Entry #5/Entry #6

389 Words
Madalas mo na akong ngitian at kalamado na ang tono mo tuwing kinakausap ako, ‘iyon ‘yong mga napansin ko nitong mga nakaraang buwan. Dati ‘yon ‘yong pinapangarap ko. Ewan ko lang kung bakit ngayon ay wala na akong pakielam at malalamig na tingin ang isusukli ko sa’yo imbes na ngiti. Nawalan na ako ng gana sa’yo. Pero mahal pa rin kita, Nay. ‘Yan ‘yong tatandaan mo kahit hindi ko alam kung mahal mo rin ba ako. *** Tangina. Ang sakit. Ang sakit sakit tuwing minumura niyo ako. Tuwing pinagsasalitaan niyo ako ng masama. Bwisit ka.. Bwisit ka! Bwisit ka, Nay! ANG SAKIT! OO ALAM KO! ALAM KONG ANAK MO LANG AKO! PERO SA PALAGAY MO AY MABUTI ANG MAIDUDULOT KAPAG MINUMURA MO AKO?! NANG DAHIL SA’YO NATUTO AKONG MAGMURA, PUTA KA! PUTANGINA! Ang sakit talaga, e. Whenever those damned words left your mouth, you make the walls between us become thicker and another fresh wound leave my heart. Akala ko manhid na ako, e. Kasi wala na ako halos maramdaman. Pero kapag nagsalita ka na, you can always make me suffer the most excruciating pain kung saan akala ko sanay na ako. Pero bakit ako lumuluha? Bakit sa tuwing pinagpapatuloy ko ‘tong shoutout o kung ano pa mang tawag dito ay may mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko? Bakit na lang ba palagi akong umiiyak? Masakit kapag palagi mong inuuna ang ibang bagay kaysa sa ‘kin na anak mo. Nang dahil sa ‘yo ay nababawasan ‘yong pagpapahalaga ko sa sarili ko, kung meron pa ba. I was once full of joy. But now… I don’t know. I. DO. NOT. f*****g. KNOW. Nakakainis na para maprotektahan ko ‘yong sarili ko mula sa emotional pain na ipinaparanas mo sa’kin, I had to build walls and make my own bubble. Pero pagkabukas pa lamang ng bibig mo ay nababasag lahat ng depensa ko at lagi akong umuuwing luhaan. That’s why sometimes, I don’t talk to you to the point na iniiwasan kita kapag kinakausap mo ako. DAMN. I feel so worthless and selfish everytime I write in here. Napaka wala kong kwenta. Nakakainis.  Bakit gan’to? Bakit gan’yan ka? Bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD