Chapter 13

1348 Words
LAITERA 13 - Morning, Nightmare (Victoria’s P.O.V.)  “Ohhhh..." Napangiwi ako ng maramdaman ang biglang pagdaloy ng matinding kirot sa aking ulo. Damn. I hate this feeling, nagsisi tuloy ako at nakipag-inuman pa ako kagabi. Napahawak ako sa aking ulo. Shet. Parang mabibiyak iyong ulo ko. Teka, ano bang nangyari kagabi? Hindi ko masyadong maalala. I tried to recall pero sumakit lang lalo ang ulo ko. Sinundo ba'ko ni Marcus? Last night was like a blurred dream. Pinindot ko ang button sa aking bedside table para tawagin ang aking mga muchacha. After 3 minutes ay dumating na sila.  "Good morning Miss Victoria!" bati nila.  "May rayuma ba kayo?! Ba't ang tagal niyong dumating!" galit na singhal ko sa kanila. Nayuko naman ang mga ito.  "Mom, hanggang fifth floor po ang bahay galing pa po kami sa maids quarter na nasa ground floor." Pagdadahilan nung isa. "Oh, talaga? Akala ko kasi sa Mars pa kayo galing mukha kasi kayong alien! Sige, gawin niyo na iyong tabaho niyo! And hey, ikaw!” turo ko kay kapeng kabayo. “Ye-yes, maam?” “Ikuha mo’ko ng gamot sa sakit ng ulo at ng tubig.” Utos ko sa kanya.  “Yes po!”  “Bilisan mo lang!” dinilatan ko pa siya ng mata.  “Oho!” nagmamadali naman itong kumuha ng gamot at tubig na nasa kwarto ko lang din. May med kit sa kwarto at sympre mini fridge. Sosyal nga kami diba?  “Ito na ho maam.” Umupo ako sa kama. Iniabot naman nito sa’kin ang tablet at ng tubig. Ininom ko naman iyong gamot. Pagkatapos ay binalik ko na iyong baso ng tubig sa kanya.  “Sinong naghatid sa’kin dito kagabi?” tanong ko sa kanya.  “Hindi ko po alam maam.” I rolled my eyes heavenly. At sininyasan siyang umalis na sa harapan ko. Matapos magbihis at maligo ay padabog akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa dining area. Nasira ang umaga ko nang makita kung sinu-sino ang nando’n. It was like they are all waiting for me to wake up. Andon si Dad ang bruha kong madrasta na si Annabelle, sina Lyka at Marcus na magkatabi. Pshhh! Hindi naman bagay! And si Gustavo?! Kinusot ko ng ilang beses ang mata ko. Just to make sure na hindi ako binabangungot. And to my dismay ay hindi nga. Asungot talaga! Kasama niya rin iyong dalawang matandang kausap ni Dad kahapon. Anong ginagawa nila dito?! “Good morning!!!” bati ni Gustavo sa ‘kin. Hindi ko siya pinansin at lumapit ako kay Marcus. “Hi Marcus! Wala bang good morning kiss diyan?” Napalingon lahat sa ‘kin. Mukhang hindi nila nagustuhan ang sinabi ko. Nasalubong ko rin ang matalim na tingin ni Mom na mas lalong nagpangiti sa ‘kin. “Vicky...” mahinang bigkas ni Marcus sa aking pangalan. Kinakabahan itong tumingin kay Lyka na napayuko na lang.  “Sa ‘kin ayaw mo bang humingi ng good morning kiss, baby?” grabe ang lakas ng loob ng impakto na ‘to. “Vicky umupo kana.” Utos ni Dad.Agad naman akong umupo sa tabi ni Marcus. Sa kasamaang palad, kaharap ko si Mr. Ubod ng Pangit. “So, anong pagpupulong ito? Bakit may  bwisita yata tayo Dad.” Patungkol ko kina Gustavo. “Nandito tayo para pag usapan ang nalalapit niyong kasal.” nagpanting ang tenga ko sa sinabi ni Dad. Seryoso ba talaga siya sa mga pinagsasabi niya?! Tweenty pa lang ako! Bukod do’n, hindi matanggap ng ubod ng ganda kong pagkatao ang nilalang na nasa harapan ko! Ang pangit kaya nito! “Ha?! Anong kasal!? Dad! Hindi pa ‘ko pumapayag!Saka kabaliwan ang—” “I’m not asking for your approval anyway dahil magpapakasal talaga kayo sa ayaw mo man o sa gusto!” Ngiting aso naman si Gustavo. “Dad, bakit hindi niyo po muna pag-isipang mabuti ang desisyon niyo?tanong ni Lyka. I rolled my eyes, pakunwaring concern kuno ang bruha!Sarap tapunan ng kutsarita! “Tama si Lyka, Leonardo. Lalo na’t hindi madali ang ikasal sa taong hindi mo gusto.”Segunda naman ni Annabelle na nahuli kong mukhang lihim na natutuwa sa mga pangyayari. Plastic talaga! “My desisyon is final. Ikakasal si Victoria at Gustavo sa susunod na linggo!”determinadong wika ni Dad.   “DAD!” Pinandilatan ko siya ng mga mata. “Excited na nga ako eh.”Pang-aasar ni Gustavo. “Ano ka hilo? Anong tingin mo sa sarili mo, nanalo sa lotto?!” nanggigigil na sigaw ko sa kanya. “Hahaha! Parang gano’n na nga baby, ang ganda mo kasi!” sabay ang isang nakakakilabot na pagkindat sa’kin.   “Damn you—” “Enough Isabelle! Just do as I say!” si Dad. “Never! Ano ako, baliw para magpakasal sa mukhang halimaw na ‘to? Dad, ganyan na ba kalabo ang mata niyo? Hindi niyo ba nakikita kung gaano kapangit ‘yang si Gustavo!? Don’t tell me na ginayuma ka nila DAD!” Uminom ako ng juice dahil parang naha-high blood ako. “Hija, mali ’yang inaasal mo sa kanya. Hindi lahat ng kagandahan ay nakikita sa panlabas na anyo. Gustavo is a very kind guy. Sa tingin ko ay mas bagay kayong dalawa. Marami kang matututunan sa kanya. And you should thank him dahil siya lang naman ang naghatid sa ’yo pauwi sa bahay kagabi!” “Pwee!!” nabuga ko sa mukha ni Gustavo ang iniinom kong juice. “Ano ba naman baby, bakit mo ‘ko binugahan sa mukha!? Hindi mo nga ako sinukahan kagabi, binugahan mo naman ako ng juice!!” Ginamit niyang pampunas ‘yong table napkin. Kasunod no’n ang pagdaloy ng isang blurred na scene sa aking utak... “Kiss me Marcus..just one kiss Mr. Villanueva… “ napahawak ako sa aking labi. Wait, wait, wait!! Nooo!! Hindi maaari! “Ma-Marcus wala ka bang na-receive na tawag mula sa ‘kin kagabi?” napatingin ako kay Marcus. “Or sa kahit na kanino para sunduin ako sa bar?” “Wala, Vicky. Bakit?” napakunot ang noo nito. Sh*t!! “No!!” So, si Gustavo talaga ang nakahalikan ko kagabi? Napatingin ako sa pangit niyang pagmumukha. Ang lapad ng ngisi ng g*go. Bigla akong napahawak sa aking tiyan. “Vicky, are you allright?” nag-aalalang tanong ni Marcus. Hinawakan ako nito sa braso. “Baby, okay ka lang?” si Gustavo. “Kiss lang naman ‘yong kagabi eh, walang nangyari sa ‘tin kaya imposibleng mabubuntis ka kaagad.” bumabaliktad ang sikmura ko sa sinasabi niya. Una, dahil hindi ko ma-imagine ang aking sarili na makakasama siya sa kama!   Napahawak na ako sa aking bibig, para akong masusuka. “Victoria?” si Dad. Nagmamadali akong pumunta sa may cr na malapit sa dining area. Isinuka ko ang lahat ng aking pandidiri sa lalaking ‘yon sa toilet bowl. My gosh, at ako pa ang nag-request ng halik sa kanya? Pero hey! Si Marcus naman talaga dapat ‘yon! At hindi siya! Mananagot talaga sa ‘kin ang impaktong ‘yon! PAPATAYIN KO NA TALAGA SIYA! Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili sa banyo, lumabas ako para harapin sila. “You!” turo ko kay Gustavo. “Hinding-hindi ako magpapakasal sa ubod ng pangit na kagaya mo! At huwag na huwag kang umasa na malalahian kayo ng maganda! Isa pa, try mo na lang kayang magparetoke muna at baka sakaling bumenta ka!” sabi ko. “At pangalawa! Huwag na huwag mong hihilamusan ‘yang pagmumukha mo overnight, baka sakaling kasing gumanda ang kutis mo!!Masyado kasing makamandag ‘tong laway ko at baka mahawaan ka ng kagandahan ko! ” “ISABELLE!!” Galit na tawag ni Dad sa ‘kin paglakad ko palabas ng dining area. “VICTORIA!!” hindi ako lilingon, bahala ka Dad. “VICTO—” “DAD!!” narinig ko ang sigaw ni Lyka. Anong nangyari? Lumingon ako and nakita si Dad na nakahawak sa kanyang dibdib at tila nahihirapang huminga. Nakatayo sina Lyka at Mom sa tabi niya, Inilalayan din siya nina Gustavo at Marcus.  “Daddy...” bigla akong nanlamig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD