Episode 8

3601 Words
Nag-iinat pa si Liel. Kakagising lang niya at tinatamad siyang bumangon. She slept at Jaz's house. Umalis na naman kasi ang Mama niya papuntang Baguio. Nag-angkat ito ng bagong dating na antique jars mula sa Thailand. Dalawang linggo na naman itong wala. Ang ama niya ay ganoon din. Kinausap na siya ng ina niya na magtransfer sa University of Baguio sa susunod na taon para may mag-alaga at makasama siya. Hindi pa siya sumasang-ayon dahil nadito ang mga kaibigan niya. And sabi naman nito ay maari silang umuwi sa Corinthian’s ng dalawa o tatlong beses sa isang buwan. Habang wala ang ina ay pinilit niya ang Mama ni Jaz na sa kanila na lang matulog pero mas nagpumilit itong pumaroon na lamang siya sa bahay nito para may mag-asikaso sa kanya lalo sa pagkain sa tamang oras. Minsan kasi siya nitong inabutan na nagluluto ng instant noodles nang tamarin siyang magsaing. May kumatok sa pinto kaya napilitan na siyang bumangon. Pipihitin na sana niya ang seradura ng pinto nang nauna na itong magpihit mula sa labas ng kwarto. Iniluwa nito si Tita Cherry. Dire-diretso ito sa loob at tila may hinahanap. "Aw! Patay." bulong niya dahil alam na niya kung ano ang tinutumbok nito. "I will confiscate your laptop for one week. Kapag may kailangan kang gawing homework, hiramin mo ang kay Jaz. Pero until 8 p.m. lang. Baka sabihin ng Mama mo pinapabayaan ka namin dito sa bahay. Kaya kahit wala sila ay didisiplinahin ka pa rin namin." Itiniklop nito ang laptop niya at tinangay. Ni hindi man lang niya nakuhang ishutdown ito at iunplug ang charger dahil nakatulugan na niya ang paglalaro. "Mag-ayos ka na ng sarili mo. I'm pretty sure hindi ka na makakaabot sa first class mo." dagdag pa nito. "So ngayon, one week without my cars. My furious cars." matamlay niyang pag momonologue nang makalabas na si Cherry. "Can't help it. Sa nakakaadik mag-NFS eh." sumibi siya. Tinungo niya ang bathroom. Sa campus na lang siguro siya mag-aalmusal. Makalipas ang ilang minuto ay nakaayos na siya. "Hay. Commute mode dahil siguradong umalis na ang ungas para sunduin ang bruha niyang girlfriend." pagtukoy niya kay Jaz. Lagi naman itong ganoon, kapag tanghali na siya ay hindi na nag aabala pang gisingin siya, diretso na ito kila Cleo at iiwan siya. "Oo na. Little sister nga lang kasi ako. Sige na. Accept the reality." _____ Nakaupo siya sa cafeteria nang dumating si Jaz. Lunch break at tinawagan siya nito kanina para sumabay maglunch. "Ang tagal mo naman. Gutom na gutom na ako kung alam mo lang." pagrereklamo niya. "Eh, hinanap ko pa si Cleo. Half-day lang pala siya ngayon." he explained. "Naku naman ‘yon. Pa-VIP pa. Kutusan ko kaya siya?" "Selos ka naman." Medyo natauhan siya sa sinabi nito. Totoo naman, nagseselos siya. Pero agad din siyang nakabawi. Hindi sa simpleng hirit na iyon ni Jaz mapapatumba ang nagngingitngit niyang puso. "In your face! ‘Order ka na nga. Dali, dali." "Oo na, eto na mahal na prinsesa." Tumayo na ito at nagpunta sa counter. Prinsesa. She remembered her eighteenth birthday nang una siyang papurihan nito. He called her princess that night and they danced as if they were in fairytale. Nang gabing iyon ay nasa alapaap ang isipan niya. Idagdag pa ang pag-uusap nilang dalawa habang nagsasayaw. “Okay. My lovely princess, can I have this special dance with you?" Feeling niya ay nasa cloud nine siya habang nagsasayaw sila. Princess? Lovely princess? Oh come on, mamon! Sino ba ang hindi lulutang kung sabihan ka ng crush mo ng ganoon? "Ang ganda mo ngayon, princess, hindi ko makita ang pagiging boyish mo. Sana simula ngayon ay sanayin mo na ang sarili mo sa ganyan." nakangiting saad nito. "Act like a beautiful lady as you really are." Oh Lord, maganda daw siya! Ngayon lang siya sinabihan ni Jaz ng ganito. Dati-rati ay kung ano-anong nakakairitang name-calling ang itinatawag sa kanya nito. Pero nang gabing 'yon ay iba. Even in the manner of his stare she could see adoration. Bumaligtad na ba ang mundo? Was this a sign from heaven na magugustuhan din siya ni Jaz not just as a little sister? Oh God it could just melt her bones. "Hoy! Lutang ka na naman." pambubulilyaso ni Jaz sa pagbabalik-tanaw niya. Wari'y pinunasan nito ang bibig niya. "Nagdedaydream ka na naman. Laway mo, tumutulo oh." Naglaho ang mga pangarap ni Liel in just two days after her birthday. Bigla kasing naexpire ang kabaitan ni Jaz sa kanya. Tulad ng inaasahan niya na may hangganan talaga ang pagiging gentleman nito sa kanya. Siguro iyon ang mga panahong nakasubaybay ang guardian angel nito sa kababata. Baka may part-time job ang anghel nito kaya kapag may errand ito sa langit, bumabalik si Jaz sa pagiging demonyito. "Nakakita ka na ba ng iced tea na tumutulo sa ulo? Gusto mo ng sample?" mataray niyang sabi. "Gutom lang 'yan. Tara kain na.” As usual, he was grinning from ear to ear. Matiwasay naman silang nakakain na walang dumanak na dugo at iced tea. Naglalakad na sila noon palabas ng cafeteria. "Halfday lang din pala kami. Nakausap ko kanina si Darwin sa counter. Wala daw instructor namin ngayon. Ikaw. ‘pasok ka na." Napakagentleman talaga. ‘Di man lang nag-offer si Jaz na ihatid siya ng classroom. "Wala na din akong klase. Mag-hihintay na lang ako para sa meeting namin mamaya ng orgmates ko." "Ah talaga? Samahan na muna pala kita. Ayaw ko pang umuwi eh, boring sa bahay." Wow! Sure, Kuya Jaz. My pleasure. Ngali-ngali niyang sabihin. Natuwa naman ang puso niya sa sinabi nito dahil magkakabonding pa sila ng best friend-s***h-childhood crush niya. Mabuti na lamang at wala ang kontrabidang si Cleo. "3 p.m. pa ‘yon, eh. Baka mainip ka. Okay lang naman ako. Maghihintay na lang ako sa football field." she said because “pakipot” was her middle name. "Ugh! Crap." Sumunod pa rin ito sa kanya. Syempre hindi niya ito pipigilan. Nang marating nila ang field ay sumalampak sila sa lawn. Napatingin siya kay Jaz at napansin niyang nakapako ang mata nito sa mga pep squad na kasalukuyang nagpapractice. Prenteng-prente ang upo nito at bahagya pang nakangiti. Itsura ng nasisiyahan sa nakikita. Mukhang alam na niya kung sino ang tinitignan nito. Si Ellen. Ang super ganda at sexy na member ng pep squad at kasama din niya sa org. Oh no! Another rival! Maganda rin si Ellen katulad ni Cleo, mahirap kabugin. But as for the attitude, Cleo and Ellen were complete opposites. Hindi hamak na mabait si Ellen kumpara sa jowa ng best friend niya. Kaya nga si Ellen ang superstar sa batch nila. May mga senior students din na nakapila dito. Bigla siyang nainis kay Jaz. Kaya pala sumama ang ungas nang sabihin kong may meeting kami. Nakakainis! Napakababaero! Buong lakas niyang binatukan si Jaz para magising ito sa kahibangan. "Aray! Masakit ‘yon ha." Sabay baling nito sa kanya at nakakunot ang noo. "What's with you?" "May Cleo ka na, kung saan-saan pa nakakarating ang mga makasalanan mong mata." sabi niya habang nakaduro sa mga mata ni Jaz. Biglang nagbago ang reaksyon sa mukha nito. "Hmm… I'm just wondering..." Hinihimas nito ang baba. "Hindi naman sa nagyayabang pero tingin ko type ako niyang si Ellen e." “Oh, come on! In your dreams, Kuya Jaz. Hindi ka nga papasa sa standards niyan, eh." Hindi nga maikakaila ang kagwapuhang taglay ni Jaz ngunit totoo naman ang sinabi niya. Walang halong bitterness. Lahat kasi ng naging boyfriend ni Ellen ay malakas ang dating. As in drop dead gorgeous. Iyong tipong nasa malayo pa lamang ang mga ito ay malalaglag na ang panga mo at kusang tutulo ang laway mo. Iyong mga mestiso at pwedeng kunin na model ng isang produktong panglinis ng mukha na ayon kay James Reid ay sikreto ng mga gwapo. Kaya hindi pwedeng pumila kay Ellen si Jaz dahil tanned ang kulay nito. Pero syempre, dahil loyalty is the best policy, si Jaz pa rin ang pinakagwapo sa kanya. "Bulag ka ba? Pansinin mo nga kasi minsan kung paano niya ako tignan..” "Ni hindi ka nga maihahanay sa mga naging ex niyan eh. Kulay pa lang ng balat, mangungulelat ka na." Nasa pagitan na siya ng pagkainis at pagseselos. "Bakit ko nga ba kinukuha ang opinyon mo, eh nuknukan ka ng pagkakontrabida." "Nag-iilusyon ka na naman. Hindi lahat ng babae gwapong-gwapo sa'yo noh. Itataya ko ang one month allowance ko, iyan ang unang babaeng babasted sa ‘yo kung sakali." Saglit na natahimik si Jaz at tila pinag-isipan ang sinabi niya. She was guessing that it was finally syncing into him. But she was wrong. “Sino naman ang nagsabi sa ‘yong liligawan ko siya? Sige ganito na lang, pustahan tayo. Pag sa loob ng dalawang araw napatunayan kong may gusto 'yan, lilinisin mo ang kwarto ko sa weekend." Malakas ang fighting spirit ni Jaz. Sanay na sanay sa pagiging hambog. Ang yabang lang. Akala mo ay kung sinong gwapo. Pero gwapo naman talaga si Jaz, iyon ang totoo. Pero teka lang din, alam naman niya talagang hindi ito ang mga type ni Ellen. Malakas ang pakiramdam niya. At ang laptop niya ay biglang pumasok sa isip niya. Kailangan niya ng computer sa buong isang linggo. At hindi niya kayang tapusin ang mga iyon kung hanggnag 8 p.m. lang siyang haharap sa computer. Kailangan niyang kuntsabahin si Jaz para hindi siya isumbong kay Cherry. Kung kayat nagliwanag ang gigintong bombilya sa isipan niya. "Ok sige. At ‘pag hindi, ipapahiram mo ang laptop mo sa akin ng isang linggo. Overnight. At hindi mo ako isusumbong kay Tita Cherry. Magi-install ka din ng NFS doon. Deal?" inilahad niya ang palad niya. "Deal!" They gave each other a sideways low-five and a fist bump to ratify their foolish agreement. Nagkulitan at nag-asaran pa silang dalawa hanggang mag-alas tres. _____ "'Kala mo naman kung sino. Kainis! Kainis!" bubulong-bulong si Liel habang papauwi na sila ni Jaz ng bahay lulan ng kotse nito. Kakahatid lang nito kay Cleo kasama siya. At nagkaroon ng cold war sa pagitan nila o mas magandang tawagin iyong apoy na hindi makawala sa ilong ng dragon. Hindi kasi niya inaasahang kasabay pala nila ito, kaya pala hindi siya pinaupo ni Jaz sa passenger’s seat. Nagpasundo ito sa isang mall along their way. Akala kasi niya ay susunduin nila ang Mama ni Jaz pero si Cleo pala. Hay buhay. Maling akala. Edi sana di na lang siya sumabay. Pagbaba ni Cleo ay saka siya pinalipat ni Jaz sa katabi nitong upuan. Pero nakakapagtaka rin na tahimik lang din si Cleo at Jaz. LQ ba sila? "Ano ang hinahaba ng nguso mo diyan?" tanong ni Jaz. Kakapasok lang nila sa gate ng village. "Ba't kasi ‘di mo sinabing isasabay mo pala ‘yon. Edi sana nagcommute na lang ako." "Nag-commute? Baka ‘kamo naglakwatsa." pambubuska nito. Hindi na siya sumagot. She didn't want Cleo to spoil her day. "Bakit nga pala ‘di nagrant yung wish mong kotse noong birthday mo?" pag-iiba ni Jaz ng usapan. Ah, ang birthday wish niya sa Papa niya. Malabo nang mangyari pa iyon. "Makuntento na lang daw ako sa collections ko." Sumibi siya. Nakakainis naman. Tapos na siyang ipagsintir iyon pero pinaalala pa ulit ng kumag na nakangisi pa at parang natutuwa sa reaksyon niya. "Seriously, bakit nga?" "E kesyo babae daw ako. ‘Tsaka delikado daw. Sapat na daw na alam ko na yung galaw ng mga makina. ‘Wag ko na daw pangarapin pang makipagrace." Nalulungkot siya sa sagot na iyon ng Papa niya kinabukasan matapos ang birthday niya. Nag-aalala kasi ang mga ito para sa kanya. Iba pa rin daw ang pulso ng mga lalaki kaysa sa babae. "Ah I see. May point naman si Tito Benjo." So kampihan na ito. At siya ay nag-iisang nangangatwiran. Hindi na siya umimik pa. Tatanggapin na niya ang katotohanang hindi bagay ang ganda niya para maging racer. "Bakit bigla mong pinag-interisan ang laptop ko? Walang picture doon si Zander." tukoy ni Jaz sa kabarkada nito. Tinukso na siya nito dito simula nang mahuli siyang tinitignan ang f*******: profile picture nito. Nacurious lang naman siya nang lumabas ito sa “People You May Know” dahil nakatayo ito sa tabi ng isang luxury car. "Tse! Kinompiscate kasi ni Tita Cherry yung laptop ko kanina. Tinanghali ako ng gising." "Lemme guess. Tinanghali ka dahil sa kakalaro ng NFS?" sabay halakhak. "Buti nga." "Oo na! Nakakainis ka!" Ang galing talaga nitong mang-inis. Huling-huli nito ang mga nakakpag-trigger ng pagkapikon niya. Sa wakas ay nakarating na sila sa bahay nila Jaz. Tatanggalin na sana niya ang seat belt pero ayaw nitong maalis sa pagkakabuckle. Nakita niyang napansin siya ni Jaz. "Ano ba ‘tong kotse mo? Nilagyan yata ng spell ng witch na si Cleo." Si Cleo kasi ay swabe namang nakaalis kanina doon. "Akin na nga. May technique kasi diyan." Inagaw ni Jaz ang buckle at ito ang nag-alis. Hindi niya alam kung may special technique ba sa pag-aalis niyon o si Jaz lang ang kinikilala ng bawat parte ng kotse nito. Hindi niya ma-gets bakit kailangan pa ni Jaz hatakin ang belt mula sa sukbitan nito. Dinukwang ng kaliwang kamay nito ang belt sa gilid ng ulo niya upang lumuwag sa katawan niya at hindi magsuspend. Halos magdikit na ang baba niya at ang noo nito. Idiniin niya ang ulo sa headrest sa takot na sumayad ang labi niya sa noo nito. Iniangat naman ni Jaz ang ulo na tila hindi batid kung gaano kalapit ang mga mukha nila. Heto na naman ang puso niyang winner sa marathon. Nakakainis si Jaz. He could manage to get her into trance na halos hindi niya naramdamang naalis na pala nito ang pagkakabuckle. "Ayan, okay na. Clumsy hands." Ngunit hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kanya. Wala siyang mahagilap na salita. Ramdam niyang nagbubutil na ang pawis sa noo niya. Ah, she wanted to get out of that car. She cleared her throat. "Stupid seat belt. Palitan mo na nga iyan." Sabay bukas ng pinto ng kotse at tuloy-tuloy siyang pumasok sa bahay nila Jaz. _____ Namumuro na si Liel kay Cherry dahil tanghali na naman siya ng gising. Sinabi nitong two weeks hindi ibibigay ang laptop hanggat nalelate siya sa pagpasok. "Hay, buhay." pabuntong hiningang sabi niya. Kanina habang papunta siya ng room ay narealize niyang Financial Accounting nga pala ang first class niya. At wala siya sa mood na magpasermon ng buong period sa matandang hukluban niyang professor kaya't nagpasya na siyang lumabas na ng institute building nila. Dumiretso siya sa may football field para makapag nakaw ng tulog. Pinapasak na niya sa tenga ang earphone ng mamataan niya si Ellen na nakaupo sa bench sa ilalim ng puno. Mukhang late din ang isang ito. Naalala niya ang pustahan nila ni Jaz. Ok this is it. Kailangan niyang manalo sa pustahan nila para magamit na niya ang laptop. May business plan siyang dapat nang simulan. Nag-isip muna siya kung paano niya iaaproach si Ellen tungkol sa dapat na maging topic nila. Kahit paano ay close naman sila nito dahil pareho sila ng committee sa org. Okay, lalapit na siya. Bahala na. "Hi." bungad niya. Ngumiti naman ito pagkakita sa kanya. "Well, misery loves company. Siguradong lagot tayo kay Ma'am Goliat next meeting. Maghanda na tayo ng irireason out." matawa-tawa pang sabi nito. Halimaw kasi ang professor nilang 'yon. Sigurado bukas ay nonstop sermon ang aabutin nila.. "Naku, hayaan mo siya. Madali lang naman ipasa ang subject niya." she winked. "Correct! By the way, ‘buti di mo kasabay si Jaz ngayon, kundi baka isumbong ka niyon kay Mama mo." Wow naman. Ito na ang nagbukas ng topic. Gotcha, babe. No sweat. "Ah 'yon, eh lagi naman akong iniiwan no'n pag late na ako. Kasi sinusundo niya pa si Cleo sa bahay nila." At biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Ellen. Was that a sign of defeat? No! This couldn’t be! "Alam mo, sayang si Jaz sa kanya. Atin-atin lang to, Liezel ha? I am secretly attracted to friend. Kasi gwapo, matalino at mabait. I am not saying na kami ang bagay pero definitely, ‘di sila bagay ni Cleo." Ellen laughed. Okay, she lost. Deretsahan nang sinabi ni Ellen ang kasagutan. Walang preno, walang hinto. Diretso! She just shrugged as a reply. Mga babae nga naman bakit ba humaling na humaling sa buwisit na si Jaz? Lalo lang tuloy lumalaki ang diskumpyansa niya–este lumalaki ang ulo ni Jaz. Why did it fall off her radar? Ang taas pa ng confindence niya nang somplahin si Jaz tungkol sa pagpapantasya nito na may gusto dito si Ellen. "Sila pa rin pala ng Cleo na 'yon. Ang sama naman ng ugali. Halos sa buong council nakikipag-argue para lang maipakita niyang witty siya." Humahaba ang nguso nito habang nagsasalita. Tumpak ‘te! Impaktita ‘yon! Sige lang, magkampihan lang ang dalawang bitter. Bitter siya dahil type ni Ellen si Jaz. Bitter siya dahil hindi siya makakagamit ng laptop sa buong linggo. Bitter siya dahil ang kikay na si Cleo ang girlfriend ni Jaz at hindi siya. Dapat ay hindi malaman ni Jaz na talunan siya. Sino ba naman ang magnanais na maglinis ng gubat? Kukulangin ang isang araw para maidispatsa ang mga naglipanang dinosaur doon. "Oo nga e. Ewan ko ba kay Kuya Jaz. Bulag masyado. ‘Di niya makita ang evil side ng babaeng ‘yon." At naggatungan nang naggatungan ang dalawang bitter hanggang sa sumapit ang next subject nila. _____ Napasimangot na lang si Liel sa mga pangyayari. Nagtext na daw kasi si Ellen kay Jaz at mukhang gagawin itong textmate. Nakuha ni Ellen ang number ni Jaz sa kuya nito. Magkabarkada kasi ang dalawa. "Oh ayan kahit icheck mo pa sa contact list mo, si Ellen ‘yan." Kinuha naman niya ang cellphone niya at dinial ang numerong pinakita ni Jaz. Si Ellen nga. So, talo siya. Buwis buhay siyang maglilinis ng kwarto ni Jaz. It was a lazy Friday afternoon. Parehong half-day lamang ang pasok nila ni Jaz. Kailangan na niyang gawin ang business plan niya dahil sa Lunes na ang deadline nito. Mayroon na siyang naisulat, kailangan na lamang niyang itype ang mga iyon para sa print-out copy na ipapasa sa kanilang professor. Wala pa siyang nasisimulan kahit man lang isang letra ng objective. Hindi niya makuha ang laptop niya dahil ikinandado ni Cherry ang drawer nito bago umalis. "Kuya Jaz, hindi ba talaga ako pwedeng manghiram ng laptop? May importante lang kasi akong gagawin." Ang itsura niya ay tulad ng isang nagmamakaawang batang nanunuyo sa nakakatandang kapatid. "Gaano kaimportante? Kasing importante ng bounty sa NFS?" nanunudyong tanong nito. "Hindi ako maglalaro, promise. Gagawin ko lang ang business plan namin." Her lips pouted. "Pag-iisipan ko." Ganoon naman talaga ito. Mahilig manadya. Oh kay sarap kutusan ni Jaz. _____ Kani-kanina lamang ay aliw na aliw siyang nanonood ng X-Men movie dahil nandoon ang crush niyang si Quicksilver until Cleo came into view. Walang habas na humarang ito sa TV. Akala mo kung sinong may ari ng bahay at tuloy-tuloy pumasok sa loob. She even told the maid to get her a glass of water quickly. Ang kapal. Siya ay hindi iyon ginagawa sa kawaksi nila Jaz. Cleo sat on the sofa beside her at sinalubong naman ito ni Jaz. "Ah, Liel pwede bang doon ka muna sa kwarto mo?" Alanganin pa ito na humingi ng favor sa kanya. Halos hindi ito makatingin ng tuwid. "Ah kasi... Ano e… May importante lang kaming kailangan na pag-usapan ni Cleo." "Oo naiintindihan ko!" bagamat hindi malakas ang pagkakasigaw niya ay alam ni Jaz na masama ang loob niya dahil sa diin ng pagbigkas niya doon. Wala naman siyang karapatang magmatigas dahil nakikituloy lang din naman siya. Si Jaz pa rin ang may ari ng bahay. Gusto sana niyang umuwi muna sa bahay nila pero naisipan na lamang niyang ituloy ang pagtatype ng business plan. Nagtuloy-tuloy na siyang umakyat patungo sa kwarto at doon sa laptop ni Jaz niya ibinuhos ang inis. Pinalitan niya ang wallpaper niyon ng picture ni Jaz na inedit niya. Nilagyan niya si Jaz ng sungay at pangil na kulay puso. Makalipas ang ilang oras ay nakaramdam siya ng gutom kaya't naisipan niyang bumaba sa kusina. "Hindi naman siguro masamang kumain." Wala siyang pakialam sa dalawa basta bababa siya at kakain. Wala naman siyang intensyong mag-sneak pero parang instinct na ginawa na lang niya nang matanaw niyang nakatayo pareho si Jaz at Cleo. Natigilan siya sa paghakbang at iniatras ang kanang paa bago pa siya mapansin ng mga ito. Bahagya siyang sumilip sa pader. Nagulantang ang buong sistema ni Liel nang makita niyang hinahalikan ni Cleo. Ngunit mas ikinagulat niya ang pagtugon ni Jaz. They were that close even in school pero ngayon lang niya nasaksihan ang ganitong pangyayari. Napako si Liel sa kinatatayuan at may kung anong nakabukol sa lalamunan niya upang mahirapan siyang huminga. Selos. Oo, nagseselos siya. Aminado siya. But why the hell was she feeling this kind sadness on a different level? Lungkot na may kaakibat na kawalan ng pag-asa. Unti-unti nang lumilinaw sa isip niya na walang patutunguhan ang damdamin niya kay Jaz. Muli niyang pinagsisihan na binigyan ulit niya ng pagkakataong makasingit ang mga mumunting kiliti sa puso niya. Nang makabalik sa kwarto ay isinara niya ang pinto at sumandal hawak ang kanyang dibdib. Hindi na nakuha pang maglakad patungo sa kanyang kama. Sumandal siya sa pinto at unti-unting dumausdos paupo habang tuluyan nang bumagsak ang luha niya. Parang may latigong humampas sa puso niya nang muling magflash sa isip niya ang nakita. Napapikit siya at sinalo ng palad ang mukha. Now she could name this unfamiliar feeling. She was in love with her best friend. Hindi siya sigurado kung kailan partikular na nagsimula pero palagay niya ay dati pa. Bago pa si Josh. Pinipilit lang niyang pag-takpan iyon sa sarili. At ngayon dahil sa nasaksihan, walling ang drama niya. Matagal na siyang nabubuhay sa ilusyon. Hindi niya inakala na dadating siya sa puntong sasampalin ng katotohanan, katotohanang hindi sila habambuhay magkapiling ni Jaz kahit pa bilang magkaibigan lang. May Cleo ito. Ito ang makakasama ni Jaz sa hinaharap. Nagkasya siya sa munti niyang mundo kung saan exclusive lang para sa kanya, kay Jaz, sa pamilya nito at pamilya niya bilang mabuting magkaibigan at may magandang samahan. Cleo was not even in the picture she created. Pero ito ang kasalukuyan. At maaring ito ang maging hinaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD