CHAPTER 15 3rd Person Pov. 6:30 ng umaga ay nagsalo- salo sila ng kanilang almusal. Nasabi na din ni Pocky sa kanyang mga magulang ang tungkol kay Lenon. Shempre hindi kasali ang tungkol sa pagkakamali niyang pagpasok sa kwanto nito at doon pa siya natulog na magkatabi sila. “Papano mo anak nakilala kagabi si Mr. Sylvester? Hindi ba't magkakasama tayo?” Tanong ng kanyang Mommy. “Ah, eh.. Noong papabalik na po ako dapat sa aking kwarto ay nabunggo ko siya dahil nahihilo na po ako kaya nakayuko na lang po akong naglalakad.” Pagpapalusot nito. “O, tapos? Paano kayo nakapag usap?” Tanong pa nito kay Pocky. “Na-namukhaan po namin ang isa't-isa Mommy, kaya po medyo nagkwentuhan pa po kami sa may mga upuan doon po sa gilid ng Resto.” Detalyadong pagpapaliwanag nito. “Tapos manliligaw na si

