Entry #7

302 Words
Ayokong masanay na pinagsasalitaan mo ‘ko ng masama. Ayokong masanay. Kasi kapag nasanay ako, masasanay na rin ako sa sakit. Nay, ayokong masanay na nasasaktan. ‘Eto ka na naman. Sa iba ka may galit pero sa’kin mo na naman binabaling? Bakit ba lagi na lang ako ang pinagbabalingan ng galit dito sa bahay? Akal aba nila, hindi ako nasasaktan? Sinisikap ko nan g**g magpaka-invisible, e. ‘Yong tipong hindi mo namamalayan kasama mo pala ako pero pakiramdam mo, wala. Okay na sa’kin ‘yong ‘di mo ‘ko pinapansin kaysa pinapansin mo nga ‘ko, sinasaktan mo naman ‘yong damdamin ko. Dahil nga diyan sa galit mong ‘di naman para sa’kin, nadamay ‘yong future kong pinagsisikapan kong pagandahin. Imbes na matuloy ‘yong plano kong makapag-aral sa magandang eskwelahan sa pamamagitan ng pagkuha ng scholarship, bigla mo na sinabi na sa tabi-tabi na lang ako mag-aral. NAY, HINDI MO BA NAISIP NA KAYA KO D’ON GUSTO MAG-ARAL KASI MAS MAGANDA ANG KALIDAD NG EDUKASYON D’ON? KAPAG DOON AKO NAG-ARAL, MAS LALAKI ANG TSANSANG MAKAKAPASA AKO SA PINAPANGARAP KONG UNIBERSIDAD SA MAYNILA? Bakit, Nay? Ayaw mo ba akong makapag-aral sa magandang eskwelahan? Ayaw mo ba ‘kong makapasok sa unibersidad na matatalino lang ang nakakapasa? Ayaw mo ba ‘kong magtapos sa isang magandang paaralan? Kung gusto mo… Bakit kung makapagsalita ka ay kulang na lang ay pahintuin mo ako sa pag-aaral? Bakit kulang na lang ay palayasin mo ‘ko sa pamamahay mo? Na parang baliwala lang sa’yo kung mawala ako? Talaga bang okay lang kahit mamatay ako? Tangina! ‘Wag na lang kaya ako mag-aral?! Mag-asawa na lang kaya ako ka’gad?! ‘Yon naman yata ‘yong gusto mo, e!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD