LAITERA 11- COUPLE DATE?
(Victoria’s P.O.V.)
Leche! Pinapainit niya talaga ang ulo ko! Almost one hour na akong naghihintay sa pangit niyang pagmumukha. Nakaupo ako sa pinakadulo ng Elite Cafe. Nakailang order na ako pero wala pa rin ‘yong g*go.
"Whoa, it’s a great pleasure na hintayin ako ng aking future bride." Napaangat ako ng tingin at ngiting aso ang nakarehistro sa mukha nito. Sa wakas, dumating din ang halimaw. Umupo agad ito sa silyang nasa harapan ko.
"Hindi ko alam na yayayain mo kaagad ako na makipag-date." pang-aasar nito.
“Kung date nga bang matatawag ang pagsintensya sa isang tao.”
“Hahaha! So am I guilty?”
“Sentenced with death penalty.”
“Hahaha! I like your sense of humor, baby.” Pinapakulo niya talaga ng sobra ang dugo ko.
“I’m giving you this opportunity para magkaroon ng tahimik na buhay, Mr. Mabantot.” Napatingin ako sa paligid. May mga taong tumitingin sa direksyon namin. I just want to end this conversation as fast as I could dahil baka kung ano pa ang isipin ng ibang tao na nasa paligid namin.
“Hahaha! Mag-oorder muna ako ng makakakain!”
“Huwag ka ng umorder dahil hindi naman magtatagal ‘tong usapan natin!”
“Waiter!” narinig kong sigaw nito. I clenched my fist. Kung pwede ko lang sana siyang suntukin ng ubod lakas ginawa ko na. Pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko sa mga oras na ‘to. Dahil baka madagdagan na naman iyong galit ni Dad sa’kin.
Lumapit ‘yong waiter sa kanya at iniabot ‘yong menu. Seryoso nitong tinitigan ang menu at napangiti.
“Double Cafe Caramel, Funtastyc atsaka Le Magnifique! Samahan mo na rin pala ng black forest! Milk tea at isang mango cake.”
“Patay gutom?” I hissed.
“Hahahaha!Why would you prefer na ikaw ang kainin ko?”
“Damn you!”
“Hahaha!” Bakit ba tawa nang tawa ang ungas na ‘to? Ang saya niya ha!
"Name your price." Napatingin ito sa sinabi ko at ngumiti na naman. Err, pangit.
"Baka hindi mo kayanin." sabi nito.
"I'm an heiress. Actually, isa narin akong bilyonarya. So, name it."
"Victoria Isabelle."
"What?!"
"Hahaha! You said name my price right? Well, I consider you as a price."
"F*ck you!" napatayo ako sa sobrang galit. Napalingon din ang lahat ng mga customer maging mga staff ng Elite Cafe sa ‘min kaya bumalik ako sa aking pagkakaupo.
"Oh, masyado kang hot. Sa honeymoon na lang ‘yan, baby." Demonyo rin pala itong kaharap ko.
“And hey, f*ck you too.”pang-aasar nito sabay ang isang nakakalokong pagngisi. Psssh, ogre!!!
"Paano mo ba gustong mamatay!?" singhal ko sa kanya.
"Ang mamatay sa pagmamahal mo, baby." Sabay kindat. The f*ck, inuubos niya talaga ang pasensya ko!
Bigla kong hinila ‘yong kwelyo ng damit niya kaya napalapit ito sa ‘kin. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya at hindi naman siya nagpatalo.
"Let me tell you this, Mr. Mabantot. Ang babaeng kaharap mo ay isang kontrabida. Gusto mo bang samahan ako sa impyerno o ang mag-walkout para marating ang langit na inaasam mo?"
"I prefer to be in hell than to live in heaven without you, baby." Nakangisi niyang sagot sakin.
"You’re pathetic!" binitiwan ko siya. Napasandal naman ako sa aking upuan. Ang hirap din ng isang ito, palaban!
"Sorry baby, but I'm going to marry you." Pangiti-ngiti pa ito. Antipatiko. Hindi bagay. Ang pangit!
“Sige magpakasaya ka ngayon dahil baka huling beses mo na ‘yang mararanasan."
“Sir, heto na po ang order niyo.” Inilapag no’ng waiter ang mga pagkain sa mesa.
“Okay, thanks!” masiglang sabi nito.
Wala na ‘kong nagawa kundi ang tingnan siya. Una nitong tinikman ang black forest.
“Hmm, ang sarap!” kumuha pa ito ulit at ibinalandra sa mukha ko ang kutsarita na may lamang cake.
“Gusto mo?” tanong nito sa ‘kin. Nasira naman ang mukha ko sa pag-iimagine na magshe-share kami ng kutsarita. Ewww!!! Puno ng virus at bacteria ang laway nyan for sure. Mas malala pa sa SARS at H1N1! At hindi curable!
“Ito, gusto mo?” sabay kuha ng aking tinidor at tinutok ‘yon sa kanyang harapan.
“Hahaha!Ang harsh talaga nitong baby ko!”
“Pwede ba huwag mo masyadong i-enjoy itong pagtatagpo natin dahil hindi naman–” hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil nanlaki talaga ang mata ko nang kamayin nito ang mango cake!
Napahinto naman ito sa pagsubo nang makita akong nakatitig sa kanya.
“Kunwari ka pa, gusto mo ‘no?” inilapit nito sa pagmumukha ko ang cake na hawak-hawak ng makalyo niyang kamay.
“Naghugas kaman lang ba ng kamay?!” nagitlang tanong ko.
“Oo, kaninang umaga no’ng naligo ako after kong mag-cr!” Sagot nito sabay subo ng cake.
“Ewww!! Gross!!”
“Baby, may dumi ba sa mukha ko?”
“Matagal ng marumi ‘yang pagmumukha mo.” Sagot ko.
“Hahaha! Kung gano’n, paki punasan naman ‘yong mukha ko.” Ano raw?
“Hoy! Huwag na huwag mo ‘kong tatawaging baby! Saka may mga kamay ka, ba’t di mo gawin mag-isa!? Ambisyosong pangit!”
“Sige na, kapag pinunasan mo ang mukha ko baka magbago ang isip ko at pumayag na ‘kong hindi magpakasal sa ’yo.” Napatingin ako sa kanya. Seryoso ba siya? Pupunasan ko lang ang mukha niya tapos wala ng kasalang mangyayari? Tumingin ako sa paligid. Walang nakatingin sa ‘min. Papatulan ko ba ang isang ‘to?
Tiningnan ko siya. Nakangiti ang loko. Ang saya niya ha!
“Okay!” kumuha ako ng tissue. Grrrr, ni sa bangungot hindi ko inaasahan na gagawin ko ‘to sa isang ubod ng pangit na lalaki. Inilapit nito ang pagmumukha niya. Napatingin ulit ako sa paligid at nagulat ng makita na nakatingin sa ‘min ang lahat ng taong nando’n. Sh*t! May nakita akong mukhang nandidiri, naguguluhan, hindi makapaniwala, nakanganga, nakakunot ang noo, ‘tila natutuwa at may parang kinikilig na ewan. Wait, kinikilig? Hindi pwede!
“Baby, I’m waiting...” napatingin ulit ako sa kanya and this time, mas lalong lumapad ang pagkakangiti nito.
“Okay, fine!” no’ng una dampi lang ang ginawa kong pagpunas pero nang ngumisi ito diniinan ko na ‘yong pagpunas sa mukha niya.
“Aray! Ano ba ‘yong pimples ko napipisa!” reklamo nito. Inilayo nito sa ‘kin ang kanyang pagmumukha.
“I don’t care! So, this ends our freaky conversation. No wedding! And that’s final!” tumayo na ‘ko para iwan siya.
“Hahahaha!” tumawa ito nang tumawa. Napahawak pa ito sa tiyan niya at namumula na parang sasabog na.
“What’s funny?!”
“Hahaha! Naniwala ka naman kasi!” What?! So balewala lang pala ‘yong pagpunas ko sa mukha niya kanina?
“G*go ka ba! Ipapa-salvage talaga kita!!” nanggigil kong sigaw sa kanya.
"Kung ipapapatay mo'ko, ikaw ang magiging number one suspect. Obvious na alam ng lahat ‘yon. Hahahaha!”
"Mas gusto ko pang makulong kaysa makasama ka sa iisang bahay! Ang pangit mo kaya! You don't deserve me!"
"Who said na kailangan kong maging gwapo para maging akin ka? Hahaha!" tumayo ako sa gilid niya at sinipa ko siya ng ubod ng lakas.
"Ouch!"
"Masakit ba?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Sobra!" pilit na sabi nito kahit na namimilipit na sa sakit.
“Actually kulang pa ‘yan!” sigaw ko sa kanya. G*go, niloko lang pala ako? Makikita niya!
Pinapalabas niya talaga ang sungay at buntot ko! Paalis na sana ako ng cafe nang tawagin ako nito.
“Victoria!!”
Nilingon ko siya.
“Ano?!”
“Pwede bang ikaw muna ang magbayad nito?” itinuro nito ang mga pagkain na nakalapag sa mesa.
“Ano kasi,naiwan ko ‘yong wallet ko. Hahaha!”
“F*CK YOU!” sigaw ko sa kanya sabay labas ng cafe.