Chapter 1
“Cy, gumising ka na’t anong oras na!” sigaw ng kung sino. Naramdaman ko ang pagtapik na ginawa niya sa aking hita bago siya ulit nagsalita. “Cy, bumangon ka na! Palagi ka na lang nahuhuli sa klase mo!” Rumehistro na sa sistema ko kung sino itong naggugulo sa akin nang ganito kaaga.
I groaned and changed my position. I rolled over on my bed at tinalikuran siya. “Can you give me more minutes? Inaantok pa kasi ako, Ate,” mahinang sagot ko. Inaantok pa talaga ako at ayaw ko pang bumangon. “5 minutes na lang talaga. Last na,” pangungumbinsi ko pa at mas lalong ibinaon ang mukha ko sa unan ko.
Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. “Ayaw mo pa talagang bumangon, ah.” At saka ko siya narinig na naglakad patungo sa kung saan. Hindi ko na siya pinansin dahil hinihila na naman ako ng antok.
Maya-maya ay naramdaman ko na parang napapaso ang mga paa ko kaya daglian akong napabangon sa pagkakahiga. Pupungas-pungas pa akong bumaling kung nasaan ang bintana ng aking kuwarto.
Tama nga ang hinala ko. Binuksan ni Ate ang bintana at saka itinabi ang kurtina. Inaantok man ay pinilit kong ibukas nang tuluyan ang mga mata ko para samaan siya ng tingin.
Nang mulat na mulat na ang aking mga mata ay nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng bintana ng kuwarto ko. Bahagya pa akong nagulat dahil nakauniporme na siya at nakasuot na rin ng sapatos na kulay puti. Handang-handa na siya sa pagpasok sa unibersidad na kaniyang pinapasukan samantalang ako ay nandito pa sa kama at balak pang ipagpatuloy ang naudlot na pagtulog.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo naman kailangang buksan ‘yang bintana para gisingin ako. Gigising naman ako kahit—” Marami pa sana akong gustong idugtong ngunit hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.
“Will you really get up if I didn’t open your window?” tanong niya. “No, Cy. Hindi ka kaagad gigising kung hindi ko ‘yon gagawin. Isang taon ka na lang sa Junior High School, umayos ka naman. Wala namang problema sa ‘min ni Kuya kung gusto mong magpaka-late palagi pero ayaw naman naming pinapagalitan ka palagi nina Daddy.”
Umirap ako at saka napipilitang bumangon sa kama ko. Hindi ako makasagot dahil tama naman ang lahat ng sinabi niya.
Simula nang mag-aral ako ay palagi akong late na pumapasok sa paaralan. Nagco-commute lang kaming magkakapatid kaya hindi talaga naiiwasan. May kotse naman ang pamilya namin ngunit dalawa lang. Isa para kay Daddy na nagtatrabaho bilang isang surgeon at isa naman para kay Mommy na nagtatrabaho bilang isang nurse.
Magkaiba ang hospital na pinagtatrabahuhan nina Daddy at Mommy kaya magkaiba sila ng kotse na ginagamit. Hindi naman maarte at materialistic ang mga kapatid ko kaya ayos lang sa kanila na bumiyahe kahit nahihirapan sila sa pagpasok.
Kukuhanin ko na sana ang kumot ko para tupiin nang magsalita si Ate. “Ako na ang bahalang magligpit sa higaan mo. Maligo ka na at magbihis. Mali-late na kami ni Kuya kaya bilis-bilisan mo.” Naglakad siya palapit sa kama ko at nag-umpisa na sa pagtutupi ng kumot ko. Nang napansin niyang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko ay nag-angat siya ng tingin. “Bilisan mo na, Ineng. Kay aga-aga, nagdi-day dream ka,” pang-aasar niya.
Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan niya. Puro kulay puti ang kaniyang suot. Magmula sa blusa, pants, medyas, at pati na rin ang kaniyang sapatos.
Inagaw ko ang kumot sa kaniya. “Ako na rito, Ate Ariela. Ang sabi mo’y mali-late na kayo ni Kuya, ‘di ba? Ako na ang magtutuloy sa—”
Umiling-iling siya. “Don’t be so stubborn right now, Decyrie. Mas lalo lang kaming mali-late kung hindi ka pa mag-aayos. Kanina pa rin naghihintay sina Mommy’t Daddy sa dining area kaya bilisan mo na.” Sabay agaw niya sa kumot.
Hindi na ulit ako nagsalita. Hinayaan ko na lang siya na ligpitin ang mga unan at kumot ko. Kinuha ko ang tuwalya na nakasabit sa labas ng pinto ng banyo at saka ako pumasok sa loob ng banyo.
Inumpisahan ko na ang morning routine ko. Kung wala lang akong inaalala na madadamay sa kabagalan ko, hindi ako magmamadaling mag-toothbrush at maligo. Kahit naman wala akong gana pumasok, hindi ko idadamay ang mga kapatid ko. Hindi na sila mga teenager na puwedeng magloko sa pag-aaral nila.
Naiintindihan ko rin kung bakit alalang-alala sa akin ang kapatid ko sa kaalaman na pagagalitan ako ng mga magulang namin. Madalas kasi akong pagalitan at punain nina Mommy at Daddy, lalo na ni Daddy. Tiyak mamaya ay pauulanan niya na naman ako ng kung anu-anong mga salita.
Hindi ko naman ‘yon masyadong dinidibdib dahil ako lang din ang maaapektuhan kung seseryosohin ko masyado ang mga salitang ibabato nila sa akin. Ano pang silbi ng kaliwang tainga ko kung hindi ko palalabasin doon ang mga salitang papasok sa kanang tainga ko?
Nang matapos ako sa pagtu-toothbrush at pagligo ay nagsuot na ako ng undergarments. Nasa loob ng banyo ang ilan sa mga gamit ko kaya mabilis lang akong nakapagbihis. Sinadya kong ilagay rito sa loob para kung sakaling nagmamadali na ako para pumasok, mas mapapadali ang pagkuha ko. Ngayon ang isa mga pagkakataon na ‘yon.
Nagsuot na rin ako ng cotton shorts at white sando pagkatapos kong maisuot ang undergarments ko. Tiningnan ko pa muna sa salamin kung maayos na ang itsura ko bago ako lumabas sa banyo.
Nang makalabas ako ay nakita ko sa aking kama ang uniporme ko. Hindi ko na nadatnan ang kapatid ko sa kuwarto ko. Naisip ko na baka nauna na silang dalawa ni Kuya na pumasok sa paaralan nila.
Nang maisabit ko sa pinto ng banyo ang tuwalya na ginamit ko sa aking buhok ay minadali ko na ang pagsuot ng blouse at palda ko. Maayos na nakaplantya ang mga ito dahil may kasama kami sa bahay na naglalaba, nagluluto, nagpaplantya, at gumagawa ng iba pang gawaing-bahay.
Since palaging nasa trabaho ang mga magulang namin at wala palaging maga-asikaso sa bahay namin, kumuha ng tatlong kasama sa bahay sina Mommy at Daddy. Ayon sa kanila ay mas maigi kung may magbabantay sa bahay at may gagawa ng mga gawaing-bahay habang nasa trabaho sila at nasa paaralan naman kami.
Nang matapos ako sa pag-aayos ng necktie ko ay kinuha ko ang phone ko na nasa study table at saka ang bag ko na nakasabit sa dingding. Pagkatapos no’n ay lumabas na ako sa aking kuwarto. Bitbit ang bag ko sa kanang balikat ko at ang phone na inilagay ko sa bulsa ng palda ko, nagtuloy-tuloy na akong bumaba sa hagdan.
Simple lang naman ang bahay at ang buhay namin. Ang bahay namin ay may dalawang palapag at sakto lang ang laki para sa isang pamilya. Sa ibaba ay may dalawang kuwarto. Ang isa ay para sa opisina ni Daddy at ang isa naman ay para sa library namin. May common bathroom din sa ibaba na katabi ng daanan papunta sa dining area namin.
Sa itaas naman ay may apat na kuwarto. Ang nasa unahan at katabi ng hagdan ay ang kuwarto ng mga magulang namin. Sa harap ng kuwarto ng mga magulang namin ay ang kuwarto ni Ate Ariela. Ang sumunod naman na kuwarto ay kuwarto ni Kuya Donovan. Sa harap ng kuwarto ni Kuya Donovan ay ang kuwarto ko na katabi ng kuwarto ni Ate.
Sa pasilyo ng ikalawang palapag ay makikita ang mga pot na pinaglalagyan ng mga kung anu-anong halaman. May isang kabinet din sa pagitan ng kuwarto ko at ng kuwarto ni Ate. Nakalagay sa ibabaw ng kabinet ang iilan sa mga larawan ng pamilya namin. Nakalagay rin sa ibabaw ng kabinet ang isang flower vase na may lamang bulaklak. Sa itaas ng kabinet na ‘yon ay nakasabit ang family picture namin. Medyo malaki ang frame kaya agaw-pansin talaga kapag dumaan ka sa corridor.
Ang kadalasang kulay na makikita sa bahay namin ay kulay kahoy, puti, itim, at dilaw. Hindi kasi mahilig sa makukulay na kulay ang mga magulang namin at gusto nila ng minimal lang. Hindi rin sila mahilig sa mga exagged na disenyo kaya nasanay na lang kami na simple ngunit agaw-pansin ang mga kagamitan na nakikita sa bahay namin.
“You are late—again.” Kapapasok ko pa lang sa dining area ay ‘yan kaagad ang bungad ni Daddy sa akin. Hindi man lang niya ako hinayaang maupo muna. “Ano ba ang pinagkaka-busy-han mo at palagi ka na lang late kung pumasok?” tanong ni Daddy.
Natuwa ako nang makita kong hindi pa pala umalis ang mga kapatid ko. Ibig sabihin nito ay may makakasabay ako sa pagsakay sa jeep. Ang boring kasi kapag mag-isa lang ako. Nakakasawa na rin kasi minsan ang pagsusuot ng earphone habang nasa biyahe.
Hindi ako kaagad sumagot. Umupo muna ako sa tabi ni Ate Ariela bago ako nag-angat ng tingin kay Daddy na nasa kanan ko. Nakaupo siya sa kabiserang bahagi ng lamesa. Si Mommy naman na nasa kanan ni Daddy ay tahimik na nakamasid sa aming dalawa ni Daddy.
Lumunok muna ako bago sumagot. “Ginawa namin ‘yong isang project namin sa MAPEH,” casual na sagot ko kay Daddy. Pinanlakihan ako ng mga mata ni Mommy ngunit hindi ko pinansin ‘yon. Nakita ko kung papaano gumalaw ang mga panga ni Daddy.
Mula sa tsaa na nasa harapan niya ay napunta sa akin ang paningin niya. Halata ang iritasyon sa kaniyang mga mata.
Magsasalita na sana si Daddy ngunit pinigil siya ni Kuya. “Dad, hayaan mo na si Decyrie dahil para naman pala sa pag-aaral ang ginawa niya. Isa pa, mali-late na kami.”
Matalim ang titig sa akin ni Daddy ngunit hindi na siya nagsalita. Inabala na lang niya ang sarili niya sa pag-inom ng tsaa niya.
Napahinga naman ako nang maluwag dahil doon. Wala ako sa mood makipagbangayan kay Daddy dahil wala ako sa huwisyo ngayon. Kulang ang tulog ko kaya para akong lutang.
Nabalik lang ako sa ulirat nang maramdaman ko ang pagsiko na ginawa ni Ate sa ‘kin. “Kumain ka na, Cy.”
Hindi na ako nagsalita at kumuha na lang ng dalawang hotdog at saka isang tinapay. ‘Yon lang ang kinain ko sa umaga.
Pagkatapos kong ubusin ang hotdog at ang tinapay ay uminom na ako ng tubig. Patapos na rin naman ang mga kapatid ko kaya saglit na oras na lang ang hihintayin ko.
Kinuha ko ang phone ko at saka tiningnan ang oras. Nakita kong maga-alas otso na ng umaga. Alas-nuwebe ng umaga ang pasok ng mga kapatid ko at alas-otso naman ang sa akin. Ibinalik ko na ulit sa bulsa ng palda ko ang phone ko at saka ako nagbuntonghininga.
Hindi ako takot mahuli sa klase dahil kahit nahuhuli naman akong pumasok ay nakakahabol pa rin ako sa lesson na napag-usapan nila. Hindi problema sa akin ang makakuha ng mataas na marka dahil natural naman akong mabilis matuto.
Ang problema lang naman ay palagi akong huli kung pumasok sa paaralan na para bang ako ang principal at hawak ko ang oras ko. Masasabi kong ganoon nga ako kung umasta. Wala naman kasi akong pakialam kung mapagalitan ako o mapahiya dahil sanay naman na ako roon.
Mula nursery ay hindi na talaga maganda ang ugali ko kaya palagi akong napagsasabihan ng mga guro ko. Palagi naman akong mangangatuwiran at maghahanap ng isasagot sa kanila. Hirap din akong maging magalang dahil hindi naman ako nasanay sa ganoon. Mas nasanay ako sa pagiging sarkastiko kung sumagot. Mas nasanay akong maging maldita.
“Ariela,” biglang tawag ni Mommy kay Ate. Napabaling tuloy ako sa gawi niya. Ngayon ko lang napansin na nakasuot na si Mommy ng uniporme na pang-nurse.
Bumaling si Ate kay Mommy. “Po?” magalang na sagot ni Ate.
Tatlo kaming magkakapatid. Ako, si Ate, at ang panganay ay si Kuya.
Ariela Acibar is the second child. 22 years old na siya. Sa aming magkakapatid ay si Ate ang sa tingin ko na pinakamabait. Hindi ako nagiging bias pero ganoon talaga ang ugali niya. Maunawain si Ate at palaging positibo sa lahat ng bagay na nangyayari sa paligid niya. Mapang-asar man siya sa akin pero siya ang palagi kong naaasahan kapag kailangan ko ng tulong. Matalino si Ate at nangunguna palagi pagdating sa pag-aaral.
On top of all, Ate is beautiful. She has this chinita eyes and long eyelashes. Her eyebrows are perfectly trimmed naturally. She has a small and narrowed nose that would make you think that she is a foreigner. She has a high cheek bones that would be more visible if she would laugh. She also has a thin and pink lips. Her hair is shoulder length and in a golden brown color. Her skin tone is white as paper.
BS Pharmacy ang kurso ni Ate. Hindi ko alam kung gusto ba talaga niya ‘yon o napilitan lang siya dahil gusto nina Daddy. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ko na kinausap nila si Ate patungkol sa pagkokolehiyo nito.
“How’s your study so far?” Mommy asked while eyeing Ate.
Ate finished drinking her glass of water first before answering. “It’s fine, Mommy. Masaya naman po ako sa pag-aaral ko. Marami na rin po akong naging kaibigan lalo na nang tumuntong ako ng fourth year.”
Napatango naman si Mommy. “Good to hear that, Anak. Hindi naman mahirap mag-aral ng BS Pharmacy lalo na kung gusto mo talagang matuto. Isa pa, makatutulong din naman ‘yan sa ‘yo kapag nag-take ka na ng degree.” Tumango naman si Ate. Bumaling si Mommy kay Kuya. “How about you, Donovan?”
Napaurong tuloy ako ng upuan para makita ang reaksyon ni Kuya. Halata sa mukha niya na bored na siya at gusto niya na umalis dito sa bahay. Kung hindi lang siguro siya kinakausap ni Mommy, panigurado ay aalis na siya. Ayaw na ayaw pa naman ni Kuya na nahuhuli siya sa klase niya.
“Nothing’s new, hectic pa rin,” bored na sagot ni Kuya. Hindi ko naman maiwasang matawa sa isipan ko dahil kung si Daddy ang sinagot niya nang ganiyan ay makakatikim talaga siya ng kung anu-anong salita.
Donovan Acibar is the eldest child. 26 years old na siya. Sa aming magkakapatid ay si Kuya ang sa tingin ko na pinakatahimik. Hindi siya mahilig magsalita, lalo na kung hindi naman kinakailangan. Pero kapag pinagagalitan ako ni Papa, si Kuya palagi ang unang umaawat at nagtatanggol sa akin. Ang labas palagi ay kinukunsinti niya ako sa mga ginagawa ko. Mahilig din namang mang-asar si Kuya pero sa kanilang dalawa ni Ate ay si Ate ang palagi na nang-aasar sa akin. Matalino si Kuya at nangunguna sa klase noong nag-aaral pa lang siya ng BS Biology.
Kuya is no doubt a handsome guy. Hindi nalalayo ang itsura niya kay Ate ngunit mas maputi nga lang ang skin tone ni Ate sa kaniya. Kuya has a square jaw and whenever he would clench it, his jaw would be more defined. Makisig ang katawan ni Kuya samantalang curvy naman ang kay Ate. Mahilig kasing mag-gym si Kuya kapag weekends at kapag wala siyang masyadong ginagawa kaya maganda ang katawan niya.
Nagtapos na si Kuya sa kursong BS Biology bilang pre-med niya. Nagtapos siya bilang Suma c*m Laude ng kanilang batch. Nang dahil doon ay sobrang natuwa at naging proud ang mga magulang namin dahil nakikita na raw nila na si Kuya ang susunod sa yapak ni Daddy. Hindi naman kasi talaga maiiwasan na ikumpara si Kuya kay Daddy dahil nag-iisa lang siyang lalaki sa aming magkakapatid.
Sabi pa ng ibang kamag-anak namin na si Kuya raw ang pinakanagmana kay Daddy. Kung sa determinasyon at katalinuhan, masasabi kong tama sila. Pero kung sa pag-uugali at paniniwala, malayong-malayo sila sa isa’t isa.
Bigla namang napunta sa akin ang paningin ni Mommy. Hinihintay ko na magtanong siya kaya nagkatitigan kami.
“I don’t need to ask how’s your study going dahil sa nakikita ko pa lang ngayon ay palpak ka na,” lukot ang mukha na saad ni Mommy habang nasa akin pa rin ang paningin.
Naramdaman ko ang pagbara ng lalamunan ko dahilan upang mahirapan ako sa paglunok. Sabi ko nga, hindi naman ako naaapektuhan sa mga salitang ibinabato nila. Dumadaan lang ‘yon sa kanan kong tainga at lalabas sa kabila.
“Hayaan mo na lang si Mommy, Cy,” pagpapagaan ni Ate sa kalooban ko.
Naglalakad na kami ngayon papunta sa sakayan ng jeep. Limang minutong lakaran din ang gagawin namin bago makarating doon. Hindi kami nakatira sa village o sa subdivision ngunit madalang lang kasi ang dumadaan na tricycle rito kaya napipilitan na lang kaming maglakad patungo sa sakayan ng jeep.
Napailing ako. “Wala naman ‘yon sa ‘kin. Sanay na ako sa gano’n. Kung anong tingin sa ‘kin nina Mommy, bahala na sila. Hindi ko naman na rin mababago ‘yong perception nila tungkol sa ‘kin.” Nasa daanan lang ang paningin ko.
Saglit akong niyakap ni Ate sa balikat habang naglakakad kami. “Don’t think like that, Cy. Kahit pa sabihin mong masama na ang tingin nila sa ‘yo una pa lang, puwede mo pa rin namang baguhin ‘yon sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na makakapagpabago ng tingin nila sa ‘yo.” Sabay bitaw niya sa balikat ko.
Huminga ako nang malalim sabay buga. “Ate, hindi ko ugali na ipaliwanag ang sarili ko sa ibang tao. At saka sigurado ka bang may mangyayari kapag ginawa ko ‘yon? Hindi. Basta alam ko sa sarili ko na tama ako, ‘yon ang paniniwalaan ko.”
Nilingon ako ni Ate. “Pero hindi naman puwedeng palagi na lang ganiyan, Cy. Kapag nasa totoong mundo ka na, kung saan lalabas ka na sa apat na sulok ng silid ng classroom mo, masasabi mo sa sarili mo na “dapat pala ay natuto akong makisama noon sa ibang tao”. Mahirap kasi kapag nasanay ka na nang ganiyan, ‘yon bang wala kang ibang pakikialamanan kundi ang sarili mo lang. Mawawalan ka ng kakayahang makaramdam ng empathy. ”
Magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ni Kuya. “Everything is not as easy as what you think it is, Ariela. Kung sa tingin mo’y ‘yan ang dapat na gawin ni Decyrie, isipin mo rin kung gaano kahirap para sa kaniya na kumbinsihin ang ibang tao na baguhin ang pananaw tungkol sa kaniya. Hayaan mo na lang dahil mapapagod din naman ‘yan sina Daddy na palaging punain si Decyrie.”
Napabaling tuloy kami ni Ate kay Kuya. Nasa unahan lang ang kaniyang paningin habang ang isang kamay niya ay nasa loob ng bulsa ng kaniyang jeans. Hindi niya kami nilingon at nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Ate nang alisin niya ang paningin niya kay Kuya. Siguro nakonsesya si Ate na pinilit niya sa ‘kin ‘yong tingin niyang dapat kong gawin.
Hindi ko masisisi si Ate dahil alam ko naman na gusto lang niya akong mapabuti. Ang kaso, hindi ko naman mababago kung anong ugali ko. If people think that I am evil, I will just let them. Hindi naman kasi nila ako kilala nang lubusan kaya bakit ako magpapaapekto?
Sa mundong walang kasiguraduhan at puro “paaano”, hindi ko alam kung kailan ako matututo. Siguro, bukas. O baka hindi na. Pero kung ano man ang mga pagsubok na nakaabang sa akin, buong tapang ko ‘yon na paglalabanan.