Chapter 10

1288 Words
Alam kong maaga pa nuong nagising ako dahil sa mga kaluskos na naririnig ko. "Ohh gosh! Senor, nakakagulat ka." Napaupo ako mula sa pag kakahiga dahil si Senor Matthew ang bumungad sakin. "I said it's Matthew. Don't call me Senor." I just nodded and try to fix my hair. "Well, is this your way of saying good morning?" Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. "S-sorry, Matthew. Nagulat lang ako na nandito ka."  Halos manigas ako ng hawakan niya ang ulo ko para haplusin iyon. He smile. "Fix yourself we're going somewhere." "Ha? Saan?" Nagulat ako duon. Hindi naman ako madalas sinasama ni Matthew pag naalis siya.  "Why do you have to ask so many questions ha? Can you just do what I say and you better hurry because I hate waiting. I'm in the car."  Wala na akong nagawa lalo na ng lumabas na siya ng kwarto ko.  It's been a month since my last session with Doc. Capistrano at ayon dito ay okay na ako ngunit hindi ko naman maramdaman. Matthew and I are civil. I'm not trembling when he's around but I'm nervous sometimes and my heartbeat is weird. I still don't know why. Mabilis na akong naligo at nag bihis. Simpleng rip jeans lamang at white shirt. Bago bumaba na ako ng nablower ang buhok. Nung nakalabas ng bahay ay nakita kong nakaparada na sa harap ang sasakyan at nakatingin lamang si Matthew sakin. Nagmadali naman ako kanina. "B-bakit?" Hindi siya sumagot at pinagbuksan na lamang ako sa pintuan. Nag seatbelt ako bago tuluyang umandar ang sasakyan niya. Ang bilis niya mag drive parang naiiwan ang kaluluwa ko sa likod. "May hinahabol ba tayo? Nagmamadali ka ba?" Marahan kong tanong dahil baka galit nga siya. Natakot ako bigla. Naka focus lamang siya sa pag dadrive at hindi na ako nilingon pa o pinansin. Nanahimik na lamang ako at nakakapit sa gilid ng upuan ko dahil sa bilis ng takbo namin.  Hindi ko alam gaano kami katagal bumyahe pero ng tumigil siya ay kita ko ang magandang view ng tagaytay at nain love ako. "Anong ginagawa natin dito?" "I have a work here, so grab all my things in the compartment." Okay lang naman sa akin dahil iyon naman talaga ang dahilan ng pag bili niya sa akin. Hindi na lamang ako nagsalita pa dahil na din sa utang na loob ko sa mga session ko kay Doc. Capistrano. May dalawa siyang malalaking bag. Dala dala ko iyon at pag pasok ko sa isang hotel ay may lumapit kaagad kay Matthew na babae. "Finally Mr. Alejandre. We've been waiting for you, I guess we already discussed last time what you're going to do today." "Sorry I'm late it was really traffic," "It's okay, Mr. Alejandre. Let me guide you to your room." I follow them. Kita ko kung paano sila tumingin kay Matthew. Ang mga tawanan at bulungan ay kakaiba. Alam ko ito dahil ganito din nuon sa school pag nadating ang mga campus crush. Binaba ko sa sahig ang dalawang bag ni Matthew. Naupo naman siya sa may harap ng salamin di kalayuan sa akin. "M-mr. Alejandre." Tingin ko siya ang make up artist. Tinignan lamang siya ni Matthew bago tumingin muli sa salamin. "I'm going to do your make up." "I don't need to." He said with a strong voice. "It's just powder, Sir. You look perfect already." He nodded and let her. Pag katapos ay pinasok siya sa isang pintuan at paglabas niya ay naka itim na siyang suit. Ang kulay itim na polo sa loob ay bukas ang tatlong botones kaya nakikita ang mga buhok niya duon. He looks so good especially now that his hair is fixed properly. Pinanood ko lamang siya sa kung saan ako tumayo kanina. He looks so professional while the camera woman is taking his picture. Every shot is a masterpiece and everyone loves it. After a few hours and changes the photoshoot finally ends and as usual every photo's was absolutely beautiful. Lumabas muna ako saglit syempre dala pa din yung dalawa niyang bag dahil baka may mahala duon na mawala at ako pa ang masisi. Nakatingin lamang ako sa magandang view ng tagaytay habang dinadama ang lamig ng hangin. "Are my things all in there? We need to go." Hindi ko siya nakausap buong shoot. May ilang staff ang kumakausap sa akin kanina at nag aabot ng pagkain. Nuong una ay nag aadjust pa ako ngunit nawala din ang takot ko.  Bumuntong hininga muna ako bago nag huling sulyap sa view na tinititigan ko kanina. This is my first time here and it's breath taking. Binalik ko sa sasakyan ang bag niya bago sumunod kay Matthew na pinagbuksan lamang ako ng pintuan bago nauna na sa loob. "Are you sure that you pack all my things? Ayokong may maiwan." Tumango ako. Nagseatbelt na akong muli. "Para saan ang photoshoot? "Bachelor magazine."  Nuong isang beses napapasok ako sa office niya ay nakakita ako ng ilang magazine na siya ang cover. I was so amaze how he looks so different in those magazine. If he's snob looking in person, it doubled at the magazines. You'll seldom see him smile. Hindi pa ako nakakasagot ay umandar na kaming muli at parang maiiwan na naman ang kaluluwa ko. We had a long trip and I'm so tired of everything lalo na at hindi naman ako masyadong nakakaupo duon dahil busy ang lahat.  Nagising na lamang ako na nagugutom. Pag bukas ng mata ay naka park kami sa isang restaurant na mukang mamahalin. "What are you waiting for?" "Why?" "We're going to eat." I bring twice. "It's okay. I'm not that hungry" I lied. "I insist, we'll eat. Go out now." "Hindi okay lang po. Iintayin na lamang kita dito kung kakain ka. Mukang mahal dyan wala akong pera." "I'll treat you." Aniya ng hindi ako tinitignan. What's wrong with him today? "Hindi naman kailangan. May pagkain naman siguro sa bahay. Duon na lamang ako kakain." Ngumiti ako dito ng lingunin na ako.  Ganun kami for a few minutes bago siya bumigay na wag na akong pilitin. "Fine, just wait here." Pagkasabi niya nun ay lumabas na siya para makakain na ng kanya. Nagugutom ako pero ang mahal dito. Sa bahay na lamang ako libre pa. Para mawala ang gutom ay itinulog ko na lamang muli iyon. Hindi ko alam kung gaano katagal si matthew kumain pero nagising na lamang ako ng namatay ang makina ng sasakyan. Pagmulat ko duon na realize na nasa bahay na kami. "We're here." Tumango na lamang ako.  Kailangan ko pa nga palang ipasok ang mga bags niya sa loob. Kukunin ko na sana sa compartment ng bigla akong nahilo at napahawak sa sasakyan bago pa ako matumba. "Careful, Lorraine. Are you okay?" It was matthew. Nakapikit ako dahil sa hilo.  "Yes, nahilo lang ako." May pinakita itong paper bag. "I take out our food at the restaurant but you're asleep kaya hindi na kita ginising pa. Let's go inside."  Hindi ako kumibo kaya inalalayan na din niya ako. Medyo nahihilo pa ako. "I know you're hungry, we haven't eaten anything after the photoshoot and beside I heard your tummy grumbled while you're sleeping."  Umayos naman na ang pakiramdam ko kaya nung nasa dinning area na kami ay ako na ang kumuha ng mga utensils. Nang magsisimula na akong kumain ay hindi naman siya naupo. "Kain na." Ani ko. "Enjoy your food." Iyon lamang ang sagot niya bago ako tinalikuran. "Thank you, Senor." Sabi ko bago siya nawala sa paningin ko. Nabusog naman ako at masarap ang mga pagkain. Dumiretso na ako sa kwarto ko dahil naguguluhan. Nag linis muna ako ng katawan bago nahiga para makapag pa hinga. Nakakapagod ang mag hapon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD