DESMON’S POV Kinaumagahan, balak kong sabay kaming pumasok ni Honey sa eskwelahan. Pero sabi ng nanay niya, nauna na raw siya. Napangiwi ako. Hindi man lang ako hinintay? Pagdating ko sa school, mabilis kong hinanap siya. At nang makita ko siya… napamura ako sa inis. Nandiyan siya—nakangiti, may kausap… isang lalaking ngayon ko lang nakita. Sino ‘yon?! Mula sa malayo, kitang-kita ko kung paano siya tumawa sa sinabi ng lalaking ‘yon. At parang may bumara sa lalamunan ko. Ano ‘to? Inis? Gusto ko ba siyang sitahin? Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Diretso akong lumapit. “Honey,” malamig kong tawag. Napalingon siya, halatang nagulat. "Desmon?" Tiningnan ko nang masama ang lalaking kasama niya. Hindi ko siya kilala, pero hindi ko gusto ang presensya niya. “Sino ‘to?” tanong ko n

