Entry #3

615 Words
There are times na gusto ko na lang magpakamatay, na gusto ko na lang maglaho. Then I’ll think how will you react. What will be your reaction kapag namatay ako? Kapag bigla na lang umalis o pinaalis mo at hindi na, kailanman, bumalik pa? Malulungkot ka kaya? Iiyak at hahanapin ang bunso mo? Maghihinagpis sa mga pagkakataong nasayang na dapat ay masaya tayong magkasama? Hahanapin mo rin ba ‘yong pagmamahal ko? Nay, I love you. So much. But everytime my train of thought ends, I will always end up imagining you cursing me for being stupid and selfish. Kasi nga kilala kita. You won’t be sad, instead, you’ll be angry at sisisihin ang iba imbes na ang sarili. One time, nang nakatulog sa sala at biglang nagising dahil sa ingay, narinig ko ang pag-uusap niyo ng kapatid ko. Nagku-kuwentuhan lang kayo until you said something that broke my heart. “Buti ka pa, pinapakinggan ako. ‘yong iba d’yan ni hindi ako kinakausap.” “Sino, Ma?” “Sino pa? E ‘di ‘yang natutulog.” Napalunok ako at pilit pinigilan ang hikbing kumakawala. Ako pa lang ang tulog sa bahay at ang tao sa sala. Nanatili akong nakapikit at nagkunwaring tulog kahit pa may luhang tumulo na galing sa mata ko. Napakagat ako sa labi. Nay, hindi kita kinakausap? Hindi kasi kita nakakausap kahit gusto kitang kausapin. Paano, e, lagi kang busy. Ni hindi mo man ako kayang tapunan ng tingin tuwing tinatawag kita. Nay, ilang taon kitang pinipilit kausapin ako para magkaroon tayo ng masayang conversation but you will always end up shouting me, and we will always end up arguing. Nagpatuloy ‘yon ng ilang taon hanggang sa sumuko na lang ako at hindi na lang kita kinausap. Bakit pa kita kakausapin kung ang laging ending ay nag-aaway tayo at ikaw na sinisermunan ako? Binuhos ko ‘yong oras ko sa school. Naging active ako sa academics at halos laging kasali sa mga academic contests at representative ng school sa ilang District competitions. Dahil dito kaya palaging nagagastos ko ‘yong allowance ko sa pagpunta sa iba’t ibang school. One time, nagkaroon ng National Youth Congress at ‘yong natitira kong pera ang ginamit ko para makapag-register. Sa araw ng seminar, humingi na ako ng baon sa’yo dahil wala akong pera. Pero as usual, ang hirap humingi ng pera sa’yo. Kahit ‘yong mga panahon na ‘yon active ‘yong isa mo pang negosyo, ang hirap mo pa rin hingan ng pera kahit para naman ‘to sa pangangailangan ko at hindi sa kagustuhan ko. Nagsisisi akong nasabi ko ang tungkol sa paghingi ko sa’yo ng extra pang allowance para sa seminar habang kumakain tayo, ‘yan tuloy. Habang kumakain at nakikinig sa masakit mong litanya ay pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko. Hindi ako nagsalita pagkasambit ko ng kailangan ko hindi tulad ng dati na ie-explain ko pa kung para sa’n ‘yong hinihingi ko. Hinayaan kitang magsalita kasi sa isip ko, hindi na lang ako pupunta sa seminar kahit pa mahal ang binayaran kong registration fee. Pagkatapos ng hapunan, binigyan mo ako ng limandaang piso. Hindi ako umimik at hindi ako nagreact lalo na nang sinabi mong ibalik ko ang sukli, Pagkabalik ko ng kuwarto, d’on pa lang ako umiyak habang nilulukot ko sa palad ko ‘yong perang hindi ko alam kung worth it ba sa sakit nararamdaman ko. Nay, I know that this five hundred pesos is higher than what you usually gave me but... money can’t mend my broken heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD