Episode 11

3273 Words
4 hours earlier… "Juice na lang ang sa ‘kin." sabi ni Liel habang nakatingin sa menu. Narinig niyang bahagyang natawa si Nics. "You still have the title of being Ms. Obedient, bunso." Because she always opposed them when they did naughty things. Do not conform to the pattern of this world. ‘Yon ang madalas ipaalala sa kanya ng magulang niya. Sinabi nitong walang masama sa pakikipaglapit sa mga tao ngunit huwag paparisan ang mga gawa nito kung ito ay laban sa alam niyang tama. About her friends, yes they were sometimes doing bad things but she never tolerated them. Pinupuna niya ang mga kapasawayan ng mga ito, especially the naughty ones, at pilit niyang pinapaintindi sa mga ito na palaging may kaakibat na consequences ang mga ginagawa nila. Ngunit syempre, they have their own will so she did not shove her principles down her friend’s throat. She loved her friends even though they were sometimes wild. They were real friends. Real as real could ever get. She could always count on them at hindi siya nabibigo sa mga ito. Kapag seryosong usapan ay seryoso din silang mag-sisagot. Sobra din ang mga ito kung protektahan siya. "Bakit bigla ka na lang nagpunta dito?" tanong ni Ram. "Which we doubted a while ago." dugtong ni Jessie. Minabuti niyang manahimik muna at maghagilap ng magandang intro. "Come on, Liel. This is something unsual. ‘Di ka naman basta-basta pupunta sa ganitong klaseng lugar kung wala kang problema." sabi ni Ram. Nagpunta lang naman siya because she badly needed someone to talk to. Mababaliw na siya kung di pa siya aalis doon sa bahay para lang magmukmok mag-isa. Wala din namang pasok kinabukasan dahil holiday. Hindi din niya kayang ipagtapat ang saloobin niya kay Avery, ang nakatatandang kapatid ni Ava, mga pinsan niya. Kaya ngayon ay nasa loob siya ng bar. Hindi malaman ni Liel kung bubuksan niya sa mga ito ang pangyayari kanina. Alam ng mga itong may gusto siya kay Jaz ngunit hindi niya alam kung saan magsisimulang mag-kwento. Dahil kahit siya ay hindi niya maintindihan ang nangyari. Huminga siya ng malalim at nanahimik muli. "Okay, since ayaw mong magsalita mag-enjoy ka na lang diyan." sabi ni Jessie. Hindi siya komportable sa loob ng bar. Ngayon lang kasi siya nakapasok sa ganoon. Wala naman kasi siyang hilig sa paglilibang sa paraang ganito. Ilang beses siyang tumanggi sa alok nila Nica ng light drinks at in-enjoy na lamang niya ang paginom ng juice para lang matagpuan ang sariling nasa stage at may hawak na microphone makalipas ang ilang oras. Kanina habang masayang nagkukwentuhan ang mga kaibigan niya ay lumabas ang miyembro ng banda sa harapan at ang lahat ay nagpalakpakan. Napapansin niyang panay tingin ang gitarista sa lamesa nila ngunit inignora na lang niya ito. Kilala ito nila Ram dahil schoolmate ng mga ito iyon. Ang bokalistang babae naman ay kilala niya. Si Genevieve, ang seatmate at girl crush niya noong elementary siya. Lumingon si Ram sa kanya at may pilyang ngiti ang sumilip sa mga labi nito. Hindi dahil kay Genevieve kundi pansin din nito ang gesture ng gitarista. “Oh siya para ‘di ka mabore masyado, Liel, let's play Truth or Dare para maglabas ka na ng sama ng loob. Bawal ang KJ dahil sayang ang pamasahe mo papunta dito." si Nics ang nagsasalita. Naiinis na ito sa katahimikan niya. "Nako, nako. Ayoko." "Isa? Ayaw mo? Kakaladkarin ka naman pabalik sa inyo." pananakot ni Jessie. "Okay, okay." sagot niya. "Gusto mo pang ginagamitan ng dahas, eh." tatawa-tawang sabi ni Ram. Hindi pa niya macompose ng maayos ang thoughts niya kaya't nang tumapat sa kanya ang bote ay tinira niyang lahat ang shot ng tequila. Ang naging laro kasi nila ay sasagot muna ang bawat isa kung “truth” or “dare” bago paiikutin ang bote. Dahil tiwala siyang hindi sa kanya tatapat ang bote ay palaging “dare” ang sagot niya ay nilasing siya ng mga ito. She never intended to get drunk. Pero dala ng pagiging lutang ang isipan ay nabuyo siya ng mga ito sa bagay na ikagagalit ng magulang niya kapag nalaman. Kasalanan din naman niya. Pinilit siyang magkwento na lamang kaysa uminom pero nagmatigas siya. Ma, Pa, I'm sorry po. Bandang huli ay naikwento pa rin niya ang nangyari kanina. Ikinagulat nila ang ginawa ni Jaz. "Knowing him? Eh ang gentleman nga no’n ah. Ta’s nagawa niya talaga ‘yon?" Nanlalaki ang mga mata ni Nics. Napatango na lamang siya. Iyon na ang huling naaalala niyang usapan nila ng mga kaibigan dahil ngayon nga ay nasa maliit na stage na siya. Nakikita niya ang mga kaibigan na naghihiyawan at kumakaway pa. "Go Liel!" sigaw ni Ram. Kagagawan ni Ram dahil ipinagtulakan siya nitong kumanta. Well, sa kanilang apat ay siya ang may pinakamagandang boses. Lalo pa ngayon pa na nasa ilalim siya ng espirito ng alak. Buong-buo ang confindence niya. Medyo malinaw pa naman ang isip niya. Lasing na siya pero aware pa siya sa ginagawa niya. Pangalawang set na ng pagtugtog ng banda ngunit hindi mapuknat ang mata ng gitarista sa kakatingin sa kanya. At hindi nalihim sa kanyang mga bruhitang kaibigan iyon. Halata naman kasi masyado ang inaakto ng gwapong gitarista. Inalalayan pa nga siya nito paupo sa mataas na stool. Gwapo? Oo, gwapo. Kasing gwapo ni Jaz. May pagkakahawig pa nga e. Ah, baka hindi. Nahihilo lang siguro siya kaya ganoon ang paningin niya. Pero gwapo nga ito. "Palakpakan naman po natin ang magandang binibining ito." a smile drew on the man's face. At nagsimula nang tumipa ng gitara. Si Genevieve naman ay nakaakbay sa kanya. Hindi niya inaasahan iyon dahil nga may pagka anti-social ito noon. Pag-akyat pa lamang niya kanina ay nginitian na siya nito at sinabihan ng, “Long time no see.” "Ah, paki alalayan ako sa lyrics ha. ‘Di ko memorized e." habol niya sa gitarista dahil hindi rin alam ni Genevieve ang kantang gusto niya. Wala siyang maisip na ibang kanta. Iyon kasi ang feel niyang kantahin nang gabing iyon. She wanted that song to speak for her heart. "Sure, sweetheart." bulong nito ng ilapit ang mga labi sa tenga niya. Hindi naman nagdikit iyon. But his voice sent chills to her soul. Para itong boses anghel. And he called her “sweetheart.” Buti pa ito, sweet sa kanya. Samantalang ang damuho niyang kababata ay sinaktan pa siya. Nginitian niya ng matamis ang gitarista para suklian ang ka-sweetan nito. How I wish you could witness this, Jaz. Ito ang tinatawag mong pakikipag-flirt. Ganito ‘yon. Duet sila ng gitarista na kung tama ang pagkakadinig niya ay Marco ang pangalan. Nadinig niya iyon nang kausapin ito ni Genevieve. Hindi kasi alam ni Genevieve ang lyrics ng “Why Don’t You Love Me” ng Hot Chelle Rae at Demi Lovato kaya ipinasa kay Marco ang microphone. Si Marco ang naunang kumanta. See I can't wake up, I'm living a nightmare That keeps playing over again Locked in a room so hung up on you And you're cool with just being friends... There goes the flashback again. Oh yes, she was just a little sister. Paulit ulit na lamang pumapasok iyon sa isip niya. Pero sa ginawa ni Jaz kanina, mukhang kahit kapatid ay hindi na rin. And that really hurt her. Maybe tonight was the starting point to get over that jerk. Tama. Maybe the first thing to do was to entertain suitors. Papatunayan niyang mali ang paratang nito sa kanya na nakikipag-harutan siya sa school. It was her turn to sing. Why don't you love me Touch me, tell me I'm your everything... Inaalalayan siya ni Marco sa pagkanta, Nagsesecond voice din ito at binibigyan siya ng eye contact sa chorus part. Ang lapit din nito sa tainga niya kapag ibubulong ang lyrics. Ang sweet ‘di ba? Pero mukha ni Jaz ang nakikita niya. s**t! Ilang minuto niyang ninamnam ang pagkanta at ang lyrics. Sana ay nandoon si Jaz para maiparating niya ang nilalaman ng puso niya bago matapos ang gabi na iyon. Sigurado siyang kinabukasan ay mag-iiba na ang pag-inog ng mundo nilang dalawa.. Nagpalakpakan ang mga tao matapos ang kanta at nangingibabaw ang hiyawan sa lugar nila Ram. Nangiti naman siya. Singing here was such a relief. "You have a nice voice. Pwede mo nang palitan si Vieve. Better yet, pwede kayong maging duet sa banda. Right, Vieve?" pukaw ni Marco sa kanya na minsan ay tinatawag ni Genevieve na “Mac”. “Sounds nice!” segunda ni Genevieve. "Bola." They all chuckled bago siya bumaba sa stage. Hindi niya ramdam ang paghawak nito sa kamay niya dahil manhid na iyon. Kahit nahihilo na ay nakarating naman siya ng maayos sa table nila. "Uy, loka ka. Mukhang type ka ni Mac." sabi ni Jessie. "Type ko din naman siya. Type ko siyang titigan magdamag." sabay tawa niya. Nag-iiba na ang takbo ng utak niya. Nagpatuloy sila sa pag-inom. Inisang tabi na muna niya si Mac dahil naaalala niya si Jaz tuwing titignan ito. Somehow she wished Jaz could see the lady in her the way Mac did. Muli siyang tumungga. Sabi nila umiinom daw ng alak ang taong malungkot at problemado para makalimot pero bakit siya ay lalong naaalala si Jaz? Siguro ay kulang pa ang nainom niya. Kaya inagaw niya ang bote ng beer ni Ram at tinungga iyon. Ni ang pait niyon ay hindi na niya iniinda. Manhid na ang katawan niya. Sana pati ang puso. Wala na siya sa sarili niya dahil buong katawan niya ay namamanhid na sa sobrang kalasingan. Halos halikan na niya ang mesa dahil hindi na niya magawa pang iangat ang ulo. Nakarami na siya. Inaawat na siya nila Ram kanina pero ayaw niyang magpapigil. Hindi na niya alam ang ginagawa niya. Hindi na rin niya nadidinig ang usapan ng tatlo niyang kaibigan. Ang tanging alam niya ngayon ay may pumangko sa kanya. "Umayos ka. Kundi babalatan ka namin ng buhay." Hindi niya sigurado kung sino kina Ram ang nagbanta noon sa bumubuhat sa kanya. Si Marco ba? _____ Hindi inakala ni Jaz na ito ang aabutan niya sa bar. Lasing na lasing si Liel. Kanina sa bahay nang magwalk out ito ay gusto niya sanang sundan ito sa bahay nito pero naduwag siya. Alam niyang siya ang may kasalanan. May isang oras yata siyang nakapikit lamang pero hindi naman natutulog. Nag-iisip siya ng magandang gawin para makahingi ng tawad kay Liel. Napamulat na lamang ng mata si Jaz nang makarinig ng ugong ng sasakyan. May nakahintong sasakyan sa tapat pero hindi iyon sasakyan ng mga magulang niya at hindi rin sa magulang ni Liel. Nang matauhan ay mabilis siyang tumayo at agad tinungo ang pinto para silipin kung tama ang hinala niya. Paglabas ng bahay ay ang maitim na usok na lang ng taxi ang nadatnan niya. Kinumpirma niya kay Kuya Juanito kung si Liel ang lulan noon at tumango ito. Hindi rin daw sinabi kung saan pupunta. Saan naman kaya pupunta si Liel? Madilim na. Nakaramdam siya ng pag-aalala. Bumalik siya sa loob ng bahay at muling naupo para mag-isip. Naisip niyang puntahan ang bahay ng Tito Alex nito at ni Ram. Iyon lang naman ay posibleng puntahan nito. Ilang minuto ang pinalipas niya saka tumawag kila Alex. Si Avery ang nakasagot. Wala daw doon si Liel. Nag-isip na lamang siya ng palusot para hindi ito mag-alala tungkol sa pinsan. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik at pumunta kila Ram ngunit bigo siya. Walang tao roon sabi ng maid na nakausap niya. Liel, where the hell are you? You make me worried sick! Dammit! Kasalanan niya ang lahat ng ito. It should not have to be that way. Hindi ito ang pinlano niya. So a series of events had played back on his mind. He could see in Liel's eyes how hurt and scared she was–the very last thing on earth that he would do to her. Ang tanga niya. Hindi siya nag-isip sa mga oras na iyon. Pride and jealousy took over. Maaga pa lang kahapon ay inantay na niya ito sa tapat kung saan ginanap ang team-building activity nila Liel. Nakakubli lamang siya sa mga halamanan doon. Naaliw siyang panuorin ito. She was a tough girl dahil sumunod ito ng walang alinlangan kay Mr. Aguilar kahit pa may pagka-lampa ito. Panira lang talaga si Sid dahil ito ang partner ni Liel. Minsang mahawakan nito ang bewang ni Liel. Minsan namang masyado silang malapit sa isa't isa. At mas ikinagulat niya ang pagyakap nito nang biglang matisod si Liel. Yung nakita niyang picture sa f*******: ay hindi naman talaga magkayakap ang mga ito. Pero hindi kasi iyon ang nakita ng mismong mata niya kahapon. Mas malapit sila sa isa't isa. May kumurot pa sa puso niya nang makita niyang nagtawanan ang dalawa matapos ang pangyayari. Narinig din niya ang pagpapaalam ni Liel dito bago sila maghiwa-hiwalay. Kaya naman nang makita niya ang picture sa screen kanina ay nagflash back sa isip niya ang buong pangyayari. Idagdag pa ang pag-ngiti at pagtawa nito habang nakatingin sa picture na animo'y kinikilig. And because of that, naging teritoryal na naman ang puso niya tulad noon pero ang kaibahan lang ay kaya niyang pigilan ang sarili noon. Dati nang sagutin nito si Josh noon ay kinalimutan na din niya ang damdamin para sa dalaga. Nagpaubaya siya kahit ilang beses siyang napikon sa sarili dahil kahit anong pilit ay hindi niya kayang pakisamahan si Josh na bandang huli ay ipagtatanggol lang ni Liel tapos ay iiwan siya at sasama kay Josh. Para lang mabura na sa isip niya si Liel ay sumubok siyang mag-girlfriend ngunit hindi niya magawang magseryoso. Nakailang palit siya ng girlfriend hanggang sumubok ulit ng seryosong relasyon. At natagpuan nga niya si Rona. His classmate from high school. They went to the same university after they graduated. Dalawang taon silang on and off. Hanggang tuluyan na itong makipaghiwalay sa kanya. Ang dahilan ay si Liel. Pinagseselosan nito ang kababata niya. And Cleo had the same reason. Pero so far ay hindi pa ito naghamon ng break up. Buong akala niya ay bumalik na sa pagiging kapatid ang pagtingin niya kay Liel until they became close again. Ang tadhana nga naman, kung kailan na siya nakaka-recover ay saka naman nagdesisyon ang magulang ni Liel na ilipat ito sa unibersidad na pinapasukan niya. Then his birthday. Her hug. He liked the comfort it had given him. He had proven that she still liked LIel–ah, no! He’s already in love with Liel. Siguro ay noon pa man. He had just mistaken all the love he gave her as brotherly love. So he tried to be sweet. Pero kapag ginagawa niya iyon ay tumatahimik si Liel. Mas nakakakuha pa siya ng reaksiyon mula rito kapag inaasar niya. Nakakainis lang na ganoon pa ang paraan. So be it–for now. That’s why a few days after her debut, he decided to break up with Cleo. Pero bakit kung kailangan na niyang sabihin iyon kay Cleo ay hindi naman ito nagpapakita sa kanya. Marahil ay nakaramdam si Cleo na ganoon ang gagawin niya kaya sa palagay niya ay iniiwasan siya nito. Napilitan siyang iparating iyon sa text dahil ni tawag niya ay hindi sinasagot ni Cleo. Nang sunduin nila ni Liel si Cleo sa mall ay wala na sila noon kahit pa walang pormal na usapan. Nagmakaawa lang si Cleo noon na sunduin ito. Nang magpunta si Cleo sa bahay nila ay doon na nila tinapos ang lahat. Nagulat siya nang humingi ng goodbye kiss si Cleo bago ito umalis.Akala niya ay simpleng smack lamang. Pero naging mapusok si Cleo. Kung hindi agad umalis si Liel noon ay baka nakita nito kung paano niya inilayo si Cleo. Cleo was also crying when she left the house. He felt sad but it would be unfair for Cleo if he let that relationship keep going. Mabuti na rin iyon bago pa sila gumugol ng mahabang panahon sa isa’t isa pero bandang huli ay hiwalayan lamang din ang ending. Pagtatapat naman kay Liel ang pinroblema niya. Hindi niya alam kung paano sisimulan. Dapat ay sabihin muna niyang wala na sila ni Cleo. Then the incident in his room happened. Nagsisi siyang bigla dahil sa pakikipag pustahan niya dito. Hindi naman talaga si Ellen ang nagtext kundi ang kuya nito na kabarkada niya. Nakipag-kuntsabahan lang siya rito. Noong nasa field kasi sila at bigla siyang batukan ni Liel ay naisip niya ang bagay na iyon. He was actually looking nowhere at si Liel lang ang laman ng isip niya. Natutuwa lang kasi siyang masamahan ito just like the old time. Minsan lang kasi sila magkaroon ng oras sa school dahil si Cleo ang madalas niyang makasama. Natuwa siya nang makita ang inis sa mukha ni Liel kaya sinakyan niya ang paratang nito sa kanya para makuha niya ang atensyon ni Liel. He loved her attention. Lalo kapag naiinis ito. Kuha niya ang buong atensyon nito. Call him a narcissistic prick, he just didn’t care. Eh sa iyon lamang ang paraan niya para mapansin ng kababata. Lalo pa siyang naexcite nang maghamon si Liel ng pustahan. Naisip niyang ipalinis dito ang kwarto niya dahil wala siyang oras para gawin iyon. At para sadyaing pahirapan si Liel upang hindi ito makaalis ng bahay ng weekend dahil gusto niya sanang makabonding ito. He stopped himself from hugging Liel from behind when she slipped on the chair. Naamoy pa niya ang amoy bulaklak na buhok nito. Pero pinigilan niya ang sarili dahil iba si Liel sa mga babaeng nakita at naka-flirt niya. Ibang-iba si Liel. She was his precious gem. Pero sadya talagang trip siya ng tadhana kaya nang mga sandaling iyon sa kwarto niya na matagpuang nasa ibabaw niya si Liel. His whole being was paralyzed but his heart. Bumilis ang pagtibok nito lalo na nang maramdaman niya kung gaano kabilis ang kay Liel. Tuluyan nang bumigay ang puso niya. Si Liel lang ang tanging babae na gusto niya. He didn't bother talking about it dahil awkward para sa kanila at ayaw niyang pangilagan siya ulit ni Liel. Sa kaalaman nito ay sila pa din ni Cleo. Isa pa ay ibinilin sa kanya si Liel ng mga magulang niya at magulang nito. Malaki ang tiwala ng mga ito sa kanya. Ayaw niyang mapahiya. Hinintay niyang makauwi ang magulang nito para makapagpaalam na sisimulan na niyang manligaw. Iyon nga lamang ay siguradong hindi na pwedeng mag-overnight si Liel doon. Pero okay lang as long as he had Liel’s heart. Pero ayaw makisama ng puso niya. He was so jealous he became paranoid. Nasobrahan yata siya sa pag-iisip at nilamon ng selos ang sistema niya. Nasaktan tuloy niya si Liel. Physically. And seeing his princess in distress because of his damn self made him infuriated by everything he did. Ngayon ay parang sinilihan ang puwit niya sa kaiisip kung nasaan si Liel. Kanina pa siya upo-tayo sa sala nang makabalik mula kila Ram. Tumingin siya sa orasan. Alas otso na. Mabuti na lang at wala pa ang magulang niya kung hindi ay siguradong papagalitan siya sa ginawa niya. Ang pag-aalala niya ay napapalitan na ng takot. Sinubukan niyang tumawag kay Liel ngunit out of reach ito. Wala naman siyang numero ng mga kaibigan nito at orgmates. Alas nuwebe. Alas dyes. Pero wala pang anino ni Liel ang nagpapakita. Kanina pa siya silip nang silip sa tapat ng bahay nila para abangan si Liel. Mababaliw na siya. Nahampas na lamang niya ng palad ang noo niya. He was a total jerk. Biglang nag-ring ang phone niya at sa pagkagulat ay sinagot agad iyon dahil tumatawag si Liel. "Hello?" sabi ng babae sa kabilang linya. Hindi ito si Liel. Kinabahan siya. "Where is Liel? Who are you?" Masyadong harsh ang pagkakatanong niya dahil sa kaba. "Easy ka lang. Ikaw ang may kagagawan kung bakit ka namin tinawagan. Si Nics ‘to. Nandito kami sa Weekdaze bar sa Makati. You know the place?" she asked.. "Yeah. Anong ginagawa niyo diyan?" Though he was getting the picture. Naglasing si Liel. "Baka nag-jack-en-poy! Kutusan kaya kita. Fetch her. Hintayin ka namin. Dali." "Bakit kasi hinaya–" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil patay na ang kabilang linya. Dali-dali niyang kinuha ang susi ng kotse. I'm sorry for what I've done, princess.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD