. Ayaw mo namang magpahalik eh!” “Nagtaka ka pa!” Tawang tawa naman ito sa sagot ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad at hawak hawak parin nito ang aking mga kamay. "Aheeemmm, so what do we have here? Hmmm two love birds?" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang Five Mischievous Beasts! What the hell! Sa lahat ng makakasalubong namin sila pa! Kinabahan ako ng maalala ko ang RULES. "A beautiful dove and a chipping little bird...hahahahahah a dove and a Maya huh?" sabi nung isa miyembro nila. Dalawa lang sa mischievous beasts ang kilala ko si Travis at si Shawn. Moreno ito at sa tantya ko siya ang pinakamatangkad sa grupo nila. "Vicky, bakit kasi hindi na lang ako ang piliin mo? I have the looks; I'm a billionaire, an heir like you." Pagmamayabang ni Travis. I rolled my eyes. Ou, he’s a certified bachelor pero hindi ko siya type! "Travis, ang demonyo hindi pumapatol sa kapwa demonyo!" matapang na sagot ko sa kanya. "Hahahaha I like your sense of humor baby.” Tsk! I hate this guy so much. “And hey, gustong guto ko talaga ng babaeng palaban...palaban karin ba sa kama?” Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya. Bullshit! Ang bastos ng lalaking ito! Baka nakakalimutan niyang ako parin si Victoria Isabelle Escudero! "Pasyensya na pero wala kaming panahong makipaglaro." Sabi ko sabay hila kay Gustavo. "Not so fast miss ubod ng ganda!" humarang si Travis. Shet! Ito na nga ba iyong sinasabi ko! f**k! I swear pababagsakin ko ang stocks ng company nila! "Padaanin mo kami." Tinignan ko siya ng masama. Ngumisi lang ito na parang isang demonyo. "Hahahaha! This is the reason why I like you so much! You’re a lioness! " hinimas nito ang mukha ko. Pakshet! Manyak talaga! Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Gustavo sa mga kamay ko. "Travis, mukhang nagagalit na si ubod ng pangit oh." Sabi nung chinitong miyembro nila. "Hahahahahaha." Tumawa si Travis at pabigla akong hinila. Susugod sana si Gustavo pero agad siyang nahawakan nung dalawa. Nanlaban si Gustavo. Nagkasuntukan sila. Napataob niya ang dalawa pero bigla na lang may inihagis na kung anong powder iyong isang lalaki sa mukha ni Gustavo kaya panandaliang lumabo ang kanyang paningin at agad siyang na suntok at napabagsak ng mga ito. Damn! Hinawakan siya ulit nung dalawa. Nakaluhod na siya sa sahig ngayon. Nanatiling nakatingin lang si Shawn Kingsford. Tsk! Wala talaga itong pakialam sa mundo ang isang ito. "Vicky, you know the rules right?" bulong ni Travis sa tenga ko. Nakatalikod ako sa kanya at mahigpit niyang hawak ang mga kamay ko. "I know!" galit na sigaw ko! I swear he’s going to pay for this. "Hmmmm, you smell so good." nahintakutan ako ng maramdaman ko ang pag amoy nito sa bandang leeg ko. "f**k you! Stay away from my wife!" nagpupumiglas na sigaw ni Gustavo. "Travis let's just stop this gusto ko ng umuwi." walang ganang sabi ni Shawn. "Huh? Sa ganda nitong babaeng nasa mga kamay ko wala na akong balak umuwi. Maliban na lang kung sasama siya sa’kin.” He said and gently bit my earlobe. “Damn you! Travis Aragon!” nangigigil na’kong suntukin siya. "Hmmmm, hahahaha!!! Just one kiss baby!” inilapit nito sa’kin ang kanyang pagmumukha. The f**k! Pinipilit kong iiwas ang mukha ko sa kanya! Nunca hinding hindi ako magpapahalik kay Satanas! "GAGO KA!!! HUWAG MO SIYANG HAHALIKAN!!!" sigaw ni Gustavo. "Bilib din talaga ako dito sa alaga mo Victoria! Sobrang tapang! Pero mas bilib ako sa’yo dahil nagagawa mong sikmurain ang pangit niyang pagmumukha!” "Mas mabuti na ang pangit kesa sa demonyong kagaya mo!” humarap ito sa’kin at marahas na hinawakan ang mukha ko. “Demonyo? Hahahahaaha! Nagka amnesia ka ba ha?! Baka nakakalimutan mong magkalahi lang tayong dalawa!” Para akong nabuhusan ng ice bucket. Tama nga naman siya...magkasingsama lang kaming dalawa. "Just one kiss Victoria..." “ASA!!!” singhal ko sa pagmumukha niya. Sinenyasan ni Travis ang isa pa nitong kasama. Lumapit iyong chinito kay Gustavo at sinikmuraan siya. Namilipit sa sakit si Gustavo. "Bullshit!" inuntog ko ang likurang bahagi ng ulo ko sa ulo ni Travis. "Damn you b***h!" sabay hawak nito sa noo niya. Walang kalaban laban si Gustavo dahil mahigpit ang pagkakahawak sa kanya nung dalawa pa. Nakaramdam ako ng matinding galit kay Travis at sa mga kagrupo nito. Nag-aalalang napatakbo ako kay Gustavo. Kaso maagap akong nahawakan nung chinito. "f**k you! Bitiwan mo'ko!" Iniyakap nito ang mga kamay sakin para hindi ako makagalaw. "Manuod ka Victoria! Ganito ang mga mangyayari kapag umapak ka sa lupa!" Hinila ni Travis ang buhok ni Gustavo. "Stop! Monster!!" Nanggigil na talaga ako. "Tignan mo ng mabuti Victoria!" Hinead bat nito si Gustavo. "Damn you!!!" "Isa pa?" "Kiss me!!" Napa smirked ito. "Travis don’t tell me papatulan mo ang offer ng babaeng ito?!” tanong nung chinitong nakahawak sa mga kamay ko. “Shhhhhh!!! Minsan lang ang babaeng ganyan kaganda!” binitiwan nito si Gustavo at lumapit sa’kin. "Huwag mo siyang gagalawin!!!" sigaw ni Gustavo. Kahit anong pagpupumiglas nito ay hindi ito makawala sa grupo ni Travis. Malakas kasi ang mga ito. At sila ang pinakasiga sa university kaya nakakatakot ang taglay nilang lakas. Ganito ko na ba kagusto ang pangit na'to? At kahit ang lalaking kinaiinisan kong si Travis ay willing akong magpahalik just to save him? "Hmmmm, I’m a good kisser Victoria!" napangiwi lang ako. Hawak hawak parin ako nung chinito. "Just kiss me at huwag ka ng maraming dada!" "Oh! You’re so hot baby! Sige hahalikan na kita." napapikit ako. Iisipin ko na lang na bangungot lang ito. Bangungot lang ito. Bangungot lang ito!!! Idinilat ko ang aking isang mata..fuck! Bangungot lang talaga ito! Sabay pikit ulit. "Ohmmmm I just changed my mind....I think I want to caressed your breast." Nanlamig ako sa mga sinabi nito. Gago! Ipapapatay ko siya kapag nakawala ako dito! "The hell- stop it." Hinawakan ni Shawn si Travis. "Bakit ba pa epal ka?" "This is too much. She’s one of us so stop treating her like a lower class!” galit na singhal nito. "Psssh!!!" humarap ito kay Shawn. “She broke the rule.” Sabi ni Travis kay Shawn. “So, she’s not one of us anymore!” “Pwedi itigil mo na iyang kabaliwan mo Travis!” “Don’t tell na may balak karing sumunod sa apak ng babaeng ito?!” Nagkasukatan ng tingin ang dalawa. “Wala kana dun!” “Bakit sa tingin mo kaya mo’ko!!!” sigaw ni Travis. "Kayang kaya ka naming pabagsakin Travis!" Sina Beatrice, Allison at Samantha. Kasama nito ang kanilang mga body guards at mga boys ni Beatrice. "Hindi ka namin pababayaan Victoria." Nakangiting sabi ni Allison. "Sige magsama kayo!" sigaw ni Travis. Kasunod nun ang suntukan, sipaan at sapakan ng magkabilang panig. In short, RAMBLE! Nagkagulo na ang lahat. Pero hindi nakipag away ang tatlo kong bitchy sisters sa ganda nilang iyon makikipag bugbugan sila? Lumapit ako kay Gustavo. "Okay ka lang pangit?" "Okay lang Gago iyon muntik ka pang mahipuan! Ako lang dapat nanghihipo sa'yo!" Binatukan ko siya. "Aray babe!!! Joke lang naman iyon!" "Victoria, umalis na.kayo!” sabi ni Beatrice. "Pero hindi ko kayo pweding iwan.” "Don't worry parating na rin.si Zander Lockwood. Tiyak mananagot na itong si Travis at baka ma kick out na siya sa university!” sabi ni Samantha. "Salamat.” Nakangiting sabi ko sa kanila. Inalalayan kong makatayo si Gustavo. “Kaya mo bang maglakad?” “Ou, malakas lang talaga iyong pagkakasuntok nung ungas na iyon. Pero kaya ko ng maglakad o tumakbo.” Paalis na sana kami ng hawakan ako ni Samantha. "Vicky, are you sure about this?” bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. "Y-yes Sam.” "Hoy! Lalaking saksakan ng pangit! Kapag niloko mo'tong kaibigan namin magiging double dead meat ka!" natawa ako sa pangbabanta ni Samantha kay UNP. "Pigilan niyo sila!!!" narinig kong sigaw ni Travis sa mga kasama nito. Pakshet! Dumating narin pala ang backup ng gago! "Let's go Victoria!" hinila ni Gustavo ang kanang kamay ko. At tumakbo kami ng tumakbo para takasan ang mga lalaking humahabol sa’min. "Hoy! Anong nakakatawa hinahabol na nga tayo tumatawa kapa diyan!!” "Wala hahahaha almost perfect na kasi ang scene! Mukha mo lang talaga ang may deperensya!" "Hahahahahahah" ginulo gulo nito ang buhok ko " Tsk! Laitera!" Narating rin kami sa parking area ng school. Tanaw ko parin ang mga lalaking tumatakbo papunta sa direksyon namin. "Angkas na!" sumakay ako sa motor bike. "Nagulat ito ng itapon ko ang helmet na iniabot niya." "I hate rules." Sabi ko ng nakangiti. "You’re a risk taker." Napapailing na sabi nito. Itinapon din nito ang helmet niya. “ At sasamahan kita sa mga trip mo.” This ugly guy really reminds me of my best friend! Napayakap ako sa beywang niya. This time I know. Hindi na'ko nandidiri sa kanya. Ihiniga ko ang aking ulo sa likuran niya. Napansin kong napalingon ito. "Hmmmm kung makayakap daig pa ang seatbelt ang higpit." "Pasalamat ka nga niyakap ka ng ubod ng gandang babaeng ito!” "Hahahahahaha!!” pinaandar na nito ang kanyang motor bike. Para lang kaming mag bestfriend ngayon...And I loved that feeling...Hmmm, I like the night breeze na tumatama sa mukha ko. Inalis ko ang pagkakahawak sa kanya. At ibinuka ko ang aking mga kamay...welcoming the night air. "HOY! Baka mahulog ka!" "You'll catch me if I fall right?" "I won’t." Sinapak sapak ko siya. "Hoy Ysa! Baka mabangga tayo!" "Ang pangit naman ng naging sagot mo! Hindi man lang romantic!" "Hahahahaha I won’t catch you. Dahil ako ang magiging foam na pro-protekta sa'yo para siguraduhing hindi magiging masakit ang pagbagsak mo." "Pssssh! Korney!!" After ilang oras na.byahe ay nakarating narin kami sa cheap na subdivision. "Victoria..." "Hmmmmm?" "May sasabihin a-" napatigil ito sa pagsasalita ng makita ang isang babaeng nakatayo sa may gate ng bahay. Who the hell is that girl?! Bakit parang nakakita ng multo si Gustavo. Nagpalit lipat ang tingin nung babae samin ni ubod ng pangit. Ipinarada ni Gustavo ang motor at kaagad na lumapit sa babae. Tsk! Hindi man lang ako inalalayan! Gusto ba niyang sabunutan ko iyong babae! Psssh!! Masyadong seryoso ata ang pinag uusapan nila. Mukhang mas bata iyong babae kesa samin. Maganda siya pero mas maganda parin ako. Haler! Ubod ng ganda ako! Bigla nitong niyakap si Gustavo! Damn! Napakuyom ako sa aking kamao. Susugurin ko iyong babae tapos hihilain ko ng malakas ang buhok niya! "Vicky?" napahinto ako. Teka, tama ba’tong nasasagap ng tenga ko? Napalingon ako at nakita ko ang pinaka gwapong lalaki sa buong mundo. "Marcus?" "Can we talk?" Napatingin ako kay Gustavo! Hmp. Mukhang wala naman itong balak na ipakilala sa’kin iyong kasama niyang babae. Umiinit ang ulo ko at parang gusto ko ring gumanti. Gago siya! Muntik na nga akong mahipuan ng demonyo kanina dahil sa pagtatanggol ko sa kanya. Tapos ngayon mas inuna niya pa ang poor girl na iyan! Tsk! “Vicky?” tawag sa’kin ni Marcus. Napabuntong hininga ako. Ano ba’tong nararamdaman ko diba dapat matuwa pa’ko dahil si Marcus na ngayon ang kusang lumalapit sa’kin? Tsk! Sudden Twist of Fate! “Sure.” Sabi ko. Hinawakan naman nito ang kanang kamay ko at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse. “Thanks.” Sabi ko sa kanya at naupo na sa frontseat. Ang epal na Gustavo wala talagang balak na kumustahin man lang ako! Masyado itong naka focus sa babaeng iyon! Tsk! BAHALA KA SA BUHAY MO! AKALA MO KUNG SINO KANG GWAPO!!! ANG PANGIT MO!!! “Vicky okay ka lang?” nagtatakang tanong ni Marcus. “A-ah yes! Hahahaahaa. Pasyensya na. Hmm, ano ba iyong sasabihin mo?” “Ummm, not here.” Makahulugang sabi nito tapos pinaandar na nito ang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD