Kabanata 16

1687 Words
Matagal na plano ng magkaibigan na sabay silang kakain ng lunch pero dahil parehas silang abala sa kanya-kanyang trabaho ay hindi kaagad iyon natuloy. Nagkataon naman na parehas silang maluwag ang schedule ngayon kaya naman nagkasabay rin silang dalawa pagkatapos ng ilang beses na pagpaplano. May isinama pang lalaking katrabaho si Tiffany samantalang si Evelyn naman ay hindi na nakapagsama dahil may mga plano na ang mga katrabaho niya. “Si George nga pala. George, si Evelyn nga pala ang kaibigan ko at iyong sekretarya ni Sir Jack.” “Nice to meet you, George,” sabi ni Evelyn kasabay ng paglahad ng palad niya para makipagkamay. “Nice to meet you too, Evelyn. Tama nga ang nababalitaan ko, ah? Maganda nga ang sekretarya ni Sir Jack,” sabi pa nito kaya naman napatingin si Evelyn kay Tiffany. Nagtataka siya na nagsama ito ng lalaki sa lunch na usapan nilang magkaibigan pero mas nagtaka siya nang malaman na pinag-uusapan pala siya kahit sa ibang departamento sa S2J. Hindi na rin naman niya pinansin ang sinabi nito na maganda siya dahil hindi siya sanay na ganoon ang paraan ng pagbati nito kahit na ngayon pa lang naman sila nagkakilala. Hindi naman iyon nakababastos pero hindi lang sanay si Evelyn sa ganoong pagbati. Alam ni Tiffany ang ganoong tingin ng kaibigan niya at alam din nito na hindi komportable si Evelyn kapag ganoong bumati sa kanya ang isang lalaki kaya naman sumingit siya sa usapan ng dalawa. “Bago ka magalit sa akin, Evelyn, dahil sa pagpapakilala ko sa iyo kay George, huwag kang mag-alala sa kanya dahil hindi babae ang gusto niya.” “Ano ang ibig mong sabihin? Can you elaborate that part?” tanong ni Evelyn. Naisip naman kaagad niya na baka bakla si George nang sabihin iyon ni Tiffany pero hindi niya iyon babanggitin dahil ayaw niyang magkailangan kung sakali man na iba ang ibig nitong sabihin. Kung pagmamasdan din naman ay wala sa itsura at kilos ni George na lalaki rin ang gusto niya. “Bakla siya, Evelyn. Baka magalit ka sa akin dahil nagsama ako ng lalaki pero huwag kang mag-alala dahil mas type niya si Sir Jack kaysa sa sa ating dalawa,” pagbabahagi pa nito sabay halakhak pagkatapos ay nag-apir pa sina Tiffany at George. “Oh.” Iyon lang ang tanging sagot ni Evelyn. “Pero seryoso, maganda ka nga talaga! Palagi kang pinag-uusapan sa opisina namin dahil inggit kami na nakasasama mo si Sir Jack at magkatabi pa kayo ng bahay! Kumusta naman siya bilang boss?” tanong ni George habang pilit na tinatago ang pagiging excited sa mga tanong niya. Bago sagutin ni Evelyn ang mga tanong nito ay sinabi niya na bumili muna sila ng pagkain at pagkabalik naman nila ay kaagad na sasagutin ang mga tanong nito. Nang maka-order naman sila ay parang nakalimutan na nito ang tanong tungkol kay Jack dahil sa sobrang kadaldalan. Sinabi rin ni Tiffany na iyon ang dahilan kung bakit magaan ang loob niya kay George dahil sa kadaldalan nito at base naman sa obserbasyon ni Evelyn ay masayang kausap at kasama si George. Nang wala na silang mapag-usapan tungkol sa trabaho ay naalala ni George ang tanong niya tungkol kay Jack kaya naman itinanong niya iyon kaagad. “Kumusta pala si Sir Jack bilang boss?” tanong ni George. Tapos na siyang kumain kaya nakaharap siya kay Evelyn at malapit pa ang mukha nila sa isa’t isa pagkatapos ay nakalagay ang dalawa nitong kamay sa baba. Kung ibang tao ang makakikita sa kanila at kung hindi alam na bakla si George ay baka isipin pa nito na may relasyon sila. “Okay lang naman. He’s a typical boss na kapag may tamang nagagawa ay pinupuri ka at kapag may mali naman ay pinagagalitan ka. Nandoon pa kami sa stage na madalas akong napagagalitan. Akala ko kasi ay masama ang ugali niya dahil noong interview ko ay ganoon ang warning sa akin ng security guard na pinagtanungan ko.” Tumawa naman si George kaya muling naglayo ang mukha nila. “Ano ang nakatatawa? Sa tingin mo ba ay nagbibiro ako?” masungit na tanong naman ni Evelyn dahil hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaction ni George. “Don’t get me wrong. Hindi ako tumatawa dahil sa iyo pero natawa lang ako dahil ngayon ko lang nalaman na ginagawa pa rin pala iyon ng mga security guard sa paligid ng building na ito.” “What do you mean? Ano ang ginagawa nila? Alam mo ba na ganoon din ang warning na nakuha ko sa kanila noong may interview ako rito? Akala kasi nila ay si Sir Jack mismo ang mag-iinterview sa akin.” tanong naman ni Tiffany. Halos dalawang taon na si George na nagtatrabaho sa S2J at ganoon din ang nakuha niyang babala noon mula sa mga security guard na pinagtanungan niya. “Alam niyo kasi, ganoon lang talaga ang mga security guard na kilala si Sir Jack dahil ganoon ang sinabi niya na sabihin sa mga taong magtatanong tungkol sa kanya. Noong una ay lokohan lang iyon ng mga security guard dito pero kalaunan ay ganoon na ang isinasagot nila dahil hindi rin naman nila akalain na maraming tao ang magtatanong tungkol kay Sir Jack. Wala namang nakaaalam na sobrang yayaman at makikilala ang kumpaniya niya. Karamihan pa sa mga nagtatanong sa kanya ay aplikante at alam niyo naman siguro kung ano ang mga nababasa natin sa website at news tungkol sa kanya na ubod siya ng lupit pagdating sa trabaho.” Nagpaliwanag si George at parehas naman na nakikinig sina Evelyn at Tiffany. “What’s the point of saying it? At nagtataka lang ako dahil mukha namang hindi friendly si Sir Jack pero nakakausap pala siya ng mga tao rito at maging ang security guard sa kalapit na building ay kilala siya?” tanong ni Evelyn. “Oo nga, hindi naman siya friendly, ah?” pagsang-ayon naman ni Tiffany. Mas naging interesado na tuloy si Evelyn kay Jack. Ganoon naman talaga ang tingin niya sa binata noon pero dahil mas nakikilala pa niya ito ay nagbabago na iyon. Sadyang nagtataka lang siya kung gaano karaming tao ang lihim niyang tinutulungan. “Ayaw lang ni Sir Jack na sinasabi na mabait siya dahil mas gusto niya kinatatakutan siya sa opisina niya pero kahit naman ganoon ang gusto niya ay nakikita mo naman siguro na mabuti siyang tao, hindi ba?” pagtatanong ni George kay Evelyn na siya namang sinang-ayunan nito sa pamamagitan ng pagtango. “Makikilala niyo pa siya kapag nagtagal kayo rito. Takot man kami sa kanya ay hanga naman kami sa kabutihan niya. Isa pa, hindi siya mukhang friendly pero likas sa kanya ang pagiging generous at kaya siya kilala ng mga security guard ay dahil kahit hindi sila empleyado ni Sir Jack ay binibigyan sila ng Christmas gifts, siyempre may pahintulot iyon sa mga boss nila dahil ayaw naman niyang isipin na binabalewala niya ang mga boss nila.” Tama naman na kahit ang mga security guard na napagtanungin ni Evelyn ay kilala si Jack kaya nga kahit late siya dahil sa bigat ng traffic ay umabot pa rin siya dahil kada pagtatanungan niyang guard ay mabilis siyang nasasagot. Naisip ni Evelyn na alam pala ni Jack ang ganoong sinasabi sa kanya ng mga guard kaya naman pala hindi kaagad ito nagalit noong narinig iyon. Nagulat lang si Evelyn na kahit pala sa ibang tao ay tumutulong siya. “At saka, alam naman namin na huhupa ang galit ni Sir Jack sa maling nagawa na hindi mo naman pala kasalanan, Evelyn.” “Pati pala iyon ay nalaman nila kaagad?” tanong ni Evelyn sa isip niya. “Ganoon lang talaga magalit si Sir Jack pero pagkatapos naman noon ay inaalam niya ang totoo. Baliktad man pero at least hindi siya kagaya ng malulupit na boss na nagtatanggal agad sa trabaho kapag may maling nagawa.” Muling napatango ang magkaibigan na sina Tiffany at Evelyn. HABANG NAG-UUSAP PA RIN sina Evelyn ay napadaan naman sina Jack at Charles kaya nakita ng mga ito si Evelyn pero nagkataon naman na pumunta sa rest room si Tiffany ng mga oras na iyon kaya ang nakita lang nina Jack ay sina Evelyn at George. “Kaya naman pala hindi sumabay sa ating kumain si Evelyn ngayon ay dahil may kasama siya. Ano sa tingin mo? Nobyo kaya niya iyong kausap niya? Tingnan mo, Jack, ang lapit nila sa isa’t isa at nagtatawanan sila. Ngayon ko lang yata nakitang ganoon kalawak ang ngiti ni Evelyn.” Sunod-sunod na tanong ni Charles kay Jack. “Do I really need to answer those questions, Charles? Personal na buhay na iyan ni Evelyn. Ayaw ko ng pinakikialaman ako at wala akong interes na pakialaman ang personal niyang buhay.” “Nagtanong lang naman ako sa iyo! Kanina naman ay maayos ka kausap pero bigla ka na lang nagagalit diyan na parang nagseselos ka sa nakita mo,” pang-aasar pa ni Charles sa kaibigan niya. “Oh, shut up, man!” Tinawanan siya ni Charles pagkatapos ay umalis na si Jack kaya kaagad naman niyang sinundan ang naaasar na kaibigan. Ibinalik naman si Jack ang tingin niya para tingnang muli si Evleyn at nakita niya na malawak nga ang ngiti ng dalaga. “Iyon ba ang dahilan kung bakit maganda ang ngiti ni Evelyn ngayon? Really, that guy? Wait, bakit ba iniisip ko pa rin iyon samantalang mas marami pa akong trabaho na dapat asikasuhin!” ani Jack sa isip niya kahit na ang totoo na napa-iisip siya kung nobyo nga ba ni Evelyn ang kasama nito at ganoon na lang ang lawak ng ngiti niya. “Pinatatahimik mo ako pero halatang iniisip mo siya! Baka naman pag-initan mo ang lalaking iyon dahil sa pagseselos mo, ah?” dagdag na pagbibiro ni Charles. “Charles, shut up, will you?” sigaw ni Jack na tinawanan lang ng kaibigan dahil parang umamin ito na kahit papaano ay may kaunting pagseselos sa nasaksihan. “Huwag mo akong patahimikin. Based on your expression, I just confirmed that you are actually attracted to Evelyn.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD