Chapter 25 Nagkita kami ni Myrtil sa tapat ng isang clothing store sa 3rd floor. Nag-iwan siya ng message sa ‘kin na rito raw kami magkita kaya dumiretso na ako rito. Nagtaka pa nga ako na kasama niya na ngayon si Michael. Mukhang sumunod pa yata ang pinsan niya sa ‘min. “Saan ka galing, Decyrie? Kanina pa ako tanong nang tanong kay Myrtil kung saan ka nagpunta pero ayaw naman niyang sabihin,” pangbungad ni Michael nang mamataan ang paglapit ko. Napabaling naman sa akin si Myrtil. “Akala ko ay hindi ka makakabalik kaagad. Hindi ka niya inaya na mag-coffee man lang o kumain?” natatawang pang-aasar niya. Napasinghal ako. “He didn’t invite me. May family bonding sila at may kasama siyang mga bata kaya hindi na rin ako nag-aya. Isa pa, mabilis lang naman kaming mag-uusap kaya bakit kailang

