[Victoria's POV] "Gustavo..." hinimas ko ang mukha niya. Wala parin siyang malay. Mahimbing siyang natutulog. Nasa bahay na kami ngayon. Mabuti na lang at dumating si Marcus kaya natulungan niya akong iuwi si Gustavo. "Vicky, the doctor said he's fine. Kailangan niya lang magpahinga." "Salamat, Marcus." "Bakit hindi muna tayo maglunch?" "Hihintayin ko siyang magising." Hinatak ni Marcus iyong isang upuan at tinabihan ako. "He's lucky." napatingin ako kay Marcus. "Parati na lang siyang napapahamak ng dahil sa'kin." Napabuntong hininga ako. "Parati na lang may napapahamak ng dahil sa'kin." pagtatama ko. Naalala ko na naman si Tristan. Hinawakan ni Marcus ang mga kamay ko. "It's not your fault Vicky. Huwag mong sisihin ang sarili mo." pinisil nito ang mga kamay ko. Tipid ko siyang n

