bc

Begging for Attention

book_age4+
45
FOLLOW
1K
READ
family
submissive
student
drama
highschool
abuse
rejected
slice of life
like
intro-logo
Blurb

A teenager's letter to her mother.

'There are times na gusto ko na lang magpakamatay, na gusto ko na lang maglaho. Then I’ll imagine how will you react. What will be your reaction kapag namatay ako? Kapag bigla na lang umalis o pinaalis mo at hindi na, kailanman, bumalik pa? Malulungkot ka kaya? Iiyak at hahanapin ang bunso mo? Maghihinagpis sa mga pagkakataong nasayang na dapat ay masaya tayong magkasama? Hahanapin mo rin ba ‘yong pagmamahal ko? Nay, I love you. So much. But every time my train of thought ends, I will always end up imagining you cursing me for being stupid and selfish. Kasi nga kilala kita. You won’t be sad, instead, you’ll be angry at sisisihin ang iba imbes na ang sarili.'

chap-preview
Free preview
Entry #1
Nakakatampo. Anak mo ako pero pakiramdam ko, daig ko pa ‘yong nakitira lang sa bahay mo dahil sa pagtrato mo sa’kin. Madalang mo lang akong pansinin, I mean‒ madalang mo lang ako mapansin. Minsan lang tayo kumain ng sabay, tayong buong pamilya dahil madalas ay busy ka sa negosyo mo. Naiintindihan ko naman na para sa hinaharap namin ‘yang pagta-trabaho mo. Ang hindi ko maintindihan ay bakit sa sobrang pagta-trabaho mo, hindi mo na napapansin na unti-unti nang napapalayo sa’yo ‘yong dahilan kung bakit ka nagta-trabaho. Naalala ko n’ong bata ako, like other children, gusto kong matuwa ka sa’kin kaya nag-aral ako nang mabuti sa school, hanggang ngayon, but that seems still doesn’t enough. Because everytime I hand you my card for you to see my high grades, at para mapirmahan mo na rin, kailangan ko pang maghintay at maglimos ng kaonting panahon galing sa’yo. Ang sakit. Kasi tuwing kinakausap kita, laging nasa iba ang atensyon mo. Hindi mo rin ako naa-asikaso kaya laking-katulong ako. Hindi mo rin ako masisisi kung bakit tuwing may kasama tayo sa bahay ay mas napapalapit ako sa kanila kaysa sa’yo. Kaya nang tumuntong ako nang Grade 7 at nakita ko kung paano asikasuhan ng nanay niya ‘yong kaibigan ko, naiinggit ako. Sobra. Bunso siya, bunso rin naman ako. Kunsabagay, housewife lang naman ‘yong nanay niya habang may negosyo kang pinapatakbo. Pero hindi ko lang talaga maiwasan mainggit at hanapin ‘yong kalinga mong nagkukulang. Kaya n’on mo siguro napansin ang pagtahimik ko ng sobra sa bahay. Hindi na kita kinakausap, ibig kong sabihin‒ pinipilit kausapin tulad noon. Kung hindi mo ako papansinin at kakausapin, hindi rin kita papansinin at kakausapin. Napagkamalan mo pa nga ako n’ong may sira sa utak at sinisi mo pa ang private school na nilipatan ko, pero ‘yong sarili mo‒ hindi mo ba naisip na sisihin din? Kasi n’ong panahon na ‘yon, narealize ko kung gaano mo ako hindi… hindi naa-asikaso. Kulang nga lang siguro ako sa pansin. Kaya ‘yong pagkukulang na ‘yon, pinadaan ko sa mga materyal na mga bagay. Pero kulang pa rin. Kasi ikaw at ‘yong oras mo ang kailangan ko at hindi ‘yong mga masasakit na salitang sinasabi mo. Nakakainis. Nakakatampo. Ang sakit kasi, e. Nay, hindi mo naman ako kailangan murahin. Hindi mo naman kailangan magsabi ng mga masasakit na salita at sisihin ako sa mga bagay na hindi ko naman, kailanman, ginawa. Alam mo kung anong kailangan mo at kailangan ko? Ang bigyan mo ako ng oras na gustong-gusto ko pero ang hirap hingin sa’yo. Kahit kakarampot lang kada araw. Mag-usap naman tayo tungkol sa mga buhay natin. Kasi, Nay, ang dami kong gustong i-kwento pero tuwing susubukan ko ay hindi mo ako binibigyan ng pansin. Kailangan ko pa bang lumuhod sa harapan mo at magbayad ng ginto dahil literal na time is gold? H’wag kang mag-alala. I’ll give you all the gold in the world para lang ‘yang atensyon mong mas mahal pa yata sa buhay ko ay makuha ko. Kahit sandali lang. Kahit ilang minuto lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
182.7K
bc

Fight for my son's right

read
152.3K
bc

A night with Mr. CEO

read
177.7K
bc

That Night

read
1.1M
bc

Unwanted

read
532.1K
bc

Just A Taste (SPG)

read
930.3K
bc

Debt Exchange (Tagalog)

read
972.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook