Episode 10

2390 Words
Nakangiti si Liel habang binabagtas ang kalayuan ng College of Business and Accountancy para sa huling part ng team building nila. Tumawag kasi si Jaz para sabihing hintayin niya ito sa may field para sabay na silang umuwi. Sinabi niyang hindi siya sasabay kung kasama nito si Cleo ngunit agad naman itong sumagot na hindi kasama ang evil witch. At nagdiwang ang puso ni Liel sa narinig. Hindi na nila napag-usapan ang pangyayari sa kwarto nito noong isang linggo. Matapos niyang maglinis ay si Cherry na lamang ang inabutan niya noon sa sala. Umalis daw si Jaz para magpunta sa kaklase nito. Lumipas ang araw at tila nakalimot rin sila. And none of them bothered to bring it up. Okay naman kasi si Jaz. Parang walang nangyari. Mas gusto niya naman 'yon dahil hindi rin niya alam ang sasabihin at ayaw niyang iwasan siya ni Jaz. Sinabi rin niya kay Jaz na may team building pa sila at pilit niya itong pinauna na umuwi pero hindi siya sinunod nito. Maghihintay daw ito sa may parking. Lalo siyang nagbunyi. Lamang siya kay Cleo sa araw na iyon. Sinabi ni Jaz na ayos lang daw maghintay dahil bored rin naman sa bahay. Umalis kasi sila Cherry para pick-up-in ang bagong dating na mga bale galing sa US. May bagong tayo na thrift shop ang mga ito malapit sa Espanya. Nang marating na niya ang napakalayong building ay natanaw na niya ang mga orgmates niya. "Okay, konti na lang ang wala. Siguro mag-start na tayo para hindi tayo gabihin." sabi ng adviser nila. "Yes sir." they said in chorus. _____ Nalulula siya sa kinapupuwestuhan nila ngayon ni Sid, ang kapartner niya sa araw na ito. Nakatuntong siya sa dulo ng naka-incline na rampa habang si Sid ay nakaalalay sa kanya. Kailangan niyang tumawid papunta sa kabilang dulo ngunit kapag nakarating na siya sa bandang gitna ay magiincline naman ang rampa sa kabilang panig. Hindi siya pwedeng malaglag kundi ay matatalo ang team nila. Naunang humakbang si Sid para abangan siya sa baba. Dahan-dahan siyang humakbang para di siya ma-out of balance. Nang makatapak siya sa bandang gitna ay gumalaw ang rampa at tumaas ang pinanggalingan niya. Ngayon ay natrap siya sa gitna dahil kapag bigla siyang humakbang ay maaring dumausdos ito at dumulas siya. Itinapak niyang unti-unti ang paa niya at uni-unti ring bumaba ang kabilang dulo. Nakahinga siya ng maluwag. Isang hakbang na lang sana ay makakatawid na siya ngunit bigla siyang nadulas dahil namali siya ng tapak sa nakausling bakal. Natisod siya. Mabuti ay nasalo siya ni Sid kung kaya't hindi siya tumaob. Napakalampa niya talaga. Kaya siguro ayaw siyang payagan ng ama na mag drive ng kotse. "Whoa!! Umiistyle si Sid oh!" hiyawan ng mga orgmates niya. "Mga baliw!" sabay pa nilang sagot at pareho silang tumawa nang magkatinginan. Kapalagayan naman niya ng loob ito dahil kabatch at kapartido niya ito dati nang humabol sila sa student council. Ayun nga lamang ay pareho silang talo. They are good friends, no more, no less. ____ "We really had a great time, Sir. Salamat po. See you on Monday." paalam niya kay Mr. Aguilar. "Sid! Bye bye na din. Salamat pala kanina. Iniligtas mo ang maganda kong mukha mula sa buhangin." biro niya. Humalakhak ito "Welcome! Sige mauna na ako. Ingat!" Saka ito tumalikod na ito. Naglakad naman siya papuntang parking lot. Baka naghihintay na si Jaz sa kanya. Pahakbang na sana siya nang lumantad sa harapan niya si Jaz. Nginitian niya ito dahil sa sobrang excitement ngunit madilim ang mukha nito na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Kanina pa ba ito naroroon? Marahas na kinuha nito ang kamay niya at hinatak papuntang parking area. Buong byahe ay hindi sila nagpapansinan. No one dared to break the silence. Sa wakas ay nakauwi na rin sila. Balak pa nga sana niyang umuwi na lang sa bahay nila pero kailangan niya ang laptop ni Jaz. Hanggang ngayon kasi ay nakay Cherry ang sa kanya. Kapag wala siyang importanteng gagawin na homework ay sa bahay nila siya natutulog. Nahihiya din naman kasi siya kay Cherry at Iggy. Ngunit nanatiling walang imik si Jaz. She would try again to borrow the laptop later. Medyo naaasar na din siya. Tinotopak na naman ito at siya na naman ang biktima. "Pupunta lang ako kila Tito Alex." she decided to go out than to spend the rest of the day with this jerk. Wala naman iyon sa plano niya ngayong gabi pero sa inis ay bigla na lang nagbago ang isip niya. Kausap siya nang kausap kay Jaz pero ni 'ha' ni 'ho' ay walang tugon mula rito. Ano na naman ba ang sumapi sa taong ito? “Baka sa bahay na lang din ako matulog mamaya. Pakisabi na lang kila Tita Cherry.” Tuluyan na siyang nabwisit dahil hindi pa rin ito kumibo sa unang pagpapaalam niya. Sinuot na niya ang beanie at akmang tatalikod nang sumagot na sa wakas ang tuod. "Hindi pwede." "Excuse me?" "Bingi ka ba? Hindi pwede." "At bakit?" She was about to burst into flames. Kanina pa namumuro ang lalaking ito. "Padilim na at baka kung ano pang mangyari sayo, pagalitan pa ako nila Mama at ng parents mo." "Kila Tito Alex naman e." pangangatwiran niya kahit di niya talaga gusto magpunta dun dahil wala naman si Ava doon, ang pinsan niyang thirteen years old na lubos niyang kinagigiliwan dahil may pagkaluka-luka kung magsalita at magkwento para sa murang edad nito. Nandoon ito ngayon sa probinsiya ng nanay nito sa Bataan at nagbabakasyon. "Magpapahatid na lang ak-" "Can't you understand Liel? Hindi nga pwede. Walang aalis." matigas nitong sabi. Aba ang mokong ay nagpupuyos sa galit. Dinaig pa ang tatay niya kung pagbawalan siyang pumunta sa tiyuhin niya. Ano ba ang ginawa niya? Bakit ganito ito kung makatingin? Parang may ginawa siyang masama kung panlisikan siya nito ng mata. Daig pa nito ang Kuya Brew niya sa pagka istrikto. Miss na talaga niya ang pamilya niya. Hindi niya kayang tiisin ang ugali ni Jaz na ganito. Lagi talaga siyang napipikon. Padaskol na hinubad niya ang beanie at hinagis sa sofa. "Fine!" sabay takbo sa kwarto niya. Nang makapagkulong ay napagtantong mali siya ng ginawa. Dapat ay umuwi na lamang siya sa kanila. Iidlip muna siya saka uuwi ngunit nagdiretso ang tulog niya hanggang kinabukasan dahil na rin sa pagod kanina sa team-building. Nagising siya sa amoy ng bacon. Nagluto siguro si Jaz. Naalala niya ang sagutan nila kagabi. Nalimutan na tuloy niyang kumain noon. Sana naman ngayong umaga ay okay nang kausap ito. Sabado pa naman at ayaw niyang pakisamahan ito buong maghapon para lamang makatyempo ng hiram sa laptop. Nag-ayos na siya at bumaba sa kusina. Naabutan niyang kumakain ito. "Wow! Sarap ng amoy ah, Kuya Jaz." Hindi ito umiimik. He didn't even look up to see her. Nakatingin lang ito sa pagkain. Tahimik lamang ito pero mukhang hindi naman galit dahil blangko ang mukha nito. It’s time. “Kuya, can I borrow you lappy? Kailangan ko lang irevise iyong business plan. Sa Monday na kasi iyon ipapasa eh.” Hindi pa rin ito umimik pero tumango naman habang patuloy lang sa pagkain. Anong klaseng elemento kaya ang sapi ng kababata niya ngayon? Minsan iniisip niyang may multiple personality disorder na ito. Pero mainam na tahimik lang ito kaysa sa mapang-inis at mapaninghal na personality nito. “Thanks. Kunin ko after magligpit dito sa kitchen.” Tumango itong muli. Matapos kumain at maglinis sa kusina ay kinatok niya sa kwarto si Jaz para kunin ang laptop. Nagpaalam muna siya bago ito damputin. Tumango lang ulit si Jaz. Naglalaro ito ng PSP at nakahiga sa kama. Nag-init ang mukha niya nang maalala ang eksena noong isang linggo. Sa sala siya puwesto para hindi siya matuksong humilata sa kama at makatulog. Ilang minuto lang ay lumabas na din si Jaz ng kwarto at tumabi sa kanya. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng sofa. Nagbukas ito ng TV. Saglit lang din ang ginawa niya dahil irerevise lang naman iyon. Nakamarka na sa print-out ang mga dapat palitan kaya inedit na lang niya ang dating file. Nang matapos sa ginagawa ay binuksan niya ng f*******: account niya. Ilang araw na din siyang hindi nakakapagbukas ng social media dahil tinatamad siya. Una niyang tinignan ang notifications. Napangiti sa mga nakatag na pictures ng team building activity nila. Nakuhanan pala sila ni Sid noong muntik na siyang masubsob at natatawa siya sa itsura nila dahil parehas silang nakanganga ni Sid at namimilog ang mata ni Mr. Aguilar sa pagkagulat. Akala siguro nito ay malalaglag siya. May ilang komento rin doon na labis na nakapagpatawa sa kanya. Napansin niya sa gilid ng mata na napatingin si Jaz nang medyo mapalakas ang tawa niya. Hindi na yata nakatiis pa si Jaz at lumapit ito sa kanya. "'Yan ba ang mga pinag-gagawa mo kahapon? May payakap-yakap ka pa sa isang ‘yan oh." turo nito sa litratong kasalukuyan niyang tinitignan. Ikinagulat naman niya ang alegasyon nito. "Anong payakap-yakap? Tignan mo ngang mabuti.” Iniharap niya kay Jaz and laptop. “Nasaan diyan ang nagyayakapan?" turo rin niya sa screen ng laptop ni Jaz. Itiniklop niya ito at hinarap si Jaz. "Alam mo kahapon ka pa, eh. Ang lakas ng topak mo tapos pati ako dinadamay mo. Nagpapasensya na nga lang ako dahil nakakainis lang ‘pag sinabayan ko pa ‘yang ultok mo. Para akong tanga na kausap nang kausap sa ‘yo mapakisamahan ka lang." Her battle mode has been activated, ten seconds to spit truth bombs. "Ngayon, nananahimik ako dito at hindi kita pinapakialaman sa ginagawa mo pero ikaw minsan mo na nga lang ako kausapin, wala pang kakwenta-kwenta ang sasabihin mo." Tumataas na ang boses niya. "Panay ka kasing palusot. Kung nililigawan ka na bakit hindi mo dalhin dito sa atin at ipakilala mo sa parents mo o kung wala sila ay kila Mama. Bakit kailangan niyo magharutan sa school?" She was shocked. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Anong palusot? Anong nililigawan? Harutan sa school? Siya? Kailan pa? Hindi siya aware! Baka naman takot lang ito sa sariling multo kaya siya ang pinagbabalingan. Heto na siya. Three… Two… One... "Ano ba ang alam mo tungkol sa akin? Eh ikaw nga ang nakikipag-harutan kahit dito sa bahay niyo. You made out here with Cleo last week. Nakita ko kayo. Sino ngayon sa atin ang maharot?" Hindi na niya napigilan ang bibig niya. She just raised her flag upside down, ready for war. Nagagalit na siya sa mga pinagsasasabi nito. Ito lang kasi ang nakakaintindi sa sarili nito. Naiinis na nga siya sa alanganing posisyon ni Jaz sa puso niya, tapos ngayon ay pinaparatangan siya ng bagay na hindi naman niya ginagawa. Mas malaki pa ang tyansa na makipaglandian siya kay Jaz kaysa kay Sid. Hindi umiimik si Jaz sa ibinunyag niya. He was just glaring at her. Ito pa ang may ganang tumingin ng masama sa kanya. "Oh, ano? Natameme ka? Tama ako di ba? Makakarating ito kay Tita Cherry." Wala nang patutunguhan pa ang pagtatalo nila. Binukas niya ang laptop at nag-logout sa f*******: saka hinugot ang nakasalpak na flash drive. Maglalakad na sana siya palabas nang biglang hawakan ni Jaz ang pulso niya–ng mahigpit. Nasasaktan siya. Nasasaktan ang kamay at puso niya. Unti-unti siyang nakaramdam ng takot. "Aray ko! Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" sigaw niya. "Don't you dare tell Mama about that. Or else..." nanlilisik ang mata nito. "O-or else w-what?" pinilit niyang magtunog matapang. Hindi ito sumagot pero marahas nitong binitawan ang pulso niya patulak. At dahil nga may pagkalampa siya ay napaupo siya sa sahig. She was taken aback. Sinaktan siya nito? Tumindi ang takot niya dito. Ibang-iba ang Jaz na ito ngayon. He scolded her and hurt her. How could he? She hated that personality. Napapiksi naman si Jaz nang makitang muntik na tumama ang mukha niya sa kanto ng center table. Ngunit agad ring nakabawi at tumapang na naman ang mukha. Umaagos na pala ang luha niya. Tumayo siya para makalayo na rito. Ngunit muli siya nitong hinawakan sa pulso pero hindi na kasing higpit ng kanina. Naghahalo na ang galit at takot sa dibdib niya. Dahil lamang sa simpleng picture ay hinusgahan na siya ng maduming utak nito as if she committed a crime. What had she done to make him angry like that? Mas galit pa ito ngayon kaysa sa kanila noon ni Josh. Samantalang wala naman silang relasyon ni Sid. My god! Masisiraan siya ng bait kay Jaz. Nang makakuha ng sapat na lakas ay itinulak niya ito. She walked out of the house at tumuloy siya sa bahay nila. Nakita siyang umiiyak ni Juanito, ang security guard nila. Tinanong siya nito kung okay lang siya pero hindi niya ito sinagot at nagtatakbo siya sa kwarto niya. Nasasaktan siya sa inakto ni Jaz. She felt judged. Tingin niya ay wala nang pakialam sa kanya o kahit man lang sa friendship nila si Jaz. Napakalaki ng impluwensya ni Cleo dito. Pati ugali ay nahawahan na si Jaz. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasaktan siya nito. Nasaktan nito ang puso niya. Hindi na siya nito nirespeto kahit man lang bilang kaibigan. She was his best friend for crying out loud! Iyak siya ng iyak. The next thing she knew ay nasa loob na siya ng bar kasama sila Ram. Nagulat pa si Liel nang malamang nasa bar ang mga kaibigan niya. Pare-pareho lang silang eighteen years old! What in the world? Ang alam kasi niya ay hanggang panonood lang ng banda sa open ground ang ginagawa ng mga ito. Iyon pala ay marunong na ang mga ito uminom ng alak. Mukhang dapat din niyang iwasan ang mga ito sa ganitong trip dahil hindi iyon ikatutuwa ng Mama at Papa niya. Maghapon lang siyang nagkulong sa kwarto at nag-iiyak. Nang ‘di na makatiis ay tumawag siya kay Ram. She felt so helpless kaya naman kahit nag-aalinlangan ay nagtungo siyang pumunta sa lugar na itinuro ng mga ito. Paglabas ay nagpaaalam siya kay Kuya Juanito. Pinigilan siya nito dahil gabi na noon. Wala itong nagawa nang magtuloy-tuloy siyang sumakay sa taxi na ipinatawag rin niya sa bantay ng guard house sa entrance ng village. Tumanaw pa siya katapat na bahay pag-upo sa backseat. Saktong pagbukas ng pinto ng bahay ay ang pagsibat ng taxi. Hindi na niya ito nilingon pa. Bahala na itong maghanap sa kanya, kung hahanapin nga talaga siya, tutal ay wala naman ang mga magulang nila kaya malakas ang loob niyang umalis ng walang paalam. Walang mag-aalala kung hatinggabi na siyang uuwi. Wala namang pakialam ang ungas sa kanya. She was self-pitying. So what? Iyon naman talaga ang nararamdaman niya. She was always set aside. She was just a little sister. She could never win Jaz's heart. Sakit no’n ha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD