Biglang may kumatok at pumasok sa naturang silid. Sa pagtingin nila ay eksaktong nagsalita ang matanda babae na si Bea. “dapat po noon pa nandito si Mr. Sebastian Teves pero may pinagawa sa kaniya si Ma’am Jane.”
“Sinong Sebastian Teves?” Takang tanong ni Angel na dinig nina Ruther at Martin.
“Ganito po kasi iyon ma’am.” Pagpapahayag ni Sebastian habag lumalapit ito.
Pero agad namang nagsumbat si Ruther, “ako yung unang sekretarya, pangalawa siya at pangatlo si Martin.”
Napaupo si Angel na punong-puno nang pagtataka. “Paano iyon nangyari?”
Umupo sa tabi nila si Sebastian na nakikinig. “Nagkausap kami sa telepono pagkarating natin.” Saad ni Ruther.
“And you never talked to me about that?” Iniis na sabi ni Angel.
Tumango si Ruther. “Excatly.” Sumbat ni Sebastian na nakikinig.
Walang kibo naman si Martin pero patuliy itong nakikinig. Tumingin si Angel sa matandang tagasilbi ng mansion. “Ilan baa ng sekretaryang kinuha ni Mommy?” Tanong niya.
Nag-isip ang matanda at inalala ang sinabi ng kaniyang amo na si Jane Han Lim-Carillo. “Sa pagkakatanda ko ma’am Angel ay lima silang lahat.”
“What?” At nanlaki ang mga mata ni Angel sa kaniyang narinig. “This is unreasonable.” Dagdag niya. “Kailan darating yung iba?”
Yumuko ang matanda sabay sabing, “patawad po hindi ko po alam.”
Tumayo si Angel at akmang umalis. “This is so insane!” Galit niya pang sabi.
“And where do you think ka pupunta?” Pagpipigil sa kaniya ni Ruther.
Nang napagtanto ni Angel na gusto siyang pigilan ni Ruther ay bumalik ito sa kaniyang kinauupuan. “I don’t have words to say.”
“Mahaba-haba pala ang byahe dito.” Sabi ni Sebastian at dumampot ng pagkaing nasa harapan nito.
Tahimik silang kumain habang si Angel ay nainis sa kaniyang nalaman. “How I can think and live in a normal life, kung maraming nakabantay sa akin?” Sabay subo niya ng pagkain. “Mom is too much.” Dagdag niya pa.
Panay tingin ng mga binata kay Angel. Habang ang dalaga naman ay iniisip sa kung ano ba ang gustong mangyari ng mom nito.
“Totoo pala na maganda si Ma’am Angel.” Pangiting bulong ni Sebastian kina Martin at Ruther. Tinitigan naman siya ng katabi nito. “Bakit ganiyan ang mga tingin niyo sa akin? May masama bas a sinabi ko?” Pagtataka niya habang sumusubo ito ng pagkain.
Sabay sabi naman ni Martin at Ruther, “wala naman.”
Ngumiti ulit si Sebastian sabay sabing, “Mabuti kung ganoon.” At tinitigan ulit si Angel.
Nang matapos islang kumain ay agad na lumapit ang mga kasambahay at niligpit ang kanilang kinain. Ang unang tanong ni Jane sa kanila, “what is our agenda?”
Agad na tinitigan ni Ruther and hawak nitong libro. “You have a lot of business here to look with.”
Napahawak sa mga pisngi nito si Angel. “Then?” saad niya.
“That is one of the reason kung bakit limang sekretarya ang kinuha ni Mrs. Jane Han Lim-Carillo ang iyong mom.”
Bumuntonghininga naman si Angel sa sinabing iyon ni Ruther. “What are the business of that mom wants me to take over?”
“The flower farm, resort, mansion and soon to have an airline.”
“Teka,” pagpapatigil salita ni Angel kay Ruther. “I heard that before na may balak si mom na magkaroon kami ng airline but I guess si Kuya Christian ang naka-in-charge doon.”
“Magtutulungan po kayo ma’am.” Sagot sa kaniya ni Ruther.
“Ah ok.” Sabay sandal ni Angel sa upuan nito.
Hindi pa rin maalis-aslis ang mga tingin nila sa napakagandang anak ng mga Lim at Carillo. “Meron po kayong appointment sa farm.” Pagsasalita ni Ruther.
Panay tango ni Angel sa sinabi ni Ruther. “If that is the case who will be with me on that appointment?”
“Me!” Sumbat ni Martin Sandoval.
Hindi napigilan n Angel na tumaas ang mga kilay nito sa sinabi ni Martin. “Um, you?”
Pag-uulit naman ni Martin, “is there any problem kapag ako?”
Saad naman ni Sebastian at Ruther, “wala na man.”
Agad na tumanggi si Angel. “I want Ruther being with me on that appointment.” Ikinalungkot naman ni Martin ang kaniyang narinig.
“Narinig mo iyon?” Pang-iinis sa kaniya ni Ruther.
Nakatitig lang ang binata habang hindi nito napigilang mainis. “Habang ako?” Saad ni Sebastian.
“You can assist naman.” Sabi pa sa kaniya ni Ruther. “Lalo na dito sa mansion.” Pagdaragdag pa nito.
“Sige, kung ano ang maitutulong ko nandito lang po ako.” Sabi ni Sebsatian sa kanila. “Lalo na sa iyo Ms. Angel.” Sabay kindat ng kanang mata nito.
“Hindi ko naman itatanggi ang maitutulong niyo since my mom hired, kayo.” Pagpupunto ni Angel.
“By the way,” pagsisingit ni Sebastian.
“Yes?” Tanong ni Angel. “You have words to say?” Takang sabi ni Angel.
Tumayo si Sebastian at nilapitan si Angel. Nakatitig naman ang dalaga sa kaniya habang sina Martin at Ruther ay hindi maalis ang pagdududa sa kararating na lalaki. “Maari po bang tayo lang ang mag-usap?” dinig nina Ruther at Martin ang kaniyang sinabi.
Kaya tumayo si Ruther. Sabi pa nito “narinig mo naman ang sinabi ni Sebastian?”
“Aalis talaga tayo?” Saad ni Martin.
Tiningnan sila ni Angel hudyat na umalis sila pero hindi pa rin gumagalaw si Martin sa kaniyang kinauupuan. “Sabi na umalis na tayo.” At hinablot siya ni Ruther. Payukong pahayag nito sa kaniyang amo, “patawad sa asal ni Martin.” At umalis na silang dalawa.
“Kailangan mo talaga akong hablutin sa kamay?” At winasiwas ni Martin ang kaniyang kamay pagkalabas nila sa naturang opisina.
Diinang sabi naman ni Ruther habang inaayos nito ang kaniyang eye glasses, “sa tingin mo ay gusto kong maiwas si Miss Angel na tanging si Sebastian ang kaniyang kasama?”
“Ano an gating gagawin?” Parang sa pagkakataong ito ay nag-ugnay ang kanilang pakay na gustong gawin.
“Alam mo kung ano ang nasa isip ko.”
Tumingin si Martin sa pintuan at nilapit ang kanang taenga nito. “Makikinig tayo sa kanilang pag-uusapan.” Tumango si Ruther at sinundan ang ginawa ni Martin.
Habang ang dalawa ay nakikinig sa pinto ay siya namang pag-uusap ni Sebastian kay Angel.
“I know it was important since umalis sina Martin at Ruther.” Nababahalang sabi sa kaniya ni Angel.
Inayos ni Sebastian ang iniupuan nito at nilapit ang sarli kay Angel. “Ganito po iyon kasi Miss Angel.” Paglalahad niya pa.
Inilapit naman ni Angel ang mukha nito para lalo niyang marinig ang sasabihin ni Sebastian. Habang ang dalawang binata na nasa pinto ay kitang-kita ang masamang gagawin ni Sebastian.
“Kasi ma’am.” Pagsasambit pa ni Sebastian na dinig ng dalawa.
“Kapag masama ang gagawin niya lagot talaga siya sa akin!” Pagbabanta ni Martin.
Hindi makakibo si Ruther sa halip ay panay pakiramdam ang gamit nito kay Sebastian.
Lingid sa kaalaman ng dalaga ay iba ang iniisip ni Sebastian. Nang akma nitong halikan si Angel ay siya namang pagpansin ng dalaga sa dalawang binata na nakasilip sa kanila. Agad siyang tumayo at sumigaw, “ano ang sinisilip niyo diyan?”
Bigla namang nadulas si Sebastian mula sa kinauupuan nito. “nakakainis naman oh!” Bulong niya sa sarili habang napahawak ito sa kaniyang pwet.
“We are just making sure na walang masamang balaka sa iyo si Sebastian.” Sumbat ni Martin.
Tinulak naman ni Ruther ang pinto. “This will be the first time na sasang-ayon ako sa sinasabi ni Martin.”
Napatingin naman si Angel sa nakaupong si Sebastian sa sahig, “bakit Sebastian tama baa ng nasa isip nila?” Takang tanong ng dalaga.
Marahang tumayo si Sebastian sabay tanggi, “ah, wala naman.”
“Kung ganoon, ano baa ng sasabihin mo?”
Himas ulo na tugon ni Sebastian, “patawad, nakalimutan ko na po.”
“Kailangan na nating bumisita sa flower farm.” Saad ni Ruther.
Tumango si Angel sabay habang papalayo kay Sebastian. “Sige, Ruther.” Pagsasangayon nito. “Kailangan ko lang mag-ayos.” At umalis ng tuluyan si Angel sa naturang silid.
Nagkatitigan naman ang dalawang binata. “Ihahanda ko ang sasakyan.” Sabi ni Ruther.
“Sasabihan ko ang ilang tauhan para handa rin sila.” Saad ni Martin.
Iniwan nilang mag-isa si Sebastian.
Napasuntok naman sa mesa si Sebastian sabay sabing, “nakakainis naman!”