Episode 7

3376 Words
How long was she standing there reminiscing? Kanina pa kaya siya pinagmamasdan nito? Ibinaba niya ang hawak na picture frame. Ano na nga ba ang pakay niya kay Jaz? Nilingon niya ito at nakangiti na sa kanya na tila nag-aabang sa pagsasalita niya. Malayo sa itsura nito kanina nang singhalan siya. Ah! Nagpapahatid nga pala siya kila Ram. "Aano ka ba at kailangan mo pa akong gawing driver?" sabi nito. "Kila Ram. Bonding lang. Matagal na kaming ‘di nagkikita. Pero since mukhang ayaw mo, magcocommute na lang ako." Tinalikuran na niya ito kahit nagpapakipot lang siya. "Wag na. Ihahatid na kita. Dadaan din ako kina Cleo. Sumabay ka na sa akin." That hurts a bit but not enough to ruin her day. She got used to this scene involving Cleo. Kaya pala nakangiti na ito samantalang kanina ay halos magdikit ang mga kilay nito nang sabihin niyang magpapahatid siya. "Wag na lang din at baka umusok na naman ang ilong ng Cleo na 'yan ‘pag nakita akong nakasakay sa kotse mo." angil niya. Kahit kailan naman talaga ay kontra-bida ang Cleo na iyon. Tanggap naman niyang walang love story ang mabubuo sa kanila ni Jaz pero pati sa friendship nila ay kontra-bida ang bruhang iyon. "I don't understand what's going on. Bakit ang init ng dugo ninyo sa isa't isa?" Yeah, just like you and Josh two years ago. Pero hindi iyon ang isinagot niya dahil magkaiba sila ng sitwasyon ni Cleo. "Bakit hindi siya ang tanungin mo? 'Ge na. Aalis na ako. Have fun, you two." Tuloy-tuloy siya sa paglabas ng bahay nila Jaz. Pagdating kila Ram ay inabutan na niya agad ang iba pang mga kaibigan. Napasimangot siya nang makitang nagsisimula na ang mga ito manood ng paborito nilang TV series. “I told you to wait for me!” bungad niya. “Ang tagal mo eh. We’ve been texting and calling you pero hindi ka naman sumasagot. Akala namin hindi ka na pupunta. Bakit ba ang tagal mo?” sagot ni Ram. Shit! I forgot my phone at Jaz’s house! Dahil sa namumuong inis niya kay Cleo ay nawala sa isip ang cellphone niya. May usapan pa man din sila ng orgmates niya na magkikita-kita mamayang alas singko. Mukhang nagkamali siya na hindi kayang sirain ni Cleo ang araw niya. “Nagcommute lang ako eh.” Pasadlak siyang umupo sa sofa sa tabi ni Nics saka nagpakawala ng hininga. “Oh bakit mukha kang nalugi?” nagtatakang tanong ni Jessie kaya nilingon na din siya ng iba pang kaibigan. “Eh nalimutan ko ang phone ko tapos ‘di ko pa nasimulan ‘yan.” pagsisinungaling niya kahit ang totoo ay si Cleo ang sinisisi niya sa kamalasan niya nang araw na iyon. “Sus, ‘yon lang ba? Edi ulitin. Laki naman ng problema ng baby boyish namin.” malambing na sabi ni Nics. Pinindot nito ang remote saka umulit ang pinapanood sa una. Isa iyon sa mga bagay na nagustuhan niya sa mga kaibigan. Siya ang pinakabata sa mga ito kahit pa buwan lamang ang tanda ng mga ito sa kanya. Turing sa kanya ng mga ito ay bunsong kapatid dahil sa kakaibang trip ng mga ito. Kaklase niya ang mga ito simula grade one hanggang grade six pero simula nang baguhin ang curriculum ng high school ay naglipatan ang mga ito ng school. Tanging siya lamang ang naiwan sa dating paaralan dahil iyon ang gusto ng mga magulang niya. Balak sana niyang lumipat sa eskwelahan ng mga ito kapag nagkolehiyo pero hindi pa rin ipinagkaloob ng pagkakataon dahil mas ayos daw kung kasama niya si Jaz sa iisang school. Ngayon ay siya lamang ang naiba ng unibersidad kaya madalas magkakasama ang mga ito. Laging nagyayaya ang mga ito na manood ng live band pero lagi siyang umaayaw. Una ay hindi siya papayagan ng mga magulang. Pangalawa ay hindi iyon ang trip niya. Mas gusto pa niya ang lagi nilang pinupuntahan ni Josh noon sa mall. Minsan ay nanonood sila ng cosplay. Minsan naman ay nagtitingin ng mapupusuang anime action figures at gunpla saka magkatulong na bubuuin sa bahay nila. She missed Josh so much. Ngunit ito mismo ang lumayo sa kanya kahit gustong-gusto niyang maretain kahit man lamang ang pagkakaibigan nila. Sinubukan niyang isauli ang mga gunpla na naipon nila pero hindi iyon tinanggap ni Josh. Ito ang gumastos para sa lahat ng iyon pero ayaw na nitong makipag-ugnayan pa sa kanya. That hurt her. Kahit paano ay natutunan niyang mahalin si Josh. Sino ba ang hindi? Napakabuting tao nito. Boyfriend material. Iyon lamang nga ay sumobra kaya’t nang umabot sa boiling point ang kulo sa loob ay nagsimula na silang hindi magkaintindihan. Kung hindi siguro siya lumipat ng school ay sila pa din hanggang ngayon. Hindi man ipinagluksa ng puso niya ang paghihiwalay nila pero nanghinayang pa rin siya. Ilang oras lamang ang itinagal niya sa bahay nila Ram dahil kailangan niyang makipagkita sa mga ka-org niya. Kung pinapayagan lang sana ako magdrive ni Papa at Mama eh. Balak ba nilang bulukin ang kotse ni Kuya? Hmp! Inihatid siya ni Ram sa gate matapos magpaalam kina Jessie at Nics. Naglalakad sila palabas ng gate pero lingon siya ng lingon sa likod dahil hindi matapos-tapos sa kakadaldal si Ram hanggang sa huling sandali. Nauuna kasi siyang maglakad dito. Saglit na tumigil sa pagsasalita si Ram nang may matanaw sa labas saka muli itong nagsalita. “Nandiyan na pala ang knight in shining armor mo eh. ‘Di ka na magcocommute.” Pagkarinig noon ay dahan-dahan niyang nilingon ang pinanggalingan ng tanaw nito dahil ayaw niyang magmukhang excited. Ilang araw na siyang kinukulit ihatid at sundo ni Ice. May pagka stalker pa nga ito kung minsan kaya hindi na siya magtatakang nasundan siya nito kina Ram. That creepy guy! Ngunit laking gulat niya nang si Jaz ang nakita. Nakahilig ito sa gilid ng kotse. What in the world is he doing here? She tried to keep a straight face to hide her excitement dahil lalo siyang aasarin ni Ram pag nagpahalata siya. Hindi naman kasi lingid sa mga ito na may gusto siya kay Jaz. “You mean, jerk in tin foil? O, siya. I have to go. Bye, Ram. Will visit you again soon.” Nagbeso-beso na sila saka tuluyang lumabas ng gate. Hindi pa man nakakapagsalita si Liel ay itinaas na agad sa ere ni Jaz ang phone niya para ipabatid na iyon ang dahilan ng pagpunta nito doon. Nang makalapit siya ay iniabot agad nito ang phone sa kanya. “Kanina pa tunog ng tunog ‘yan. Tumatawag si Sid. So, sinagot ko na. May meeting daw kayo ng 5 P.M. That’s why I am here.” Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa gilid ng kotse. “Yeah, I know that. Thank you.” Umakma siyang lalakad palayo para mag-abang ng taxi sa main road. Pero ang totoo ay nagpapakipot lang siya kay Jaz. “Sumabay ka na sa akin. Ihahatid na kita.” Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at bumalik agad. Go signal lang naman ni Jaz ang hinihintay niya. “Okay, if you say so.” Pumasok na siya sa passenger’s seat. “Hanggang anong oras kayo?” basag ni Jaz sa katahimikan na namamayani sa kanila habang nasa byahe. “Roughly two hours. Pero depende pa rin kung ilan ang head count. Why?” “‘Hintayin na kita. Wala akong gagawin sa bahay. Wala ulit sila Mama.” “Hmm… Ikaw ang bahala. But you’re free to go kapag nainip ka. ‘Text mo na lang ako kapag ‘di mo ako nakita agad.” “Okay then.” Wala pang dalawang oras ay natapos ang meeting nila Liel tungkol sa indoor team building na icoconduct nila two weeks before final exam. Gustuhin man nilang gawin iyon pagkatapos ng exam, hindi sila papayagan ng school administrator. Madami silang attendees kaya madali silang nakapagdesisyon tungkol sa mga bagay. Bahagya niyang ikinagulat nang datnan ang kotse ni Jaz sa parking. Hinintay nga siya nito. Something’s weird about him or he just needed something from her. Maybe a favor. Iyon lang naman ang maaring dahilan. “Thanks for waiting, my dear friend.” pukaw niya rito na bahagyang nakaupo sa hood ng kotse. Nilingon siya nito saka ngumiti. Tuluyan nang kumalat ang dilim noon sa paligid, hudyat na simula na ng night life ni Jaz pero mas piniling hintayin siya. “Ano’ng atin, Kuya Jaz? Wala kang gimik ngayong weekend?” tanong niya nang pareho na silang makapasok sa kotse. “You don’t remember anything today, do you?” baling nito sa tanong niya habang pinapaandar ang makina ng sasakyan. Hinalukay niya sa isip kung mayroon ba silang usapan o may pabor ba itong hiningi sa kanya na ngayon ang deadline. “Alright, based on your reaction, you don’t.” Pumalatak ito at umiling. “Today is my birthday, you little brat. Let’s celebrate. Where is my gift?” Oh how could she forget his birthday! Nawala talaga sa isip niya dahil dalawang taon na ang nakaraan nang huli niyang naicelebrate iyon kasama ito. Idagdag pang napakahaba ng to-do list niya sa school at sa bahay nang linggo na iyon. Saktong nag maniobra ito palabas ng parking. He was not looking at her but he was smiling pero umiiling-iling. He was not pissed at least. Kanina marahil ay nagcelebrate na ito kasama si Cleo. Good thing he chose to have a separate celebration with her. Dahil kung nagkataon ay maghahalo ang balat sa tinalupan. “Oh, I-I actually remembered your birthday the other day. Pre-occupied lang ako today kaya nalimutan ko.” palusot niya dahil hindi naman talaga niya naalala. “Happy Birthday, King Jaz, the jerkest of them all.” Nagbow pa siya kunwari pagkasabi niyon saka niya ito nginisihan at ginulo naman nito ang buhok niya. “Tanda mo na, Kuya Jaz. What’s your plan today, hmm?” “Let’s have pizza. Dine in or take out?” Natural, kung siya ang tatanungin ay take-out dahil hindi niya kinahiligan ang kumain sa labas. Kay Josh lang siya natuto niyon. “Take out na lang. Let’s play PlayStation in our house. How ‘bout that?” “Wonderful idea, little brat.” Pag-uwi sa bahay ay inabutan na nila ang mga magulang ni Liel. Mukhang kakauwi lang din ng mga ito galing sa Cagayan. They both had busy parents, alam ni Liel na sa bagay na iyon ay nakakarelate silang dalawa ni Jaz sa isa’t isa sa mataas na lebel. Then they celebrated Jaz’s birthday at their house with her family. Nagpabili pa ang Papa niya ng ice cream at mabilis na nakapagprepare ang mama niya ng lasagna. She could see in Jaz’s eyes that he was only partly happy. His smiles didn’t reach his eyes. Maybe because he missed his parents. “You miss them, right?” tanong niya nang maiwan sila sa sala. Hindi natuloy ang balak nilang PlayStation dahil nagyaya ang Mama niyang magkaraoke kanina. “Yeah, so much. They’re too busy. Minsan nakakapagtampo. But I understand. Bumabawi naman sila when time permits.” “I know how it feels.” Nilingon siya nito at nagtawanan na lang sila dahil marahil ay iisa sila ng nararamdaman patungkol sa mga abala nilang magulang. “Nasan na ang gift ko?” “Wala eh. Hindi ba kapag matanda na, siya na dapat ang nagbibigay ng regalo kapag birthday niya?” “Walang gano’n, Liel. Why don’t you just gift me a warm hug? Pang console lang sa absence nila Mama at Papa, you know.” Bahagyang tumaas ang isang gilid ng labi nito. Hindi siya nakasagot agad dahil nawala na naman siya sa safe zone niya. Hindi na siya hinintay pang sumagot ni Jaz, niyakap na siya nito ng mahigpit. Ipinatong pa nito ang baba sa balikat niya. She could feel longing and sadness from Jaz that moment. The tightness told it all. Siguro nga ay sobrang namimiss nito ang mga magulang. Alam niya ang pakiramdam ng matagal naghihintay sa pag-uwi ng magulang para mayakap at makakwentuhan tungkol sa mga masasayang pangyayari sa mga nakalipas na araw. She came back to her senses upon the realization. Kusang umangat ang mga braso niya para suklian ang higpit ng yakap ni Jaz. A friendly hug. Tinapik-tapik pa niya ang likod nito. The hug did not last long. Pero sapat na para mapangiti niya si Jaz. It was a genuine smile. “Next week ikaw naman ang magbibirthday. ‘Di na kita reregaluhan para quits.” sabi ni Jaz. Nagtawanan sila. She knew that he was only teasing her because he never failed to give her a birthday gift. Maybe one of these days she would gift him his favorite perfume. “Sige na, Liel, I’m going home. Thanks for celebrating this day with me. I missed this though. I missed those good old days when we’re still kids.” Ngumiti itong muli at inangat ang kamay para guluhin ang buhok niya. Her heart started to beat frantically with just one smile from him. Isang ngiting galing sa puso, hindi mapang-inis na ngisi. Funny how she was not annoyed now unlike what she used to when Jaz messed her hair. “Thank you so much.” Matapos ay tumayo na ito diretso palabas. Kailangan ba niyang sumagot? Wala naman siyang mahanap na ipambabara sa sinabi nito. Kahit siya ay namimiss na ang dati. Pero hindi na pwede dahil nangungulit ang kanyang puso tuwing napapasobra ang pagiging malapit nila. Tulad ngayon. Parang mas lumala pa yata ngayon kaysa noong mga high school pa lamang sila. “Happy Birthday ulit, Kuya Jaz. Good night.” then she sighed. There you go again, Liel. _____ Naiirita na si Liel sa kapal ng make-up niya. Obviously, hindi siya sanay. "‘Ma, baka naman pwedeng kahit lipstick at konting blush-on na lang. 'Wag na ‘tong kung anu-anong malagkit sa mukha." reklamo niya. "It's your eighteenth birthday, my goodness, Liel." hindi makapaniwalang sagot ni Vera. "‘Ma naman kasi, 'di na nga ako komportable sa gown na 'to, pati ba naman sa mukha ko? 'Di naman kasi kailangan 'tong party. Okay na ako kahit tayo-tayo lang ang magcelebrate." Sambakol ang mukha niya dahil labag sa kalooban ang party na ito. “Nonsense.” Umikot si Vera sa likod niya at ipinatong sa ulo niya ang tiara saka pinagmasdan ang repleksyon nilang mag-ina sa vanity mirror. "Liel, we want this day to be special. And you look beautiful. Believe me. I am not saying this just because you are my daughter. Look at yourself, ang ganda-ganda mo." Wala na siyang masabi pa. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa itsura. Hindi na nga niya makilala ang nasa salamin. Nagpakawala na lang siya ng malalim na buntong hininga. Where in the world did her mother get the idea of having this kind of celebration? Ni sa hinagap ay di niya naisip na malalagay siya sa sitwasyong tulad nito. "Nahihiya akong lumabas, ‘Ma." Humawak siya sa braso ng ina bago sila lumabas sa pinto ng kwarto. "Come on, darling. Ang ganda mo. There's no room for timidity." Sinapo nito ang magkabilang pisngi niya saka siya hinalikan sa noo saka niyakap ng mahigpit. Nakakuha na siya ng lakas ng loob. She decided to go outside her room. "Lord, sana matapos na agad ang party na ‘to." dasal niya sa isip. Pababa na siya ng hagdan nang mahagip ng kanyang paningin si Jaz. He was gorgeous in his silver coat. His brilliant face was dashing in her eyes. Ang gwapo nito, the epitome of tall, dark and handsome. "You look like a princess." bulong ni Jaz nang makalapit siya rito. She was completely suprised. That was the very first compliment he gave her. She looked like a princess to him. Kinuha nito ang kamay niya saka ikinawit sa braso nito. Sa unang pagkakataon yata ay naramdaman niyang babae siya sa paningin ng kababata. Kinuha nito ang kanyang kamay at ikinawit sa braso nito. Ito nga pala ang escort niya ngayong gabi. Paglabas nila ng bahay ay nagpalakpakan ang mga bisita at nagsimula na ang pagtitipon sa garden. --- "And now let's welcome the eighteen roses." ani ng emcee. Maluha-luha pa siya dahil sa mensahe ng mga bruha niyang kaibigan na eighteen candles. Paano ba naman ay halos ikwento ng mga ito ang kalokohan nila noong mga elementary at high school students pa lang sila. At nalulungkot nga ang mga ito dahil lalo na silang nagkahiwa-hiwalay nang sumapit sila sa kolehiyo. But who cares, each and every one of them are just one text away. Lalo na sila Nics, Jessie at Ram. Kahit pa high school pa lang sila ay nagkahiwalay na ng school ay walang nagbago sa turingan nila. Nagsimula nang tawagin ng emcee ang mga kalalakihan. Una siyang isinayaw ng bading na si Jandeil, isa sa mga kababata niya. Nagtatawanan ang lahat dahil kumekembot pa ito. Mas babae pa itong kumilos kaysa sa kanya. Then one danced her from another, till it came to her father's turn. Nagtataka siya dahil nauna ito kay Jaz. It was her 17th dance. "‘Pa bakit ikaw na agad?" tanong niya. "Nagkamali siguro ang emcee." Nakangisi si Benjo. Lagi naman itong ganoon sumagot, hindi niya alam kung alin ang joke sa totoo. "Naku, siguro kinausap ka ni kuya Jaz, noh? May plano na naman sigurong kalokohan ang isang ‘yon." Lumingon siya sa kinarooroonan ni Jaz at nakita naman niyang nakatingin ito sa kanya at nakangiti. Ngiti at hindi ngisi. Binaling niya sa ama ang paningin. "Hija, hindi ko kayo maintindihan niyang si Jaz. Simula pa lang noong mga bata kayo lagi na kayong nagbabangayan. Minsan naman nagkakasundo kayo at tawanan kayo ng tawanan. Anyway, sanay na naman ako. Pero I just want to remind you na teenagers na kayo." "Bakit naman po, Pa?" "Dahil nga mga teenager na kayo. You should be aware of your actions. Dalaga ka na kahit pa sabihing may p*********i ka." Sabay halakhak ni Benjo. "What do you mean, ‘Pa? I don't get it." "Si Jaz na lang ang tanungin mo. It's his turn now. Happy Birthday, darling!" Bineso-beso na siya ng ama at bumitaw. Sabay tawag ng emcee sa pangalan ni Jaz. Lumingon siya sa pinanggalingan nito at heto na naman ang puso niya na may pamilyar na kaba. It was beating fast and slow simultaneously. She felt thrilled but scared. Nagbabalik ba ang dati niyang feelings kay Jaz? Simula kasi nang magcelebrate sila ng birthday nito ay bumalik din ang dati nilang turingan tulad noong sinaniban ito ng kabaitan noong foundation day ng dati nilang school. "Hi, princess." Inabot nito ang rosas sa kanya saka siya kinintalan ng halik sa pisngi. Hindi iyon basta beso-beso lang. Kakaiba ang lalaking ito ngayon. Mas nakakatakot kapag mabait ito dahil hindi niya alam ang takbo ng utak nito kapag ganoon. Mas sanay siyang brutal ito sa kanya. Sanay siyang maagang naeexpire ang kabaitan nito na kadalasan ay isa lamang scheme para mapapayag siya sa mga pabor na hinihingi nito. Kung magpapatuloy si Jaz ay malaki ang tyansa na mabuksang muli ang dating lugar nito sa puso niya. Now they were standing face to face. Kinuha ng kanang kamay nito ang kaliwang kamay niya at ipinatong sa baywang niya ang kaliwang kamay nito. He was staring at her, a gesture that he was now ready to dance with her. A sudden bolt of energy flew through her vains. Her hands were a little shaky but she felt excited. Weird. Sana ay hindi mapansin ni Jaz ang panginginig ng kamay niya. Ganito pala ang pakiramdam na magkalapit sila ni Jaz, sa ganitong sitwasyon. Sitwasyong hindi sila nagbabangayan. Hindi puro kalokohan ang iniisip, ni hindi usapang walang kwenta. Ganito pala ang pakiramdam na tanging mga mata lamang ang nag-uusap. "I can sense you're not comfortable with this." putol ni Jaz sa katahimikan. Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy nito. Kung ang itsura niya sa pagsusuot ng gown at make up o ang pagsasayaw nila. Hindi siya nakasagot agad. "Your hands are cold. Idagdag pa ang butil ng pawis sa noo mo." Dumukot ito sa bulsa ng coat nito at kinuha ang panyo marahang idinampi iyon sa kanyang noo. Matapos ay ibinalik iyon sa coat at muling dinampot nito ang palad niya para ituloy ang sayaw. Is this the same Jaz that I used to know? tanong niya sa isip. "Are you enjoying your party?" Hindi pa rin siya makasagot. "This isn't your thing but I hope you’re happy." pagbibiro nito. She cleared her throat. "I-i am." alanganin niyang sabihin. She saw doubt on his face. "I mean, I will just enjoy it. Nandito na, eh. Sayang naman ang effort ng parents ko kung hindi ako mageenjoy. So far, masaya ako sa party na ito kasi nandito ang mga mahal ko sa buhay pati ang mga kaibigan ko." depensa niya. He chuckled. “Good then. So, my princess, can I have this dance with you?" There goes his killer smile again. "Ha? Kanina pa nga tayo nag sasayaw, eh." "Ang pangit kasi ng intro ko kanina nang lapitan kita. So, can I have this dance with you?" ulit nito. "Kulang yung sinabi mo." she grinned. "Ano?" "Yung princess." Why on earth did she say that? Mahina itong humalakhak. “Okay. My lovely princess, can I have this special dance with you?" Oh God, thank You for this birthday gift. pagpapasalamat niya sabay tango kay Jaz. "Sure." She didn't mind if the night wouldn't end.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD