Chapter 5

1272 Words
Nagdidilig lamang ako ng mga halaman ng may nag salita sa aking likuran. "Do you like flowers?" Boses pa lamang ay alam ko na. Ang puso ko na naman ay biglang bumilis ang t***k. Tinignan ko siya na nakapamulsa sa aking likuran. Tama nga ako, wala siyang trabaho ngayon. "Y-yes, Senor." Sagot ko. "Kaya ba ikaw ang palaging nag didilig?"  Pinatay ko muna ang tubig sa hose at tinuon na sa kanya ng buong attention. "I- I don't have a-anything to do, S-senor." I look down to his black shirt. "What do you usually do then?" Now that he asked I realized that I don't have any hobby than cleaning, cooking and drawing back when I still lives at my parents house.  Simula nuong napunta ako dito sa bahay ni Senor Matthew ay wala na silang paramdam kaya hindi ko na alam kung kamusta na ba sila o kung namimiss ba nila ako. "Following my p-parents a-around, Senor." He is just looking at me kaya binalik ko ang mga mata sa mga halaman. Binuksan kong muli ang hose para makapag dilig.  "Can I ask, how they treat you before?" Natigilan ako duon. Hindi ko alam ang isasagot dahil pag sala ang sagot ko baka magalit pa siya. I felt my hands starting to tremble at alam kong napansin niya din iyon dahil dumistansya siya ng kaunti. "It's okay if you don't want to, like what I said I'm not forcing you if you don't want." Dahan dahan ko siyang nilingon. "Y-your not m-mad?" Bumaba na naman ang aking mga mata sa kanyang damit. Mas gusto ko pang makita iyon kaysa sa kanyang mga mata. "I will never be mad at you. Always remember that.. and you're safe with me. I won't let anyone hurt you again. Hmm?" Hinawakan ang aking mga kamay kung nasasan ang hose. Nagulat ako sa kanya at dala na din ng takot ay nabitawan ko ang hose at napaatras palayo sa kanya. Nabasa ang shorts niya dahil sa pag kakabitaw ko ng hose. Mabilis kong inoff ang hose at nilayo sa kanya. "I'm sorry, S-senor." It was like a whisper. "It's okay. I'll just change." Tumango ako ng hindi natingin sa kanya. Too scared na baka nagalit ko siya dahil duon. Wala akong lakas na tignan siya. Pakiramdam ko ay sasabog palagi ang puso ko sa bilis ng t***k pag nasa paligid siya. I have this new feeling na hindi ko maintindihan. May mga kaklase din naman akong kaklase nuon ngunit hindi ganito ang nararamdaman ko pag kausap sila.  Ngunit bihira ko lamang din naman silang kausapin dahil takot akong magalit sila at saktan ako. Ganun din ako kay Senor Matthew dahil takot ako. He's still a man after all. Mas malakas siya sa akin kaya madali lang sa kanya na saktan ako gaya ni Papa. Bumalik na ako sa loob ng natapos sa pag didilig. Dumiretso ako sa kusina para na din mag luto ng pananghalian. Nakita ko si Manang Maria kasama si Cris na busy sa paglilinis kaya walang pumigil sakin mag luto. Masyadong malaki ang mansion ni Senor para malinis ng isang oras lamang. Hindi ko alam kung anong lulutuin. Narinig ko din sila Manang Maria na sa receiving house sila sunod na mag lilinis at sa kabilang bahay pa iyon dahil nakahiwalay siya para daw dun ang punta ng mga bisita at hindi sa mismong mansion.  Kaya naisipan kong si Senor Matthew na lamang ang tanungin. May intercom dito ngunit hindi ko alam paano gamitin. Sa first floor ako unang nag hanap at wala siya duon kaya dumiretso na akong second floor ngunit wala pa din. Naisipan kong baka nasa kwarto niya at nasa third floor pa iyon. Ito ang unang beses kong pupunta sa kwarto ni Senor. Nakatapak na ako dito sa third floor nuong tinu tour ako ni Ella sa mansion. Wala naman kasi akong business sa floor na ito kaya never kong pinuntahan. Kinatok ko muna ng kwarto niya. "Senor? May tao ba dyan?" Ani ko at muling kumatok. Sa patatlong katok ko ay bumukas na ang pintuan at nagpakita si Senor Matthew sa akin. "S-sennor," Panimula ko. He opens the door widely so I saw his king size black bed. I look back on him. "I'm s-sorry if I interrupt something," Ani ko ng nakarinig ng boses mula sa laptop niya. "It's fine, do you need anything? "I'll be cooking, I.. I just want to ask what do you w-want for lunch." My eyes went to his lips when he bite it but I felt my cheeks heated so I look down again. "What do you want?" He asked back. "Huh?"  "What's your favorite food?" A simple question yet I don't have a answer. I never think of myself all of my life so deciding my favorite food didn't ever cross my mind. "Okay lang sakin ang kahit ano." I just answered. I know he said that he will never hurt and be mad at me but I still need to be careful. "Do you like sinigang na hipon?" I never had shrimp in my life. "Anything will do, Senor. D-do you want sinigang?" "Is it okay? Do you eat that?" Tumango naman ako kahit na hindi. Kita ko ang pag ngiti niya. "Then sinigang na hipon for lunch." "Okay, sorry again.. for interupting." Hindi ko na gusto pang sumagot siya kaya tumalikod na ako at bumaba para makapag simula ng magluto. Kumpleto naman dito sa mansion ang grocery kaya hindi ko na kailangan pang lumabas. Nagulat pa si Manang Maria ng nakitang nagluluto na ako. "Pasensya na, Manang. Hindi po ako nakapagsabi." Lumapit naman siya at tinikman ang luto kong pinakukuluan na lamang at tapos na. "Ano pong lasa?" Tanong ko na medyo kabado pa but when she smile duon ako nakahinga ng maluwag. "Masarap. Magaling ka pala talaga mag luto. Mahusay." Tinapik niya ang balikat ko bago ako iniwang muli sa kusina. Nginitian ko siya. Never may nagsabi na masarap ang luto ko kahit sa bahay nuon. Tahimik lamang nilang kinakain ang mga luto ko. "T-thank you, Manang." Tinikman din iyon ni Ella at Cris at pareho silang nasarapan sa luto ko. Sila ay mga helpers din dito sa mansion. Sila ang minsnang nakakausap ko dahil friendly at madaldal din sila. "Ang sarap mo naman pala magluto. Ngangayon ako nakatikim ng sinigang na hipon na ganito kasarap. Anong secret mo? Pashare naman oh." Ani Cris. "Oo nga. Pwede ka ng mag asawa. Wife material na sis tamo, magaling ka mag luto, maalam mag linis, mabait at pinaka huli maganda. Ikaw na." Si Ella naman. Nahiya naman ako sa mga sinabi nila. "Hindi naman ako kagandahan." Kahit ang mga kaklase ko nuon ang hilig sabihin na maganda ako pero hindi naman ako sumasang ayon.  If they can see the real me sigurado akong babawiin nila lahat ng sinabi nila. With all this scars and memories that is hunting me. It makes me scared with everything. Nothing is beautiful when it comes to me. I'm ugly. "May boyfriend ka ba? Ang swerte niya kung oo." Kinikilig na ani Ella. "I'm hungry." Napatalon ako sa gulat sa boses na iyon ni Senor Matthew. Para bang inis siya na nagagalit kaya kinabahan kaagad ako. "Take a seat and join me, Lorraine." Hindi na ito bago sa amin. Kita ko ang ang mga ngisi ng dalawa habang inaayos namin ang lamesa. Hihindi na sana ako ng nagsalita siyang muli. "Don't say no to me. Take a sit now." Ang boses niya ay nakakatakot pa din kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. Baka magalit pa siya at kung anong gawin sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD