Chapter 24 Walang masyadong ipinagbago ang itsura ni Reymel. Ganoon pa rin ang itsura niya. Mas tumangkad lang talaga siya. Mas gumanda rin ang katawan niya. Naglakad siya palapit sa ‘kin at nang nasa harapan ko na siya ay napangiti siya. “Decyrie,” banggit niya sa pangalan ko. Ang tagal na rin simula nang marinig ko ang pangalan ko galing sa kaniya. Nakita ko ang pagdaan ni Myrtil sa gilid ko. Sinundan ko siya ng tingin kaya nakita ko ang pagkindat niya sa ‘kin. Inginuso niya si Reymel, parang sinasabi na kausapin ko na. Napairap ako sa kaniya at hinayaan na lang siya kung saang lupalop ng Robinson man siya pupunta. “Decyrie, long time no see,” mahinang saad ni Reymel. Nabalik sa kaniya ang paningin ko. Nakita ko ang pagsuyod niya sa kabuuan ko. “Hindi ko in-expect na magnu-nursing ka

