Chapter 9

1336 Words
For the past days, my routine change. Pagkatapos ng umagahan at magdilig ng halaman na nakakapag pakalma sakin ay session ko naman with Doc. Capistrano.  Pinupuntahan niya ako dito sa bahay dahil gusto ni Senor na sa bahay lamang ang session para komportable pa din ako. "So for today's session. We'll do painting. I heard you love painting." Pagkatapos kong sabihin sa kanya lahat ng traumatic experience ko na never ko nakwento sa ibang tao ay medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ako ganun kaaware na mataas na ang level ng anxiety at depression ko dahil sa mga nagdaang taon. Nuong sinabi niyang kailangan ko ng weekly session for my traumatic experience ay kinabahan agad ako ngunit aniya naman ay kailangan ko ito. Aniya ay maganda ito para sa mental health ko. Nang makapasok kami sa painting room ay iniwan na din kami ni Manang Maria. "Mr. Alejandre can you also leave us?"  Hindi ko na sila nilingon pa at namili na ako ng mga brushes na pwedeng gamitin. "Can't I join?" I pick the same size nuong huli kong painting and some acrylic paints bago naupo sa harap ng easel. "We'll just call you when we're done. Having someone around the session might not help her." Rinig kong halos pabulong na sagot ni doc. "You can watch if you want." Hindi ko alam bakit ko sinabi iyon. Hindi sa gusto kong pinanonood niya ako o nakikita ko siya pero I have this feeling na kailangan ko iyong sabihin.  "I'll watch then," Nilingon ko si Senor na naupo na sa couch. "Before we start, how are you feeling?" I smiled at her. "N-nervous," Doctora chuckled. "I see. I would like to ask you to paint what ever comes to your mind. Like express your feeling through your painting." Tumatango lamang ako habang nakikinig sa kanya. Hindi ko man kita si Senor dahil nasa likod ko siya ay alam kong nasa akin ang mga mata niya. Ramdam ko iyon. Nang nagsimula na ako ay naisip kong ihalintulad ito sa huli kong painting.  I first paint the desert and the flower. Then far from that flower is another flower. The sky is not like the last time where the sky is all dark now it's in between darkness and lightness. "That's a nice painting but can you tell me what's the meaning of that?" "This is similar to my other painting. Duon sa nauna kong nagawa is dark sky and the flower is alone in the desert. Now, the flower have companion but it's too far. The sky is not that dark as before because she's slowly getting hope because of the other flower that showed up." "Well that's nice a painting." I look at her and gave her a smile. Nilingon ko din si Senor sa hindi malamang dahilan. He is looking softly at me. Through his stare I feel like he's comforting me and singing a lullaby. "I can see that the first flower is changing into something positive. I know she'll be okay she's just waiting for someone to come and company her through out the journey. Always remember that you are not alone in this world." Duon ko naintindihan ang sinasabi ni doc. Naniniwala ako sa Diyos, alam kong nakikita niya ako ngunit sadyang may mga panahong hindi ko macontrol ang tiwala ko sa kanya ngunit sa pag daan ng araw alam kong kailangan ko lang mag tiwala at mag surrender. "There are maybe some people who will take advantage of you but at the end of the day people who care for you will be there to help you. Step by step, they are waiting for your recovery and when the time comes you'll be happy more than you expected." Those words from Doc. Capistrano stay on my mind. Nuong hapunan ay naisipan ko ng bumaba at tumulong kina Manang. Masyado na akong nagpapahinga dahil sa mga nangyayari sa akin. Kailangan ko pa din namang tumulong kahit kapalit na lamang para sa mga tulong nila sakin.  "Ano pong maitutulong ko?" Tanong ko pag pasok ng kusina. Si Manang Maria at Ella lamang ang nanduduon. "Nasan po si Cris?" "Ang sabi sa tawag yung anak niya ay may sakit daw at walang mag aalaga kaya nag leave muna hanggang sa gumaling ang anak." Tumango ako. Maswerteng bata. Mahal na mahal ng ina niya. Sa tuwing pinag mamalaki ni Cris ang anak sa amin ay alam mong mahal na mahal niya ang anak.  "Kahit na magtrabaho ako buong buhay para lamang mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang anak ko ay gagawin ko. Hindi pwedeng mapagaya siya sa akin. Hindi nakatapos ng kolehiyo." Nuong araw na iyon, narealize ko na iba iba ang mga magulang pagdating sa pag aalaga at pag papalaki sa mga anak nila. Ganun din naman ang mga magulang ko nuon bago sila nagsimulang gumamit ng pinagbabawal na gamot.  "Are you okay?" His husky voice. Pinawi ko ang mga luha bago siya tinignan. Madaling araw na at hindi ako makatulog kaya bumaba ako para sana maggatas. Madalas akong dalhan ni Manang Maria nuon sa gabi bago siya umuwi sa kanila. Ngunit ngayon ay naubos ko na ang dinala niya at hindi pa din ako antukin.  "Why are you crying?" Hindi ko alam kung ano na namang pumasok sa isip ko pero niyakap siya. Pakiramdam ko kailangan ko yun ngayon. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko. "Senor, help me. I want to recover from all of this. I still want to life my life like a normal person." Nagbagsakan ang mga luha ko at duon ko naramdaman na niyakap ako pabalik ni Senor Matthew. So this is how it feels to be hug and comforted by someone. I never have this kind of comfort before. "I will. I will do everything I can just for you to recover. Don't worry... I'm here." Tumango ako dahil pakiramdam ko ligtas na ako sa kanya. Senor let me cry on his chest hanggang sa kumalma ako at duon narealize ang position namin. "Sorry," Ani ko bago lumayo. Naka gray siya kaya kitang kita ko ang luha ko duon. Kahit na alam kong hindi ko ito maaalis ay tintry ko pa ding punasan. "I'm glad you're getting better now." Ngumiti na lamang ako. "You're not trembling or shattering when you're with me and you just hug me." Ngayong sinabi niya iyon ay duon ko narealize. Pag nandyan siya pagkatapos ng mga session ko ay hindi na nga ako ganun mag react pag nalapit siya sa akin. Hindi na din ako masyadong natatakot sa kanya pag kinakausap ko. Maybe this session with Doc. Capistrano is really a big help. "Can I have your other painting too?" Binaba ko muna ang baso na ininuman ko ng gatas. "You really like my paintings ha?" I heard him chuckled so I look at him. "Yes," namilog ang mga mata ko ng nakitang sobrang lapit na niya sa likod ko. "Can I have it?" He said with his husky voice.  "Uhmm," I blink twice and look away. Hindi siya nag salita habang pinanonood ako. Kita ko sa peripheral view ko ang titig niya and the smirk. Hindi mapakali ang mga mata ko at kung san san ako tumingin. Bumilis din ang t***k ng puso ko. "Hindi ba m-masyado kang malapit?" I heard his smile. "Sorry for invading your space," Nilingon ko na siyang muli at duon ko napansin ang titig niyang gaya nuong nasa painting room kami. The way he looks so softly at me makes me have this weird feelings on my tummy.  "Uhmm... bi.. bigay ko sayo bukas yung uhmm.. painting. Good night." at iniwan ko na siya duon. Nang makarating sa kwarto ko ay huminga akong malalim bago pinatong ang kamay sa dibdib. "Calm down. Kinausap ka lang, nothing more." ani ko sa sarili. Hindi ko alam bakit ganito kabilis ang t***k ng puso ko. Alam ko namang hindi niya ako kayang saktan gaya ng mga magulang ko. He seems okay. He seems a good man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD