“Pupunta ka mamaya?” Tanong ni Mona habang naglalakad kami papasok ng mansion. “Wala naman akong ibang choice e. Anak siya ng amo natin at tagasunod lang ako,” wika ko. “Enjoy-in mo na lang ang party. Minsan ka lang makasama sa party ng mga mayayaman kaya samantalahin mo na. E. . .ikaw na rin ang nagsabi na… isasama ni Sir Raevan ‘yong girlfriend niya. Kaysa maging etsapwera ka doon, mag-enjoy ka na lang,” mahabang wika ni Mona. “Kung kasama ka siguro, mag-e-enjoy ako,” wika ko sa kaniya. “Kung sakali mang pwede, nakakahiya rin kay Sir Raevan. Lalo pa at ikaw lang ang invited,” wika niya. Pumasok na kami sa loob para makapaglinis na. Hindi ako excited para mamaya kaya mabagal akong maglinis. Gusto kong maubos ang oras sa paglilinis baka sakaling maudlot ang pagsama ko mamaya sa kanila

