LAITERA 8- HER VENGEANCE
(Gustavo's P.O.V.)
“HOY!” naramdaman kong may sumipa sa upuan ko. Bastos talaga, hindi ba niya alam na natutulog ‘yong tao? Tang’na.
Hmmm, pero teka bakit parang ang tahimik yata ng classroom? Tapos na ba ang klase?
“HEY YOU! MR. UBOD NG PANGIT!” Teka, bakit familiar ‘yong boses nung babaeng sumisigaw?
Aaahhh, bahala ka. Inaantok pa talaga ako. Hindi ko siya pinansin at nagtulog-tulugan lang ako.
“YOU SON OF A B*TCH!” sigaw na naman nito kasabay ang isang malakas na sipa. This time triple na ‘yong lakas ng pagsipa nito pero hindi sa upuan kundi sa paa ko. Napabangon ako at napasigaw.
“ARAY! TANG’NA SIN–“ Napatigil ako sa pagsigaw nang makita ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko. She’s standing in front of me, naka-crossed arms at mababakas sa maganda niyang mga mata ang matinding galit.
Napatingin ako sa paligid, nandito pa rin pala sa loob ng classroom ang mga kaklase ko with all eyes sa ‘ming dalawa. Takot ba silang lahat sa babaeng ito? Ano bang ikinakatakot nila sa kanya? Pwes ako, hindi ako takot sa kanya!
Napansin ko rin ang pitong lalaki na nakatayo sa may likuran ni Miss Ubod ng Ganda. At may dala pa siyang backup dancers ha.
Ngumisi ako at napasandal ako sa aking upuan with arms crossed. She’s so damn beautiful. Oo maganda talaga siya, kaso magkamatayan na pero hindi ko talaga aaminin sa kanya ‘yon! Sobrang yabang kaya ng babaeng ito tapos laitera pa! Palibhasa kasi anak mayaman tapos maganda.
Sa totoo lang para siyang isang anghel na nahulog mula sa langit, at bakit ba siya nahulog? Itinulak siya palabas. Bakit uli? Simple lang, dahil sa taglay niyang kasamaan. Buti pa nga ang saging may puso, siya WALA! Buti pa nga ang makahiya kapag hinawakan mo mahihiya, eh siya kapag nasagi mo, biglang nangangagat!
“Hi!” I greeted her and flashed my devilish smile. “Na-miss mo ba ‘ko kaagad, Miss Pangit?” dagdag ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay. I like it when she’s so mad. Lalo siyang gumaganda. She hates it when someone calls her pangit and I think ako ang pinakaunang nagsabi no’n sa kanya. Hahaha! Buti nga! Nakakita ka rin ng katapat!
“FYI, ikaw ang pangit dito at hindi ako! Manalamin ka nga!” hinatak nito ang kwelyo no’ng t-shirt ko.
Medyo magkalapit ang mga mukha namin ngayon dahil bahagya siyang yumuko. I can smell her perfume, and it’s driving me crazy! Tapos mas lalo ko pang napagmasdang mabuti ang taglay nitong kagandahan. Pakshet! Hoy Gustavo! Huwag ka ngang magpatukso sa impaktang ‘yan!
“So, mas gusto mo pala ng ganito ka-close?” pang-aasar ko sa kanya para pagtakpan ang nararamdaman kong kaba. Hindi ko inaasahan ang mas lalong paglapit ng mukha niya sa mukha ko.
Nginitian niya ako. Iyong ngiting katatakutan mo dahil mukhang may binabalak siyang masama.
My heart beat frantically lalo na nung may ibulong siya sa tenga ko.
“Meet the Queen and welcome to hell, Mr. Gustavo Mabantot!” And then she walked away, leaving me dumbfounded. Damn, paano niya nalaman ang pangalan ko?
Mas lalo akong nabigla ng pagtatapunan ako ng hilaw na itlog nung pitong lalaki at may nagsaboy pa sa ‘kin ng harina! “F*CK! Ano bang problema niyo!?” napatayo ako sa galit at napatingin sa ‘king damit na narumihan ng itlog at harina. Bago ko pa man sila nagantihan ay umalis na ang mga ito sa harapan ko. Tae naman oh. Ahhrghh!! May araw ka rin sa ‘kin babaeng may sayad!
Tulala lang ‘yong mga kaklase ko. Hindi man lang nila ako tinulungan. Gano’n na ba siya ka-siga at lahat sila ay nanginginig ang mga tuhod pag nakikita siya?
Lumabas ako ng classroom at napilitan akong pumunta sa aking locker upang kumuha ng pamalit na damit. Habang naglalakad sa lobby, napansin kong umiiwas at dumidistansya ang mga estudyanteng nakakasalubong ko. Pagbukas ko ng aking locker, tumalsik sa’kin ang sandamakmak na ketchup. Imbis na pagsimpatyahan ay tinawanan lang ako ng mga estudyanteng nakakita. Tang’na talaga! Eh kung sila kaya ang nasa sitwasyon ko?
Isang note na kasing laki ng kalahating A4 bond paper ang nakita kong nadikit sa locker ko. Kinuha ko ‘to at binasa.
‘CARE TO HAVE A BATH? SMELLS AWFUL RIGHT?’
Maya maya lang ay may nagbuhos sa’kin ng isang balde na naglalaman ng maruming tubig. “D*mn it!” Ano ‘to? Ang baho! Pasalamat lang talaga iyong lalaking nagsaboy ng tubig at mabilis siyang nakatakbo palayo kundi bugbog sarado sa’kin iyon.
“Saan ba galing ang tubig na’tu?” Para akong masusuka na ewan kaya napahawak ang isang kamay ko sa aking bibig. Sumusobra na talaga ang babaeng ‘yon!
Anong akala niya, matatakot ako sa kanya? Manigas siya, hinding hindi ako hahalik sa paanan niya. May nakita na naman akong isang note na nahulog sa sahig kasama ata sa maruming tubig. Kinuha ko yun at binasa.
‘I HOPE YOU’LL LOVE YOUR NEW CAR AIR FRESHENER.’
No, huwag ‘yong kotse ko! Tinakbo ko papuntang parking lot at nakita na punung-puno ng basura ang loob, labas, itaas at harapan nito! May nakita pa nga akong napkin at mga tissue din! Gamit na mga tissue na galing cr! Binuksan ko ang aking kotse at pinagtatanggal ang lahat ng mga basurang nando’n.
NAKAKADIRI SH*T!!
Teka, paano ba niya nabuksan ‘to? Napatigil ako sa paglilinis ng may nakita na naman akong note sa may bintana ng kotse ko.
‘MIND IF I CLEAN YOUR THINGS?’
Sh*t, ‘yong laman ng locker ko? Sa sobrang pagmamadali kong makapunta rito sa parking lot ay hindi ko napansin na wala ‘yong mga gamit ko sa locker! Ano na naman ang pinaggagawa niya?!
May isang babaeng lumapit sa ‘kin at itinuro ang direksyon na kinaroroonan ng gamit ko na nasa isang drum at kasalukuyang kinakain ng apoy ang mga ito. Agad akong lumapit upang tingnan kung may masasalba pa ba akong gamit. And then hopeless, wala! Sunog na sunog na lahat.
Bwisit talagang babae!!Kumukulo na talaga ang dugo ko sa kanya! Again, may naka-attach na namang note sa may drum.
‘WOULD YOU LIKE TO CHANGE YOUR CLOTHES?’
May isa na namang babaeng lumapit sa ‘kin. Nakayuko ito at tila nanginginig. Iniabot nito sa ‘kin ang aking t-shirt na nakatupi.
“Su-suotin niyo ra-raw ho di-dito ‘yong t-shi-shirt.”
“Ano siya hilo?! Hinding-hindi ako maghuhubad dito!”
“Ple-please maghubad na po kayo ku-kung hindi po kasi kayo maghuhubad, ako po ‘yong mana-nanagot.”
Sh*t, ano pa ba? Isa akong tao na may konsensya kaya wala na ‘kong nagawa kundi maghubad at isuot ang t-shirt. Hay, buti na lang may abs ako kahit papaano.
After 10 seconds...
“A-aray! Aray!”
“Aray ko!!” napakamot ako sa buong katawan ko at hinubad ‘yong t-shirt na binigay nung babae. Anak ng–! Ang dami palang langgam sa loob! Papatayin niya ba ako? Grr, WTF!!
F*ck! Not again! May nakita na naman akong note sa may paanan ko. Ano ba ‘to? Pinaglalaruan talaga ako ng impakta! Napaka-immature niya talaga! Grrr!!
Pinulot ko at binasa ang note na nahulog yata mula sa t-shirt kanina.
‘Never ever mess with the Queen. Run the other way. Or experience hell on your way. ’