bc

Captured Elegance

book_age18+
85
FOLLOW
1K
READ
revenge
drama
tragedy
bxg
school
like
intro-logo
Blurb

Hera, who comes from a wealthy family, finds it difficult to believe that she could be attracted to their driver-s***h-gardener, Apollo.

Tinitingala sa kanilang eskwelahan si Hera sa pagiging elegante at fashionista nito, halos lahat ng kababaihan sa kanilang eskwelahan ay kinaiinggitan siya dahil nasa kanya na halos ang lahat. Karangyaan, kasikatan at higit sa lahat pisikal na kagandahan. Ngunit ang hindi maintindihan ni Hera ay kung bakit sa isang gardener-s***h-driver lang nila na si Apollo siya magnanasa ng husto.

chap-preview
Free preview
Simula
Simula H E R A Iritadong nilukot ko ang papel na hawak ko matapos hindi masiyahan sa kinalabasan noon. Pang-ilang design ko na iyon na hindi ko natipuhan kaya naisipan kong huminto na. Wala talaga akong magagawang magandang disenyo kung hindi maganda ang mood ko. Alam ko naman iyon pero nakaugalian ko na lang talagang mag-sketch ng mga gown kapag masama ang loob ko. Doon ko kasi ibinubunton ang nararamdaman ko sa tuwing pinapagalitan ako ng parents ko. Hindi ko alam kung bakit ang bilis nilang magalit sa akin kahit sa maliliit na bagay lang. Kung gaano sila kadaling magalit ganoon naman sila kahirap pasayahin. Lahat na ginawa ko para lang matuwa sila sa akin ngunit kahit anong gawin ko ay hindi iyon nagiging sapat sa kanila. Lahat ng gawin ko ay kulang palagi para sa kanila. Tapos isang maliit na pagkakamali ko lang ay napakalaking bagay na agad sa kanila. Tulad na lang nang sabihin ko sa kanilang nag-top two ako sa klase namin. Akala ko matutuwa sila pero imbes na matuwa ay nakuha pa nilang magalit at madismaya. Hindi ko alam kung bakit ganito sila sa akin. Ibinibigay nila lahat sa akin pero never ang kanilang pagmamahal. Palagi pa silang galit sa akin na para bang napakalaki ng naging atraso ko sa kanila. Sa inis ko dahil walang magandang maiguhit ay naisipan ko na lang na magbabad sa pool. Pumasok ako sa kwarto ko para magpalit. Sinuot ko ang kulay dilaw kong bikini. Binili ko iyon last summer pa at ngayon ko pa lang maisusuot. Naparami kasi ang bili ko ng swimwear last summer kaya marami akong hindi naisuot at naitambak lang. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin bago naisipang magtungo sa pool area. Nagsalubong ang kilay ko nang may maabutan akong lalaki doon. Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa pool kaya hindi ko makita ang mukha niya. Naglilinis yata ng pool. Tinignan ko ang pool at mukhang malinis na naman iyon. Baka tinitignan lang niyang maigi kung malinis na nga ba talaga iyon. Tumikhim ako kaya agad siyang napalingon sa direksiyon ko. Halos umawang ang bibig ko nang makita ang mukha ng lalaki. Kung hindi lang siguro madumi ang damit niya ay aakalain kong bisita siya ng mga magulang ko. Ang gwapo sana kaya lang mukhang marumi. Sino naman kaya ito? Bagong hardinero? Eh, bakit naglilinis ng pool? Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumaas ang kilay ko at agad na humalukipkip. "I want to swim. Tapos ka na ba riyan?" malamig na sabi ko. Agad siyang umiling. "Hindi pa pero sandali na lang ito," aniya bago ako muling tinalikuran upang ipagpatuloy ang kung anong ginagawa niya sa pool. Umirap ako. Sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng inis sa kanya. Ewan ko. Wala naman siyang ginagawa pero parang nasusupladuhan ako sa kanya. 'Tsaka ayaw ko sa kanya. Gwapo pero ang dungis. Nakakairita. Siguro ito yung bagong houseboy na anak ni Manong Tomas. Narinig ko kasi noong isang araw ang usapan nila ni Dad na ipapasok niya din ang anak niya dito dahil kulang kami sa mga lalaking katulong. Ang dami kasing umaalis sa aming kasambahay. Hindi ko sila masisisi dahil masiyadong mahigpit ang mga magulang ko. Kung sa akin nga na anak nila ay mahigpit sila paano pa kaya sa mga taohan nila? Si Manong Tomas na family driver namin lang yata iyong nagtagal sa mansiyon na ito at iyong mayordoma naming si Felita. Sila lang ang may kayang magtiis sa ugali ng mga magulang ko at siguro sa ugali ko na din. Hindi naman ako nagmamalinis. Alam ko naman na hindi talaga ako mabait pero at least hindi naman ako katulad ng mga magulang ko. Yes, I love them pero hindi ako bulag. Alam kong masiyado silang marahas sa mga tauhan nila at siguro nga ganoon din ako dahil hindi ako marunong makisama sa mga taong alam kong mababa ang antas sa buhay. Anong magagawa ko? Ganoon ako pinalaki ng mga magulang ko, eh. Bata pa lang ako ay pinagbabawalan na nila akong makisalamuha sa mga taong mababa ang estado sa buhay. Kaya madalas akong matawag na suplado at matapobre ng ibang tao. Actually, I don't care. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa akin. Ang mahalaga sa akin ay ang sasabihin ng mga magulang ko. Kaya nga lahat ng gusto nila ay sinusunod ko. Lumapit ako sa kinatatayuan ng lalaking hindi ko manlang alam ang pangalan. Hindi ko nga sigurado kung tauhan nga ba talaga namin ito. Mamaya ay akyat bahay pala ito. Kung sabagay imposible naman yatang mapasukan kami ng akyat bahay. Mahigpit ang seguridad namin dito sa mansiyon. Siguradong walang makakapasok na kung sino lang dito. "Matagal pa ba iyan?" tanong ko nang makalapit sa tabi niya. Nakahalukipkip pa din ako. Binalingan niya ako. Muntik nang tumaas ang kilay ko sa klase ng tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung natural lang ba sa kanya ang tumitig ng ganito. Hindi ko alam. May iba kasi akong nararamdaman sa tingin niya sa akin. Manyak yata ito, eh. Mas humigpit ang pagkakahalukipkip ko. Halos yakapin ko na ang sarili ko. "Sandali na lang ito miss," aniya sa malamig na boses. Umirap ako at lumayo na lang ulit sa kanya. Hindi ko talaga matagalan ang titig niya. "Hindi mo ba pwedeng bilisan diyan?" iritadong sabi ko habang binibigyan siya ng masamang tingin. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako pero parang nakita ko siyang ngumisi. Mabilis lang iyon kaya hindi ako sigurado doon. Inaasar ba ako ng bwisit na ito? "Are you smirking?" sa iritasiyon ay hindi ko na napigilang maibulalas. Agad siyang umiling. Tumalikod siya at muling ibinalik ang atensiyon sa pool. Umirap ako at muli siyang nilapitan. "I'm still not done talking to you! Huwag mo kong talikuran!" gigil na sabi ko. Agad naman siyang humarap sa akin. "Hindi kita tinatalikuran. Ginagawa ko lang ang trabaho ko," aniya sa malamig na tono. Bahagyang napaawang ang mga labi ko. Ibang klase din ang isang ito, ah! Nakuha niya pang sumagot? Ang kapal! "Nangangatwiran ka pa? Ang sabihin mo bastos ka lang! Walang modo!" Pumikit siya ng mariin bago muling ibinalik sa akin ang tingin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Pasensya na kayo kung ganoon ang tingin ninyo. Ginagawa ko lang ang trabaho ko." "Wala akong pakialam! Umalis ka na nga riyan! Kunwari ka pang nagtatrabaho riyan gayong mukha namang malinis na ang tubig!" "Sinisigurado ko lang na talagang malinis. Iyon kasi ang inutos sa akin ni Madam," aniya. Itinulak ko siya palayo sa pool. Hindi naman siya natinag sa panunulak ko. Alam kong hindi tama na umarte ako ng ganoon pero hindi ko lang napigilan ang sarili kong iritasiyon para sa lalaking ito. May kung ano talaga sa kanya na ayaw ko, hindi ko lang masabi kung ano iyon. Basta ayoko sa kanya. "Pwes ngayon pinapaalis na kita kaya umalis ka na!" medyo napalakas ang boses na sabi ko. Ang bwisit na ito! Talagang gusto pang mangatwiran. Ang kapal ng mukha! Bakit hindi na lang siya umalis at nabubwisit ako sa itsura niya! Mukhang madungis at mabaho. Nakakairita! Nakuha niya pang itaas ang dalawang kamay niya na para bang nagpapahiwatig ng pagsuko bago dahan-dahang umatras palayo. Inirapan ko siya. Hanggang sa tuluyan na siyang makaalis sa pool area.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook