Kabanata 17

1606 Words
“Jack, nagtatanong lang naman ako tungkol kay Evelyn. Bakit ba ang init kaagad ng ulo mo? Kaunti na lang ay iisipin kong nagseselos ka talaga!” pang-aasar pa ni Charles kahit na alam niyang mainit ang ulo ng kaibigan niya. Hindi pa siya tapos sa pang-aasar kaya naman mas umiinit lang ang ulo ni Jack sa kaibigan niya. “Ngayon lang kita nakitang ganiyan dahil sa nakita mo, ah? Hindi mo pa nga ako sinasagot kung bakit napansin mo ang ngiti ni Evelyn.” Naiinis na nga si Jack sa nakita niya at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon ang naging reaction at nararamdaman niya pero dumadagdag pa ang pang-aasar ng kaibigan niya kaya mas lalo lang siyang naiinis. Naiinis na siya sa sarili niya dahil hindi naman dapat ganoon ang nararamdaman niya. Inaamin niya iyon sa sarili niya pero hindi niya iyon aaminin kay Charles dahil mas mang-aasar pa ito kapag umamin si Jack. Narinig ni Jack ang pang-aasar ni Charles na kumpirmado nito na interesado ito kay Evelyn ngunit nagbingi-bingihan na lang siya kaysa kung ano pa ang pamansin ng kaibigan niya. “Charles, iyon na nga ang pinagtataka ko sa iyo. Alam mo kung gaano ka-abalang tao pero bakit ako ang tinatanong mo tungkol sa buhay ni Evelyn? Siya ang tanungin mo tungkol sa bagay na iyan. Paano ko naman malalaman ang mga sagot na may kinalaman sa kanya? Halatang-halata na ginugulo mo lang ako ngayon. Bawas-bawasan mo ang pakikipag-usap kay Evelyn dahil nahahawa ka na sa kadaldalan niya.” “Hey, huwag mong sabihin na pati sa akin ay nagseselos ka?” “I had enough, Charles. Tumigil ka na.” Tumayo naman si Charles para lumapit sa kaibigan at pumuwesto pa siya sa likod nito para makita ang ginagawa nito sa laptop niya. Natawa na lang si Charles nang tama ang hinala niya sa kaibigan naman hindi naman ito abala sa trabaho ngayon dahil wala namang nakabukas na email o presentation sa laptop ni Jack. Sa madaling salita ay nagpapanggap lang itong busy sa trabaho ngayon para makaligtas sa mga tanong ni Charles na sigurado siyang iniiwasan ni Jack. “Ganiyan ka na pala maging abala sa trabaho mo ngayon? Sa tagal nating magkasama ay akala mo ba makapaglilihim ka pa sa akin lalo na sa babaeng natitipuhan mo?” sabi pa ni Charles at dahil nakita ni Jack na nakatingin ito sa laptop niya ay kaagad niya iyong isinara. “Ano ang ini-imply mo, Charles? Sinasabi mo ba na gusto ko ang sekretarya ko? Sekretarya ko lang si Evelyn, Charles.” “At gusto mo talaga na isipin kong minamaliit mo ang pagiging sekretarya niya? Alam kong sekretarya mo si Evelyn at ang sekretarya mo ay maganda, mabait, makulit, maaasahan at alam mong mapagkakatiwalaan. Makulit siya at kahit sabihin mo sa kanya na ayaw mo sa mga ganoong babae o klase ng tao ay hindi pa rin siya tumitigil lalo na at gusto ka niyang makilala bilang boss niya. Alam nating dalawa kung anong klase babae ang tipo mo. Bakit ba maging sa akin ay nagpapanggap kang matigas kahit na alam naman nating dalawa kung gaano kalambot ang puso mo sa libo-libong tao na tinutulungan mo.” Umayos nga upo si Jack. Hindi niya maintindihan kung talaga bang tungkol lang kay Evelyn ang pinag-uusapan nila o kung may iba pang agenda si Charles para mapag-usapan ang ibang bagay. “Ano ba ang gusto mong pag-usapan, Charles? Okay, sige, wala naman akong nakikitang masama kung hangaan ko man siya dahil kagaya ng sinabi mo ay mabait siya, hindi ba?” Nag-snap pa ng fingers si Charles dahil iyon ang gusto niyang ipunto kay Jack. “Exactly, wala namang masama kung humanga ka man sa kanya!” “Iyon nga ang sinabi ko.” “Kaya nga ako nagtataka sa iyo kung bakit ginagawa mo na naman ang bagay na iyan. Bakit kapag alam mong sasaya ka sa isang bagay ay pinipigilan mo kaagad ang sarili mo at ginagawa mo ang lahat para iwasan na maging masaya?” “Tinatanong mo pa talaga iyan? Sino ba ako para maging masaya sa buhay ko? You know what I mean, right? Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag iyon sa iyo dahil alam na alam mo kung ano ang ibig kong sabihin.” Hindi napigilan ni Charles na mapa-buntonghininga sa naging sagot ni Jack. Ganoon pa rin pala ang pananaw niya sa buhay. Iniisip pa rin niya na wala siyang karapatan na maging masaya kaya kapag alam niyang nagiging masaya siya ay itinataas na kaagad niya ang harang para hindi makita ng iba na gusto niyang maging masaya. “That is so unfair, Jack. Bakit ba ayaw mong hayaan na mabuhay ka bilang ikaw at maging masaya sa buhay mo?” “Unfair?” tanong ni Jack. Ngumisi pa siya bago ipagpatuloy ang sinasabi niya. “Alam mo kung gaano ka-unfair ang buhay sa akin, Charles. Ayaw ko na itong pag-usapan pa dahil wala namang patutunguhan ang paghanga ko kay Evelyn. Ang paghanga na iyon ay hanggang doon lang at igalang natin na masaya siya sa buhay niya at igalang mo na ganito ang paraan ko para mabuhay. Itigil na rin natin itong pinag-uusapan natin dahil mag-aaway na naman tayo. Hayaan mo na lang ako na ganito.” Pagkatapos sabihin ni Jack ang mga iyon ay tumayo siya at lumabas sa opisina. Nagkataon naman na kakatok na sana si Evelyn dahil dala na niya ang kape na hinihingi ni Jack kanina. “Ops, muntik na kitang matapunan, Sir Jack. Heto na po ang kape na hinihingi niyo sa akin.” Tiningnan lang ni Jack si Evelyn at muli na naman niyang nakita ang magandang ngiti ng dalaga. Iyon ang ngiti ni Evelyn na kahit sino ay maaaring mahawa at magaya sa ngiting iyon at iyon din ang ngiti na pilit na iniiwasan ni Jack dahil iniisip niya na wala siyang karapatang maging masaya habang nabubuhay pa siya. Isa iyon sa dahilan kung bakit seryoso palagi ang itsura niya, istrikto sa trabaho, masungit sa empleyadong nagkakamali at hindi ngumingiti sa lahat. Iniisip niya na wala siyang karapatang mabuhay nang masaya lalo na at alam niyang maraming nagdurusa dahil sa kanya. “But, damn, I just realized that she is really attractive with those smiles,” ani Jack sa isip niya na kaagad din naman niyang inalis sa pag-iisip na maganda ang dalaga. “Sir, ang kape niyo po,” sabi ni Evelyn at ibinibigay pa niya iyon kay Jack. “Ilalagay ko na lang po ba sa table niyo?” tanong pa niya. “No, thanks. Kay Charles mo na lang ibigay ang kape na iyan.” Tumango si Evelyn at hinihintay na gumilid si Jack kagaya ng ginagawa nito kapag nagkakasalubong sila sa pintuan. Simula ng maging magkaibigan ang turingan nila ay nakikita na ni Evelyn kung gaano ka-maginoo ang binata, hindi kagaya noon na kada magkikita sila ay mainit ang dugo sa kanya. “Ano pang tinatayo-tayo mo riyan sa daraanan ko? Umalis ka riyan dahil lalabas ako.” Masungit at halatang iritable ang tono ng boses ni Jack nang sabihin niya iyon kaya naman nagtaka si Evelyn pero kaagad na gumilid at mabilis namang dumaan si Jack nang hindi man lang siya nililingon. “Ano na naman kaya ang nangyari sa isa na iyon? Kanina lang ay parang magkaibigan naman kaming mag-usap pero lumalabas na naman ang sungaw sa pagiging suplado at masungit niya,” ani Evelyn sa isip niya. Nang makaraan naman si Evelyn ay pumasok na siya sa opisina ni Jack kaya nakita niya roon si Charles. Nasaksihan naman ni Charles ang eksena sa pagitan nina Evelyn at Jack kaya nagsalita na siya sa pagpapaliwanag kung ano ang nangyari kay Jack. “Pasensya ka na, Evelyn. May kaunting pagtatalo lang kami at saka may pinagseselosan kasi siya at ayaw niyang maniwala sa akin na selos na ang nararamdaman niya.” Sinadyang sabihin iyon ni Charles dahil gusto niyang makita ang reaction ni Evelyn at para makita kung may clue ba si Evelyn na sa kanya ito nagseselos at sa lalaking kasama kanina pero mukhang hindi iyon alam ni Evelyn. “Ganoon po ba? Marunong palang magselos si Sir Jack? Pero kahit nagseselos siya ay cute pa rin siya, ah.” Napatakip naman sa bibig si Evelyn nang mailapag na niya ang kape sa mesa na nasa harap ni Charles dahil hindi na niya napigilang bigyan ng compliment si Jack sa pagiging cute nito kahit na ang dahilan ng kasungitan nito ay pagseselos. “What did you just say? Kayong dalawa ay dumadalas ang pagbibigay ng compliment sa isa’t isa, ah? Huwag mong sabihin na may gusto ka rin kay Jack?” pang-aasar naman niya kay Evelyn. “Bawal ba?” ganting biro naman ni Evelyn kay Charles at nang sasagot na si Charles ay kaagad naman nagsalita si Evelyn. “Biro lang, ano! Ang layo niya sa akin. Wala akong gusto sa kanya, bakit mo naman iyon naisip? Bawal na ba magbigay ng compliment ngayon?” “Relax! Nahahawa ka na sa kanya sa pagiging mainitin ang ulo!” Pagkatapos nilang mag-asaran ay bumalik na si Evelyn sa puwesto niya pero naiisip niya na kahit pala ang successful, mayaman at guwapong kagaya ni Jack ay may pinagseselosan pa rin? “Parang kailan lang ay may date pa sila ni Miss Paige pero ngayon ay may selosan pang nangyayari. Sino naman kaya ang pagseselosan niya?” ani Evelyn sa isip niya habang inaalala ang naging ugali ni Jack dahil sa pagseselos nito at hindi na naman mapigilan ni Evelyn na mapangiti dahil sa cute na bersyon ng boss niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD