LAITERA 6- HIS F*CK*N’ IDENTITY
“Name, age, address, status and family background! Lahat-lahat. I want his f*ckin’ information right now!” Galit na singhal ko sa student assistant ng Registrar’s department. Wala kasi iyong registrar, may klase kasi iyon pag TTH sa Engineering building kaya makakapagtaray ako dito ngayon.
Sumugod ako rito after ng nangyari para alamin kung sino ba talaga ang ubod ng pangit na lalaking ‘yon. Titiyakin kong pagsisisihan niyang nabuhay pa siya sa mundong ito kapag nalaman ko ang pangalan niya. Kahit isang hibla ng buhok niya sa ilong ay hindi makakaligtas sa nag-aapoy kong galit!
“Go-goodmorning po, Miss Victoria. Mukhang mainit po ang ulo niyo?” Kinakabahang tanong ng babaeng may runway sa mukha. Ang lapad kasi ng noo pwedi ng lumanding ang eroplano.
“Oo, mainit nga! Actually para na ‘kong dragon ngayon! But hey, I’m a gorgeous dragon. So, gusto mo bang bugahan kita ng apoy o gagawin mo na ‘yong pinag-uutos ko sa ’yo?” Pinandilatan ko siya ng mata.
“A-ah, si-sino po ba ‘yong hinahanap ni-niyo ma’am? Ano kasi ma’am, hindi po kami basta-basta nagbibigay ng mga information ng estudya–” Napahinto siya sa pagsasalita dahil binagsak ko sa lamesa niya ‘yong hawak kong bag.
“Gusto mo bang mawalan ng scholarship huh?” pananakot ko sa kanya. “Kayang kaya kong bayaran ang mga teachers mo sa lahat ng subject para ibagsak ka lang.”
“Hi-hindi ho ma’am...A-ano po bang itsura niya?” tanong nito halatang natakot sya dahil banta ko.
“‘Yong mukha niya ay ubod ng pangit! Baka abutan tayo ng madaling araw kung idedetalye ko pa sa ’yo ‘yong itsura niya! Dahil mahigit isang libong panlalait ang kaya kong ipang-describe sa napakapangit niyang mukha!” sagot ko.
“Ho? Mahihirapan po akong hanapin kung–” Tiningnan ko siya nang masama, as in ‘yong sobrang masama.
“Ahhh, maupo po muna kayo Miss Victoria. Titiyakin ko pong maibibigay ko sa inyo ang impormasyong hinahanap niyo.” Aniya.
“GOOD!” Sabi ko sabay upo sa upuan na nasa harapan ng mesa nito. Naging abala naman siya sa paghahanap ng record sa computer.
Lahat naman halos ng lower class students sa university ay takot sa ‘kin. Pwera na lang sa ubod ng pangit na lalaki na ‘yon na pinaglihi yata kay kingkong! Gusto ko talagang apakan ang pagmumukha niya! Ang lakas ng loob para kalabanin ako! Pwes, ipapatikim ko sa kanya ang walang hanggang parusa ng impyerno!
“Wala pa ba?!” tanong ko makalipas ang isang minuto.
“Miss Victoria, nahihirapan po akong maghanap kasi kung freshman siya, napakarami po nila. Gano’n din ang transferee.” Nakayukong sabi nito. “Tsaka may ibang details na tanging ang School Registrar lang ang may full access.”
“So, hindi mo maibibigay ang kailangan ko? Ganun?” mataray kong tanong sa kanya. “Pwes, simulan mo nang mag fill up ng clearance form!” Tatayo na sana ako nang bigla akong hawakan nito sa isang kamay. Napatingin ako sa magaspang niyang kamay.
“Excuse me, nag-alcohol ka ba? FYI, allergic ang skin ko sa hampaslupa na kagaya mo!” Sigaw ko sa kanya at agad na binitiwan ang kamay ko.
“Miss Victoria, kung gusto niyo ho isa-isahin natin ang lahat ng mga lalaking freshman at transferee kaso medyo matatagalan lang ho tayo sa paghahanap. Maawa naman ho kayo sa’kin” Naiiyak na pakiusap nito sa ‘kin. Tumayo ako.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may mga pobreng kailangang ihalo sa paaralan ng mga mayayaman! Tsk!
“Ako? Si Victoria Isabelle Escudero maaawa sa gaya mo? Walang salitang awa sa vocabulary ko. Mercy is just a word for the weak, ang kontrabidang kagaya ko ay hindi–” napahinto ako sa pagsasalita nang makita ang isang application form na nakalagay sa itaas ng steel cabinet nito.
“Kunin mo ‘yon, dali!” utos ko sa kanya. Agad naman itong tumayo at kinuha ‘yong papel. Nagmamadaling iniabot nito sa ‘kin ang form. Hindi nga ako nagkamali, malayo pa lang nahagip na ng aking paningin ang pangit na picture na naka-attach sa form nito. Nakasuot ito ng pang-nerd na salamin tapos tadtad ng pimples ang mukha. Eww, ugly much? Hindi man lang ba nakayanan ng photoshop na i-edit ang pagmumukha niya?
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan niya. First Name: Gustavo, Last Name: Mabantot! Kadiri much!! Pangalan ba ‘to? ‘Yong first name dinaig pa ang kanununuan ng lolo ko, ‘yong last name naman ay bumagay talaga sa kanya dahil mukha siyang mabantot!
Aaahhh! Siya na yata ang may ubod ng pangit na pangalan na narinig ko. Oh well, ano pa bang aasahan ko, mukha niya nga ubod ng pangit din! Napatingin naman ako sa ibang info ni MR. UNP kaso bukod sa name, gender at age lang ‘yong nakalagay sa form. Tiningnan ko rin ‘yong ibang pahina ng form, blangko!
“I already know his name, dali hanapin mo dyan sa records niyo.” Utos ko sa kanya.
“Yes ma’am, ano po ang pangalan?” tanong nito saka umupo at humarap ulit sa computer.
“Gustavo Mabantot.” Tipid na sagot ko. Napaupo na rin ako sa upuan. At ibinalik sa kanya ang application form.
“Hahahaha!! Ang pangit naman! Bumagay talaga ang mukha sa pangalan! Ahaha!” pangungutya nito. Napahawak pa ito sa kanyang tiyan habang tawa nang tawa.
“Aba hiyang hiya naman ako sa’yo. Pati kalahi mo pinagtatawanan mo.” Napahinto naman ito sa pagtawa.
“Ka-Kalahi ho?” Aba, slow paano naging scholar ‘to?”
Kinuha ko ang salamin sa’king bag at ihinarap sa pagmumukha niya.
“Anong nakikita mo?”
“Sarili ko ho.”
“Now you see what I mean, PANGIT? So wala kang lisensya gaya ko na maging laitera. Bago ka manlait tingin tingin muna sa salamin. Tiyakin mo munang nag-uumapaw ka sa ganda para di ka naman kahiya-hiya! Oh sa’yo na yan nang magkaroon ka naman ng gamit pang mayaman!”
“So-sorry ho Miss Victoria.” paumahin nito. Ibinalik nito ang atensyon sa computer.
“Other info?” Naka-crossed arms kong tanong.
“Age,22.”
“WTF! Alam ko, nakalagay na sa form!” sigaw ko sa kanya.
“Gender: Male.”
“Ako ba’y pinagloloko mo ha?!”
“Miss Victoria, ano ho kasi kung ano ‘yong nakasulat sa form ‘yon lang din po ang makikita mo sa bio niya.”
"Ano 'to pumayag ang school na gano’n-gano’n lang? Paano kung kriminal pala ang lalaking ‘yon? Paano kung bigla niya kaming i-hostage dito sa university? Paano kung miyembro siya ng terrorista? Sa itsura pa lang no’n hinding-hindi na talaga mapagkakatiwalaan!”
“Sorry po Miss Victoria kung gusto niyo ho iyong school registrar na lang ho ang tanungin niyo.”
“Wala kang kwenta!” sa galit ko ay nasagi ko ang gabundok na papel na nasa mesa at nagkalat ito sa sahig.
“Maghunos dili po kayo Miss Victoria. Iyong schedule niya ho, kayang kaya ko hong ibigay sa inyo ang schedule niya!”
natataranta niyang wika.
Siguraduhin mo lang dahil kung hindi ikaw ang pagbabalingan ko ng galit ko!”
“Nasa room 101 po siya, nasa Business Administration Building po siya ngayon.”
Kinuha ko ang cellphone sa bag at tinawagan si Beatrice.
"Hello?" sagot nito sa kabilang linya.
"Hi, Bea."
"Vicky, naasan ka na ba? Kanina ka pa namin hinihintay dito sa tambayan!"
"May isang pangit, ay mali may isang ubod ng pangit na lalaking sumisira ng araw ko. Kaya nandito ako ngayon sa Registrar's Office para alamin kung sino siya."
"Ha? Nagpapaapekto ka ng husto sa isang pangit?" tanong ni Allison. In-activate yata ni Beatrice ang loud speaker ng kanyang iphone para marinig no’ng dalawa ang usapan namin.
"At bukod kay Marcus may iba ka ng napapansing lalaki, Victoria?" narinig ko pang pang-aasar ni Beatrice sa ‘kin.
"So, who's the lucky guy?" nakisali na rin si Samantha sa pang-iinis sa ‘kin.
"He's Gustavo Mabantot and he's going to pay for what he did to me."