Honey’s POV Nasa locker room na ako, nag-aayos ng gamit bago umuwi. Pagod na ‘ko, gusto ko na lang lumabas ng eskwelahan nang walang istorbo. Pero syempre, hindi ‘yon ganun kadali. Pagkaharap ko, tatlong babae ang nakatayo sa harapan ko—mga kilalang plastik at mahilig manghusga. "Honey, Honey, Honey…" ani Tricia, ang pinakabida sa grupo nila. Nakaakbay siya sa dalawa niyang alipores habang nakatingin sa’kin mula ulo hanggang paa, parang sinusuri kung may dumi ako sa mukha. Hindi ako sumagot. Ayoko na ng drama. "Balita ko, kasali ka sa pagpili ng class representative," dagdag ni Carla, isang chismosang mahilig manira. "Ang kapal din ng mukha mo, no?" Tumawa si Patricia, sabay tingin sa dalawa niyang alipores na parang nag-uudyok ng pang-aasar. "Hindi ka bagay sa position na ‘yon, Hon

