Honey’s POV Napaatras si Tricia nang tamaan ng sipa ko, pero bago pa ako makatakbo, isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. Pak! Napahandusay ako sa malamig na sahig, nanginginig ang buong katawan sa sakit. Sumasakit ang pisngi ko, ramdam ko ang init at kirot ng palad niyang tumama sa mukha ko. "Gaga ka talaga, Honey!" sigaw niya, sabay sabunot sa akin. Napapikit ako sa sakit habang pilit niyang hinihila ang buhok kong ginupit na niya nang walang awa. "Hindi ka lang pokpok, wala ka pang modo!" dagdag pa niya, at sa isang iglap, itinaas niya ang gunting. Napasinghap ako. Ano 'to? Gugupitin niya ulit ang buhok ko? O may mas masama pa siyang binabalak?! "Dapat sayo, tinatanggal sa mundo!" mariin niyang sabi, pero bago pa niya ako masaktan nang tuluyan, may malakas na tunog ng

