NAUMID ang aking dila. Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Nanay. Naghahalo ang kaba at takot sa puso ko. Kahit ako ay nagulat sa nakita kong mga linya kanina at parang ayaw ko pang paniwalaan. I’m pregnant. Sunod-sunod akong napalunok. My eyes locked at the pregnancy test. Nagpabalik-balik naman ang mga mata ni Nanay sa PT at sa akin. “Bakit hindi ka makasagot? Yuri, tinatanong kita.” Hindi ko alam kung galit ba si Nanay o dala lang din ng pagkabigla pero seryoso ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Maging si Tita Adina na may hawak na DVD tape ay nakaawang sa akin. I tried to speak up, but my voice seemed to have escaped my throat. Kaya imbes na magsalita ay tanging tango lang ang naitugon ko. Pareho silang napasinghap. Natigilan lang kami nang biglang mag-ring ang cell

