Arrogant 3

2100 Words
Kari's PoV Dahan-dahan akong nagba-bike papuntang school. Hindi ako pwedeng magmadali lalo pa't hindi ako nakatulog. Bangag ako at baka hindi ko namalayan ang mga sasakyan, mabangga pa ako. Hindi ko nagawang makatulog kanina dahil nilagnat si Bryan. Ako ang nag-bantay at siniguro kong bumaba ang lagnat nya. Pagkadating ko ng paaralan ay mabilis akong umakyat sa building namin. Sakto namang hindi pa nag-sisimula yung klase kaya hindi pa ako late. "Good Morning class." bati ng lec namin sa Math pagkapasok ng room. Tumayo kami at sabay-sabay na bumati. Kaagad din naman syang nag-turo at sa buong oras na nag-tuturo si Miss ay tulog naman ang isip ko. Buti nalang talaga walang quiz. Sa mga sumunod na klase ay ganun din yung set up ko. Walang quiz kaya safe ako. Buti nalang. Lunch break.. Dali-dali ako naglakad papuntang opisina ng student council. Balak kung umidlip saglit, pakiramdam ko kasi hindi na aabot ang diwa ko hanggang mamayang hapon. "Oh, andito ka?" tanong ni Ayi pagkapasok ko. Nasa working table nya sya at may sinusulat. Mabilis akong humiga sa sofa saka pumikit, "paki-gising ako pagka-1 o'clock. Thanks." sabi ko. "Hm." Pakiramdam ko isang ihip lang ng hangin na nagmumula sa electric fan ay nakatulog kaagad ako. - "Kari! Kari gising!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa boses na yun. Sumalubong sa paningin ko sila Kira na bakas sa mga mukha ang pag-aalala. "Bakit? Anu'ng meron?" pupungas-pungas pa ako habang papalit-palit ng tingin sa kanilang tatlo. "Hinahanap ka ni Dean." sabi ni Lala. Mabilis akong bumangon, "bakit daw?" anu kaya ang kailangan ni Dean? "Kasi tumawag daw yung school ni Bryan. Nasa clinic sya ngayon sa school nya, bigla daw kasing hinimatay sa gitna ng p.e class. Inaapoy ng lagnat." Bumangon ang matinding pag-aalala sa dibdib ko. Hindi na ako nakapagsalita at dali-daling lumabas ng opisina sa nagtungo sa Deans Office. Kasunod ko naman yung tatlo. "Dean. Kamusta daw si Bryan?" tanong ko kaagad pagkapasok namin. "He's okay now. Napainom na daw ng gamot. Pero kailangan nyang mag-pahinga. Ang sabi ng school nila pwede mo daw syang sunduin anytime." Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Dean. "Thank you Dean. Pwede po bang puntahan ko na sya ngayon?" tanong ko pa. "Oo naman. You are excuse." nakangiting sabi ni Dean. "Thank you po." dali-dali akong nagpaalam sa kanila at mabilis na kinuha yung bike ko. Binagtas ko ang daan papunta sa school nila Bryan. Hindi naman sya malayo sa school namin kaya okay lang gumamit ng bike. Pagkadating ko ay pinapasok kaagad ako ng guard saka ko tinungo yung clinic. "Ate." bungad ni Bryan pagkapasok ko sa hindi kalakihang clinic. Nakahiga sya sa nag-iisang hospital bed at may bimpo sa noo. May nakapalsak ding thermometer sa kili-kili nito. Lumapit kaagad ako sa kanya, "kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko. Kinapa ko pa ang leeg nya. May sinat pa sya. "Medyo okay na ako ate." sagot nya. Nakahinga naman ako ng maluwag pero, "bakit ka ba kasi pumasok? Alam mo namang may sakit ka. Kung malala pala ang inabot mo anu nalang ang mararamdaman namin ni Nanay?" paninermon ko sa kanya. Ang tigas kasi ng ulo. Sabi nang wag munang pumasok pero eto, pumasok parin kaya nakaratay ngayon sa clinic. "Eh kasi ate-" Hindi na nya naituloy yung sasabihin ng biglang tumunog yung thermometer. Lumapit naman kaagad yung nurse para i-check. "Hm. 36.2° Medyo bumaba na ang lagnat nya. Ang kailangan nalang nyang gawin ay mahabang pahinga, tamang oras ng pagkain at pag-inom ng gamot para tuluyan syang gumaling. Pwede na rin syang lumabas ng clinic." nakangiting sabi ng Nurse. "Maraming salamat po." sabi ko. Tumango naman ito saka may kinuha sa ibabaw ng desk nya pagkatapos ay inilahad nya saken, "Excuse letter nya para ngayon at bukas. Dalhin nalang nya ito pagkabalik nya para ipakita sa mga teachers." Kinuha ko yun, "thank you po ulit." nakangiting sabi ko. "No problem." at bumalik na sya sa desk nya at nag-sulat ng kung anu-anu. Binalingan ko naman si Bryan na ngayon eh naka-upo na sa hospital bed, "Anu? Ok ka na?" tanong nya, tumango naman sya. Tumayo sya saka kinuha ang bag nya naka upo sa ibabaw ng upuan. "Alis na po kami, salamat po Miss Daisy." paalam nya sa school Nurse nila. Nginitian naman sya nito saka bumaling saken. "Salamat po." sabi ko pa bago kami tuluyang nakalabas ng clinic. Tahimik naman sya habang nag-lalakad kami patungo sa bike ko, "bakit ka tahimik?" tanong ko. Nag-angat sya ng tingin at nginitian ako ng bahagya, "Wala, ate.." mahina nyang sabi at kasabay nun ang pagpihit ng ulo nya sa gym nila na tanaw mula dito. Nakita kong nag-lalaro ng basketball ang team mates nya at may mga lalakeng nagpaka-business attire na nanunuod sa kanila. Ibinalik ko ang tingin kay Bryan na ngayon ay wala na sa gym ang atensyon. "Tara na ate." sabi nya pa kaya binilisan namin ang lakad. "Kaya mo bang mag-bike?" tanong ko sa kanya na ikinatango nya. Pareho kasi kaming may bike, hindi naman sa kagandahan, medyo luma na nga eh pero ok pa naman. Kesa kasi sa gumastos kami sa pamasahe eh mas mabuting magbike nalang. Total hindi naman masyadong malayo yung bahay namin dito. Tahimik lang kami sa daan habang nagba-bike. At pagkadating nang bahay ay parang walang pakialam na ibinagsak nalang nito bigla yung bike at mabilis pumasok sa loob. Anu'ng problema nun? Napailing nalang ako saka ko inayos yung pagkakatayo ng bike nya at isinandal sa dingding ng bahay. Maya-maya pa ay lumabas nang bahay si Nanay na may hawak pang sandok. Kaagad naman akong nag-mano kay Nanay. "Oh, 'nak. Kamusta si Bryan?" nag-aalala nyang tanong. Napabuntong-hininga ako, "okay na naman daw sya. Kailangan lang ng mahabang pahinga, tamang oras ng pagkain at gamot." sabi ko kay nanay. "Ganun ba? Buti naman." "Bakit nga po pala pumasok yun? Alam naman nyang may sakit sya." pwede naman syang sumulat ng excuse letter at iabot sa teacher pagkabalik nya. "Kasi sabi nya gusto nya daw magtry out sa basketball para sa varsity team ng isang university na pupunta sa school nila ngayon. Kapag swertehin daw sya na makuha sya makakapag-aral na sya sa university nang libre at bilang varsity player." malungkot na sabi ni Nanay kaya nakaramdam din ako ng lungkot. Bigla din akong na guilty. Sinermunan ko pa sya. Kaya pala ganun nalang ang reaksyon nya kanina. Nanhihinayang sya sa pagkakataon. At kahit may sakit sinubukan nyang pumunta. Pinigilan ko ang sarili ko na maiyak. Naawa ako sa kapatid ko. Katulad ko ay gusto nya ring mag-aral sa koleheyo. Kaya nga tutok kami sa pag-aaral dahil kapag may mga scholarship na iaalok ay dapat maipasa namin yun. Para sa ganun ay makapag-aral parin kami. "May.. may iba pa naman sigurong pagkakataon." mahina kong sabi. Nginitian lang ako ni Nanay saka sya bumalik sa loob. Napabuga nalang ako ng hangin saka tumingala para hindi tumulo ang luha ko. "Beep. Beep." Napaayos ako ng may narinig akong tinig, "Kira." sabi ko nang makita ko syang nakahinto sa tapat ko. "Dinala ko bag mo." sabi nya sabay abot saken ng bag. Tinanggap ko naman yun, "salamat." nakangiti kong sabi. Tumango sya saka sinipat ang bahay, "Kamusta si Bryan?" "Ok na sya, kailangan lang magpahinga." sagot ko. "Mabuti naman kung ganun. Sige Kari, idinaan ko lang yang gamit mo. 'Maya nalang sa bar." paalam nya kaya tumango ako. Nag-fist bump pa kami bago sya umalis. "Ingat." pahabol ko. Kumaway lang sya habang nagba-bike. Pumasok narin ako ng bahay saka inilapag yung gamit ko sa loob ng kwarto namin ni Nanay. Nagpalit narin ako ng damit pagkatapos ay lumabas ng kwarto. "'Nay. Bili lang po ako ng gamot ni Bryan." paalam ko kay Nanay na abala sa niluluto. "Oh sige 'Nak. Maluluto narin 'tong lugaw kaya bumalik ka kaagad para makakain narin si Bryan at makainom ng gamot." "Sige po 'Nay." bago lumabas ng bahay ay tiningnan ko muna si Bryan sa kwarto nila ni Tatay. Nakahiga sya at ramdam ko ang lungkot nya. Napabuntong-hininga nalang ako at mabilis na lumabas ng bahay. Malapit lang naman yung tindahan na bibilhan ko ng gamot. "Kuya. Pabili po ng gamot." sabi ko sa kuyang nag-babantay ng tindahan. Nakatalikod ito at may kinakalikot na kung anu. "Anu'ng gamot?" Tanong nya. Your voice sounds familiar Kuys. "Bio... flu.." napahina ako ng boses dahil sa gulat nang bigla ito lumingon at si Greg ang nakita ko. Pero mukhang hindi naman sya nabigla nang makita ako. "Ilan?" pormal nyang tanong. Seryoso parin yung reaksyon nya kagaya ng parati kong nakikita sa kanya sa Bar. Hindi sya pala salita at mapag-biro di gaya ni Alex kaya kahit mag-iisang taon ko na syang katrabaho hindi kami close. "Tatlo lang." sabi ko. Kaagad naman syang kumuna ng gamot at ibinigay saken. Ibinigay ko rin yung 50 pesos. "Anu pala ang ginagawa mo dito?" alanganing tanong ko. Madalas akong bumili at umutang ng ulam namin dito at ngayon ko lang sya nakitang nagbantay sa tindahan na 'to. Anu 'to, part time nya? Pero bakit naman sa maliit na tindahan sya nag-part time kung ganun? Ay! Ewan. Hindi naman kita close para problemahin pa. "Aking 'tong tindahan." sabi nya sabay abot saken ng sukli. "Ah." tumango nalang ako kahit hindi parin ako makapaniwala. Ginuguyo ata ako nito. Matagal na 'tong tindahan na 'to at matagal narin akong bumibili dito. Ngayon ko lang sya nakita dito. "Sige." sabi ko saka umalis at bumalik ng bahay. Nakahain na yung lugaw at naka upo narin si Bryan sa pwesto nya. Nakatungo ito at parang pinag-bagsakan ng langit at lupa. "Hoy." sita ko sa kanya pagkalapit ko. Inilapag ko yung gamot sa mesa at naupo sa tapat nyang upuan. Nag-angat naman sya ng tingin, "bakit ate?" tanong nya. "Anung bakit? Bakit ganyan yang mukha mo? Bakit parang pinag-pagsakan ka ng langit at lupa dyan?" kunwari'y tanong ko. Ang totoo alam ko naman ang dahilan kung bakit sya nagkaka-ganyan. "Eh kasi.." "Eh kasi? Eh kasi hindi ka nakapag-try out para sa basketball? Eh kasi nawala yung pag-asa mo para makakuha ng full scholarship para sa college?" mahabang sabi ko kaya gulat nya akong tinignan. "Panu mo nalaman?" gulat parin nyang tanong. Nginitian ko sya, "sinabi ni Nanay. Nagpumilit ka daw na pumasok kahit may sakit ka para dun sa try out ng basketball." Napatungo na naman sya at halata sa awra nito ang matinding lungkot at panghihinayang, "Ang kaso bago paman ako makasali sa try out nangyari naman yung kanina. Tsk. Bakit kasi ngayon pa ako nagkasakit. Bakit kasi hindi nalang muna pinagpaliban 'tong sakit ko." kahit hindi ko kita ay alam kong nakanguso na ito. Natawa ako ng bahagya kaya nag-angat na naman sya ng tingin, "Sira ka talaga. Bakit katawan mo ang sisisihin mo? Wala namang may kasalan nito dahil kung para sayo talaga yung scholarship na yun, hindi ka magkakasakit at malamang ikaw ang nakuha sa try out." "Pero kasi, hindi ko tanggap na nalampasan lang ako ng pagkakataon na yun. Scholarship yun para sa college." Bumuntong-hininga ako, "Alam ko. At alam ko kung gaanu mo kagusto makatuntong ng college. Pero kasi Bryan, may mga bagay talaga na hindi para sa atin. Yung akala mo dumating ang opurtunidad na yun para saten pero para pala sa iba. Ang kailangan natin gawin ay maghintay at hindi tumigil sa pagsusumikap sa kung anu man ang gusto nating marating. Hanggang sa dumating ang opurtunidad na para talaga satin." Tiningnan lang nya ako kaya nginitian ko sya ng tipid saka ginulo ang buhok nya, "Kumain ka na para makainom ka na ng gamot at makapag-pahinga." sabi ko saka ako tumayo at umi-scoop ng isang kutsarang lugaw, "Si Nanay nga pala?" tanong ko sa pagitan ng pag-nguya. Naglakad ako papuntang lababo para mag-hilamos. "Umalis. May pinapalabada daw si Aling Nena." sagot nya na ngayon ay kumakain na nang lugaw. Tumango ako saka bumalik ng mesa at kumuha na naman ng lugaw. "Pakisabi nalang kay Nanay na maaga akong papasok ngayon sa Bar." tumango sya kaya ginulo ko na naman ang buhok nya, "Inumin mo yang gamot pagkatapos mong kumain, pagkatapos mag-pahinga ka na." bilin ko sa kanya. "Opo ate." "Sige. Alis na ako. Ikaw na bahala magsabi kay Nanay. Magpahinga ka." paulit-ulit pa ang habilin ko sa kanya bago ako tuluyang makalabas ng bahay. Nakita ko pa si Greg na lumabas ng bahay na karugtong lang tindahin na sinasabi nyang sa kanya. May nakaparada ding motor sa tapat na mukhang mamahalin, sumakay sya dun at pinaharurot. "Sabi na eh. Trip nya lang yun kanina." sabi ko sa sarili bago tuluyang sumakay ng bike at pinaandar. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD