Mabilis niyang dinampot ang susi ng kotse at sumibat. Good thing, rush hour has already passed. He never thought that Liel would drown herself in alcohol. It just showed how much she was hurt. He acted like a schmuck and he hated himself for that. Para siyang hindi lalaki.
Halos paliparin niya ang sasakyan. Finally, he reached Weekend. Minsan na siyang nakapunta roon kasama sila Byron. Tumutugtog din kasi ito dati doon.
He hurried up just to see Liel at the stage with the band. He was shocked. So after all his effort to come quickly, this was what he would find out. His drunkard princess was letting a guy be so close to her. They could almost kiss! Ano ba ang pinagbubulungan nila sa harap ng madla?
Oh come on! Jealousy could drive him out of control again kapag hindi siya nagtimpi. He remembered how he accused her of petty issues. Nagselos lang talaga siya, kaya naging overacting siya. Isa pa, hindi pa niya pwedeng iexpress ang nararamdaman para sa kababata kaya naghahalo ang emosyon niya. Lagi na lang siyang nagseselos ng wala sa lugar!
He could still recall how amazed Liel was while she was stalking Zander’s f*******: account. Hindi nito alam noon na matagal na siyang nakatunghay sa ginagawa na pagbrowse sa profile at photo albums ng kabarkada niya. Minsan itong mapa- “Ohh” habang nagsstalk. Labis niyang ikinabwisit iyon.
Noong nakaraang linggo naman ay pumasok ito ng napakaaga which was not normal. Maging ang mama niya ay hindi ito inabutan. Tulog pa ang lahat ng umalis ito. Pagpasok niya sa school ay nakita niyang magkasama ito at si Jame–isa sa nanligaw at nabasted ni Liel–sa tapat ng CBA building. Nang tanungin niya si Eloi isa sa mga orgmates nito ay kanina pa daw umaga magkasama ang dalawa.
At ang huling pinag-awayan nga nila ay ang tungkol kay Sid. Kaya pala pinilit nitong sa field na lang siya maghintay para daw hindi na siya mapagod maglakad papunta sa likod ng CBA. Pataas kasi ang kinatitirikan niyon na animo'y burol.
Ngayon naman ay nagpakalango ito sa alak at matamis na nakangiti habang may ibinubulong ang gitarista. Laking pagtataka niya sa mga kinikilos ni Liel. Hindi na siya sigurado kung mata ba niya ang may problema o lasing lang si Liel. Natatakot lang siyang maunahan na naman. Binura muna niya sa isip iyon. He was being too accusing again. Baka kung saan na naman siya dalhin niyon.
Pero naman kasi ang mga ngiti ng dalawa ay nakakapagpanginig sa laman ni Jaz. Gusto na niyang kwelyuhan ang gitarista at itapon sa labas. Alam naman niyang may mali rin siya. But he couldn't blame himself, he loved this little sister. Ngunit ngayon ay kailangan muna niyang sunduin si Liel at mag-isip kung paano ipaliliwanag sa mga magulang nito ang nangyari dahil siguradong irereport ito ni Kuya Juanito sa mga magulang ni Liel.
He was struck watching Liel on stage. He saw pain in her eyes while singing. Dama niya sa boses nito ang lungkot.
See I'm just too scared to tell you the truth
Cause my heart ache can't take anymore
Broken and bruised longing for you
And I don't know what I'm waiting for...
Parang siya yata ang dapat na kumakanta sa harap. The song told exactly what he was feeling towards his best friend.
Matapos kumanta ni Liel ay inilapit na naman ng gitarista ang mukha nito na animo'y may ibinulong. Napangiti naman ng malapad si Liel. He swear, he could kill that bastard for almost kissing his princess.
Pasuray-suray itong naglakad pababa ng stage at nagtungo sa table nila Ram. Ilang minuto pa niya itong pinagmasdan. Natatakot din kasi siya sa sasabihin ni Liel kaya hindi siya makalapit agad. Para na siyang tangang nakatayo sa sulok ng bar. May lumapit ulit na waiter sa mga ito at may dalang bucket ng alak. Sinasaway ng mga kaibigan si Liel pero ayaw papigil hanggang ilang minuto pa ay nakadukdok na lang ito sa mesa. Kaya nilapitan na niya ang table na kinaroroonan nito.
"So here's the jerk in shining armor." sabi sa kanya ni Ram nang makita siya.
"Ang tagal mo, alam mo ba ‘yon? Tignan mo tuloy ‘tong si Liel." turo ni Jessie kay Liel na nakadukdok na sa table. "Pinipigilan namin ‘yan pero mas makulit pa ang lahi kay Nics pag nalalasing."
"Anyway, take her home. Nasobrahan na 'yan." sabi ni Ram.
Pinangko niya si Liel at nagsisunod naman ang mga ito palabas.
"Sumabay na kayo sa akin umuwi. Ihahatid ko na kayong lahat." alok niya ng maipasok na si Liel sa passenger’s seat.
"Hindi na. Para makapagpahinga na 'yang bruha na ‘yan. Besides, Aljon will pick us up. So, you two, shoo!" pagtataboy ni Nics.
"Umayos ka, kundi babalatan ka namin ng buhay ‘pag nakipag-inuman ulit ‘yan." banta pa ni Ram sa kanya. Marahil ay alam na ng mga ito ang nangyari kung paano napunta si Liel doon.
Nang makapwesto siya sa driver's seat ay pinaharurot na niya ang kotse. Habang nasa byahe naman ay hindi matahimik ng kakasalita si Liel.
"Hoy ikaw Mr. Guitarist. Kanina pa ako salita ng salita dito pero di mo ‘ko kinakausap." sabad nito ngunit hindi pa rin siya sumasagot. Sagana na sa “H” at “Z” ang salita ni Liel. Halos kainin na nito ang mga letra sa pagkabulol.
"Hindi pa nga tayo first name basis, sinakay mo na ‘ko agad sa kotse mo." Hay, ang daldal. Naiirita pa naman siya kumausap ng lasing.
"Alam mo, kamukha mo sana ‘yong kuya s***h childhood sweetheart ko eh, kaya lang hindi ka pala-imik. ‘Yon kasi masyadong alaskador, eh. Madalas ko ngang batukan ‘yon kapag napipikon ako." Napangiti siya pero teka, anong tawag nito sa kanya?
"Kuya mo then childhood sweetheart mo?" sa wakas ay tanong niya.
"Oo nga. We're not really siblings. But really, I never used to call my older friends and schoolmates ‘kuya’. Kuya ko lang siya just to hide what I feel for him. I love him, you know. Si Kuya Brew lang ang kuya ko, my one and only human bear." What a revelation. It surprised him.
"That Jaz. I'll kick his ass off ‘pag nagkita kami. He always hurt me, you know that?" He was really taken aback.
He pulled over at nilingon ito. Nakapikit ito ngunit malungkot ang pagkakakurba ng mga labi. May bahagya ring kuminang sa gilid ng mga mata nito. Luha. She looked so miserable because of him. Dahil sa walang kwenta niyang selos ay kung ano-anong bagay ang nabuo sa isip niya para masaktan si Liel. Samantalang iisa lang naman pala sila ng nararamdaman ng kababata. Ang tagal niyang nagtiis na itago iyon. Sana ay dati pa siya nagtapat. Umabot pa tuloy sila sa ganito. He was really a jerk. A first-class jerk in town.
He put her head on his chest and hugged her. "Don't. Let me bash that Jaz's face in for you." Bahagya naman siya nitong inilayo.
"No, I will do that myself." she smiled bitterly at nag-angat ito ng mukha kahit halatang hirap na itong buhatin ang namimigat na ulo. And now their faces were too close. They could almost breathe each one's breath. Kinakabahan siya. He was tempted to kiss her.
He was so guilty. He wanted to wash away the pain from Liel. And maybe a kiss would do. He leaned her back before his heart betrayed him.
"Kamukha mo talaga si Jaz." bahagya itong dumilat at tumingin sa mga mata niya. She cupped his face then smiled bitterly before she closed her eyes. Nakatulog na ito. Payapa na rin ang itsura ni Liel.
"I'll take you home now, my princess." saka niya hinalikan ito sa noo.
_____
She could barely open her eyes because her eyeballs seemed to rotate in different directions. Para siyang nasa loob ng isang malaking bola at paulit-ulit na pinapagulong. She can't get off her bed. At ang ulo niya, parang may naka-tagang palakol at sa tuwing kikirot ito ay sumasabay ang pag-ikot ng paligid niya.
It's your turn now, Liel. Biglang nagflash sa kanya ang isang pangyayari kung saan may hawak siyang shot glass at buong tapang na nilagok ang laman na tequila. Muli na namang kumirot ang ulo niya.
"Aw! God help me." ipinikit niya ang mga mata at pilit inalala ang nangyari kagabi. Kasama niya sila Ram. Sa loob ng isang bar. Oo nga pala. Nag punta siya sa bar at nalasing. At. . at. . yung bokalista ang naghatid sa kanya? Idinilat niya ang mga mata ng matauhan. Inihatid siya ng lalaking yun? Sa bahay nila? Sa kwarto niya? Hindi kila Jaz? Laking pagtataka niya nang mapagtanto kung nasaan siya ngayon.
"Aw! I'm gonna die." muli na namang kumirot ang ulo niya. Bakit siya nasa bahay nila? Lalong sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip. She needed to throw up. Mabilis siyang pumasok ng banyo at inilabas ang laman ng sikmura niya. Nakalupasay siya sa sahid at nakahilig sa labi ng toilet bowl. Pumipintig ang ulo niya bawat duwal.
She decided to get up and clean her self. Hindi niya gusto ang amoy niya. She opened the faucet at hinayaang mapuno ang bathtub. Nahimasmasan naman ang bawat himaymay ng katawan niya nang lumubog siya rito. Ano na nga ba ang ginagawa niya sa bahay nila? Sa pagkakatanda niya ay wala siyang dalang kahit anong ID para matunton ng gwapong gitarista ang bahay nila. O di kaya siya mismo ang nagturo dito? O baka naman panaginip lang na hinatid siya nito? Wala siyang matandaan.
Bahagya pa rin siyang nahihilo nang matapos sa paliligo. Ngunit gusto niyang mainitan ang sikmura niya. Kape. Gusto niyang magkape.
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa railings ng hagdan upang hindi magpagulong-gulong pababa. When she finally got downstairs ay laking gulat niya ng makita ang Mama at Papa niyang kumakain sa kusina.
"M-ma? Pa?" namilog ang mata niya. What is going on here? Ano'ng nangyari sa akin? Alam ba nilang naglasing ako? Oh no.
She was so helpless. Siguradong pagagalitan siya. Pero hindi niya alam kung hilo lang ba siya nang mabasa ang pag aalala sa mga mukha nito at hindi galit.
"Oh, Liel, darling. How are you feeling?" Lumapit ang ina sa kanya at inakay papuntang mesa hanggang sa makaupo siya. What in the world is happening here? Am I still dreaming?
"K-kailan pa po kayo dumating?" wala na sa sariling tanong niya habang minamasahe ang sintido. She wanted to ask why she was there but it sounded so weird.
"Kagabi lang. We arrived at around 11 p.m." sagot ng papa niya at seryoso ang mukha. "‘Wag ka nang magtaka kung bakit nandito ka. Hinatid ka ni Jaz at lasing na lasing ka kagabi."
Boom! Alam na ng mga ito ang nangyari. Patay. At teka. Si Jaz daw ang naghatid sa kanya? Hindi ang gwapong gitarista? Ano kaya ang pinagsasabi ng mokong? Did Jaz betray her? Sinabi kaya nito ang dahilan kung bakit siya naglasing? Parang gusto muna niyang himatayin ng tatlong oras. Nagugulo na ang utak niya sabayan pa ng kumikirot na ulo.
"I-im sorry Mama, Papa" Yumakap siya sa ina. "I know I disappointed you of what I did. I am really sorry." Nakasiksik ang mukha niya sa dibdib ng ina. Nahihiya siya sa magulang niya. "Tiwala kayo sa akin dito all the while but I'm doing stupid things. I am sorry."
"Mamaya na natin pag-usapan ‘yan. Kumain ka muna. It's already lunch." sabi naman ng mama niya.
She must be dreaming. Bakit hindi siya pinagalitan ng mga ito. May alam ba si Jaz sa lahat ng nangyayari? Gusto niya itong makausap. Pero paano gayong nasa war zone pa sila. Sa pagkakatandan niya ay hindi naman siya nagtaas ng puting watawat.
Pero ito ang sumundo sa kanya sa bar at naghatid sa kanya sa bahay. Gusto niyang malaman ang buong detalye mula rito. Gusto niyang malaman kung ano ang mga sinabi nito sa mga magulang niya.
But she hated him. And they were not friends anymore. She had just declared war last night between them. Bahala na si batman.
_____
"Hey darling, kailangan ko bang maglagay ng stock ng liquors diyan para hindi ka na pumunta pa sa bar habang wala kami?" biro ng papa ni Liel.
"‘Pa naman e. Promise. It won't happen again." sabay taas ng kanyang kanang kamay.
"Really? Just pray whenever you feel alone, honey. Prayer really works. And sorry dahil maiiwan na naman ang baby girl naming mag-isa." niyakap siya ng mama niya.
"By the way your Kuya will go back home next week. Ang sabi ay effective na daw ang resignation niya. May makakasama ka na dito." dagdag ng Papa niya. Masaya naman siya sa ibinalita nito. Maybe she did not need to transfer school in Baguio.
"I will miss you Ma, Pa. Ingat kayo sa byahe, ha? And Pa, promise me you will take me to Cagayan very soon. Gusto ko manood ng motocross exhibition."
"Yes hija, as long as hindi na kami maging busy, isasama kita with your kuya." Napakatamis ng ngiti ng ama niya. Lalo siyang nasabik sa pangako nito.
They spent vacation with her for two weeks. She really enjoyed those days dahil sobra niyang namiss ang mga magulang. Salamat sa mga ito dahil napawi ang kalungkutan niya. There is really no place like home. Halos araw-araw silang nagdedate na tatlo kaya't sa loob ng dalawang linggo na iyon ay hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap ni Jaz. At hindi rin naman niya nanaising makipag usap rito. She hated him. Hindi siya lumalabas ng kwarto kapag natunugan niyang nandoon si Jaz. Gumagawa rin siya ng palusot kapag inuutusan siya ni Vera na magpunta kila Jaz.
But somewhere in her heart, she missed that jerk.
Sa school ay palagi niya itong iniiwasan sa tuwing makakasalubong. Daig pa niya ang mata ng agila. Malayo pa lamang ito ay nakaiwas na siya. Bago pa man makalapit ito ay nakalayo na agad siya. He was like having a contagious disease para todo-todo siyang umiwas.
She didn't bother to ask what happened on the night she got drunk dahil hindi na rin naman nag-usisa ang mga magulang niya. But she was a bit curious kung ano ang sinabi nito para hindi siya mapagalitan.
Kinausap lamang siya ng parents niya na sana ay huwag nang maulit pa ang ganoong bagay. They said it was not a good way of getting rid of problems. Magdasal lamang daw siya at paggising niya sa umaga ay gagaan ang pakiramdam niya kaysa maglasing at kinabukasan ay hang-over pa ang bunga.
She would miss them and their words of wisdom. Pag-alis ng mga ito ay siguradong papaiwan na naman siya kila Jaz. Sa isang linggo pa ang balik ng Kuya niya. And she couldn't take a week with that jerk anymore. Kulang na nga lang ay hilingin niyang maging invisible tuwing nakikita niya ito sa school. She had to be a good girl in Cherry’s eyes para hindi siya nito sunduin at palipatin sa kabilang bahay.
"We have to go hija. Baka gabihin kami. Ihahatid ko pa si Mama mo sa Baguio." pukaw ng kanyang ama. Sobrang lungkot niya ngayon. She never wanted to be home alone again.
"Mamimiss ko talaga kayo." tumulo na ang luha niya. Napakalungkot ng mga pangyayari. Una, ang taong lubos niyang pinagkatiwalaan simula ng mga bata sila ay isa nang estranghero ngayon. And right now, her parents will leave her again. Mag-isa na naman siya.
"Don't cry hija. We will get back as soon as we could. Kung pwede nga lang ay isama na kita sa Baguio but you are studying here. Don’t worry. Next year ay ililipat na kita ng school." paalala ng mama niya habang pinupunasan ang luha niya. Niyakap niya ito ng mahigpit pati ang Papa niya. Gumanti naman ang mga ito ng mahigpit din yakap. They were group-hugging. Sana ay nandoon ang Kuya Brew niya para perfect moment na.
"Yes, Ma. Please take care. Uwian mo ako ng igorot pag uwi niyo huh? I will definitely miss you both." sabi niya sa pagitan ng mga hikbi. Ngumiti naman ang mga ito.
Her mom and dad were wearing their sweetest smile bago makasakay ng kotse marahil ay pabaon ng mga ito dahil matagal na naman silang hindi magkikita.
_____
"Ugh Liel, bakit mo ako iniiwasan?" naiinis na sabi ni Jaz sa sarili.
Eh kung hindi ka ba naman isandaan at walumput pitong baliw, hindi mo sana siya sinaktan at sinigaw-sigawan. Tapos ngayon magtatanong ka kung bakit, sagot ng isip niya.
"Hay. Oo na, mali na ako. I am the jerkest of all, to the nth degree." Sinapo niya ng kamay ang ulo. Hindi siya makapag concentrate sa ginagawa niyang plate kaya't iniwan na niya ito at nahiga sa kama upang magmuni-muni. Ilang linggo nang hindi matahimik ang konsensya niya sa ginawa. Liel hated him, and he knew it all right.
Nang gabing hinatid niya si Liel galing sa bar ay natakot pa siya nang makitang nakaparada ang kotse ng mga magulang nito sa bahay nila at bukas ang ilaw. Nang maiparada ay lumabas ang mga ito at may bahid ng pag-aalala sa mukha. He suddenly caught himself on a familiar scene. Noong debut ni Liel at kinorner siya ng Papa nito. Parehong kaba ang nararamdaman niya ngayon. Ah hindi. Mas matindi kaysa noon dahil may kasama itong panginginig at malapot na pawis.
Sinong ama ba naman ang matutuwang makita ang naglasing na anak dahil pinabayaan ito ng sira-ulo niyang kababata. At take note, sinaktan pa physically.
Wala siyang ibang nagawa kundi ipagtapat sa mga ito ang nangyari. Lahat-lahat. At habang ginagawa ‘yon ay nananalanging huwag siyang biglaang bigwasan ng tatay ni Liel.
"You almost failed me." Naalala pa niyang sabi ng papa nito. "Mabuti na lamang at naiintindihan ko ang pinanggagalingan mo. But next time, Jaz, think twice. Walang mangyayari kung mauunahan ka ng pride at galit sa puso mo. You are old enough. I mean, you should act as a man. Being your second parent, matutuwa akong makita kang mag grow, na naovercome mo ang pride diyan." sabay turo nito sa dibdib niya.
"Also, umaasa akong iingatan mo rin ang mga iniingatan ko. At ganun din naman ako sa iyo. I've treated you as my own son since then. Malaki ang tiwala ko sayo Jaz. Nabigla ako sa mga kinuwento mo, pero humanga after a while beacause you admit your fault. You didn’t pass the blame to my daughter. Ni hindi mo ipinagtanggol ang sarili mo gayong pagkakataon mo na ‘yon dahil obviously Liel was the one wrong here. Siya ang lasing hindi ba, pero inako mo pa rin. You humbled yourself and asked for forgiveness. Kaya't natutuwa ako. You are becoming the man of your words." sabi nito at pinauwi na siya sa kanila.
Nang dumalaw ang mga ito sa magulang niya kahapon ay muli siyang kinausap ni Benjo.
"Naalala mo pa ba ‘yong tinanong ko sa ‘yo noong debut ni Liel?"
"O-opo."
"Now, I will ask the same question again. Do you still love her?"
"Y-yes, Tito."
"Are you sure with that? You stuttered. Naalala ko ang itsura mo dati when you asked me if you could be her last dance. You still have the same pale look." natatawa pa ito dahil sa kaputlaan niya. Sino ba naman ang hindi pagpapawisan sa ganitong tanong? Not to mention it's Liel's father who was asking him.
"Yes Tito. I still love her, dati natakot ako sa inadvice niyo na ligawan siya dahil hindi pa hundred percent sure sa magiging reakyon ni Liel. Isa pa, natakot akong iwasan niya ako." Huminga siya ng malalim upang humugot ng lakas ng loob na magpatuloy sa pagsasalita, "But now that I know she loves me too... I love her more. Dati I tried to be in a relationship with other girls just to prove na mali ako sa nararamdaman ko. But each time I saw her with other guys, I felt so insecure. At nang masaktan ko siya ay mayroon din akong sakit na naramdaman lalo na nang makita ko sa mata niya ang takot mula sa akin. I am really sorry Tito Benj. I want to talk to her but she ignores me."
"Dahil galit pa siya. Come on big boy, find ways to capture her heart again. My bet is on you, my future son-in-law." tinapik pa nito ang balikat niya bago tumayo na palabas ng kanilang bahay.
Napabangon si Jaz at naputol ang pagmumuni-muni nang kumalabog ang pinto ng kwarto niya at iniluwa noon ang kanyang Mama. Humahangos ito at namumutla.
"Jaz! Jaz! Jaz!” Humahagulgol na napayakap sa kanya ang ina at bumagsak paupo sa kama dahil mukha itong nanlalambot. Maputla rin si Cherry. “Si Vera at Benjo, naaksidente sa Baguio. Puntahan mo si Liel sa kanila. At pupuntahan naman namin ng Papa mo ang labi nila."
Oh God, why?