Arrogant 4

2186 Words
Third Persons PoV Isang lalake ang tumilapon papunta sa dalawang drum ng basura. Kasunod nun ang bigla ding pagtilapun ng isa pang lalake. "Weak don't have the right to challenge strong ones." sabi nang isang tinig na naka upo lang sa isang tabi. Naka masid lang sya sa mga kaibigan na walang kahirap-hirap na pinapatumba ang mga sumusugod sa kanila. "What a waste of time. Hindi na dapat tayo pumunta dito Val." sabi ng isa saka lumapit sa kaibigan, "Look what they've done to my shirt. My pure white shirt. They stain it using there cheap shoes." pagsusumbong nito sa kaibigan. Hindi naman sya nito pinansin saka tumayo, "Lets go." anito sa mga kasamahan at nagtipauna sa paglalakad. Sumunod naman ang dalawa pa nitong kasama. "So.. saan tayo ngayon?" tanong ng isa na may hanggang balikat na buhok. "Val. You decide." sabi pa ng isa na syang maliit sa tatlo. "I need to go home, my old man want to see me." sabi ni Val. "Oh. So, we are on our own?" "Yeah." "Okay. See you tomorrow Val." paalam nila saka ito sumakay sa itim na sports car na nakaparada. Kinawayan lang sila nito at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. "Anu ang gagawin natin ngayon? I don't want to go home at this moment, nasa bahay yung kirida ni Daddy and I don't want to see them doing immoral infront of me. Baka pareho ko sila masapak." bugnot na sabi nung mahaba ang buhok. "Calm down, Drick. Wag mo masyadong i-stress ang sarili mo dyan sa tatay mo. Wala din namang pakialam ang mommy mo sa ginagawa ng Daddy mo eh." sabi ng isang lalake. "Bro, Yma is right. Tsk, tatanda kang maaga dahil dyan. Ang mabuti pa, bar nalang tayo, my treat." "Yown, nice ka talaga Axel. Tara-tara, sa'n tayo?" tanong nung Yma. "The usual." sabi ni Axel. Kanya-kanya silang sakay sa mga kotse nila at mabilis na nag-drive papunta sa bar. Kahit minor de edad ay malaya silang nakakapasok sa bar. Mag-aala sais na kaya may paunti-unti naring mga tao ang pumapasok ng bar. "Good evening sir." bati sa kanila ng bouncer. Nilagpasan lang nila ito at mabilis na pumasok. Pumwesto sila sa usual spot nila, VIP, at nilapitan naman sila ng waiter na kaagad nilang ibinigay ang order. "Geez. Naalala ko dito yung muntikang away ni Val at Fourth." biglang sabi ni Yma. "Pfft. I know right." sabi naman ni Drick. "Akala ko nga pagka-alis ng waitress na yun sasapakin na ni Val si Fourth. Pero iba ang nangyari, I didn't expect that they will both let that opportunity slip in just a blink." komento naman ni Axel habang naiiling pa. "Well, kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko nga namang makalaban si Fourth nang walang ibang tao at walang umaawat." sabi pa ni Yma. Nag-patuloy pa sila sa pag-kukwentuhan habang hinihintay yung order nila. Sa kabilang banda ay dahan-dahan namang dinala ni Kira ang order nila Axel. "Here's your order sir, thank you for waiting." sabi ni Kira pagkadating nya sa table ng mga ito. Isa-isa nyang inilapag ang mga inumin, "Just press the buzzer if you still need anything, thank you." nakangiting sabi nya sa mga ito. "Ok thank you miss." sabi ni Axel sabay lahad ng palad na nakasara. Nag-tataka namang napatingin si Kira doon, "Bakit sir?" taka nyang tanong. "Just give me your hand." anito kaya mas lalo pang nagtaka si Kira. Pero sa huli ay inilahad nalang nya yung kamay sa harap nito. Ipinatong nito yung kamay na nakasara sa palad nya, saka binuksan. Napakunot ang noo nya nang makita kung ang bagay na inilagay nito sa palad nya, "G*go ka ah." mahina nyang sabi nang makita nya ang bagay na yun. Maayos pa itong nakasilid plastic nitong lalagyan. Pinag-tawanan sya ng mga ito kaya pabagsak nyang inilapag yung condom sa mesa nila. "Call me if you want. I'll free my night for you." sabi ni Axel sabay kindat. Pigil na pigil naman ang sarili ni Kira para hindi ito mabigwasan, "excuse me sir pero.. pakyu ka po." nginitian nya pa ito saka nag-dirty finger bago sya tuluyang umalis. Rinig pa nga ang hiyawan ng mga kasama nito. Padabog nyang ibinagsak ang dalang tray kaya nagulat si Alex at Kari na kadarating lang. "Init ng ulo ah." komento ni Alex habang nag-hahalo ng inumin. "Nababadtrip ako dun sa VIP na costumer na yun. Anu ang akala nya saken? Kaladkaring babae? Pakyu sya." inis na asik nito. Nag-katinginan nalang yung dalawa dahil mukhang badtrip ngang talaga ito. Tumahimik nalang sila dahil hindi nila alam ang sasabihin. "VIP number 8." biglang sabi ni Greg. Hindi nagpatinag si Kira kaya si Kari na ang kumuha ng alak at nag-hatid sa customer. Pagdating ni Kari sa VIP number 8 ay nag-iisang babae lang ang umiinom, "Here is your order, Maam." sabi nya pag-kalapag ng order nito. Aalis na sana sya nang bigla itong nagsalita, "Uhm miss, can I have a favor?" tanong nito. "Of course maam, anu po yun?" tanong nya naman dito. "Can you asked that guy.." itinuro nito yung sinasabing lalake kaya sinundan nya ang kamay nito. Nakita nya yung isang lalake na nakikipag-tawanan sa dalawa pa nitong kasama. "..his name?" Sabi pa nito. Pamilyar yang mga yan ah. Tumango naman kaagad sya, "Sure maam." nagliwanag naman ang mukha nito, "really? Thank you." masayang sabi nito. Nginitian nya lang ito at nagpaalam, saka sya nag-lakad sa table ng mga lalakeng pamilyar sa kanya. "Good evening sir," panimula nyang bati pagkadating nya sa table ng mga ito. "Yes?" buong ngiting tanong nung lalakeng Brown ang buhok. Habang yung dalawa ay napatingin lang sa kanya. Brown Head. Yung kasama ni Gray Head na mukhang kaaway ni Red Head. "Uhm sir, may isa po kasing customer na gustong malaman ang pangalan nyo. Ayun po sya," sabi nya sabay turo sa table ng babaeng customer. Buong ngiti naman ito habang kumakaway pa. "Oh. She's hot." komento nito na ikingiwi nya sa isip. Kumaway ito sa babae at sininyasang lumapit sa kanila. Wala pang isang minuto ay nalapit na ito. "Hey Handsome." bati ng babae sabay upo sa hita ng lalake. Nakunot naman ang mukha nya dahil sa pandidiri. Mukhang mahilig sa babae ang isang 'to. Mukhang expert. Mabilis syang nag-paalam sa mga ito at bumalik ng counter. Wala doon si Kira, nagsi-serve na nang ibang order. "Oh Kari, halika dito." sininyasan sya ni Alex na lumapit pa sa kanya. Lumapit naman sya. "Bakit?" tanong nya. "Tingnan mo yun." bulong nito sabay turo dun sa babae na di kalayuan sa kanila. Nakatingin ito sa lalake kanina na hanggang ngayon ay naka-kandong parin ang babae sa mga hita nito. Mahigpit ang pakakagrip nito sa basong hawak. "Girlfriend ba yan nung lalake?" tanong nya dito. Nginisihan sya nito, "Hindi." mas lumapit ito sa kanya hanggang sa ilang dangkal nalang ang layo ng mga mukha nila sa isa't isa, "that's one of his fck buddy." nginisihan na naman sya nito pagkatapos. Nakatingin lang sya kay Alex dahil sa sinabi nito. "Table number 10." napalingon silang dalawa nang biglang ibagsak ni Greg yung alak na hinalo. Buti hindi natapon. Kari's PoV Napailing nalang ako dahil sa ginawa ni Greg. Kanina pa yan medyo hindi maganda ang mood. Dinampot ko yung alak at inilagay sa tray. Dinilever ko yun papuntang table 10. Halos matumba pa ako nang mabunggo ako ng babae pagkabalik ko. Para itong nagmamadali papunta sa kung saan. Sinundan ko sya ng tingin, papunta sya sa table nila Brown Head. Pagkadating nya dun ay mabilis nitong hinablot ang buhok ng babaeng naka kandung kay Brown Head. At walang sabi-sabi na sinampal ito. Halos lahat ng nakakita ay napatigil. "You btch!" sigaw pa nito. Marahas na iwinaksi ni ateng sinampal ang braso para mabitawan sya ng babaeng sumampal sa kanya. "How dare you slap me! Ugly creature!" bumwela ito sabay sampal kaya natumba yung babae sa sobrang lakas ng sampal na yun. Natumba yung babae sa isang table na may costumer at nag-iinuman kaya natumba lahat ng alak. Tumayo naman kaagad ito para sugurin yung babae. Nagkagulo na sila. Kaagad kaming tumawag ng bouncer para awatin yung dalawa. Pero dahil mukhang mga busy din ay kami-kami na munang mga waiter ang umawat. "Awat na! Awat na!" pangunguna namin ni Kira, pareho namin silang hinahawakan. Yung mga boys na waiter ay pinipigilan din sila. "Anu ba! Wag nga kayong mangealam!" sabay na sabi nila at sabay ding kumawala. "Oh. Ba't nakatingin nalang kayo dyan? Awatin nyo!" singhal ni Kira sa ibang waiter. Kanya-kanya silang awat dahil sa pag-sigaw ni Kira. Napailing naman ako dahil mukhang mainit ang ulo nya ngayon. At hindi ko ipagkakaila na medyo may similarity kami kapag nagagalit o naiinis. At buti nalang din ay may umawat nang bouncer. Nag-pupumiglas pa ang dalawa at tila ayaw magpaawat. "Wag nyo nang palabasin yan hanggat hindi makakapag-bayad ng mga nasira at nabasag." sabi pa ni Kira saka lumapit saken. "Init ng ulo ah." sabi ko. Sinimangutan nya naman ako, "Nag-talo kasi kami ni Mama kaya medyo hindi maganda yung mood ko. Tapos ginatungan pa nang bwesit na lalakeng yun." asik nya sabay tingin dun kay Brown Head na parang walang nangyaring gulo na bumalik sa pag-inom. Napailing naman ako, "Tara. Baka pinapatay mo na yan sa isip mo." natatawa kong sabi. Mas lalo syang sumimangot, "Double dead na nga eh." sabi nya kaya napangiwi ako. Bumalik narin kami sa trabaho at yung dalawang babae ay nandun sa opisina ni Boss. Aba syempre kailangan nilang pagbayaran yung mga nasira nila. Pagkatapos ng duty namin ay sabay kaming umalis ng bar. Nakisabay din si Alex at Greg na minsan lang nilang gawin. Madalas kasi nauuna kaming umuwi ni Kira sa kanila. "Kari, 'maya nalang ulit sa school." paalam ni Kira saka kami nag-fist bump. "Ge. Ingat." sabi ko. Saka sya nagpedal paalis. Humarap naman ako sa dalawa na nakasakay na sa mga motor nila. "Mauna na ako sa inyo." sabi ko. "Ingat." nakangiting sabi ni Alex habang si Greg at tiningnan lang ako. Sumakay na ako sa bike ko saka nagsimulang pumadyak. Madaling araw na kaya wala nang tao sa labas at tanging nakasinding ilaw ng poste nalang ang nakakapag-liwanag ng daan. Tahimik akong nagba-bike at medyo malayo pa yung bahay mula dito. Kaya naman medyo binilisan ko na yung padyak ko, lalo pa't pakiramdam ko may sumusunod saken. Naka motor, yung ilaw kasi tumatama saken at nakikita ko ang anino ko sa unahan. Sa unang pagkakataon ay kinabahan ako. Napalunok ako ng maramin beses at pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko. Kasabay din dun ang pagbilis ng pagpadyak ko. Shet. Sino ka ba? Ayokong lumingon. Baka pagka-tingin ko sa unahan may iba nang tao na nakaabang. Pinagpatuloy ko ang ginagawa. At natatanaw ko na ang kanto na malapit sa bahay. Kunti nalang. *BRROOOM!* Nabigla ako at mabilis na napalingon sa likod. At dahil sa ginawa ko ay di ko namalayan yung batong nagkalat sa daan. Sumemplang ako kasama yung bike. Sheeeteeee. "Aw! Aray. Aray. Aray. Shet." daing ko nang naramdaman kong may tumutusok sa likod ko. Nakaramdam din ako ng hapdi sa palad at braso. Hindi ko pa magawang makatayo mula sa pakakasalampak. Dahil sa nangyari ay hindi ko na nabigyan pansin yung taong sumusunod saken. At hindi ko namalayan ang pagdating ng mga paang nasa harapan ko. "Ayos ka lang?" tanong ng pamilyar na boses. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko sa Greg na naka kunot ang noo at nakatingin saken. Nagpalinga-linga ako para hanapin yung taong sumusunod saken. Hanggang sa mapadapo ang mga mata ko sa motor na nakaparada sa likuran ko. "I-ikaw yung sumusunod saken?" tanong ko. Dahan-dahan akong tumayo kahit pati tuhod ko ay mahapdi. "I'm not following you. Pareho lang tayong nakatira sa iisang lugar." walang kabuhay-buhay na sabi nito. Tsk. Oo nga pala. Badtrip. Ang tanga ko. Napakamot nalang ako ng batok, "Oo nga pala. Tsk. Akala ko may sumunod saken na masamang tao. Tsk." sabi ko. At nang dahil sa katangahan ko sumemplang pa ako. Sana naman walang sira yung bike ko. Paika-ika kong nilapitan yung bike ko na nakahiga sa semento. Mukhang maayos naman sya at walang sira. Buti naman. Tinayo ko yun at inayos ang manibela. "Stupid." bulong nya na narinig ko naman. Mabilis ko syang tiningnan, "Maka-stupid ka naman. Tanga ba ang maging praning sa ganitong oras? Tsaka bakit kasi ang bagal mong magpatakbo nyang motor mo at nasa likod ko pa talaga? Pwede ka namang mauna. Kasalanan mo nga 'to eh." inis kong sabi. Minsan na nga lang magsalita nangta-tanga pa. Hindi sya nagsalita kaya ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa bike ko. Pinagpag ko narin yung suot kong pants. Ilang sandali pa.. "Oh? Anu yan?" tanong ko sa kanya nang ilahad nya ang kamay nya na may hawak na panyo. "Pwede bang tanggapin mo nalang? Ang dami mo pang tanong." parang inis na sabi nya. Parang lang naman. Mabilis ko naman yun hinablot, "Isang tanong lang yun." sabi ko saka sumakay sa bike ko, "salamat." pahabol ko saka nagsimula na ulit magbike. Pagkadating bahay ay mabilis kong nilinis yung sugat ko saka natulog. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD