THIRD PERSON POV Pagkapasok pa lang nina Desmon at Honey sa mansyon, agad nilang naramdaman ang tensyon sa loob. Nakaharap sa kanila si Lola Gloria, ang matriarka ng pamilya Anderson, na may matalim na tingin kay Desmon. Sa tabi nito, nakaupo ang nanay ni Honey, nakayuko at pinupunasan ang mga luha sa pisngi. Napalunok si Honey. Hindi niya alam kung anong eksaktong nangyayari, pero ramdam niya na hindi ito maganda. "Desmon Anderson!" mariing tawag ni Lola Gloria, dahilan para mapatigil si Desmon sa paglalakad. Tumingin ito sa kanya, walang bahid ng pagsisisi sa mga mata. "Lola, bakit parang galit kayo?" "Nagpapalusot ka pa?" Lumakas ang boses ng matanda. "Saan mo dinala ang batang ‘to?! Alam mo bang magdamag siyang hinanap ng ina niya?!" Napatingin si Honey sa nanay niya. Hindi man

