Chapter 2

1432 Words
Bumaba ako ng nakatapos akong maligo. Hindi ako pwedeng maghapon sa kwarto, binili niya ako para maging katulong o di kaya slave kaya hindi ako dapat mag pasarap lamang sa kwarto ko.  Nang makababa ay naabutan ko si Manang Maria sa kusina. Nahihiya man ay nilapitan ko na siya ng malaman ang mga gagawin ko. "Good morning, Lorraine." Bati niya ng nilingon ako. "Good morning din po."  Nakangisi siya habang naghahalo sa isang bowl, sa tingin ko ay gumagawa siya ng pancake. "Ako na po magluluto." She chuckled. "Oh siya sige. Gusto mo bang ipagluto si Senor?" Tumango naman ako. Pwede na din ito para sa mga nagastos niya sa akin kahapon at pasasalamat na din. Nuong una ay pinanonood pa ako ni Manang, siguro ng napansin niyang maalam akong magluto ay tsaka pa ako iniwan. "Pagkatapos ng pancake ay itlog naman dahil iyon ang gustong combination ni Senor. Oh siya, ako'y mag lilinis na muna." "Okay po, Manang." Hindi naman ako nagrereklamo tutal gusto ko din naman ang pagluluto. Bata pa lamang ako ay tinuturuan na ako ni Mama magluto kaya nasanay na din ako and I am enjoying this. Nang natapos sa pancakes ay sinimulan ko na nga ang mga itlog gaya ng sabi ni Manang. Nakakita akong toaster ngunit hindi ako maalam gumamit nuon. Nagtunaw muna akong butter sa pan bago nilagay ang tinapay. "Good morning," Narinig ko ang boses ni Senor sa likuran ko. Nilingon ko siya at natigilan ako ng napansin na naka dark blue suit siya. "G-good morning, S-senor." Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. "What are you cooking?" Duon ako natauhan kaya nilingon kong muli ang niluluto. "P-pancake, egg and toast bread, S-senor." "We have toaster, why aren't you using it?" Nilagay ko ang tatlong tinapay sa plato niya. Iyon ang pinahuli at tapos na ako. "H-hindi ko po alam paano gamitin." Hindi na siya sumagot pa. Nilagay ko na ang mga niluto sa lamesa upang makakain na siya. "Oh, tapos ka na agad?" Si Manang Maria iyon na tinanguhan ko. "Gagawin ko na ang kape mo, Senor." Naupo na siya at ako ay nanatili sa gilid niya ng nakatayo. Nag iintay kung may iuutos siya. "Sit down," "P-pagkatapos niyo po, Senor." Kinabahan na naman ako. Tinignan niya ako at tumigil sa pag kuha ng pancake. "You'll be joining me every meal so sit down now and eat." Dahil nga sa dark aura niya na kinattaakutan ko ay napaupo kaagad ako sa tabi niya. Nakakatakot siya. I feel like if I don't follow him I'll be mad and beat me up. He's taller and more masculine than my father so I think it really hurts to be punch by him. Binigyan lamang ako ni Manang ng gatas at kape kay Senor bago ngumiti sa akin para iwanan na kami. Nag lilinis pa din yata siya. Nilagyan ako ni Senor ng dalawang pancakes. "You want egg?" Umiling ako. "How about bread?" Umiling akong muli. "You'll only eat pancake?" "I am allergic to butter." Imbis na mantika ang ginamit ko kanina sa itlog at tinapay ay butter ang nilagay ko para mas malasa para sa kanya. Hindi ko naman alam na pakakainin niya ako kasabay niya. Nagsimula na akong kumain at masasabi kong ang sarap ng gawa ni Manang. Nilagyan pa ni Senor ng syrup ang akin at blueberries sa ibabaw kaya mas sumarap iyon. Ito ang unang bses kong kakain ng may ganitong toppings. Hindi ko expect na ganito pala kasarap. "You like it?" Nilingon ko naman siya at dahan dahang inalis ang ngiti sa labi. Nahiya kasi ako, siguro nakita niya kung gano ako nasasarapan sa kinakain ko. "Yes, Senor." Hindi na siyang muling sumagot hanggang sa umalis na siya ng bahay. "Manang, pasaan po si Senor?" Tanong ko habang tinutulungan siya sa hugasin. "Trabaho, hija. Madaming business yang si Senor. Meron yang clubs, sariling wine factory at napaka daming casino. Kaya busy yan madalas." Casino? Sa kanya ba yung casino kung saan niya ako binili? Ganun pala siya kayaman. Ngayon naiintindihan ko na bakit siya gumastos ng ganung kalaking halaga para lamang mabili ako. Siguro sa dami ng pera niya hindi na niya alam kung san gagastusin. Tinulungan ko si Manang Maria maglinis ng bahay kahit na humindi siya. Sabi niya kaya na daw niya lalo na at ako naman ang nagluto kanina. "Hindi naman po nakakapagod magluto ng pancakes. Hayaan mo na po akong tulungan ka." She chuckled, "Hayaan mo na din ako, Lorraine. Tatawagin na lamang kita kung kailangan ko ng tulong. Trabaho ko naman ito at gustong gusto kong nililinis ang bahay ni Senor." Sa ilang taon kong nabubuhay ngayon lamang ako nakarinig sa tao na gusto nila ang paglilinis. I chuckled at Manang Maria. "Iyan ang tunay na ngiti, Lorraine."  Natigilan ako sa kanya at pinanood na lamang siyang umalis at mag linis ng muli. What does she mean by that.  Hinayaan ko na lamang. Wala na akong magagawa kaya naisipan kong ayusin na lamang ang mga damit na pinamili namin  ni Senor kahapon. Pagkatapos nuon ay nakatulog pala ako, nagising lamang sa katok at boses ni Manang Maria para sa tanghalian. Wala si Senor dahil nga nasa trabaho. Ako na ang nag volunteer mag hugas mabuti naman at pumayag na si Manang Maria. Ayon sa kanya ay masakit ang mga paa niya kaya magpapahinga muna siya. Wala na naman akong magawa pagkatapos ko mag hugas. Ang tahimik ng mansion kaya naisipan ko na lamang mag libot dahil malaki nga iyon at mukang dito mauubos ang oras ko. Ang halos lahat ng pintuan ay nakalock kaya hindi ko na pinakialaman pa. May isang kwarto akong napasukan na puro brushes and paints. Hindi ko alam kung pwede ba ako dito ngunit wala na din naman akong gagawin kaya nag desisyon na akong maupo at mag paninting na lamang.  I love looking painting because I can somehow connect with them. Like I am communicating when I'm looking at them. This is not my first time painting but when it comes to a canvas, yes it's my first time.  Hindi naman mahilig sa ganito ang mga magulang ko kaya hindi ako nakakuha ng supporta sa kanila. Sa papel lamang ako nag papainting dahil walang pambili ng mga ganitong canvas. Naiisip ko na naman sila at naalala ko na naman na hindi nila ako tunay na anak. Thankful naman ako sa mga binigay nila sa akin gaya ng damit, pagkain at pag pasok sa eskwelahan. Minsan nga iniisip kong wag ng bumalik sa bahay pag nalabas ako papuntang school, ngunit iniisip ko din na wala akong mapupuntahan kung lalabas man ako. Sila lamang ang pamilya na meron ako. Wala akong kilala na pinsan man o mga kamag anak sa kanila kaya palagi akong bumabalik sa bahay. Ngayon nag sisisi na akong hindi itinuloy ang mga plano ko na iyon dahil dito lamang din ako napunta.  Mga tatlong oras din yata akong nakaupo duon at nag papainting. It is simply a flower in a desert. Alone and no one to rely on. It might die soon because of no support of water and the heat is too much but the flower is fighting for her life. She wants to live longer, meet new people and be happy. "Nice painting." Mabilis akong napatayo dahil sa gulat. Hindi ko alam na nakauwi na pala siya. "S-senor," Lumapit pa siya na dahilan ng pag kakaba ko na naman. "Can I have this?" Aniya habang nakatingin sa paninting ko. "Y-yes, S-senor. I'm sorry I use your p-paints" Hindi na ako makatingin sa kanya dahil nakabaling na sa akin ang buong attention niya. Ang dibdib ko ay pabilis ng pabilis ang t***k. Ang pag hinga ko ay naapektuhan na din.  "It's okay. No one use this room," Tumango na lamang ako at nakahiga ng kaunti ngunit ang maramdaman na nasa akin pa din ang attention ay hindi ako kakalma. Natatakot ako na baka galit talaga siya kasi nangingialam ako.  I tried to look up ngunit ng nakitang nakatingin pa din siya ay mabilis kong binaba ang mga mata. I heard him chuckled. "Thank you," Aniya at dinala na ang painting ko.  Duon pa ako nakahinga na talaga ng ayos. Hindi ko napansin na hindi pa ako humihinga for a second dahil sa kaba. "Hayy," Ani ko ng umayos ang pakiramdam. Nakakatakot talaga siya. Nilinis ko muna ang mga brush na ginamit bago binalik sa kung saan ko iyon kinuhba baka mapagalitan pa ako. Hindi ko alam kung saan niya dinala ang painting ko pero hindi ko iyon nakita sa loob ng mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD