LAITERA 10- HER PUNISHMENT
(Victoria’s P.O.V.)
Dire-diretso na’kong naglakad papunta sa silid ko matapos niya akong maihatid sa mansion.Gustong gusto ko ng magshower, kating kati na ang katawan ko. Maya baka mahawa pa’ko sa kapangitan nung abnormal na yun.
Sumunod naman sakin yung mga personal maids ko at tinulungan nila akong maligo at magbihis. Nauna na’kong kumain ng dinner at hindi ko na hinintay si Dad dahil umattend daw ito ng isang business dinner. Nakakapagtaka nga dahil tinext lang ako ni Dad at hindi siya personal na nagpaalam sakin. Kaya matapos makipagchikahan at pagtawanan ng mga bruha kong kaibigan ay natulog na’ko.
Maaga akong ginising ng mga maids kinabukasan. Kaya nabulyawan ko na naman ang mga kaawa awang nilalang. Weekend ngayon at wala naman akong pasok. Makikipagkita raw kasi sakin si Dad ngayon sa labas.
“Ano bang mayroon at makikipagkita sa’kin si Dad?” mataray kong tanong sa mayordoma ng bahay.
“Hindi ko ho alam Miss Victoria. Wala naman pong nababanggit ang Chairman.”
“Tsss. Anong silbi mo!” pagtataray ko na naman.
Dumiretso na’ko sa parking lot at namili ng kotseng gagamitin ko para sa araw na’tu. Isang Ferrari Sports Car na kulay pula ang napili ko. Pinaayos pa kasi nila yung Lexus LFA ko.
“Miss Victoria, asan na po ba kayo? Kanina pa po kayo hinihintay ni chairman.” Tanong ng executive assistant ni Dad na nasa kabilang linya.
I rolled my eyes. “I’m on my way. Ano ba kasing mayroon?” iritable kong tanong.
“Si chairman na lang ho ang tanungin niyo Miss Victoria.”
“Hayst! Mga wala talaga kayong silbi!”
Iyon lang at inalis ko na ang headset sa’king tenga. Ano kayang mayroon at kailangan ko talagang pumunta sa kompanya!
***
“Take good care of my car or else… ” inihagis ko yung susi sa Valet na naghihintay sa entrance ng kompanya. “You’ll be dead. “
Then, pumasok na ako sa building at dumiretso sa may elevator. Nagsipaglabasan ang mga empleyadong kasasakay lang nang makita ako. Very good! Atleast hindi ko na sila kailangan pang sigawan.
Taas noo akong dumiretso sa office ni Dad. Sympre, sa ganda kong ‘tu, yuyuko ako?! Idagdag pa na isa ako sa mga may-ari ng kompanyang ito! Dapat pa nga sila ang yumuko at magbigay galang sa alindog ko!
“Mabuti naman at dumating kana Isabelle.” Seryosong wika ni Dad. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. “Maupo ka may pag-uusapan tayo.” Naupo ako sa isang upuan na nasa harap ng mesa ni Dad. Naka dekwatro at naka cross arms.
Napansin ko ang isang babae at isang lalaking kasing edad lang ata ni Dad na nakaupo sa mga upuan na nakaharap sa’kin. Iyong matandang babae ang samang makatingin. Problema nito. Tatarayan ko sana kaso naunang magsalita si Dad.
"Felix." Tinawag ni Dad ang kanyang executive assistant. Pinatay nito ang ilaw sa kwarto at pinindot ang projector na nakakabit sa isang laptop.
Ang hindi ko inaasahan ay ang paglabas ng video ng pagpapahirap ko kay Gustavo. Lahat ng mga ginawa ko sa kanya simula sa pagtapon ng hilaw na itlog hanggang sa paglabas nito ng banyo na naka-boxers lang!
"Oh." ‘Yon lang ang katagang lumabas mula sa labi ko. Papatayin ko ang nag-video no’n! Magtago na siya dahil kapag nalaman ko kung sino siya, kahit kuto niya ay papanawan ng ulirat kapag nakita ako!
"Victoria! Alam mo bang malaking kahihiyan ‘yan sa pangalan natin? Sa kompanya! Tweenty years old kana pero isip bata ka pa rin! How could you do that to an innocent guy and how could you burned his things!”
"Relax Dad, I was just scaring him! Made of paper lang karamihan no’ng nasunog. Nasa sa’kin pa yung karamihan ng mga gamit niya. Balak ko kasing iblackmail siya pagdating ng lunes." Kaswal kong paliwanag.
Napahawak si Dad sa kanyang sintido.
"Alam mo bang kumalat na ang video sa social media at dumami ang mga basher ng company natin? At possible ring bumaba ang stocks ng kompanya sa mga susunod na araw dahil dyan sa pinaggagawa mo! At pati si Lyka ay naapektuhan din sa mga pinaggagagawa mo!" Wala akong pakialam kay Lyka impaktita.
"Balak mo bang pabagsakin ang negosyo natin, Isabelle?"
"Of course not!"
“Paulit ulit na lang tayo Isabelle. Halos buwan buwan ay nasasangkot ka na sa gulo. Gusto mo ba maging gangster princess? Balak mo bang maging presidente ng bully club? Or balak mo bang maging isang world class criminal?”
"Ilang beses na bang may mga apila sayo?”
“Ilang beses na ba tayong pumunta sa korte?"
"Ilang beses na ba tayong nakipag arreglo sa mga inaapi mo?”
Sinenyasan ni Dad si Felix upang buksan ang ilaw.
“Isabelle, I want you to meet Mr. and Mrs. Ferrer, the owner of ABC International, if you don’t know ang company nila ang top 5 best selling beauty product sa market ngayon.”
“So?” paki ko sa business achievement nila.
“They are the legal guardians of Gustavo Mabantot.” At first na shock ako. Tapos maya maya lang ay napabunghalit ako ng tawa. Takang taka naman sila sa inasal ko.
“Hahaha! I just can’t imagine it. Nasa linya ng beauty industry ang company nila pero si Gustavo, di man lang siya nasagip ng beauty product niyo? Are you sure that their product is top 5 in the market? Coz I suggest na lagyan niyo ng ‘No approved therapeutic claim yung mga products niyo!”
“Manners, Isabelle!”
“Isa pa kung totoo ngang namamayagpag ang business nila bakit sobrang cheap nung mga gamit ni Gustavo? Mukha siyang hampaslupa!”
“Mas matalas pala ang dila mo keysa sa inaasahan ko hija.” Aba nagsalita rin yung matandang mangkukulam. “Hindi gaya ng ibang mga kabataan na maluho.” Sabay tingin sa’kin obvious naman na pinapatamaan ako.” Gustavo values every penny and thing he has. He knows it’s worth and observes its longevity.” Bla..bla...bla....
Tapos na ba siya. Ako na naman. Nginitian ko siya. “Buti naman ho at hindi kayo hinarang ng mga guard.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Coz you’re carrying a deadly weapon with you, old lady.” Takang taka naman siya. Mas lumapad ang pagkakangiti ko. “Mas matalas pa po kasi ang baba niyo kesa sa dila ko. Look at it, hasang hasa oh.”
“ISABELLE!” binagsak ni Dad ang kamay niya sa mesa.
“Matagal pa ba dad? Nakakabagot na. Bayaran na natin sila dad, for sure yun lang din ang habol nila sa’tin. Pera. So paano ba yan,mauuna na’ko.” Tumayo na’ko. And was about to leave the room.
“Stop right there young lady!” I rolled my eyes.
“Ano ba Dad kaliit na issue pinapalaki niyo!”
“This case is not as easy as those that happened in the past! Your attitude exceeded too much Isabelle! And inorder to clean this mess which spread in social media like wild fire, we decided that the two of you will get married very soon.”
“Are you dead serious dad?” napalingon ako sa gulat. “seryoso ka talagang ipapakasal mo’ko sa pangit na yun?”
“Para magtino ka. And for you to learn responsibility and commitment!”
“My ghad, dad! Hindi kana naawa sa magiging mga apo mo!”
“Sumusobra ka na Isabelle!” napatayo na si Dad sa galit.
“Hindi naman kasi makatarungan tung desisyon niyo!”
“Isang karangalan ang makasal ang pamangkin namin sa inyong anak Mr. Escudero.” Wika nung Mr. Ferrer na nakangiti. Aba happy siya! Pinapainit niya ang dugo ko!
“Sorry to disappoint you Mr. Ferrer pero hindi kayo malalahian ng maganda! Dahil hinding hindi ako magpapakasal sa napakapangit niyong pamangkin!”
“Isabelle!”
“Isabelle!”
Naglakad nako palabas. Anong akala nila sa’kin basta basta na lang papayag sa marriage arrangement na yun? Sinong niloloko nila!
“By the look at your face, I bet your Dad spilled out his plans for you my dear step daughter. “ antipatika talaga. Sa lahat ng makakasalubong ko palabas ng office ni Dad iyong impakta ko pang madrasta.
“Huwag ka munang magpakasaya dear step mother kasi for sure Dad will change his mind. He maybe angry now pero hindi niya ako matitiis. Hinding hindi niya matitiis ang sarili niyang dugo’t laman!” binigyang diin ko talaga iyong huli kong sinabi at rumampa nako paalis.
Hindi ko na hinintay na batuhin na naman niya ako ng maldita lines niya dahil baka makalimutan kong step Mom ko siya at ma sabunutan ko siya in public.
“Victoria…” Sino na naman bang asungot‘tu? I turned at my back and saw this b*tch wearing a simple dress, light make up, cheapo stilletos and not so glamorous jewels. She's simple. She's ugly. Meet my step sister, Lyka Mendoza.
"What?" naka taas kilay na tanong ko sa kanya. Nakikita ko ang awa sa kanyang pagmumukha. At ayaw na ayaw ko ang kinakaawaan.
"Vicky..." sus, artista talaga. I hate actors and actresses.. Pakiramdam ko kasi walang katotohanan kapag nagpapakita sila ng kabaitan. Artista eh galing umarte.
"Don't you call me Vicky, hindi tayo close!" sabay tingin sa kabilang direksyon.
"Okay." bumuntong hininga ito. "Kakausapin ko si Dad. I heard about it. At hindi makatarungan 'tong parusa niya sa'yo." mahinahon nitong sabi.
"Hindi na kailangan. Kayang kaya ko ng kausapin si Dad. Ba't hindi ka na lang bumalik dun ke Annabelle. For sure hinahanap ka na nun."
"Vicky...Victoria..bakit ka ba nagkaka ganyan?"
"Bakit hindi mo itanong sa sarili mo at sa magaling mong ina."
"Vicky! Huwag na huwag mong babastusin si Mom!"
“Hahahaha, ako pa ngayon ang bastos? Lyka, kung bastusan lang man din ang pag-uusapan bakit hindi mo tanungin si Mom kung may mas babastos pa ba sa kanya?"
Sasampalin sana ako nito pero kaagad kong nahawakan ang kamay niya.
"Huwag na huwag mong idampi iyang palad sa ubod ng ganda kong mukha dahil baka mapalakas iyong pagbalik ko ng sampal sayo at matabingi iyang retukadong ilong mo!"
Natameme naman ito sa sinabi ko.
“Oha! Lalaban ka ba Miss Retukada?” I flipped my hair and walked my rampang pang maldita.
As usual I left my victim na mukhang hindi na humihinga. Tatawag na ba ako ng 911? But hey, why should I kapag namatay si Lyka solong solo ko na si Marcus Villanueva!
Naglakad ako papunta sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Kinuha ko ang cellphone sa aking bag at tinawagan ang head butler ko. I should deal with this Ogre once and for all. Hindi ako makakapayag sa gusto ni Dad! Magpapakasal lang ako kapag si Marcus ang magiging asawa ko!
"Yes, hello maam?" bati nito sa kabilang linya.
"Hanapin mo iyong ubod ng pangit na lalaking nagngangalang Gustavo Mabantot at sabihin mo na magkita kami mamayang gabi sa Elite Cafe!" utos ko sa kanya.
“Alam mong ayaw ko ng babagal bagal diba? So do it ASAP or else… you know the consequences. “
"Ye-Yes Miss Victo-” I ended the call kahit di pa siya tapos magsalita. Mainit ang ulo ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. At kulang na lang ay mag-apoy ang mga kamao ko.
“Gustavo Mabantot, better say ‘NO’ sa marriage natin dahil kung hindi gagawin kung mala impyerno ang buhay mo! And you will experience an unending punishment from inferno itself! “