Lagi lang nagkukulong si Liel sa kwarto. Ang kuya lamang nito ang umasikaso sa mga nakipaglamay. Minsan nang mabungaran ni Jaz ito sa kusina ng bahay nito ay para na itong zombie. Naglalakihan ang eyebags at maputla ang kulay ng balat. Ayon sa kuya nito ay madalang pa sa madalang kung lumabas ito ng kwarto para kumain.
The death of her parents gave her strong grief. Napakalapit ni Liel sa mga ito at alam ni Jaz na mahal na mahal nito ang mga magulang. He should not have hurt her had he known it would happen. If he could only go back in time, he would have done it otherwise Hindi niya tuloy ito magawang lapitan ngayon dahil makadadagdag lang siya sa lungkot nito. Better yet, sa sama ng loob ni Liel.
Naalala niya noong minsan silang dumalaw ng Mama niya sa bahay ng mga ito isang linggo matapos ang kanilang pagdadalamhati, nagulat silang lahat ng makarinig ng hiyaw mula sa kwarto ni Liel. Nagwawala kasi ito noong mga panahong iyon kaya't hindi rin sila naentertain ni Brew. It was hard for Liel to accept everything. Halos gabi-gabi raw naririnig ng kuya nito ang pag-iyak ng dalaga.
Isang buwan ang lumipas mula ng mangyari ang aksidente. At sa loob ng panahong iyon ay hindi man lang sila nagkausap ni Liel. He tried time and again but he was always rejected. She did not utter a word. She always sent him away as if he was a total stranger. Naubusan na siya ng paraan. But God knew how much he wanted to comfort her.
Liel even decided to drop out of school. But Cherry and Brew talked to the dean to give Liel a chance for remedial exams. Sayang kasi kung hindi pa nito maipapasa ang ibang subjects at matapos ang semester na iyon. Iniisip ni Brew ang hinaharap kung maisipan ni Liel na muling mag-aral. Kaya sinamantala niya ang pagkakataon noon ring nag-ayos ito sa school ng mga papel para sa exam. Inabutan niya itong nakaupo sa bench at nakatulala.
"Liel." tawag ni Jaz. Lakas loob na siyang lumapit dito once and for all. Kailangan niya na talagang makausap ito. Gagamitin na niya ang kahuli-hulihang strategy niya.
But then again, she just rolled her eyeballs like what she used to do everytime they met.
"Liel, can we talk?" pasimula ni Jaz. She ignored him.
"Liel, please?" pumuwesto siya sa tabi nito. Gusto na niyang umurong pero pinipigilan naman siya ng kabilang bahagi ng utak niya.
Dinampot nito ang bag sa tabi at akmang aalis na. Nag-atubili siyang pigilan ito. Tension was rising. Lumipat si Liel sa kabilang bench at naupong muli. Hinihintay nga pala nito si Brew. May bigla naman siyang naalala.
"Deja vu." he attempted to sound cool para itago ang nerbyos. He was really not good at approaching someone with a case like Liel's. But his words seemed to strike something in Liel’s mind. Dahilan para mapatingin ito sa kanya. Ngunit agad ring nagbawi.
"Nangyari na ‘to dati, eh. Nung tinulak ka ni Marky at nasubsob ka diyan." sabay nguso niya sa damuhan. Now he was a bit loosen up. Oh well, he also missed teasing her. "Then when I offered help umiwas ka sa akin, like what happened a while ago."
"Leave!" sa wakas ay sumagot na rin ito. Matapang ang itsura nito. Ngunit mas lalo pa siyang naging confident dahil kinibo na siya nito sa wakas kahit isang salita lang.
"Hmm. Let's see kung may magbabago sa nangyari dati." he was provoking her to react violently. Yes, he missed their fights. At sa ganoong paraan talaga siya palaging nakakakuha ng reaksyon dito. Okay lang, basta kausapin lang siya ni Liel. Nakangisi pa siya dito.
"Gusto mong baguhin natin? Let's say, sisipain naman kita sa mukha kapag sumunod ka pa." tumayo na ito upang maharap siya.
"Alam mo lagi kang highblood. Tignan mo ang itsura mo, ang pangit-pangit mo na. Hindi ka na mukhang prinsesa. Mukha ka ng witch. ‘Yong nagbigay ng mansanas kay Snow White." patuloy lang siya sa pang-aasar. At the same time he was praying she wouldn't lose her temper because it was not planned. Wala siyang ideya sa gagawin kapag nagbreakdown ito. Sa tingin kasi niya ay ito na lang ang natatanging paraan para kausapin siya ni Liel. Ni hindi nga siya sigurado kung may nagbago sa damdamin ni Liel para sa kanya. Mahal pa din kaya siya nito? Kasi siya, oo. Hindi nga nabawasan, nadagdagan pa.
"Just what do you want?" paangil na tanong ni Liel.
"Like I said, I want to talk to you. Ang lungkot-lungkot mo. Alam mo ba ‘yon? At nalulungkot kami sa nakikita naming ginagawa mo sa sarili mo, si Kuya Brew, si Mama at Papa, ako. Nalulungkot kaming lahat simula ng mawala ang parents mo. Pero mas nalulungkot kami dahil hindi ka namin macomfort. Because you're building walls between us."
"You don't understand!" nasa mukha nito ang galit at lungkot.
"I do. Tito Benjo had been a father to me. I learned a lot from him. At si Tita Vera, alam mo rin kung gaano ko siya kamahal bilang pangalawang ina. You know that. You’ve witnessed that. I missed them so much, Liel. Tingin mo ba ganoon lang kadali sa akin na tanggaping wala na sila? Lahat kami ay nahirapang tanggapin iyon. Pero ang tanging iniisip ko na lang is that they are in a happy place now because they did nothing but kindness. Alam kong nahihirapan ang puso mo but I am sure, even your parents will tell you to be strong. Overcome your fear and sorrow. We have to keep going. They taught us how to do so, right? Just pray and value what remains. Nandyan pa ang kuya mo. Nandito kami. We are family."
Hindi niya alam kung saang lupalop niya hinugot ang lahat ng mga sinabi niya. Basta't nagtuloy-tuloy na lang sa pagsasalita ang bibig niya. It's now or never.
"You are of no help." nanginginig ang boses na tugon ni Liel. Nakita na naman niya ang lungkot sa mga mata nito. Tulad ng kinatatakutan niya kaya ayaw niyang kausapin ito. Ayaw niyang makadagdag sa sama ng loob ni Liel.
She was about to walk away but he held her arms and pulled her to his chest. Niyakap niya ito ng mahigpit. Liel didn't move until he heard sobs.
"Cry your heart out, Liel. Never think you're all alone. I'm just right here for you. Always."
_____
It was the very first morning that Liel did not cry since the death of her parents. After Jaz confronted her, she felt relieved. At habang lumilipas ang mga araw ay unti unti nang nababawasan ang pagdadalamhati niya. She realized it was not the end of the world, and yes, her parents were happy now. She had been so selfish for the past few weeks.
Hindi niya inisip na nasasaktan din ang kuya niya sa nangyari. All she cared about was herself. At sa ginawa niya ay lalo lang niyang pinabigat ang nararamdaman ng kuya niya.
After that day she talked to Jaz, she picked herself up. She had to live on. After all, hindi pa naman doon natatapos ang mundo. Hindi na niya itinuloy ang pagdrop out sa school.
Tumunog ang doorbell at dali na niyang pinagbuksan ang nasa labas. It was Jaz.
"Ang kupad mo talagang kumilos." sabi nito saka nagtuloy-tuloy sa sala at naupo. "Get yourself ready. Male-late na tayo. Tsk tsk."
"Okay. I'll be back in a minute. Wait lang." humangos na siya paakyat.
Hindi pa nila napapagusapan ang nangyari sa kanila bago mamamatay ang parents niya. Hindi pa ito humihingi ng sorry. But she already forgave the jerk. Pero mas gagaan ang pakiramdam niya kung maririnig iyon mula rito. There was a barrier between them especially when they happened to mess around each other. Bigla na lamang silang napapatigil kapag ang isa ay napipikon na. Marahil ay nadala na silang dalawa na baka magkasakitan na naman sila.
Ngunit nagpapasalamat siya dahil bumalik sila sa pagiging magkaibigan ni Jaz. Kaya lamang ay nangungulit pa rin ang puso niyang papasukin rito muli si Jaz. She didn't want to take the risk dahil natatakot siyang masaktan muli.
"Liel! Late na! Ano ba?" Narinig niyang sigaw ni Jaz. Hindi na siya naligo. Agad siyang nagpalit ng damit panlakad. Isinabay na niya ang pagsisipilyo sa pagbibitones ng long sleeves na checkered polo niya. Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na siya. Itutuloy niya ang pag-aaral dahil iyon ang gusto ng parents niya, ang makapagtapos siya. Sasamahan niya si Jaz na mag-enroll ngayon kapalit ng pagsama nito upang makuha ang mga grades niya para makapag-enroll na din siya. Nahihiya kasi siya sa mga propesor niya dahil sa biglang pagbabago ng desisyon niya. Ang Kuya Brew niya ay kausap ngayon ang kanilang lawyer. Inaayos nito ang mga ari-ariang naiwan ng kanilang mga magulang.
"‘Di ka naligo?" kunot ang noo na tanong nito nang makababa na siya. Tumango lang siya.
"Yuck! Don't you dare touch me!" Umakto pa itong kinikilabutan ng hampasin niya ang braso nito.
"Ang arte mo!" asik niya. Humalakhak ito ng abot sa tainga ang mga ngiti.
"Joke lang. Let's go." Sabay akbay sa kanya ni Jaz.
Nang makarating sila sa school ay inuna nila ang pagkuha sa grades niya. Hindi siya nabigo na isama si Jaz. Wala talagang pinalalagpas na edad ang charm nito lalo pa at puro babae ang kaniyang mga propesor. Pareho silang nakatapos mag-enroll.
Kasalukuyan silang nakasalampak sa lawn at kumakain ng Cookie Monster ice cream bar. Isa ito sa mga pagkain na napagkakasunduan nilang dalawa, pangalawa sa pizza. Nagtataka pa rin siya kung bakit hindi man lamang tinapunan ni Jaz ng tingin si Cleo kanina nang abutan nila ito sa opisina ni Ms. Torino. May kinokumpleto itong requirements dahil nakakuha ito ng INC sa subject na iyon base sa kaniyang narinig. Maging si Cleo man ay hindi tumingin kay Jaz.
“What’s with you and Cleo?” usisa iya sa kaibigan.
“Oh. Her? Haven’t I told you yet?” kumunot ang noo ni Jaz.
“Told me what?”
“We already broke up. Like a month or so.” parang wala lang na sabi nito. Patuloy lamang si Jaz sa pag-ubos ng ice cream.
“Really? ‘Di ko yata nabalitaan ‘yon? At bakit ngayon mo lang sinabi?” Bumaling siya sa kinakain at muling nag-isip. Akala niya ay seryoso na si Jaz dito. Sa pagkakakilala niya kay Cleo ay patay na patay ito sa kababata niya. Si Jaz kaya ang nakipaghiwalay? Sa anong dahilan?
“I think this is the right time to tell you everything.” Nagbago ang ekspresyon ni Jaz. Bigla itong sumeryoso at tila kinakabahan.
“About what?” Siya man ay kinabahan rin. Alam niyang totoong seryoso ito at hindi nito trip na i-prank siya.
“Liel, I broke up with Cleo because of you.” He looked intently at her. Para siyang napapaso sa tingin nito kung kaya’t hindi niya mahalungkat sa isip ang ibig sabihin ni Jaz. Negative o positive ba ang pakahulugan nito?
“I love you, Liel. Not only as my best friend.”
Dumagundong ang dibdib ni Liel sa sobrang kaba. What Jaz had told her was not sinking in completely. Nabitawan tuloy nya ang dinidilaang ice cream.
“W-what do you mean, K-kuya Jaz?” Bigla siyang nag-alangan na tawagin itong “kuya”.
“I love you. I want you to be my girlfriend. Will you let me, Liel?”
Finally, it hit her. Part of her heart was rejoicing. Another part was afraid. Afraid? Yes. Kilala niya si Jaz na hindi tumatagal sa babae. Paano kung matulad ang kapalaran niya kila Jasmine, Rona at Cleo?
“K-kuya Jaz, bakit mo sinasabi ‘yan?” Naguguluhan pa rin siya.
“Dahil hindi ko na kayang tiisin, Liel. Naisip ko na kapag pinigilan ko na naman ang sarili ko, maagaw ka na naman sa akin katulad dati.”
“Dati? When?”
“Noong naging kayo ni Josh. Matagal na kitang minahal nang higit sa kaibigan, Liel. Noon pang high school tayo.”
Then suddenly she could vividly remember the stupid reactions of Jaz everytime Josh and her were together. And then that timeJaz saw her with Sid during their team building. Was Jaz jealous all those times?
“I know you’re quite surprised. Maiintindihan ko kung irereject mo ako. Pero sana huwag mo akong iwasan bilang kaibigan. I just hope we could still be best friends.” Lumungkot ang mga mata nito.
Humugot siya ng malalim na hininga. Nangingibabaw na ang kasiyahan sa puso niya nang mga oras na iyon.
“K-kuya Jaz. You also need to know... everything. I have been loving you more than a friend even before Josh. And I think even before Jasmine came in the picture.” Si Jaz naman ngayon ang nagulat.
“L-liel…” Iyon lamang ang nasabi ni Jaz at mahigpit siyang niyakap nito. Ilang sandali silang magkayakap at tanging pintig lang ng puso ang nadidinig. Nang makuntento si Jaz ay tiningnan siya ng malalim.
“Had I known about it, matagal na sana kitang niligawan, Liel. But I am glad to know that the feelings are mutual between us. God! I am the happiest man alive!”
“Me to, K-kuya Jaz.” Lalo na siyang nag-alangan na tawagin itong “kuya”.
“Drop the ‘kuya’. Call me ‘babe’, ‘sweetheart’, ‘mahal’ or whatever your heart desires.” Muling nasilayan ni Liel ang mga pilyong ngiti ni Jaz. But she knew, he was truly happy. His eyes were sparkling in delight.
Kinurot niya ito sa tagiliran dahilan para mapaigtad ito.
“Ligawan mo muna ako. ‘no!”
Nagtawanan silang dalawa.
“As you wish, my princess. Araw-araw kitang liligawan at pakikiligin.” He winked.
Buong araw nilang pinag-usapan ang nakaraan. Napagtagni-tani nila ang mga pangyayari kung saan ang mga selosan ay nauwi sa bangayan at hindi pagpansinan. Humingi rin ng tawad si Jaz noong nasaktan nito si Liel bago maglasing.
____
Hindi naging madali para kay Liel ang sitwasyon sa school simula nang maging boyfriend niya si Jaz. Mabilis kumalat ang balita at mabilis ring dumami ang mga babaeng naiinis sa kanya. She was certain that they were jealous. Kahit ang ibang orgmates niya ay pinangilagan siya. Was that so bad to be his best friend’s girlfriend? Dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan simula nang sagutin niya si Jaz pero nagkaroon agad siya ng instant haters.
“Don’t mind them.” wika ni Jaz habang naglalakad sila papunta sa parking lot na magkahawak kamay. All eyes were on them. Naiilang siya.
“They obviously hate me.”
“So? Mahal naman kita.”
Liel blushed. Hinampas niya sa braso si Jaz.
“Pasok na naman sa banga yung punch line mo, Jaz.”
“Wrong, princess. Wrong reply.”
“I love you too!”
Nang makapuwesto na sila pareho sa loob ng kotse ay nilisan na nila ang eskwelahan.
“Sinasama nga pala ako ni Byron sa birthday ni Zion bukas. Wala ka naman schedule kapag Saturday, right? Wanna come with me?” ani Jaz.
“Hindi na siguro. May kailangan akong tapusin na report, eh. Baka masampolan na naman ako ni Ma’am Yey kapag ‘di ako prepared sa Monday.”
“Alright then, my princess”
Pero isang maling desisyon ang hindi niya pagsama dahil napakalaking gulo ang nangyari kay Jaz nang gabi ng Sabado na iyon.
Zion’s Mom, who was Cleo’s Mom’s super friend, caught Jaz and Cleo in the guest room naked under the sheets. They were both drunk and aslept. Ayon sa pagkakadetalye ng tsismosa niyang orgmate na si Vernice ay magkayakap pa daw ang dalawa. Ayaw niyang paniwalaan iyon dahil baka gawa ng nagpasalin-salin na kwento ay naiba na ang tunay na pangyayari.
Hindi pa sila nag-uusap ng personal ni Jaz. Hindi niya alam kung magagalit siya o maaawa dahil sa nasaksihang eksena sa bahay nito.
Nagulat siya noong umaga ng Linggo nang makadinig ng sigawan sa tapat ng bahay nila kaya’t dali-dali niyang tinakbo iyon. Ang eksenang inabutan niya ay ang duguang labi ni Jaz habang kinukwelyuhan ng sariling ama. Iggy hurt Jaz. Hindi na niya matukoy kung tama ang iniisip niyang sinuntok nito si Jaz dahil kailanman ay hindi pa niya nakita si Iggy na nagalit ng ganoon kay Jaz. Si Cherry ay pigil lamang ang braso ng asawa at mangiyak-ngiyak na sa kakaawat.
“Anong ginawa naming mali at lumaki kang ganyan, Jaz?” Marahas na binitawan ni Iggy ang anak.
Tumingin si Jaz sa dako niya ngunit walang bakas na kahit ano sa mukha at mata nito. Tumalikod lang ito at dumiretso sa kwarto.
Nang mapansin siya ng mag-asawa ay kumalma ang mga ito. Nanghingi ng paumanhin at saka nagsimulang magkwento.
Pinuntahan niya si Jaz sa kwarto at inabutan itong nakatulala sa kisame. Walang salitang lumabas sa bibig nito. Kinabig lamang siya papalapit at niyakap ng mahigpit at makailang ulit nitong hinalikan ang noo niya at buhok. Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang ihatid na siya nito pauwi sa kanila.
Parang naputulan ng dila si Jaz noon. Wala man lamang itong paliwanag. Kundi isang maikling text message na nagsabing, “I’m really, really sorry, my princess. Wala akong maiharap na mukha sa ‘yo. Kasalanan ko ang lahat. Maiintindihan ko kung biglang magbago ang damdamin mo para sa ‘kin.”
Pero hindi siya ganoon kasarado mag-isip para hindi kunin ang panig ni Jaz. Alam niyang may iba pang nangyari na hindi alam ng nakararami.
Huwebes ng hapon bago mag-uwian ay inabangan niya si Jaz sa kotse nito. Lagi na kasing hindi siya sinusundo nito sa kanyang silid-aralan dahil kutob niyang umiiwas itong madamay siya sa usap-usapan. Kalat na kasi sa campus ang nangyari.
Nagulat si Jaz nang makita siyang nakaupo sa hood ng kotse nito. Tila wala pa rin itong dila at nakatitig lamang sa kanya. But this time, his eyes were sad.
“Jaz, let’s talk. Please?” Ilang sandali pa siyang tinitigan nito saka sumagot ng tango.
Doon na lamang sila nag-usap sa loob ng kotse nito.
“Ano ba talaga ang nangyari, Jaz? Please explain. Makikinig ako.” panimula niya.
He took a deep sigh as if the weight of the world was on his shoulder.
“I think Cleo set me up that night…” pasimula ni Jaz. She knew it. There was really something strange happening.
“Pero hindi ko alam kung paano papatunayan ‘yon. Lasing kaming lahat. I didn’t even know na nadoon si Cleo. But Byon and others said that she was already there even before I arrived. Kinausap na ako ng parents ni Cleo. They told me that if Cleo gets pregnant, we will get married.”
Tila nabingi si Liel pagkarinig niyon.
“I am really sorry Liel. I didn’t mean to hurt you this bad. I’m sorry.”
“Bakit hindi mo sabihin kay Tito and Tita na sinet-up ka lang ng bruhang ‘yon?”
“I tried. Pero wala naman akong ebidensiya. Isa pa I had full responsibility of the situation dahil ako ang lalaki. Wala akong ibang makakampi, Liel. Napapagod na din akong mag-isip.”
Nahabag siya para kay Jaz. Niyakap niya ito.
“Everything will be alright, Jaz. And I still love you.”
“Salamat, Liel. I love you. So much.”