[Victoria's POV] Sa tingin ko magdadalawang oras na'kong nakatambay sa banyo. At kanina ko pa talaga gustong lumabas kaso may nakakatakot na halimaw sa loob ng kwarto ko! Umalis na kaya si Gustavo? Wala na'kong naririnig na ingay mula sa labas. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng banyo. Nakita ko siyang nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog. Tulog ba talaga siya o nagtutulog tulugan lang? Nilapitan ko siya. Narinig ko ang mahinang paghilik nito. Pshh! Ang baboy naman oh! Tapos feel na feel niya talaga iyong kama ko huh! Natukso akong mas lapitan siya ng husto. Isang dangkal na lang ang pagitan ng aming mga mukha. Marahan kong pinadaan ang aking kanang hintuturo sa ilong niya. Bahagya itong gumalaw at niyakap ng mahigpit ang unan. "Ysa..." sambit nito. Nagsasalita rin pala ng t

