Episode 6

3160 Words
Jaz grabbed her wrists as he stood up kaya sabay silang napatayo. Hinila siya nito at nagsimulang lumakad palayo. But her eyes were left on Josh's face. She couldn’t find the right words to say because she felt uneasy and embarrassed in front of him. Heto na naman si Jaz sa kagaspangan ng ugali nito. Natauhan lang siya nang maramdaman sa hita ang mamasa-masang bagay kaya napahinto siya sa paglakad. Ibinaba niya ang tingin at nakitang tumapon ang masarap na carbonara mula sa hawak niyang styro. Then all of a sudden, her blood was boiling. Marahas niyang binawi ang kanyang kamay mula rito. “Kumain ka na lang mag-isa mo!” Mabilis niya itong tinalikuran at walang sabi-sabing hinatak niya si Josh at iniwan si Jaz. Bahala na ito sa buhay nito. Kanina lamang ay masaya sila pero dinalaw na naman ito ng ultok nito sa ulo kaya pati tuloy siya ay nahawa. Akala niya ay okay na si Jaz kay Josh nang magkausap sila sa canteen tungkol sa panliligaw nito. Kung hindi nito gusto si Josh para sa kanya ay sana naman nagpakita ito ng kahit konting respeto sa tao dahil wala naman itong ginagawang masama. Siya ang nahihiya sa ginawa ni Jaz. “Ako na ang nagso-sorry, Josh, para sa hambog kong kababata.” “Okay lang. Wala naman na sa akin ‘yon. Pero teka, mag-linis ka muna sa CR. Hintayin kita sa labas.” sabi sa kanya nito nang may matanaw itong comfort room. Oo nga eh, nanlalagkit na ang hita ko. Wait for me here okay?” “Liel, wait.” Lumingon naman siya agad dito. “Don’t wash your face yet. You look a lot cuter with those colors.” His lips curved with a sweet smile. Napangiti siya sa tinuran nito. She smiled in exchange for his compliment. Kahit paano ay nabawasan ang pagkabadtrip niya kay Jaz. “Oh siya, wait lang.” _____ Parang tangang naglalakad sa dilim si Jaz habang sinusundan sila Liel. He was now his best friend's stalker. Kanina pa niya inuutusan ang sarili na lumayo na pero patuloy lang ang paa niya sa paglakad patungo sa tinatahak ng dalawa. Nakabantay siya sa mga ito simula nang umalis ang mga ito sa ground. Gusto niyang kutusan ang sarili. He just couldn’t keep his cool whenever he saw Josh. He acted like an idiot a while ago. Parang lagi ay kumukulo ang dugo niya dito kahit wala naman itong ginagawang masama sa kanya. Well, maybe he was just jealous. At lalo siyang nagselos nang iwan siya ni Liel para kay Josh. When he saw them very close the other night, he promised himself that he would be good to Josh for the sake of Liel. He was willing to sacrifice as long as she was happy. Pero sa nangyayari ngayon, napatunayan niya sa sarili na mahirap gawin iyon. How could you easily give up someone you like without her knowing that you like her? And how could you act so cool in front of the guy who made the girl you liked happy? Ni hindi man lang siya makalaban ng patas. Ni hindi man lang niya masubukan na ipagtapat dito ang nararamdaman. Dahil mas natatakot siyang tuluyang masira ang anumang relasyon meron sila ni Liel. He would rather endure this unfamiliar kind of pain than lose her forever. Nakakainis isipin na ang lapit nila sa isa’t isa pero parang milya ang layo nito sa kanya kung pag-uusapan ang nararamdaman. He wanted to make himself believe that Liel really felt the same way. Pero ilang beses na din niyang napatunayan na mali siya ng inaakala. Lalo na nang makausap niya ito noong isang araw ay bumalik ang inhibisyon niya. Sa sagot nito ay alam niyang may pag-asa si Josh na maagaw sa kanya ang best friend niya. And now, she chose to be with her suitor rather than him kahit na may usapan na sila kanina. Nararapat lang siguro na magpaubaya na siya tutal olats naman siya kay Liel. Hanggang magkapatid lang siguro talaga ang kwento nila. Napikon niya si Liel kanina. He was fully aware of that. Magtatapos na sana ng maganda ang araw nila but he ruined it just because he lost his temper. Again. Kaya ngayon ay mag-isa siyang nagmamasid sa dilim. Nalipasan na siya ng gutom dahil sa sarili din niyang kagagawan. “Hey asshole.” Someone nudged him. Nang lingunin niya ito ay si Byron ang nabungaran niya. Ngingisi-ngisi ito sa kanya na animo'y nangungutya. “Pasikat ka pa kanina sa akin, pero talunan ka din naman pala. I thought you don’t like her but now you’re here like a perv in the dark.” usisa nito. “Damn you! Wala ka bang ibang trip?” Pinilit niyang ilayo ang paningin kila Liel para lang hindi mapahiya sa kabaro niya. “Kanina ka pa namin pinagtatawanan, Jaz. Look at them.” turo nito sa mga kabarkada nila na nag-uumpukan sa bench. Nang makita niya ang mga ito ay sumigaw ang mga ito ng “Boo!” Matagal na niya itong hindi naging kaklase pero close pa rin niya ito dahil tumatambay sila sa campus kapag nagkakataon na nagkita-kita. “Mga sira-ulo. Nagpapahinga ako dito.” “You mean, nagpapahingang giraffe?” “Giraffe?” buong pagtataka niyang tanong sa mga walang kasaysayang sinasabi nito. “Nagkakandahaba ang leeg mo. Kaya nga tawa kami ng tawa sa ‘yo eh. Tara na, pare. Lipat tayo ng spot. Nandun yung mga student teacher, pre. Mas maganda ang view doon.” Sumama na lamang siya rito para maibangon ang ego. Ayaw niyang nakakantyawan ng mga barkada ng dahil lang sa babae at lalo na kay Liel. Kaya nga pinapatulan niya ang mga dare nito na ligawan ang mga sikat na babae sa campus para lamang patunayan na wala siyang gusto kay Liel. Ayaw niyang makarating sa kababata ang tungkol sa damdamin niya. Kung magpupumilit pa siya sa pang-iistalk ay tutudyuhin lang siya lalo ng mga sira-ulong barkada niya. _____ Natapos ang programa ng gabi na iyon na masaya. Inaliw siya ni Josh kaya sandali niyang nakalimutan ang inis kay Jaz. Pagkatapos ng event ay nag-ikot ikot sila sa mga bazaar sa paligid. Naglakad-lakad din sila sa hindi kalayuan upang maghanap ng makakainan. Sabay pa silang napalundag nang may matanaw na car show sa isang bahagi ng parking area ng isang mall. Napaisip si Liel noon kung kakausapin pa niya si Josh tungkol sa pagliligawan nilang dalawa. He looked so happy when he was with her. Ayaw niyang saktan ito kaya nagpasya siyang bigyan pa itong ng mahabang panahon. People change. Malay niya sa makalawa ay magbago na ang pagtingin niya dito. Who knew? Alas onse nang magpasya silang umuwi. Hindi naman siya natatakot mapagalitan dahil nagpaalam naman siya sa mga magulang niya at pumayag naman ang mga ito na sumama maglibot kay Josh. Pero nagpumilit din si Josh na ihatid siya nito pauwi dahil hindi na niya talaga mahagilap ang impaktong si Jaz. Nang tanungin niya ang mga kaklase nito kanina matapos ang event ay sinabing umalis na daw kasama ang mga barkada nito bandang alas sais y media. Just thirty minutes after she walked out on him. Alas nuebe y media na natapos ang event. Ipapaliwanag na lamang niyang mabuti sa magulang kung bakit umangkas ulit siya sa motor. Isa sa napatunayan niya ay si Jaz talaga ang may problema sa utak dahil kahit si Josh ay pilit na ipinagtatanong kung nasaan si Jaz para lang makauwi siya ng matiwasay. He was not selfish and inconsiderate like Jaz. Saglit lamang ang naging byahe nila pauwi dahil hindi naman gaanong traffic. Sobra-sobrang pasasalamat niya kay Josh sa pag-asikaso nito sa kanya. “Babawi ako sa ‘yo sa Monday, Josh. Promise. Salamat ulit, ha?” Iniabot niya rito ang kakahubad na helmet. Nagulat siya nang hawiin ni Josh ang mga kumawalang buhok niya mula sa pagkakapusod. Hinagod ng mga daliri nito ang pisngi niya at inilagay sa likod ng tainga ang mga nasamsam na buhok. Inalis nito ng helmet. “You’re really beautiful, Nica. Thanks for this night. Nag-enjoy ako.” He was looking intently at her. Medyo naiilang siya. But she was also amazed at the same time. Para kasing kumikislap ang mga mata nito. Inilapit nito ang mukha sa kanya. The next thing she knew, he was kissing her in the forehead. Hindi siya nakapalag. Dapat ay sinuntok niya ito. But Josh was very gentle kaya hindi sinunod ng kamao niya ang sabi ng isip. Nang makalayo na ito ay saka pa lamang siya natauhan kaya pumasok na siya sa loob ng bahay. Mabuti na lamang at tulog na ang mga magulang niya. _____ Sinabunutan ni Jaz ang sarili matapos masaksihan ang ginawa ng unggoy na si Josh sa kababata. Hindi siya mapakali. Inaabangan niya si Liel kanina na umuwi dahil nakaligtaan niyang sunduin ito. Nang bumalik siya mga bandang alas diyes sa pinagdausan ng event ay hindi na niya mahanap si Liel samantalang kakatapos pa lamang noon. Naisip niyang baka umuwi na ito at nakisabay sa mga orgmate pero nang makauwi siya ay nakumpira niya sa ina nitong hindi pa ito nakakauwi at nagpaalam daw na maglilibot pa sa mga bazaar kasama ang unggoy. Hindi naman niya ito macontact dahil nakapatay ang cellphone nito kaya’t napilitan siyang tawagan si Jasmine para dito na mismo magtanong. The two were orgmates. Kinumpirma nitong magkasamang umalis si Liel at ang unggoy. Alam niyang wholesome naman ang unggoy na iyon kaya kahit paano ay panatag siya. But seeing them now made him want to punch that prick in the face. No one ever dared touch Liel like that. Not even him. At sa nakita niya ay pinahintulutan lang ni Liel na gawin iyon. What the actual f**k? Sinagot niya na ba yung ungas na ‘yon? Bigla ay para siyang nawalan ng gana sa hindi niya maintindihan na dahilan. Ni hindi nga niya matukoy kung saang bagay siya nawalan ng gana. He felt empty for a moment. Pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit umabot sa ganoon. She let his anger took over the situation. Nahiga siya sa kama at isang oras na tumitig sa kisame hanggang lamunin siya ng kawalan. Ilang oras pa ang pinalipas niya nang mapansing lumiliwanag na. Maybe it was high time to let go of his feelings for Liel. Tutal ay hindi naman niya kayang umamin dito. Everytime he tried to, it only made things worse. Hindi niya alam na ang simpleng crush ay aabot sa ganito. Kahit ano pa man ang maramdaman niya, mas mahalaga pa rin ang friendship nila and he couldn’t afford to lose that. Maybe they were better off that way. Yes, that was it. Mabilis lumipas ang mga araw na parang sinasanay ni Jaz ang sarili na malayo kay Liel para malimutan niya ang pagkagusto sa kababata. Nagpakabusy siya sa pagkumpleto ng requirements at projects before graduation hanggang sa makagraduate na nga siya ng senior high school. He decided to enroll to a different school nang tumuntong siya ng college. Bihira na silang nagkakausap ni Liel at minsan na lang din niya itong makita kapag lamang dumadalaw siya sa bahay ng mga ito. Si Mama Cherry lamang nito ang sinasadya niya at kapag minsang may ipinaaabot ang Mama niya rito. Balita din niya na sinagot na ni Liel si Josh sabi ng tsismosong si Byron. Isa iyon sa dahilan kung bakit lumipat siya ng ibang school. Doon siya nag-aral sa university na pinapasukan ng Kuya Brew ni Liel. At simula nang malayo siya kay Liel ay tila naman napangatawanan niya ang paratang nitong chickboy siya. Unang taon pa lamang ay nakapitong girlfriend na siya. Lalo noong magsecond year college siya kung saan lalo siyang naging sikat dahil ipinagpatuloy niya ang pagsali sa swimming competition. Kaliwaan ang mga babaeng tumatawag sa pangalan niya tuwing papasok siya sa school. Somehow he forgot his feelings for Liel at mukha ngang tuluyan na iyong naglaho sa pakiwari niya. Nabawasan na ang pang-aasar niya rito at ganoon din naman si Liel sa kanya. Nagkakakwentuhan pa rin naman sila pero hindi na tulad noon na mahaba at hindi nagkakasawaan sa mukha ng isa’t isa. Ngayon ay matagal na ang dalawang oras kung manatili sila sa bahay ng isa’t isa. May mga linggo ring nagdadaan na hindi sila nagkikita. Pero bigla iyong nagbago nang palipatin si Liel ng mga magulang nito sa school na pinapasukan niya. Since then, unti-unti silang bumalik sa pagiging aso at pusa. _____ "Pwede ba, Liel, ‘wag ka munang magulo?" Seryoso si Jaz na nakaharap sa laptop niya. Tinatapos nito ang lay-out ng feasibility study para sa research nito. Time pressured na ito dahil deadline na nito sa Biyernes. Napatitig siya sa divider nila Jaz. Nakita niya ang family picture nila kasama ang pamilya niya two years ago–noong kumpleto pa sila. Pero ngayon ay iba na ang sitwasyon–where her being alone with the jerk all started. Her parents decided to get her to Jaz's university after she graduated from high school. "We will be very busy now, darling. Your Dad decided to accept his friend's business proposal and they will start by next month." naalala niyang sabi ng Mama niya. Nag-invest ang Papa niya sa isang business na nagseserve ng land extreme sports sa Cagayan De Oro. Marami kasing turista ang naghahanap ng mga extreme sports sa lugar na iyon. Ang Mama naman niya ang nag take over ng business na ipinamana ng Lolo niya, although maliit lamang ang ancestral boutique na iyon ngunit sa Baguio pa kasi ito nakatirik and her mother was full of sentiments dahil nga iyon na lang ang naiwang alaala ng Lolo niya. At mukhang mamumundok ang mga magulang niya kaya posibleng maiwan silang dalawang magkapatid sa bahay. Pero hindi nagtatagal, ang kuya naman niya ay nagtrabaho na rin sa isang sikat na shipping line sa Denmark. Minsan isang taon na lamang itong umuwi. Nagkahiwa-hiwalay na sila ng kanyang pamilya. Mukhang oras na para matutong mamuhay mag-isa. Oh, how she missed the old days, na kumpleto pa sila every day of her life. Ang OA niya pero kailangang matutunan maging independent. Iyong tipong hindi na siya kailangan pang hilahin sa higaan para lang bumangon at maghanda para sa school. Kailangan na rin siguro niyang matutong magluto mag isa. Wala kasi silang stay-in na katulong sa bahay. Nadala ang mga magulang niya nang minsan silang pagnakawan ng katulong nila. Nakuha nito ang mga mahahalagang gamit ng Papa at Mama niya, mga alahas, mamahaling antique collections na galing pa sa ibang bansa at malaking halaga ng pera. Ilang taon din na nanilbihan sa kanila ang kasambahay na iyon pero nagawan pa rin sila ng masama. Kumuha na lang sila ng security guard upang mayroong magbantay sa bahay lalo tuwing wala silang mag-anak. At ano ang alam nito sa pagluluto? Kaya nga kailangan niyang harapin ang nagtatalsikang mantika tuwing nagpipirito siya ng simpleng itlog. At doon rin nagsimula ang dahilan ng pagpasok niya sa unibersidad ni Jaz. Para daw may titingin sa kanya sa loob ng campus at sasabay pauwi ng bahay. Si Jaz? Pareho ito ng kurso ng kuya niya, pero hindi dahil sa hilig ng ama nito noong kabataan pa. Gusto ni Jaz ang makapag design ng sarili niyang yate. Gusto niyang siya ang gumawa ng plano nito hanggang sa kaliit liitang detalye. Ito naman talaga ang pangarap nito noon pa man. But she found it boring. Wala siyang hilig sa activities sa tubig. Bakit nga ba? Dahil hindi siya gaano marunong lumangoy at dahil bata pa lang siya ay land extreme sports na ang gusto niya. Idol niya talaga ang Papa niya. Nababantayan naman siya ni Jaz sa school. Hindi nga siya malapitan ng mga manliligaw niya eh. Overprotective ito. Lalo nang maghiwalay sila ni Josh. It was not working for them since she had been transferred to Jaz’s university. May pagkapossesive ito kaya naman lagi na lang itong nagseselos, kahit nga si Jaz ay pinagseselosan nito. So she had decided to end their relationship. Wala naman talaga siyang balak sagutin ito, she was obliged because Josh was her first kiss. Well, technically not the first, but she still considered that forehead kiss as her first. Nais niyang maibangon ang dignidad sa sarili dahil hinayaan niya itong gawin ni Josh, kaya naman sinagot na din niya. Pero hindi niya pinagsisihan iyon. She liked his company. She found both in him–a boyfriend and a best friend– lalo noong lumipat ng school si Jaz. Josh became her confidant about almost everything. Almost. She never told him about her feelings for Jaz which was still in there even now. Nabawasan man iyon simula nang magkalayo sila ng school pero nandoon pa rin ang katiting na nararamadaman niya sa kung saan mang sulok ng puso niya. Well, at least now, she was much in control. Kaya na niyang kontrolin ang emotion tuwing naiisip niyang walang kapag-a-pag-asang maging sila ni Jaz. At least masaya silang magkaibigan kasama ang kani-kanilang pamilya. At ngayon nga, heto si Jaz, back to being her jerk best friend. Kahit sa simpleng practice nila para sa practicum ay nakabantay ito. Naiinis siya dito pero hindi siya makapag reklamo. Ah, oo nga pala, may gusto siya dito. Pabor din kahit papaano sa kanya ang sitwasyon, pero mas madalas siyang mainis dahil hindi niya magawa ang personal niyang mga lakad. Lalo na ang pagpunta-punta niya malapit sa kabilang unibersidad para kumustahin si Ram. Kailangan pa niyang takasan si Jaz para magawa iyon. Simula nang magchampion si Jaz sa swimming competition ay lalong dumami ang taga hanga nito. Pero tulad ng dati, kinaiinggitan siya ng mga taga hanga nito dahil malapit sila sa isa't isa. Minsan nga ay napapagkamalan sila nitong magkasintahan at minsan naman ay magkapatid. Siguro noong mga panahong brutal sila ay dun sila napapagkamalang magkapatid. Iyong tipong pisikalan ang p*******t sa isa't isa. Paano ba naman ay minsan siya nitong kinaladkad pauwi ng school dahil nakita siya nitong nakikipag-usap kay Jerome, isa sa mga manliligaw niya. Her head had reached its boiling point kaya ibinato niya sa mukha nito ang bag niya. "Ang kapal mo, Kuya Jaz. Sino ba ang mas flirt sa atin, ako na nakikipag-usap kay Jerome regarding academic matters o ikaw na lahat ng babaeng lumapit ay dinedate mo? Argh! Naiinis ako sa pagmumukha mo!" sigaw niya sabay takbo rito papalayo. Kung 'di lang nito alam, mas gusto pa niyang ito ang maging boyfriend. Kaya nga lang ay suntok talaga sa buwan kaya hindi na siya umaasa. Simula nang maging 3rd year student ito ay naging busy na ito dahil loaded ito nang semester na iyon at karamihan ay mga major subject. Minsan ay nakakalimutan na rin siyang sunduin sa classroom niya. Masarap sanang isiping magboyfriend sila at napakamaalaga nito sa kanya. Kaya lang ay siya lang naman ang nag iisip ng ganoon. Idagdag pang girlfriend ni Jaz ang kontrabidang si Cleo. Ah! That girl was getting on her nerve. Well, the feeling is mutual dahil mukhang ayaw rin nito sa kanya. Pero ang babaeng iyon ang gusto ni Jaz at hindi siya kaya kailangan niyang tanggapin ang katotohanang iyon bilang mabuting best friend. They were together for almost a year. Mukhang seryoso si Jaz dito dahil tumagal sila ng ganoon. Usually kasi ay fling lang ang pakikipag relasyon nito. The thought made her a bit upset. Liel was still a little sister to him. No more, no less. At hindi na magbabago pa ang kapalaran niyang iyon. "Journeying down memory lanes?" pukaw ni Jaz sa kanya. Mukhang tapos na ito sa ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD