NAGBABAGANG apoy, mga hiyaw na tila dinudurog ng masamang elemento, putok ng bala, pagsabog mula sa formula ng pink na inumin kasunod ang paglaki ng apoy. Dalton was in a hunting mood. Nagbabaga ang kanyang mata habang nakatunghay sa nasusunog na bodega sa kanyang harapan. Inaalala niya ang araw na iyon kung saan durog siya; ang katawan at puso niya. “Boss!” ani Oscar, ang isa pa sa kanyang tauhan. Itinulak nito sa kanyang harapan si Duran, ang bantay sa lugar na iyon. Duguan ang hita nito kaya bahid ang paghihirap. Naisip siguro nitong tumakas kaya binaril ng tauhan niya ang binti nito. Iniutos niya na buhay dapat ang lalaki dahil mayroon siyang nais malaman, at siya mismo ang babawi sa buhay nito. Mas nadagdagan ang tanda ng kanang kamay ng mga Balaguer kumpara sa huli niya itong n

