Chapter 9

2043 Words
LAITERA 8 - WRONG MOVE (Victoria’s P.O.V.) “Hahaha, you’re cruel Victoria! Naiintriga na tuloy ako sa itsura ng lalaking ’yan.” Sabi ni Beatrice matapos kong ikwento sa kanila ang pagpapahirap ko kay Mr. Ubod ng Pangit. Actually marami rami pa yung nilagay ko sa checklist ko. Gaya ng pagpintura sa kotse niya ng kulay pink, ang siguraduhing lalabas siya ng university na naka boxer shorts lang and the list goes on. At bahala na yung mga estudyanteng binayaran ko ng tig five thousand pesos each para gawin yun! Tingnan lang natin kung papasok pa ang pangit na yun sa school kinabukasan dahil sa matinding kahihiyan! Tanga kasi kalabanin ba naman ako! “Naku, huwag na Beatrice baka,masuka ka kapag nakita mo ang pagmumukha niya!” “Hoy, Vicky ingat lang baka mauwi sa the more you hate, the more you love ‘yan!” pang-aasar sa ‘kin ni Samantha. “Sam, are you out of your mind? Ako? Si Victoria na ubod ng ganda papatol sa ubod ng pangit na ‘yon?” “Hahaha, si Beauty nga na-inlove kay Beast.” Panggagatong ni Allison “May prinsesa ngang humalik sa palaka!” pang-iinis ni Beatrice. “Tapos si Fiona nga nagmahal ng ogre. Ikaw pa kaya?” isa pa ‘tong si Samantha. I rolled my eyes. “That’s how creepy fairytales can be! Dahil wala naman tayo sa Disney movie at hindi naman ito fairytale, huwag kayong umasa na papatol ako sa mukhang halimaw na ‘yon!! Capital N-E-V-E-R! Never!“ “Whoa!Hahaha!Hindi namin ‘yan kakalimutan,Miss Ubod ng Ganda!” nakangising sabi ni Beatrice. Andito kami sa tambayan ngayon. Café ito na bihira lang puntahan ng ibang mga estudyante dahil takot sila sa’min. Kaya solong solo naming apat yung lugar. Hindi naman lugi ang school dahil kapag tumatambay kami rito ay nagbabayad naman kami ng higit pa kesa sa inorder namin. Katumbas yun ng limang daang estudyante na bumibili ng capuccino sa starbucks araw araw. “Oh my gosh, you should see this Victoria.” Maarteng sabi ni Sam at iniabot sa’kin ang ipod air niya. Well known Actor-Director’s humoured girlfriend romances bad boy, Eion Pascual. Basa ko sa headline ng isang sikat na showbiz news website. Sa ibaba ng caption ay andun ang picture ni Lyka at nung lalaking nagngangalang Eion. They were caught kissing in a parking lot of a hotel. “Aba, mas malandi pa pala sa’yo ang bruha te?” sabi ni Allison na nakisilip dun sa binabasa ko. “Tatahitahimik lang kunwari pero nasa loob din ang kulo. Yan ang uso ngayon eh pa demure kunwari pero kating kati ring lumandi! Buti nga sa kanya! I can’t wait to see Dad’s reaction. He will get mad for sure.” Naiisip ko pa lang na papagalitan ni Dad si Lyka ay di na mapagsidlan ng tuwa ang puso ko! Paano ba naman kasi wala ng ibang ginawa yun kundi magsanti santita! Leche! “This opens an opportunity for you Vicky darling.” Napataas ako ng kilay sa sinabi ni Beatrice. “Opportunity for what?” “I bet Marcus needs a shoulder to lean on. Why don’t you offer yours?” Lumawak ang pagkakangiti ko. May punto si Bea. At hindi lang shoulders ko ang kaya kong i offer sa kanya kundi pati alindog ko at ganda! *** Napatingin ako sa aking mamahaling wristwatch. Hay, ang tagal naman ni Marcus! Sinira ko pa naman ang sarili kong sasakyan at nag-isip ng convincing na mga dahilan para lang kunwari nasiraan ako ng kotse tapos susunduin niya ako. Knowing him hindi naman kasi yun magpapakita sa’kin kung di valid iyong reason! Arte, sya na nga nilalapitan ng dyosa ayaw pa! Lumabas ako ng kotse at napasandal dito. Mag-iisang oras narin yata akong naghihintay. Tsk, kung hindi ko lang siya crush sisirain ko talaga ang ubod ng gwapo niyang pagmumukha. Paghintayin ba naman kasi ako ng ganito katagal! Biglang tumunog ang aking cellphone... Marcus is calling... “Hello Marcus, nasaan ka na?” “Vicky, may biglaang emergency kanina sa set kaya hindi ako kaagad nakapaalam sa ‘yo. Naaksidente kasi ‘yong isang artista kaya andito kami ngayon sa hospital. Gustuhin ko mang sunduin ka ay–” *toot toot toot* What the f–?! Tiningnan ko ang aking iPhone, damn! Lowbatt! Ahhh!! Gusto kong magwala sa oras na ‘to. Sht, anong gagawin ko? Malayo na ‘ko sa university tapos lowbatt pa ang cellphone ko, wala akong dalang power bank at sinadya ko pang sirain ‘yong makina nung sasakyan ko! I’m doomed! At kung mamalasin ka nga naman, wala ni isang sasakyan na dumadaan. F*ck this day! Pumasok ulit ako sa kotse. Sh*t, ang init! Lumabas ulit ako ng kotse. At nagpalakad–lakad. Hindi na ‘ko mapakali. Focus, Victoria. Inhale, exhale.All is well, all is well! ‘Yon! May nakikita akong sasakyan sa hindi kalayuan. Pabababain ko ‘yong driver tapos bibilhin ko ‘yong kotse niya at wala siyang magagawa! Dahil lahat ng gusto ko ay nakukuha ko...nakukuha ko ng sapilitan! Laking gulat ko nang maaninag kung kaninong kotse ‘yon. Kulay pink. Napahinto ako sa pagkaway. Huminto ‘yong kotse at bumaba ang pinakapangit nitong driver na naka–boxer shorts lang at naligo sa puting pintura. “Wow, suits you.” Wika ko ng nakangisi. Para siyang miyembro ng isang cannibal group somewhere in Africa. “Abnormal ka ba ha?!” galit na sigaw nito sa ‘kin. “Try mo kayang magpa–confine sa mental hospital!” “Sino kaya sa ‘ting dalawa ang mukhang abnormal?” nakangisi kong tanong. Eww, I change my mind.Kung ‘yang kotse niya lang din naman ang only option ko, hindi ko na lang din pag–iinteresang bilhin, ‘singpangit at baho kasi nito ang may-ari. “Akalain mo nga naman. Ang bilis din ng karma ‘no?” nakapamaywang na pang-iinis nito sa ‘kin. “Ha?” kunwari hindi ko alam ang tinutukoy nito. “Alam kong nasiraan ka ng sasakyan, halata naman. Sino ba naman ang hihinto dito sa kawalan?” “Excuse me? Para malaman mo, nagpapahangin lang ako. Nagpapahinga!” mataray kong sabi dito.  “Ows, talaga?!” mukhang hindi ito naniwala sa mga dahilan ko. “Oo, kaya mas mabuti na alisin mo ang pangit mong mukha sa harap ko dahil nakakasira ka sa magandang view na nakikita ko.” Mataray kong sabi sa kanya. “Wow ha!” “Oh bakit, pangit ka naman talaga! Look at you, you’re so nakakatawa. Mas bagay pala sa ‘yo ang napinturahan! And hey, nice boxer shorts...with teddy bear prints.”  “Abnormal ka talaga, so ano sasabay ka ba sa ‘kin? Ako kasi ‘yong taong may konsensya hindi kagaya ng iba dyan. Sabi nga sa Bible love your enemies daw!”   “Are you out of your mind?! Ako? Sasabay sa ‘yo?! Eh tingnan mo nga ‘yang kotse mo, nagmana sa may-ari, PANGIT! Just get lost! May hinihintay ako!” “As you wish, my highness.” Nag-bow pa ito. I just smirked at him. Sumakay na ito sa kotse niya at pinaandar ito. Humanda ka bukas o makalawa dahil sisiguraduhin kong mapapaiyak ka sa mga surpresa ko, Mr. Mabantot! Naramdaman kong nabasa ang pisngi ko kaya napaangat ako ng tingin. Sh*t, uulan pa yata! Pumasok ako sa loob ng kotse at kasabay no’n ang pagbuhos ng malakas na ulan. Wow, wala bang mas lalala pa sa araw na ‘to? “Aahhh!!” napatakip ako sa aking dalawang tenga. Takot na takot kasi talaga ako sa kulog at kidlat. Pakiramdam ko tatamaan ako ng kidlat anytime! Grrr, humanda talaga ‘yong artista na ‘yon bukas! Sisiguraduhin kong mae-extend siya sa hospital dahil hindi ako nasundo ni Marcus at nangyari pa ‘to. TOK TOK TOK!! “WAAAAAA!!” Mas lalo akong napasigaw nang makita ang mukhang halimaw na kumakatok sa bintana nung kotse ko. Sh*t, balak ba ‘kong patayin ng ubod ng pangit na lalaking ito! Pinagbuksan ko siya ng bintana. “G*GO KA BA? PAPATAYIN MO BA AKO SA TAKOT?!” sigaw ko sa kanya. “WOW, ANG BAIT MO RIN ‘NO? IKAW NA NGA ITONG BINALIKAN DAHIL NAKOKONSENSYA ANG TAO DAHIL ALAM KO NAMANG NASIRAAN KA TALAGA NG KOTSE PERO AKO PA ITONG G*GO?” sigaw din nito. Hindi kasi kami masyadong magkarinigan dahil sa lakas ng ulan. “AKIN NA ANG CELLPHONE MO!”  “WOW, KUNG MAKA-REQUEST AKALA MO CLOSE TAYO? SAKA WALA AKONG CELLPHONE, REMEMBER? SINUNOG MO LAHAT NG GAMIT KO SA LOCKER! SO ANO, SASABAY KA BA SA ‘KIN PAUWI KASI NABABASA NA PO AKO SA ULAN DITO. SANA MAHABAG NAMAN ‘YANG PUSO MONG BATO!”   “HOY HUWAG MO NGA AKONG SISIHIN SA PAGKAKABASA MO DYAN SA ULAN DAHIL HINDI KO NAMAN SINABI SA ‘YONG BALIKAN MO ‘KO!” “OKAY FINE! BAHALA KA NA NGA. NAKOKONSENSYA LANG NAMAN ‘YONG TAO DAHIL BAKA BUKAS HINDI AKO PATULUGIN NG MABUTI KAPAG NAKITA KO SA NEWS NA MAY ISANG BABAENG NILAPA DITO NG LEON.”   “HOY, WALANG LEON SA KAGUBATAN NG PILIPINAS! BOBO!” “MARAMI, MAY ALAGA NGA KAMI OR BAKA NAMAN MAKITA KA NA LANG NA CHOP–CHOP AT NAKASILID SA ISANG KAHON BUKAS DAHIL MARAMING KRIMINAL NA GUMAGALA–GALA DITO.SA PAGKAKAALALA KO MAY NA RAPE DAW NA— ARAY!!! ANO BA!” Binuksan ko kasi pabigla ‘yong pintuan ng kotse kaya tinamaan siya. Panay ang daing niya pero di ko siya pinansin. Napatingin naman ako sa kotse niya. Sh*t,nakakadiri!Ni sa panaginip hindi ko inimagine na sasakay ako sa kotse ng mukhang aswang na ‘to. Naiisip ko pa lang ang mga maruruming tissue at napkin na nasa loob nito kanina mukhang masusuka na ako. Idagdag pa ang itsura ng makakasabay ko na naka–boxer shorts lang at mukhang engkanto. Argh!! “HOY ANO BA MAGPAPAULAN KA LANG BA DYAN?” tanong nito sa ‘kin. Nasa may pintuan na ito ng kotse niya. Kinuha ko ang aking bag at sinigurado na nasa loob nito ang aking customized ballpen na pwedeng maging deadly weapon in case na pagtangkaan niya ako ng masama.  Nandidiri man,pumasok na rin ako sa loob ng kotse at naupo sa front seat. Wala akong choice dahil mukhang mas mabaho at marumi ‘yong upuan sa likuran. “BillionVille.” Utos ko sa kanya. “Wow, taxi lang? Driver lang ako? Utusan mo lang ako ‘te?” “Excuse me, mas mukha pang tao ang driver ko sa ‘yo!” “Hay, ang hirap mong kausapin!” “Huwag na huwag ka talagang magbalak ng masama sa ‘kin dahil bago mo paman magawa ang binabalak mo sisiguraduhin kong babaon sa katawan mo ‘tong ballpen ko!” pagbabanta ko sa kanya. He rolled his eyes. “Huwag ka ngang OA dyan! Hinding–hindi kita pag–iinteresan!” pinaandar na nito ang kotse. Ako naman ay buong byaheng nakatakip ng kamay sa aking ilong. Ang baho kaya! Pinindot nito ang button ng stereo ng kanyang sasakyan. Paano ba naman kasi, wala kaming imikan. Manigas siya. Hindi hindi ko siya kakausapin! ♪♫ Sa-a-a-d movies always make me cry  He said he had to work so I went to the show alone  They turned down the lights and turned the projector on  And just as the news of the world started to begin  I saw my darlin and my best friend walk in ♪♫ Anak ng–! Ilang taon na ba ang lalaking ito? Kung maka–old songs wagas! Pinindot ko ang stereo upang mag-change ng music, ‘yong nauuso sa panahon ko.Shape of You ni Ed Sheeran. ‘Yan ang music! Ngitian ko siya na ikinainis naman nito. Pinindot na naman niya at pinalitan iyong music ng Sad Movies.Na agad ko naming pinalitan. Paulit-ulit naming pinipindot ang stereo para magpalit ng music. “Hoy, kotse ko siguro ‘to!” naiinis na sigaw nito. “Ang baduy kasi ng mga trip mo!” “Kotse ko ‘to kaya ako ang masusunod!” “Maganda ako at pangit ka kaya ako ang masusunod!” End of conversation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD