001

1121 Words
Kabanata 1 H E R A Dahan-dahan akong bumaba sa tubig. Paglapat pa lang ng tubig sa talampakan ko ay naramdaman ko na ang lamig. Tumingala ako sa kalangitan. Medyo makulimlim nga ang panahon. Nakakapagtaka naman. Kung kailan ko pa naisipang magbabad sa pool ay 'tsaka pa yata uulan ng malakas. Itinuloy ko ang pagbaba sa tubig hanggang sa hanggang baywang ko na iyon. Agad na nanuot ang lamig sa buong katawan ko. Lalo na nang umihip ang malamig na hangin. Napayakap ako sa sarili ko sa lamig na dulot noon. Mukhang may paparating pa yatang bagyo base sa malamig na simoy ng hangin. Napasimangot ako pero itinuloy ko pa din ang pagligo sa pool. Ayos lang naman sa aking abutan ng ulan pero huwag lang sana masiyadong malakas dahil mapipilitan na akong pumasok sa loob kapag ganoon. Nagtungo ako sa mas malalim pang parte ng pool at saka na sumisid. Bukod sa pagkukulong sa kwarto ko ay gusto ko ding nagbababad sa pool. I feel at ease whenever I’m in the water. I like the feeling of the cold water on my skin. For some people, coldness means loneliness, but for me, it is not. I have already befriended the coldness. I am used to that feeling to the point that I am already comfortable feeling it. I let myself float in the water while feeling every tiny drop of rain on my skin. I closed my eyes and smiled. Oh, I love this feeling. Ilang sandali pa akong nagtagal sa ganoong pwesto bago dumilat at nagdesisyong lumangoy na lang ulit. Ngunit pagdilat ko ay agad naagaw ng lalaking nakatayo sa gilid ng pool ang atensiyon ko. It was the same dirty man earlier. Sumisid ako sa tubig at nagtungo sa direksiyon niya. Malawak ang pool kaya kung gusto ko siyang kausapin nang hindi kinakailangang sumigaw ay kailangan kong lumapit sa pwesto niya. Umahon ako sa eksaktong tapat niya. Mas malalim ang tubig doon kaya kumapit ako sa gilid ng pool. "Hindi ba pinaalis na kita? Ano pang ginagawa mo dito?" I said, feeling so irritated. Binobosohan ba ako ng lalaking ito? Mas lalong nag-init ang dugo ko sa kanya sa naisip kong iyon. Hindi ko talaga gusto ang dating niya. Parang ang yabang masiyado kahit na isa lamang siyang hamak na utusan. Wala naman siyang ginagawa pero kung tumingin siya hindi ko gusto. "Umuulan na ma'am mas mabuti kung pumasok na muna kayo sa loob at magpatila muna ng ulan. Baka magkasakit kayo," aniya sa pormal na tono. Umirap ako. Kunwari pang concern ang isang ito. Ang sabihin niya gusto niya lang talaga akong silipan kaya siya nandito. "At anong karapatan mo para diktahan ako?" Kumunot ang noo niya pero hindi naman na sumagot pa. "At sino ka ba? Tauhan ka ba talaga namin?" tumaas ang kilay ko. Isang tipid na tango lang ang isinagot ng lalaki. Hindi manlang siya nag-abalang ipakilala ang kanyang sarili. "Kung ganoon bakit hindi mo sinusunod ang utos ko? Hindi ba sabi ko lumayas ka dito? Bakit nandito ka nanaman? O baka naman binobosohan mo ako?" Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o talagang nakita ko siyang ngumisi sa sinabi ko. Bakit? May nakakatuwa ba sa sinabi ko para ngumisi siya. Sobrang bilis lang noon kaya hindi ko talaga sigurado kung talaga nga bang ngumisi siya sa akin. "Ano? Bakit hindi ka makasagot? Binobosohan mo nga talaga ako 'no?" Umiling siya ngunit may bahid ng pagka-aliw ang kanyang ekspresiyon. Mas lalo tuloy akong nainis. Tuluyan na akong umahon mula sa tubig at pagalit na nilapitan siya. Napaatras siya ng isang beses nang lumapit ako ng husto sa kanya. Ngunit sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng ibang klaseng lamig sa kanyang mga titig. Ang kaninang hindi iniindang lamig ay nanuot sa aking balat. Muntik na akong mapayakap sa aking sarili sa naramdamang lamig. "Ano napipi ka na? Kapag tinatanong kita sumagot ka!" galit na sabi ko pilit tinitiis ang lamig na dulot ng kanyang mga tingin. "Pasensya na, senyorita. Hindi kita binobosohan. Tinitiyak ko lang na maayos ang lagay niyo dito." "At bakit mo naman naisip na hindi magiging maayos ang lagay ko dito?" Hindi pa din humuhupa ang inis ko sa kanya kahit na nagpakumbaba na siya at humingi ng tawad. Pakiramdam ko hindi naman taos-puso ang kanyang paghingi ng tawad. "Umuulan kaya madulas ang sahig baka mapaano kayo," aniya sa kalmadong paraan. Parang mas lalo pa akong nainis sa naging sagot niyang iyon. "At anong akala mo sa akin? Lampa?" "Wala ho akong sinabing ganyan." "Pero ganoon ang ipinapalabas mo, hindi ba?" Agad siyang umiling bilang di pagsang-ayon sa sinabi ko. "Hindi ganoon. Talagang tinitiyak ko lang ang kaligtasan niyo." Lumakas pa lalo ang ulan kaya tuluyan na din siyang nabasa nito. Sa akin, okay lang dahil basa naman na talaga ako pero mukhang wala din naman siyang pakialam kung nababasa na siya. Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya nang bumakat ito sa kanyang basang-basa nang puting damit. Hindi ko ipagkakailang maganda ang hubog ng kanyang katawan pero wala akong pakialam doon. Marami na akong nakitang lalaki na mas maganda pa dito ang katawan. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa mukha niya pero naabutan ko ang multo ng ngiti sa kanyang mga labi kaya agad din akong nag-iwas ng tingin. "Kung ganoon ay hindi ko kailangan ng pag-alala mula sa katulad mo kaya umalis ka na," sabi ko at muli na sanang babalik sa tubig ngunit sa bilis ng pagtalikod ko sa kanya ay bigla akong nadulas. Unang bumagsak sa basang sahig ang aking pang-upo. Agad akong napapikit sa kirot na idinulot noon sa buong katawan ko. Agad kong naramdaman ang presensiya ng isang tao sa gilid ko. Nang dumapo ang kamay niya sa binti ko para sana buhatin ako ay agad ko iyong hinawi. "Tsansing ka, ah!" sigaw ko. Nahaluan ng pagkapahiya ang iritasiyon ko sa kanya kaya mas lalo lang tuloy tumindi ang galit ko. Hindi ko matanggap na napahiya ako sa lalaking ito. Gustong-gusto ko sumigaw sa inis pero ayokong mas lalong ipahiya ang sarili ko kaya umarte akong parang wala lang sa akin ang nangyari. Pinilit kong tumayo ngunit sa tindi ng pagkakabagsak ko kanina ay hindi ko talaga magawang iangat ang sarili ko. Muli lang ulit akong bumagsak nang pinilit kong umangat ng konti. "Ang kulit talaga," rinig kong bulong niya ngunit bago pa man ako makapagreklamo ay agad na niya akong nadala sa mga bisig niya. Gusto kong magreklamo pero alam kong mapapahiya lang din ako kaya hinayaan ko na lang siyang ipasok ako sa loob ng mansiyon. Agad na nawala ang lamig na nararamdaman ko kanina. Napalitan iyon ng init sa sobra-sobrang pagkapahiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD