Episode 9

3156 Words
Salamat kay Mr. Aguilar dahil sa kinonduct nitong team-building activity nila kanina sa school. Nabawasan ang stress niya. Kanina ay maaga siyang umalis ng bahay para hindi sila magtagpo ni Jaz. Para na rin hindi siya makita ni Cherry at Iggy dahil siguradong magtataka ang mga ito sa itsura niya. Minabuti niyang umalis ng tulog pa ang mga ito. Nag-iwan na lamang siya ng note sa may fridge para magpaalam na doon na siya uuwi mamaya sa bahay nila. Papakiusapan na lamang niya si Cherry para makuha ang laptop niya. Kaya ko naman palang gumising ng maaga kung gugustuhin. Sabi sa isip habang binabagtas ang hallway mula sa quarter ng kanilang org. "Ay gusto ko ng kalabaw!" Nagulat siya at nabitawan ang makapal na binder sa biglang pagtama ng ulo niya sa dibdib ng isang bulto ng katawan. Paano ba naman ay sobra ang pagkakayuko niyang naglalakad na parang latang-lata. "Kalabaw na pala ang trip mo ngayon?" Nagtama ang mata nila ni Jaz nang mag-angat siya ng paningin. And so her heart skipped a beat. She ignored his presence and bent to pick her things. Naramdaman niyang yumuko din ito para tulungan siya. "Ako na." agap niya at inunahan ito sa pagpulot. "Sungit ah. Pero kanina sa activities niyo ang saya-saya mo." May bahid ng pag-uyam sa tinig nito. Ano na naman ba ang mali sa ginawa niya? At teka lang. He was watching her back there. May kung ano na namang kumiliti sa puso niya. Abnormal na yata ang pagtibok nito. Kahapon lamang ay nasasaktan siya. Nung makita niya ito kanina ay nagalit siya. Ngunit ngayon ay kinikilig siya. Marahil ang masaya siyang napapansin siya ni Jaz. Sino ba ang hindi matutuwang malaman na napapansin pa siya ng taong gusto niya? Natural na may kilig factor iyon. Pero heto na naman siya at aasa na naman pagkatapos ay iiyak sa gabi at mag-wo-walling kapag may nasaksihang naghahalikan sa sala. Baliw na puso. “Ano ba ang ginagawa mo dito? ‘Di ba wala ka namang pasok ng Sabado?” “May make-up class ako kay Ma’am Torino.” Oo nga pala, madalas itong may make-up class kapag Sabado para maka-catch up sa mga klaseng hindi nito napapasukan kapag may training at competition sa swimming. Umakbay ito sa kanya. "Sabay na tayong umuwi." And just like that, tuluyang humupa ang sama ng loob niya rito. She felt that familiar warmth when he hugged her on his birthday. Pati noong unang beses siya nitong akbayan noong sumali ito ng fun run. Ang kanyang marupok na puso ay tila nakalimot na naman sa sakit. Oh God, it feels good to be in his arms. What's with this man that he could break the wall she built inside so easily? Mamayang gabi na lang ulit siya magdadrama kapag sumiksik na naman sa isip niya ang katotohanan. "Weekend na nga pala. Lilinisin mo ang kwarto ko. Don't you ever forget." Ngingisi-ngising pagpapaalala ni Jaz sa kanya ng naging resulta ng pustahan nila. "Yep." she nodded with a smile on her face. Hinatid siya nito sa bahay nila dahil pumayag na si Cherry na doon na siya mag-stay. Ibinalik na din nito ang laptop niya dahil may kailangan siyang tapusin na take-home exam. Ngunit hindi pa lumilipas ang bente-kwatro oras ay balik agad siya kila Jaz dahil nahuli na naman siya ni Cherry na nagpupuyat kakalaro ng computer games. Alas dose na noon. Kung bakit kasi hindi niya nakaugalian na mag-lock ng pinto! Isa pang kinagalit ni Cherry ay nang makita ang mga cup ng instant noodles doon sa basurahan niya sa banyo ng kwarto. Not just one, but two! Ang talas ng mata nito. Doon na nga niya itinapon para hindi makita sa kusina kung sakaling mag-inspeksyon ito pero nahuli pa din siya. Bakit may nanay na katulad ni Cherry? Wala na siyang nagawa kundi sumama na lamang pabalik sa bahay nila Cherry. Nakapajama na siya nang maglipat-bahay. Inabutan pa niya si Jaz noon sa sala na nanonood ng TV. Nakangisi ito sa kanya na sa pagkakabasa niya ay nangungutya pa. Pero mabuti na lamang at maganda ang timpla ni Jaz ngayon para may mahihiraman siya ng laptop. Sa pagkakatanda niya ay hindi naman sila nagtalo nang araw na iyon kaya pahihiramin siya nito bukas. Napakahigpit ng Mama ni Jaz. Somehow she was thankful that Cherry was not her mother. Mas mabait at maluwag ang Mama Vera niya. Although pangalawang magulang na din naman ang tingin niya kay Cherry pero hindi umuubra ang tigas ng ulo niya. Ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit sa kanya lang ito mahigpit at hindi kay Jaz samantalang unico hijo ito. Marahil ay sabik si Cherry sa anak na babae kaya overprotective ito sa kanya. Iyon kasi ang kwento ng Mama niya sa kanya dati. Mayroon daw dapat na kapatid na babae si Jaz ngunit kinulang sa buwan kaya namatay. Nasundan pang muli ang pangyayaring iyon makalipas ang dalawang taon. Simula noon ay natakot na ang mag-asawa. Ngunit makalipas ang ilang taon at matapos daw ang pagkonsulta sa mga espesyalista ay nagpasya ang mga ito na mag-anak ulit. Simula daw nang mag-buntis si Cherry ay total bedrest na ito. Very minimal daw ang galaw at pagtayo. Mabuti na lamang at nakayanan nito ang pagluwal kay Jaz sa hustong buwan. She could say that Jaz was a little survivor that time. Nangiti siya nang maisip ang bagay na iyon. Kung hindi siguro ipinanganak si Jaz ay kasintahan na niya ang isa kila Nics, Ram at Jessie. Lumapad ang pagkakangiti niya sa kapilyahan. Kung hindi niya nakilala si Jaz at naging crush ay baka natuloy ang pagiging tomboy niya. Kay Marky lamang siya naattract noong elementary siya, the rest ay nagagandahan na siya sa mga kaklase niyang babae. Lalo noon kay Genevieve na seatmate niya. Lagi niya itong binibigyan ng kahit na anong baon dahil nagagandahan siya dito at hindi dahil gusto niya itong kaibiganin. Ngunit sadyang anti-social ang kaklase niyang iyon kaya hindi sila naging close. Salamat kay Jaz sa pagpukaw nito sa p********e niya. Napailing na lamang siya sa mga naisip at nagpasya nang matulog. Maglilinis pa siya ng gubat bukas. Makakasilay na naman siya kay Jaz. Be still, heart. ---- Bahing ng bahing si Liel dahil sa alikabok sa ibabaw ng book shelf ni Jaz. "A total mess—" saad niya na sinabayan ng bahing. "Para kang taga bundok sa dami ng alikabok. O baka nga daig ka pa ang mga taga bundok dahil sila malinis sa bahay at lagi nagwawalis ng bakuran. Ikaw ni magwalis man lang ay hindi mo magawa," dagdag pa niya habang maingat na umakyat sa silya para punasan ulit ang ibabaw ng book shelf. Isang hagod lamang ng basahan ay napuno agad iyon ng makapal na alikabok. Muli siyang bumaba at itinambog ang basahan sa timba na nasa sahig. Hindi keri ng powers ng feather duster ang alikabok sa kwarto ni Jaz. Kung hindi niya ito babasain ay malaya lamang itong lulutang sa apat na sulok ng kwarto. Nangangawit na siya ng kaka-akyat-baba sa monoblock chair simula pa kanina. Hindi siya makakilos ng maayos sa dami ng kalat doon. Nauna niyang linisin ang mga estante at ibabaw ng cabinet para mamaya ay isahang linis na lamang ng dingding at sahig. "Lalaki kaya ako." depensa ni Jaz. Bumangon ito mula sa prenteng pagkakahiga sa kama na animo'y immune na sa allergic reaction dulot ng alikabok. "What a lame excuse." Tama bang gawing dahilan ang pagiging lalaki nito? Napanguso siya. Most of the time, Jaz was really unbelievable. Pababa na siyang muli sa pagkakatuntong sa silya. She caught herself off balance because her left toe lost strength to support her full weight on it. Lamang ang nakabiting bahagi ng talampakan sa ere. Mabuti na lang at maagap na nahawakan siya ni Jaz sa bewang. Bahagya pang bumunggo ang likod niya sa dibdib nito. Ngunit mas naging delikado ang lagay ng puso niya. She could hear her heartbeat thumping frantically. Ito na nga ba ang sinasabi niya sa sarili kagabi. It was really wrong to let herself get close to Jaz like this. Nalilito ang nervous system niya sa pag-function. At ang puso niya, para na namang nagmarathon. Her knees were starting to turn into jelly. She would lose control any moment now if she would not pull away. Umayos siya ng tayo para magkaroon ng distansya sa pagitan nila. Natatakot siyang humarap dahil hindi siya sigurado sa kasalukuyang reaksyon ng mukha niya. Baka makahalata si Jaz. She tried to lighten the atmosphere by joking, “Haynako, lugi ako sa deal na ‘to. Hindi makatarungan ang pagpapalinis mo sa akin ng kwarto mo.” Niyuko niya ang timba sa gilid niya para luglugan ang basahan, pilit na iniiwas ang mukha mula kay Jaz. Seriously, Liel, nasaan ang punch line doon? Stupid! Ngunit sa kabilang bahagi ng utak niyang maharot ay naisip na advantage ito para makabonding ang kababata. Kahit papaano ay pabor sa kanya ang nangyayari dahil mukhang maghapon silang magsasama ni Jaz sa dami ng lilinisin dito. Makakakota siya ng bongga. Just no touching. Hindi kaya ng puso niya ang sobrang lapit. “Take a rest. Tara sa kitchen magsnack ka muna.” sabi nito sa pantay na tinig nang hindi lumilingon. Nainis kaya ito sa kanya? Ang lampa naman kasi niya talaga. Nainis siyang bigla sa sarili. “S-sige susunod ako.” Pinahupa muna niya ang lagabog sa dibdib at pamumula ng mukha bago nagpasyang lumabas sa kwarto. Pagbaba ng hagdan ay inabutan niya ang mag-asawang Montaña sa sala. Pareho itong lumingon sa kanya. “Bakit ba nagpapa-uto ka diyan kay Jaz, Liel? Si Tin nga eh hindi kinakaya ang kwarto ng batang iyan kapag nililinis eh.” tukoy ni Cherry sa isa sa mga kawaksi. “Okay lang po, Tita. Sisingilin ko naman po siya.” Bumungisngis siya bago talikuran ang mga ito. Inabutan niya si Jaz na nagsisimula nang kumain sa kusina. Pizza was their munchy. Iyon ang numero unong bagay na pinagkakasunduan nila. No doubt about it. Pareho din silang member ng kultong sumusuporta sa pineapple pizza kaya’t lalo silang nagkasundo. Tahimik lang si Jaz na kumakain sa kitchen table habang nakatuon ang mata sa cellphone. May katext ito. Siguro ay si Cleo. Naalala na naman tuloy niya ang paghahalikan ng mga ito. She was giving herself the reason to be jealous. Eh sa iyon naman talaga ang katotohanan, anong magagawa niya? Posible naman talagang si Cleo ang katext nito. Nakita niyang tumaas ang gilid ng labi ni Jaz at napapanguso. Halatang nagpipigil na lumuwang ang pagkakangiti. Pinaspasan niya ang kagat sa pizza dahil sa inis. Sa mabilis na sandali ay naubos niya ang isang slice. Muli siya kumuha ng slice at isinaklob sa isa pa, at sa isa pa na animo'y clubhouse sandwich. Tumayo na siya at binitbit din ang baso ng juice. Babalik na siya sa kwarto dahil baka ang inis niya ay mapalitan ng kalungkutan. Tirik pa ang araw, masyado pang maaga para magdrama. Dadaluhan sana niya ang mag-asawa sa sala ngunit si Tito Iggy na lamang ang inabutan doon na umiidlip. Marahil ay bumalik sa kwarto si Tita Cherry para rin mag-siesta. Nagpalipas pa siya ng ilang minuto sa kwarto ni Jaz nang matapos kumain. Inaabangan niya ang kababata kung babalik sa kwarto pero mukhang hindi na. Narinig na kasi niya ang mga sound effect ng Tekken. Naglalaro si Jaz ng PlayStation. Nagsimula na siya sa ginagawa para maubos na ang alikabok doon. Madami-dami pa siyang liligpitin sa sahig. Nilamon si Liel ng malalim na pag-iisip habang naglilinis. She was planning ahead for the semestral break. That was the perfect time because she was not loaded with major subjects. She would probably not get anxious about everything. Malaya ang isip niyang magliwaliw. Gusto niyang ayain sila Ram sa motocross track na pag-aari ng ama niya at ng Tito Alex niya kasama ang iba pang ka-club ng mga ito. Maybe they could enjoy the ATV ride. Sigurado rin namang may iba pang gagalaan doon kaya hindi mabobore ang mga ito. Mukhang maganda ring subukan ang water rafting. Sana ay mapapayag niya ang mga kaibigan. Hindi pa kasi siya nagagawi sa Cagayan De Oro. Mula sa Cagayan De Oro ay dumako ang isip niya sa Denmark. Kumusta na kaya ang Kuya Brew niya? Matagal-tagal na din simula ng huli silang nakapag-usap. Hirap siyang makipagsabayan sa timezone nito. Minsan niya lang ito mataymingan kapag lunch break nito. She missed him so much, ang kanyang human teddy bear. Nakapagbawas na kaya ito ng timbang o baka nadagdagan pa? Napangiti siya. Naantala ang pagtakbo ng isip niya mula Denmark pauwi ng Pilipinas nang lulugo-lugong pumasok si Jaz sa kwarto. Hindi niya ito kinausap. Hinarap pa muna siya nito para silipin ang ginagawa niya. Nang masiguro na hindi pa siya tapos ay ibinalya ni Jaz ang sarili pahalang sa kama. Tamad na tamad lang? Nais siguro nitong matulog pero hindi nito magawa dahil nandoon siya. Buti nga! Maya-maya ay nakarinig siya ng music. Nabobore siguro si Jaz. Naghahanap ng pagkakaabalahan para magpatay ng oras tutal ay hindi naman din ito makatulog sa sariling kwarto. Kailangan na ba niyang bilisan? Naiinip na ba ito? Pasensyahan na lang sila dahil balak talaga niyang tagalan para matagal din silang magkasama kahit pa naiinis siya. Just the mere thought of Cleo made her really irritated. Pinalis niya sa isip ang babaeng mangkukulam. Panaka-naka niyang tinitignan si Jaz ng palihim. Hindi yata nakuntento si Jaz sa music kaya naglaro ito ng PSP. Wala na yata itong sawa sa paglalaro. See? Ako simpleng computer games lang ang kinahihiligan pero off-limits sa sari;i kong laptop. Unfair! Eh kasi naman abusado ka, Liel. Hanggang madaling-araw ba naman eh! anang isang isip niya. Sinaway na niya ang utak bago pa magkaboses ang pakikipag-usap sa sarili. Makalipas pa ang ilang sandali ay nakatapos na siya sa pagdispatsa sa mga alikabok. Kailangan na lang niyang iligpit ang sangkatutak na kalat doon para mawalisan at ma-mop na niya ang sahig. Napangiwi siya sa nakita. Mga draft ng plates at ang iba ay mga nilamukos na papel na tila ginawang bolang shinoot sa basurahan ngunit hindi pumasok. Mayroon ding nakakasat na tuyong ink sa bedside table at mga scrap metal at kung anu-ano pang recyclable materials na tinatanggap sa junk shop. Tinitignan pa lamang niya ay napapagod na siya. Bumaba na siya sa monoblock chair upang lumabas ng kwarto ni Jaz. Kukunin lang niya ang vacuum na huli niyang nakita sa kusina. Kung bakit kasi hindi pa kinalap ni Jaz ang lahat ng gagamitin bago siya pinaglinis. Sobra sa pagkaseñorito. Nang makaharap sa nakahigang si Jaz ay agad siyang nagbawi ng tingin dahil nakatingin din ito sa kanya. Kanina pa kaya ito nakatingin? Akala kasi niya ay nakaidlip na ito matapos maglaro ng PSP. Nakapatong kasi ang braso nito sa noo. Ganoon ang kababata niya kapag nagnanakaw ng tulog sa school. Dineadma niya ang tingin nito dahil umiral na naman ang pagiging Miss Pakipot niya. Proud pa siya sa pagdeadma kuno kaya’t naka chin up siya pero umandar na naman ang katangahan niya dahil hahakbang pa lamang siya ay natisod na siya sa makapal na gray cable wire na sa hula niya ay RJ45. Bakit ba hindi niya nakita iyon agad? Wa’ poise tuloy ang ganap niya ngayon sa harap ng best friend-s***h-childhood-sweetheart-s***h-first-love niya. Humahaba na ang title nito sa buhay niya. Mabuti na lamang at hindi siya humalik sa sahig. Katawan lang naman kasi ni Jaz ang sumalo sa kanya at sa mukha nito siya hahalik kung nagkataon na hindi niya napigil ang leeg sa impact ng pagkakabagsak niya at pag-alog ng kama. Sa nilapad-lapad ng kama ay doon pa talaga napili ng pagkakataon na malaglag siya. Napapikit siya ng mariin. Pagdilat niya ay ang shocked na mukha ni Jaz ang tumambad sa kanya. They could almost share their breath to one another. She realized she couldn’t handle being that close to him. May kaunting takot dahil bagong tuklas ang pakiramdam niyang iyon. Kaiba kaysa sa akbay at friendly hug nito. May init siyang nararamdaman na hindi niya matukoy kung saan nagmumula. But there’s one thing she was sure of, she was really in love with him. Inamin na niya iyon sa sarili noong nakaraang araw. At ngayon ang patunay na totoo ang nararamdaman niya. She could name it now–love. Nahiling niya na sana ay ganito na lang sila maghapon. Ngunit baka makapagtapat siya ng pag-ibig ng wala sa oras kapag hindi pa siya tumayo. Ramdam niya ang pag-iinit ng mukha niya tulad ng naramdaman niya nang matrap siya sa kotse nito noong nakaraang araw. Ngunit ngayon ay mas mainit. Mainit pero nakakakiliti. Parang may mga paru-parong banayad na ikinakampay ang mga pakpak at paroo’t parito sa pagitan ng kanyang dibdib at tiyan. She was not sure if this was because of being stuck on top of Jaz. Or was it because of the frantic beat on his chest? Maybe a harmony of both of their heartbeats. Or was it just her own? Her mind could not function well. At hindi niya magawang itago ang mukha niyang sa palagay niya ay pulang-pula na. What to do? What to do? She felt like an idiot messing up on Jaz's sight. Ni hindi niya malaman kung paano tatayo. Hindi siya makagalaw. Hindi niya alam kung ano na ang iniisip nito ngayon. Baka mabuking na siya. Hindi maaari! Jaz managed first. Hinawakan nito ang magkabilang braso niya para mailayo siya. "A-ano ka ba naman? Strike two ka na," habang nasa ganoong posisyon pa din sila. Oo nga strike two na siya. Nakaka dalawang touching na sila pero wala siyang balak na tumapak sa first base. Bakit? May balak ba siyang makaisa ng halik dito? Nagmura siya sa isip. Dammit! I am too young for that! Magagalit ang Papa ko! Kung ano-ano nang maduduming elemento ang pumapasok sa utak niya. Hindi rin talaga maganda ang nakikinig sa usapan ng mga liberated niyang orgmates na babae. Bad influence. Sabi na kasing no touching eh! Pinalis niya ang ideya sa isip. Very wrong! Sa wakas ay unti-unti nang napoproseso ng utak niya ang pangyayari kaya’t nakahanap na din siya ng sisisihin. "G-grabe naman kasi ‘tong kwarto mo. Parang machine shop nila Tito Alex." Sinubukan niyang itukod ang mga braso sa dibdib nito para tuluyan nang magkalayo ang mga katawan nila. Any moment now she would collapse if they remained in that position. Finally, nakabangon siya ng matagumpay. She would congratulate herself later for that. Si Jaz naman ay nanatiling nakahiga. Maya-maya pa ay bumangon na din. "Aano ka ba kasi?” “Kukunin ko yung vacuum. Nakakahiya naman kasi sa mahal na hari kung ipapakuha ko pa sa kanya.” Ganyan nga, Liel. Very good. I’m so proud of you! "Oh siya. Ako na ang kukuha." Tuloy-tuloy na itong lumabas. Hinagod niya ang dibdib na kanina pa gustong bumukas para iluwa ang puso niya. Pagkadala ni Jaz ng vaccum ay hindi na itonanatili pa sa kwarto. Nagbilin na lamang sa kanyang huwag itatapon ang mga scrap dahil totoo ngang recyclable materials ang mga iyon na gagamitin nito sa school project. Nang lumabas ito kanina ay isinarado nito ang pinto. Hudyat na hindi na nga ito babalik doon. Pagkasarado na pagkasarado naman ng pinto ay agad niyang tinakpan ng unan ang namumulang mukha nang maalala kung gaano sila kalapit ni Jaz kanina. "Nakakahiya!" sigaw niya habang nakatakip pa din ang unan sa mukha. "I’m an idiot! Stupid me. Stupid me!" But somehow, somewhere deep inside her was a blissful heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD