Chapter 12

1410 Words
LAITERA 12-MISCHIEVOUS KISS (Victoria’s P.O.V.) "Vicky! Our condolences." tinapik ni Samantha ang aking balikat. Nasa isang mamahaling bar ako ngayon at naglalasing! Agad naman akong pinuntahan nung tatlo. "Vicky! Oh my! Nagulat talaga ako nang maging trending sa social media ‘yong balita!" si Allison. Ou, dahil isina publiko na ni Dad ang nalalapit naming kasal ni Gustavo! "Oh my! Na-imagine mo na bang hahalikan ka sa lips no’ng pangit na ‘yon?! Ang nakakakilabot pa sa lahat ay kung mag ho-honeymoon na kayo!" “Beatrice!!" saway nina Samantha at Allison dito. Agad kong tinungga ‘yong alak. Sh*t! Patayin niya muna ako bago niya ako mahalikan! Pwe! "Ano siya sinuswerte? Ako papakasal sa kanya? Never!" sabay inom ulit ng alak. “So what’s the plan?” tanong ni Samantha. "I don't know." hinawakan ko ang aking ulo na kanina pa sumasakit sa pag-iisip. “This is not new to me. Naalala niyo pa ba dati? Dad would always punished me with his out of this world ideas! When I was sixteen pina community service niya ako for one month and I almost burned that village out of anger! Hindi ito makatarungan at hinding hindi ako papayag na lang basta basta sa arrange marriage na iyon! Over my dead and gorgeous body!” "Tito is really scary. Kahit nga si Dad ay ayaw siyang banggain. Good luck to you." wika ni Beatrice. "Alam ko na!" sigaw ni Allison. "Ano?" Napatingin kaming tatlo sa kanya. "Magpakalasing tayo ngayon and then tatawagan natin si Marcus mamaya para sunduin si Vicky!" “Tama!" excited na sabi ni Sam. "Pagkatapos no’n aakitin na ni Vicky si Marcus." "Paano ko maaakit si Marcus kung lasing na ako?!" naguguluhang tanong ko. “Edi lalasingin mo si Marcus sa pang-aakit mo! Hahaha!Joke! Iinom lang tayo, hindi ka dapat magpakalasing okay? Magpapanggap ka lang.” sabi ni Beatrice. "Bed scene follows at mapipikot ni Vicky si Marcus.Pagkatapos, walang wedding kay Mr. Ubod ng Pangit! Walang Lyka. Church bell ringing para kay Mr. Ubod ng Gwapo at kay Ms. Ubod ng Ganda! The end. And they lived happily ever after!" sabi ni Allison.   “Perfect!” tili ni Samantha. Napa-smile naman ako. "Cheers to that!" itinaas ko ang aking baso na naglalaman ng alak. “For Victoria and Marcus!!” itinaas ni Allison ‘yong baso niya. “For Mr. And Mrs. UNG!” sabi nina Samantha at Beatrice. "Cheers!" After two hours... “Vhekhy...chawagan mo na si Marcus! Hahaha!" "Tchatawagan nah..."  “Chawagan mo siya beles!”  “Nasaan na ba chelpon ko?”  “Bilis bago ka fa malaching! Hahaha!”  “Ito na!Hahaha!” "Make the besht." "Hahahahahaha!!" "Galingan moooh! ‘Yung tinuro ko sa’yo! Hahaha!" "Tsunggaban mo agad!" "Hoy! Ikaw! Lafeet! Daliii. Chawagan mo ‘yong pinakagwapo dyan sa contacts koh! Hahaha!" "Yes ma’am!" (Gustavo's P.O.V.) “Hello?" bati ko sa kabilang linya. Binuksan ko ‘yong lampshade at napatingin sa aking alarm clock na nasa bedside table. Eleven thirty pa lang ng gabi. Sino ba ‘tong ungas na ‘to? Ilang araw na ‘kong nagpupuyat at ngayon lang nga ako nakatulog ng mabuti tapos may eepal pa? Tang*na naman oh. "Sir?" "Sino 'to? Alam mo bang nakakaabala ka ha! Alam mo bang ngayon lang ako nakatulog ng mabuti..” Halos maiyak-iyak ako. “Pasensya na po. Napag-utusan lang po ako.” “Ha? Sino?” "Sunduin niyo na daw ang girlfriend niyo sir." "Ha?” Girlfriend? Kailan pa ‘ko nagka-girlfriend? Tiningnan ko ang number na naka-register sa screen, sa isang cellphone ko ito ah?‘Diba nasunog na ‘to? Malamang si Victoria ang tinutukoy nito o baka ginu-good time na naman ako ng impakta. “Nandito po siya sa Southport Aristocrat Bar sir. Sunduin niyo na po lasing na lasing na kasi.” “Pakisabi sa kanya umuwi siyang mag-isa! Nakaya nga niyang pumunta diyang mag-isa kaya umuwi siyang mag-isa! Huwag na huwag niya akong igu-good time o aabalahin dahil kulang ako sa tulog!” “Sir, hindi po ako nagsisinungaling. Pakisundo na lang po siya rito. Nagsipag-uwian narin kasi ang mga kasama niya.” Hay! Epal! "Okay." Ano pa bang magagawa ko? Bumangon ako at nagpalit ng t-shirt at jeans. Grabeng babae, maghahatinggabi na nambubulabog pa! Kinuha ko ang susi ng kotse sa drawer ng bed side table at tumungo na sa parking lot. Almost 1 hour din ‘yong byahe. Psssh, napangiwi ako nang makita ang babaeng nakahiga sa lamesa. Sino pa ba? Edi ‘yong nagsasabing ubod siya ng ganda. Nakapikit ito at mukhang natutulog. "Isa fang hard likor jan!" itinaas nito ang mga kamay. Lumapit naman ‘yong waiter sa kanya. Gising pa pala ang impakta. "Ma’am, lasing na po kayo." "Shinong lashing? Hoy, fanget ka huwag mo akong fakialaman!" grabe lasing na nga pero laitera parin. "Hindi mo vha ako kilala? Ako shi Vectorya ang lahite *hik* lahiterang ubod ng ganda!" "Ma’am, lasing na po talaga kayo." "Ako ng bahala dito." sabi ko sa waiter nang makalapit ako. "Sir, kayo po ba ‘yong tinawagan ko?" "Oo." "Hindi niyo kasi kamukha ‘yong nasa contacts. Ang gwapo po kasi–" "Pwede bang lumayas kana lang at huwag ka ng maraming tanong." Umalis naman ito sa harapan ko. "Hoy teka!" tawag ko sa kanya. "‘Yong cellphone ko pala?" "Ay, heto po sir." kinuha nito sa bulsa ang cellphone ko at iniabot sa ‘kin. "Sige, salamat." Tiningnan ko na naman si Victoria. Kababaeng tao pero lasengga. Lumuhod ako para gisingin siya. "Hoy! Miss Yabang, gising na!" pinisil-pisil ko ang pisngi niya. "Ano vah!" tinabig nito ang mga kamay ko. "Hoy! Alam mo bang binulabog mo ang tulog ko ha! Naputol ang pagpapahinga ko para lang sunduin ka dito! Kaya huwag mo na'kong pahirapan pa!" "Oh." ‘Yon lang ang sinabi nito. Hay, huwag niyang sabihin na magpapabuhat pa siya? "Hoy Victoria!" kukurutin ko sana ulit ang pisngi niya ng bigla itong ngumiti pero nakapikit parin. She's beautiful. So damn beautiful. Napatitig ako sa labi niya. Bigla akong napalunok. Okay lang kaya kung hahalikan ko siya? Hindi ko mapigilan ang unti unting paglapit ko sa mukha niya. She's a temptation na hinding hindi ko kayang iwasan. Her beauty is pulling me towards her... slowly....slowly...just one kiss..gusto ko lang tikman ang labi niya... "Sir?" Anak ng! Napatayo ako. "Ano?!" badtrip na waiter ‘to. "Hindi pa po nababayaran ‘yong bill." "Ha?" Grabe rin talaga ang babaeng ito. Ako pa ang pagbabayarin niya? "Magkano ba?" naiirita kong tanong. "Eighteen thousand pesos po." "HA?" nagulat ako at biglang inagaw ‘yong resibo sa waiter. Grabe 18,000 pesos nga. Sh*t! Kung kailan nagtitipid! Sisingilin ko talaga ‘to sa kanya ng triple! Kinuha ko ‘yong wallet ko at kumuha ng 8,000 pesos. At dahil kulang ’yong pera ko ay isinama ko na lang din ang cellphone ko. Badtrip! "Hoy, gising! Gumising ka dahil hindi kita bubuhatin!" pinindot-pindot ko ang pisngi niya. "Hoy Victoria! Hindi ka ba tatayo dyan!" "Hoy!" niyugyog ko ang balikat niya. "Okay fine!" binuhat ko siya sa likod ko. "Bukas sisingilin kita ng 100,000 pesos sa pagpapahirap mo sa ‘kin!" Ang bigat naman ng babaeng ito. Lumabas kami ng bar at tumungo sa direksyon na kinaroroonan ng kotse ko. "Marcus..." bumulong ito sa may tenga ko. "Hoy! Pwede ba huwag kang magsasalita dahil may kiliti ako dyan!" "Marcus...." halos idampi na nito ang labi sa tenga ko. F*ck! Ibinaba ko siya at iniharap sa ‘kin. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Hoy! Pwede ba, hindi ako si Marcus!" She stepped closer. Hoy Victoria huwag na huwag kang lalapit baka ma rape kita! "Marcus..." bigla nitong hinawakan ang magkabila kong pisngi. Oh, tukso layuan mo ako. "Victoria, hindi ako si Marcus..." "Why can't you just love me Marcus?" nagmamakaawa ang mga mata nito. Teka, nahimasmasan na ba ito? Bakit nawala bigla ‘yong bakas ng kalasingan sa mga salita nito? “Bakit ba si Lyka na lang ang nakikita mo? Tanga ka talaga. Ako ang tunay na maganda at tagapagmana pero di moko magawang mahalin… bakit Marcus? Bakit…. Bakit di ako kayang mahalin ng taong mahal na mahal ko? “ "Vicky..." ikinapit nito ang mga kamay sa batok ko at hinila ako palapit sa kanya kaya napahawak ako sa beywang niya. "Kiss me Marcus… just one kiss Mr. Villanueva… " "Si Gusta–" hindi na ‘ko natapos sa pagsasalita dahil bigla niya akong hinila at siniil ng halik sa labi!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD