It’s been a month since that unlikely night with Alexis happened. Mula noon ay lagi ko na siyang iniiwasan. Mabuti na lang at saktong nag-reshuffle na naman ang schedule namin. Opening shift dapat kami kaya lang nakiusap ako sa OM namin na kami na lang sa mid-shift. Nang sa gano’n ay hindi ako matiyempuhan ni Alexis sa labas ng building. Natuwa ako nang pinagbigyan naman ako ng boss, sabi pa niya ay sakto nga iyon sa team para may tagasalo ng queue dahil laging niyang ibinibida sa mga meetings na consistent na top one ang team ko. Kaya madalas din na pinagbibigyan ang mga request ko. I knew Alexis has been trying to reach out to me. Ilang beses ko na siyang nakitang tumatambay sa labas ng apartment tuwing hapon. Pero hindi na niya nagagawang ihatid at sunduin si Armea dahil nagkabalikan n

