Entry #2

555 Words
Nakakainggit. Kasi nakatira tayo sa ilalim ng iisang bubong, nakatira ako sa bahay mo. Pero bakit pakiramdam ko‒ ang layo natin sa isa’t isa? Buti pa ‘yong mga kapatid ko, na kahit nakabukod na at may sarili nang mga bahay ay mas madalas mo pa yatang kausapin kaysa sa’kin na ilang metro lang ‘yong layo sa’yo. Nay, hindi ko alam kung sinong may kasalanan… pero ‘yong loob ko, napakalayo na sa’yo. Mas malayo pa ‘yong loob ko kaysa sa bansang pinagta-trabuhan nina kuya. Bakit mo hinayaan na mapalayo ako sa’yo?  Umamin ka, kaya mo ba ako hindi pinapansin ay dahil wala pa akong naitutulong sa’yo financially? Dahil ba pabigat pa lang ako? Nay, huwag kang mag-alala kasi ‘yong una kong suweldo, sa’yo ko lahat ibibigay. Sila kuya kasi, may naiaabot na sa’yo kada buwan kaya tuwing umuuwi sila ay hindi ka magkanda-ugaga kaka-asikaso. Nakakasakit ka na. Hindi mo ba alam? Mapa-may-okasyon man o wala ay hindi ka pumapalyang saktan ako. Tulad n’on, New Year na New Year pero binigyan mo naman ako ng sama ng loob. Gusto mo bang badtrip ako buong taon? Bwisit ka. Sorry, Nay, hindi ko lang talaga mapigilan. Ang sakit na kasi, e. You always choose your business than spend time with us… with me. Don’t you love me? Am I not worthy of your time and love? I know that you aren’t perfect mother. Me, too‒ is not a perfect daughter. But please, can you be the best mother to me? And I’ll try to be the best daughter. Anak mo ako. Ina kita. Alam ng lahat ng nakapaligid sa’tin ‘yon. Pero ikaw ba, alam mo? Ang saklap naman kapag hindi. Kasi naman Nay, kilala na kita simula ng magka-isip ako. Ikaw ‘yong nanay kong kalianman ay hindi nakipaglaro sa’kin at ipinapasa sa kapatid ko ang responsibilidad na pag-aalaga sa’kin. It hurts everytime I reminisce my childhood, there is no you taking care of me, nor playing with me. All my childhood memories with you is always shouting and arguing. Ngayon, we barely talk. Hindi ko alam kung alin ang mas malala. Kilala mo ba ako? Kasi sabi nila, “Walang ibang mas nakakakilala sa’yo kundi ang sarili mong ina.” Kaya one time, tinanong kita: “Nay, anong paborito kong kulay?” Tanong ko, sinigurado kong maa-agaw ko ang atensyon mo. Matagal bago ka nakasagot. “Hindi.” Sagot mong bumasag sa puso ko. Seryoso ka, Nay? Bakit? Hindi ba halata ‘yong maliit na bagay na ‘yon tungkol sa’kin? Hindi mo ba napapansin ‘yong kulay ng mga gamit ko? N’ong mga damit ko? Pinigilan kong umiyak sa harapan mo. Baka hindi lang talaga kapansin-pansin, sabi ko sa sarili ko. So I gave another try. Tinanong ulit kita. “’Yong… ‘yong paborito kong ulam? Alam mo?” Basag ang boses kong tanong. Muli, matagal bago ka nakasagot. Muli, hindi mo na naman alam kung ano ang sagot. Umalis ako ng silid na may wasak na puso at lumuluhang mga mata. Ghad, Nay! Nanay ba talaga kita?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD