Entry #4

413 Words
N’ong Quiz Bee, isa ako sa mga naging representative. Nag-uusap kami ng mga kasama ko from different grade levels but we’re all from the same school. Napansin kong ang common namin lahat ay masipag kaming mag-aral. Nagtanong ‘yong mentor namin kung sino ang inspiration namin to study this hard.  They all answered: “Parents.” Tapos ngumiti sila. Hindi ako naka-imik. Sino nga ba ‘yong inspirasyon ko? Parents? Bullshit. Then I realize, para kanino nga pala kung bakit ako nag-aaral ng mabuti? None. Naisip ko: “Bahala na kung walang ibang tao na sumusuporta sa’kin. Alam ko naman na lahat ng pagsusunog ko ng kilay ay para sa sarili ko.” Selfish ba ‘ko? Hindi ko alam. Kasi kanino naman ako kukuha ng inspirasyon kung ‘yong sarili kong magulang ay hindi ako binibigyan ng atensyon? Hindi ko alam kung ‘eto ba ‘yong rason kung bakit namamanhid ako. Maraming sitwasyon na hindi ko alam kung ano ang mararamdaman at ano ang ire-react kasi in the first place, wala naman akong maramdaman. Hindi na rin ako nakakaramdam ng sobrang kasiyahan o kalungkutan. Dahil ba ‘to sa pagsasantabi sa labis sakit na nararamdaman ko na nagpamanhid sa puso ko? Kung gan’on nga… bakit napaka-iyakin ko pa rin pagdating sa’yo? Pagdating sa’yo, d’on ko nararmdaman ‘yong sobrang sakit. You break my heart every time you ignore me. You stab my heart every time you curse me at my face. You kill me every time I see you happy with my siblings but never with me. Wala akong narramdamang inggit o tampo sa kanila. Nay, sa’yo. Kasi sa’yo ako nagtatampo. Sorry nga pala, Nay, kung wala akong k’wentang kausap, a? Nasanay kasi akong tahimik lang at mag-isa sa sarili kong mundo. Sorry kasi tuwing ikaw ang unang kumakausap sa’kin nitong mga nakaraang buwan ay maiikli lang ang mga sagot ko at hindi na bumubuo pa ng isang sentence. Sorry kasi nag-sawa na ako at ayaw ko na sa mga mahahabang usapan na kasama ka. Kapag kasi nagtutuloy-tuloy ang usapan ay pupunain mo na naman ang kamalian kong hindi ko alam kung nag-e-exist ba at ang ending: away. Kaya bago pa magtuloy d’on ay tinatapos ko na. Aanhin ko naman ang kaonting kasiyahan na makausap ka kung ang bawat pagtatapos nito ay isang malaking sakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD