Chapter 26 “Ang daldal pala talaga ni Michael,” usal ko kay Myrtil na nasa tabi ko. Nandito na kami ngayon sa backseat ng sasakyan ni Michael. Nagmamaneho na siya pabalik sa school. Kamalas-malasan nga lang na nasa kahabaan kami ng traffic. “Narinig ko ‘yon, Decyrie!” malakas na saad ni Michael. “Maririnig mo naman talaga kasi may tainga ka,” bugnot na sagot ko. Nakita ko na tiningnan niya kami sa front mirror. “Bakit ba ang sungit-sungit mo? Parehas kayo ng ugali niyang kaibigan mo. ‘Yong kay Myrtil naman ay naiintindihan ko dahil alam ko ang rason niya. Pero ‘yong sa ‘yo ay hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling. Ipinaglihi ka ba sa sama ng loob?” “Gusto mo bang pasamain ko ‘yang loob mo? Magmaneho ka na nga lang diyan! Ang daldal mo!” asik ko. Natawa si Myrtil. “Oh, ano? Ka

